Kabanata 16
Kabanata 16
Gamitan
Kinagat ko ang labi ko at tinulak si Brandon. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Bahagya siyang napaatras at tiningnan akong mabuti. I want to shout at him! I want to be mad at him! For making my knees tremble in desire and at the same time for making me so pissed right now!
Tinagilid niya ang ulo niya. Pinigilan ko ang sarili kong magsalita ng masama. This is just a game, alright? This is just a game, Avon. We need to get our shit together and stop involving your feelings here.
"Naghihintay na si Arielle." Sinubukan kong maging mahinahon.
"Ipapakilala kita sa kanya. She'll say sorry to you, Av." Sabi ni Brandon sabay tingin sa aking sugat.
"No way." Mabilis kong sagot.
Sa pagkunot ng kanyang noo ay agad kong napagtanto kung ano ang maidudulot ng pagpapakilala niya sa akin kay Arielle. "Come on. I want her to say sorry to you." Sabay higit niya sa akin.
Hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam kung tama bang sumunod ako. Nagpadala ako sa higit ni Brandon.
Lumabas kami ng opisina ko. Tinitingnan kami ni Ria at ng ibang mga naroon na mukhang may alam na sa nangyari kagabi. Arielle's just there sitting and drinking a cup of tea. Nagtaas siya ng kilay nang nakita ako at ngumiti. Bulag na lang ang mag iisip na tunay ang kanyang ngiti. That was one sarcastic smile.
"Say sorry to Avon, Arielle. Tingnan mo ang ginawa mo sa kanya," matigas na sinabi ni Brandon, itinuturing na parang bata si Arielle.
"Look at what she's done to my hair, Brandon."
Matalim na tinitigan ni Brandon si Arielle. Natigil naman siya sa kanyang sinasabi. I suddenly want to murder her right now but I know better.
"I'm sorry. I didn't mean that. I was exhausted an all..." Mahinahong sinabi ni Arielle habang tinitingnan ang kanyang tasa ng tsaa. I don't believe her. Ang kalmot na nasa braso ko ay hindi niya sinadya? Dalawang linya ang dumugo kagabi at mahapdi parin ito ngayon.
"Arielle's my friend, Avon. This is Aurora Veronica, Arielle." Nilingon ni Brandon si Arielle.
Hell I won't shake hands with her. Mabuti at di rin siya nag lahad. Nakita ko ang matalim na titig ni Arielle na agad nagbago nang nilingon siya ulit ni Brandon.
"I'm sorry for the wrong first impressions. I'm just quite possessive of Brandon kaya ganon." She smiled.
Umigting ang panga ko. Possessive? Bakit ka magiging possessive sa kanya? Kayo ba? Napansin ko ang titig ni Brandon sa akin. Hindi ko maiwaksi ang nanunuot na galit sa aking sistema. I'm not the best actress but I'm still a good one. I flashed a fake smile.
Nag iwas agad ng tingin si Arielle sa akin. Nakataas ang kanyang kilay, dinudungaw ang kanyang tea at ang cheese cake na nasa harap niya.
Nilingon ako ni Brandon. Hindi naman ako makatingin sa kanya. Nanatili ang titig ko sa ingratang gustong gusto kong sabunutan. Calm down, Avon. We'll buy our time.
Kitang kita ko ang pag siko niya sa tasa ng tsaa na ininuman niya kanina. Umalingawngaw ang porselanan nang tumama sa sahig ng Clubhouse.
"Oopps!" Gulat pa ang mukha niya.
Nilingon siya ni Brandon. Yumuko kaagad si Arielle at natangahan ako nang nagsimulang magpulot ng bubog. I would love to see blood in her fingers. And, ah, lo and behold!
"Aray!" Pumikit siya ng mariin nang dumugo ang kanyang daliri dahil sa pagkakahawak ng bubog.
"Arielle!" Sabi ni Brandon at tiningnan ang kanyang daliri.
Tumayo si Arielle at malambing na pinakitaan si Brandon ng kanyang dumudugong daliri.
"Mahapdi, Brandon." Tinig naiipit na pusa ang lumabas sa kanyang bibig.
"Bakit mo kasi hinawakan? Jose..." Brandon called.
Sumulyap pa siya sa akin. Nilingon ko kaagad si Jose at nag tawag na rin.
"Sir?" Tanong ni Jose.
"Linisin mo 'yan, Jose." Utos ko habang si Brandon ay abala sa pagtingin ng sugat ni Arielle.
Bumabaliktad ang sikmura ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Hindi ko alam kung nandidiri ako o naiirita. The slut and the manwhore. I need to get a grip of myself, kung hindi ay mababalewala ang lahat ng pinaghirapan ko dito.
"It hurts, Brandon." Sabi ni Arielle.
"I'll take you to the clinic. Avon, pwede mo ba akong samahan?" Nilingon ako ni Brandon.
I tried my best not to roll my eyes. Ang liit niyang sugat! Mas malaki pa itong sa akin pero kung maka asta si Arielle ay parang mamamatay na siya. If I was Avon Pascual right now, I'd punch Brandon straight in the face and I'll never see him again. But then, I know better, alright. Pinaghirapan ko ito. I won't let my feelings ruin everything.
"We have betadine and cotton on my office. May first aid kit doon. Maliit na sugat lang iyan."
Tumalim ang titig ni Arielle sa akin. Mabilis ang kanyang hininga habang tinitingnan ako ngunit nang nilingon siya ni Brandon ay pumungay ang mga mata nito. It was like she's scared to let Brandon see her true expressions.
"Ganon ba? Pwede nating gamutin iyan dito. I'll get some, Avon," sabi ni Brandon.
"Brandon, don't leave me." Tangis ni Arielle na para bang saan pupunta ang kanyang prinsipe.
I rolled my eyes. But of course the kind me will offer. "Ako na ang kukuha."
"Arielle, saglit lang naman. Don't over react." Iritadong sinabi ni Brandon.
Hindi ko na siya hinintay. Tinalikuran ko na sila at halos padabog na nilakad ang distansya patungo sa opisina. Naabot ko kaagad ang first aid kit at kumuha ng bulak at betadine doon. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Brandon.
"I'm sorry." He told me.
"Ayos lang." Inilahad ko sa kanya ang betadine at bulak. "Gagamutin mo na?"
Ngumiwi siya. "Baka mas magaling kang manggamot kesa sa akin. You might want to take charge."
Umigting ang bagang ko. Why not? Right? Babalatan ko ang sugat ng inggratang iyon. "Brandon, given our first impressions, you can't expect that we're now close sa isang sorry lang." Ugh! I still couldn't make it all the way.
Kinagat ni Brandon ang kanyang labi. "Will you help me, then? I just want the two of you to be okay." He pleaded.
Tumango ako at di na siya tiningnan.
God magpapalechon ako pag natapos na ang lahat ng ito. Gustong gusto ko nang mangalmot ng tao.
Pinipisil ni Arielle ang kanyang daliri para dumugo ito. Kung hindi lang siya tanga ay sana hindi na lumaki ang sugat. Her sophisticated look contradicts her child-like behavior.
Nilagyan ko ng Betadine ang bulak. Nakita iyon ni Arielle at imbes na ako ang panoorin niya dahil inunudnod ko ito sa kanyang maliit na sugat ay kay Brandon ang paningin niya.
"You need to go back to Manila, Arielle. After breakfast." Mariing sinabi ni Brandon.
"I cannot drive, Brandon. May sugat ako." Sabi ni Arielle.
Grabeng lakas ang kinailangan ko para pigilan ang sarili kong manapak ng babae. Ang liit lang nitong sugat niya, a!
"Malayo 'yan sa bituka. And besides, have you seen Avon's wound? Mas malaki pa iyon diyan!" Matigas na sinabi ni Brandon.
Hinawakan ko ang daliri ni Arielle at agad nilapatan ng Betadine ang kakarampot niyang sugat. She cried and overreacted. Binawi niya pa ang kamay niya sa akin. Natigilan ako at tinitigan siya. Anong ka cheapan ito kumpara sa class ni mommy? I couldn't believe my dad!
"Ang sakit!" Matalim akong tinitigan ni Arielle.
"Mas masakit iyong sugat ko kahapon. This is Betadine. Alcohol ang ginamit ko kagabi kaya I'm sure, wala sa kalahati ang sakit nito."
Ngumuso si Brandon sa sinabi ko. "Come on, Arielle." Halos pagod niyang sambit.
"And you don't want me to stay here, Brandon? What's your problem?" Tumayo si Arielle. Nagulat ako sa biglaan niyang pagkakairita. "Hindi ka naman ganito noon. Ngayon ay halos ipagtabuyan mo na ako!?"
"Well that's because you shouldn't be here, Arielle. Hindi ba ay dapat nasa-"
"I hate you! I hate you!" Binalewala niya ang sinabi ni Brandon at mabilis na nagmartsa palabas ng Clubhouse.
Brandon groaned. Minasahe niya ang sentido niya at pumikit ng mariin. Nilingon niya ako na nakatayo lang doon at nanonood sa kanya.
"I'll settle this. I'll be back." Aniya. "I'm sorry." Mariin siyang pumikit.
Tiningnan ko lang siya. Go, Brandon. I don't care.
"Avon..." Dumilat siya at tinagilid ang ulo.
"What?" Nagtaas ako ng kilay pagkat hindi parin naman siya umaalis ngayon kahit na sinabi niyang aalis siya.
"I am asking for your permission. Would you let me?"
Ikinagulat ko ang tanong niya. "Bakit naman kita pagbabawalan? Go, then." nag iwas ako ng tingin.
"I'll be back." He assured me pero hindi na ako nangarap.
Arielle is a needy sophisticated girl. Kababata siya ni Brandon at hindi ko na alam ang mga detalye bukod doon.
"Madalas ba siya dito?" Tanong ko kay Ria at nagkunwaring hindi naman ganon ka interesado. Why didn't I think about this before? Pu pwede naman pala akong mag tanong sa kapwa empleyado.
"Hindi po, ma'am. Hindi rin naman kasi madalas si Mr. Rockwell dito. Milagro nga na halos dito siya nanirahan sa buwan na 'to. Siguro dahil sa inyo." Ria smiled.
As if I'd be affected. I've given up the thought. Mabulaklak ang labi ni Brandon and his god like features will entice any girl but the devil will always look attractive for the prey. Ganyan niya nabibihag ang mga babaeng tulad ni Angelina. Ganyan siya mang kuha ng loob. Tinaguriang playboy silang magpinsan kaya hindi na ako magtataka. And I will put to shame my playboy cousins if I'll be hooked with one. "Anong apelyido niya, Ria?"
Ngumuso si Ria, nag iisip. "Hindi ko po alam, ma'am. Hindi naman iyon miyembro dito tsaka... hindi po siya madalas dito."
This is frustrating! "Ano kaya ang trabaho non? You think she's a model too?"
Umiling si Ria. "Hindi yata, ma'am."
"Bakit mo nasabi?" Tanong ko.
"Madalas nakakatrabaho ni Sir Brandon 'yong mga sikat. Doon yata siya close sa mga sikat na model. E, hindi naman iyon sikat."
Batayan nito, umiling ako. "Malay mo. Magkaibigan sila noon pa at napag iwanan lang si Arielle kaya hindi sumikat." I laughed at the thought.
Napasarap yata ang kwentuhan namin kaya naghapon na at tsaka ko pa lang namalayan na kakarating lang ni Brandon. He looked pissed the moment he entered the Clubhouse. Ibinalita pa iyon ni Ria sa akin na para bang hindi ko siya nakikita.
"Si Brandon, ma'am."
Nagpupunas ako non ng counter dahil kumain ako ng salad kanina habang nag kukwentuhan kami ni Ria. Iyon ang pinag tuunan ng pansin ko ngunit nagtungo doon si Brandon sa counter kaya hindi ko na rin naiwasan. Bakit ko iiwasan? I so wanted this. I wanted to be in his world, to know the facts about that bitch.
"Hello, Miss Pascual." Bati ni Brandon kahit na kanina lang ay medyo iritado ang kanyang mukha. "I would like to make it up to you later. Pwede bang mamasyal tayo after your work. I promise I'll bring a jacket para hindi ka lamigin. I can of course hug you but..."
Nagtaas ako ng tingin sa hindi niya tinapos na mga salita. Sure. That would be a good time to ask questions about Arielle. At pag hindi pa siya kumanta ay makikita niya. "Saan naman tayo? Baka may bigla na namang sumulpot at mangalmot, ha."
His eyes hardened. "Papa Manila na si Arielle. Hinatid ko siya sa tinutuluyang rest house ni mommy dito sa Tagaytay. Ganon na talaga siya. It's so hard to keep up with her sometimes."
"I can see that." Nag iwas ako ng tingin. "Mukha namang ayaw niya pang bumalik ng Maynila. Bakit mo siya tinaboy?" Well, I feel good na wala na iyong bruhang iyon dito but at the same time kailangan ko ng impormasyon! Dammit! This is long overdue!
"Bakit ko siya tinaboy? Wow, Aurora Veronica! Hindi na ako makapaniwalang nilapitan mo siya kanina nong nagkasugat siya kasi alam kong iritado ka sa kanya. I only want you near her because I want her to say sorry, that's all. And now you want her around? Itinaboy ko siya dahil alam kong hindi kayo magkakasundo." Lumapit si Brandon sa akin.
"Wala akong sinabi na gusto kong nandito siya. I'm just wondering why you want her out of this land everytime."
Hinawakan niya ang braso kong may namumula paring sugat. Napatingin ako sa kanya. His eyes is dizzying. I need to be conscious, here. Hindi ko pwedeng hayaan ang sarili kong makulong sa kanyang titig.
"I want people who can hurt you... out of this land, Avon." Yumuko siya at dinampian ng marahang halik ang aking sugat. "I'll be going to jail if this happens again."
Hinabol ko ang hininga ko habang tinitingnan siyang seryoso ang tingin habang hinahaplos ang sugat ko. No, Aurora Veronica Rama Pascual. Gamitan ito. You can't take that sample of paradise. That is not for you. That is hell in disguise. If you fall for that endless pit, you can never get out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top