Kabanata 14
Kabanata 14
Stay
Halos nagwawala na ako sa cellphone ko habang pabalik balik na tinitingnan ang mga damit kong naroon sa loob ng aking kabinet.
Pagkatapos ng ilang araw na pagtatrabaho at pagpapahinga ko ay medyo nawala na iyong flu ko. Ngayong wala na ay niyaya ako ni Brandon na mag late dinner sa Peak. I only have one hour to find something to wear and my friends are already nagging me.
"Girl, ang mabuti pa ay bilisan mo na diyan. Find the best way to make Brandon spit out the information! Akala ko ba ay matinik ka sa lalaki?" Hamon ni Jessica habang kumakain ng isang malaking potato chips.
"Matinik sa lalaki? Matinik, really?" Tumawa ako habang nangangalkal parin ng damit.
"Admit it, Aurora. You are falling for that Adonis. In love ka na sa kanya-"
"Oh don't make me laugh now, Adrian. I've been with another Adonis my entire life, and I never fell for you." Sabi ko at sumulyap sa screen kung nasaan siya. His jaw clenching hard, mas lalong na depina ang kanyang facial scruff.
"Oh! Thank you for that." He chuckled. "Pero iba iyong ngayon. You know for a fact that even this Adonis is attracted to that Adonis of yours."
Nalaglag ang panga ko at umalingawngaw ang tawa ni Jessica sa kabilang screen. "You like Brandon?" Tanong ko.
Nagkibit balikat si Adrian. "Well, A. He's got long hair. I like it. And his body? Dios Mio."
"What the heck?" Umiling ako at nakahanap ng isang puting dress na pwede kong maisuot sa aming dinner.
"Magnificent! That's a nice dress!" Puri ni Adrian.
"Teka lang! Sandali lang!" Tawa ni Jessica. "Di pa ako tapos sa part na gusto mo rin si Brandon, Adrian."
Habang tumatawa sila ay panay naman ang problema ko sa pag papalit ng damit at pag aayos. Any minute now, Brandon's going to be outside. Hindi ko nga lang alam kung paano ko iyon malalaman. Kailangan ko bang dumungaw sa bintana o aakyatin niya ba ako dito?
Habang nag mi-make up ako ay nagkakamustahan si Jessica at Adrian. Nagtanong pa sakin si Jess kung kailan ako babalik sa Cebu.
"Next month, siguro." Sabi ko ng wala sa sarili.
Napatalon ako nang narinig ang isang kalabog ng pintuan sa labas. Mabilis kong nilapitan ang cellphone ko.
"He's here! Bye!" Sabi ko at pinatay na iyong tawag nilang dalawa.
Mabilis kong dinampot ang aking itim na purse at nilagay sa balikat ko ang chains nito. Brandon's been here for three straight days simula noong nagkasakit ako. Hindi ko nga alam kung may plano ba iyong bumalik ng Manila. Nawala na ang mga bisita ng Highlands ay narito parin siya.
Inayos ko ang sarili ko at pagkalabas sa pintuan ay nakasalubong ko siya sa corridor. Tumatawa pa siya at mukhang nakipag usap sa mga taong nasa baba. Now I wonder what they are going to say after they see us together this time. Ilang beses ko nang naabutan si Ria na nakikipag usap sa ilang tsismosang waiter sa Clubhouse ng tungkol sa amin ni Brandon.
Matama niya akong tinitigan nang nagkasalubong kami. He's wearing a dark blue pants and a black long sleeved sweater. Nakapusod ang buhok niya ngunit may kaunting tumatakas roon and I'm not a sucker for long hair but I find it damn attractive.
"Good evening! Finally feeling fine? You look better when you're not sick." Tumawa siya.
Ngumuso ako. "Nambobola ka na naman. Let's just go. Nagugutom na ako."
Nilagpasan ko siya kahit na ginagala niya pa ang tingin niya sa akin. I told myself that I am going to tolerate his jokes and naughtiness. Hindi naman naging masama ang araw-araw niyang pagiging tambay sa Clubhouse habang nag tatrabaho ako. Though his usual naughty commentaries are always getting under my skin, mas natotolerate ko na siya ngayon.
Nahirapan pa akong mag isip nang naririnig ko ang mumunting tawa niya habang pababa kami at pinagtitinginan ng mga taong nasa living room ng dorm.
"Why are you laughing?" Iritasyon sa boses ko ay nangibabaw.
Nasa harap na kami ng sasakyan niya. Agad niya itong binuksan.
"Ang arte ng mukha mo habang nilalagpasan natin 'yong mga babae. You know, they are talking about us nong paakyat ako sa room mo pero nong nakita ka na nila, parang natatakot na silang magsalita."
Nilingon ko ang staffhouse. "That's not my problem. Kung gusto nila akong pag usapan, no ones stopping them."
He chuckled again. Ngayon medyo marahang pumikit habang nilalapitan ako. "God, I like your kind of witt."
Umismid ako sa sinabi niya. Mabilis siyang naglahad ng kamay, amused parin sa tinging ipinupukol ko sa bawat taong nagpapairita sa akin. Isang impertinenteng bolerong may pamatay na ngiti! Great God!
"I said let's go. Gutom na ako." Nag iwas ako ng tingin.
"I know right. Let's go." Natatawa parin siyang tumugon sa utos ko.
Nakatingin ako sa labas habang mabagal ang byahe namin sa Peak. Hindi maulap ang langit ngayon di tulad nong mga nakaraang araw. Billion of stars are seen on the sky. I can't take my eyes off them.
"Gusto mong mag stargazing?" He suddenly broke into my thoughts. "Pwede tayong mag picnic sa may equestrian site."
Nilingon ko si Brandon at ngiti ang ibinaling niya sa akin. "That's nice but it's late. Alas diez na ng gabi at mag aalas onse."
Tumango siya. "Maaga ka nga pala bukas. Kailan ba ang susunod na rest day mo? Uuwi ka ba ng Maynila?"
Tumango ako. "Baka. I've not seen my dad since I got here. I hope to see him." Sabi ko.
"Gusto mo sabay na tayong pumunta?" Anyaya niya.
"Pupunta ka ring Maynila?" Tanong ko. "Akala ko di ka na babalik don? Sa makalawa ang rest day ko."
"Then umuwi tayo sa makalawa. And we'll go back here together too," aniya.
Ngumiwi ako sa suggestion niya. Was he serious?
"And aside from being with your dad, ano pa ba ang gagawin mo sa Manila?" Nakatingin parin siya sa daanan at malapit na kami sa Peak.
"I don't know? Visit my friends? I missed them." Sabi ko.
Ngumiwi siya. "Friends? Saan naman kayo gagala?"
Kumunot ang noo ko. Kulang na lang ay sabihin niyang sasama siya, a? "I still don't know yet, Brandon. Depende sa mga kaibigan ko. And besides, bitin iyon dahil konting oras lang naman ang rest day ko, mauubos pa sa byahe."
Ngumisi siya at pinark ang kanyang sasakyan. "Still, I want to know, okay?"
Tumango ako at nagkatitigan kaming dalawa ng saglit. Binawi ko ang titig ko pagkat nabalisa ako sa nangyari.
Pagkapasok namin sa Peak ay may ilang mga matang napatingin kaagad sa amin. Naglahad ng table for two ang waiter at agad kaming iginiya doon. Nararamdaman ko ang bahagyang pag hawak ng kamay ni Brandon sa baywang ko. Nilingon ko siya at naabutan kong hinawakan niya ang labi niya at nagkunwaring walang nangyari kahit natatawa.
"What?" Medyo natatawa niyang sinabi.
Umiling ako at naglakad para makarating sa mesa. Inayos niya ang silya tsaka ako umupo doon. Umupo rin siya kasunod ko.
Binigyan kami ng menu at abala si Brandon sa pag oorder nang sinabi kong siya ang bahala. Ginala ko ang mata ko sa mga taong naroon. The foreigners were having fun. Nag iinuman na at nagtatawanan. May isang buong pamilya ng mga chinese naman sa kabilang table na tahimik habang kumakain.
"So can you name your friends?" Pinagsalikop ni Brandon sa harap ang kanyang mga daliri pagkatapos umalis ng waiter.
"Huh? Bakit?"
"Baka lang kasi may common friends tayo. You know." Nagkibit balikat siya.
"That's impossible." Hilaw ang tawa ko. Natatakot akong magtanong niya sa mga common friends namin, kung meron man. Mamaya ay malaman pa niya kung ano nga ang sadya ko dito.
Parang may malamig na kamay ang humawak sa tiyan ko nang naisip na malalaman ni Brandon kung ano talaga ang sadya ko dito.
"Come on. Let me see if we have some common friends." Nagtaas siya ng kilay.
Shit! I need to be vague! Tama! Ganon na lang!
"I have model na friends din kaya di malabong magka common friends tayo. You know, Tyrone? Iyong recent cover ng isang Men's Magazine? Tyrone Lastimosa, he's one of my best buds in college."
Umigting ang bagang ni Brandon sa sinabi ko. Kumunot din ang noo niya. "Tyrone Lastimosa?" Ulit niya.
Tumango ako. At least Tyrone didn't know about this thing. Magtanong man siya kay Tyrone, walang maisasagot iyon kundi ang pagiging mabuting tao ko.
"Why suddenly a male friend as an example?" Nanliit ang mata ni Brandon.
"Oh? Because I think you know each other. Pareho kayong sikat na sa modeling industry."
Hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Nanliliit parin ang mata niya. "Gaano kayo ka close ni Tyrone? You said you two are best buds." Nanunuri ang tanong niya.
"I have male best buds. Even one of my best friends is a guy. Si Adrian Fernando. He's also a model."
Nilalapag ng waiter ang mga order namin at nanatiling nanliliit ang mga mata ni Brandon na para bang may kung ano sa sinasabi ko.
"All of your examples are males. Wala ka bang female friend? I mean, bakit si Tyrone ang example mo sa tanong ko? May kung ano ba sa inyong dalawa?" Seryoso niyang tanong.
Nalaglag ang panga ko. "Wala. Wala pa akong naging boyfriend. Ano ka ba?" Uminom ako ng tubig at nag iwas ng tingin.
Hinawakan niya ang baba ko at hinanap niya ang tingin ko.
"Avon..." He demanded.
"Wala nga. Brandon." Umirap ako. "At isa pa, so what kung anong meron? Hindi naman tayo."
Ngumuso siya at binaba ang kamay. "Well, siguraduhin mo sana na pag naging tayo ay wala ka nang unfinished business sa mga lalaking nabanggit mo."
Ngumiwi ako. "Ang assuming mo naman! You're not my type. I hate multi millionaire boys with long hair." Nagtaas ako ng kilay.
He chuckled. "You want me poor and bald, then?"
Nagpigil ako ng ngiti. Uminit ang pisngi ko habang naiisip ang sinasabi niya.
"Then I'll shave my head and transfer all my money on your account, how is that?"
Tumawa ako. "Nababaliw ka na! I hate bald guys too. At isa pa, hindi ako bayaran. I have my own money. I don't need any more."
Sa kalagitnaan ng tawanan at kainan namin ay namataan ko ang isang babaeng nakaponytail ang mahabang buhok. Naka itim na long sleeved dress at may kulay brown na scarf ito. Pagkapasok niya sa restaurant ay nilingon siya kahit ng mga foreigners. Arielle's aura screamed of sophistication and beauty. Hindi ko halos malunok ang kinakain ko.
"What is it?" Tanong ni Brandon nang nakita ang paninitig ko sa kanyang likod.
Luminga linga si Arielle na parang may hinahanap sa paligid. Lumingon si Brandon sa likod ko sa pagtataka kung sino iyong tinitingnan ko.
Imbes na titigan ko si Arielle ay napatingin ako sa padarag na pagkakatayo ni Brandon. Nagulat siya dahilan ng pag dating ni Arielle.
"Brandon!" Ngisi ni Arielle nang namataan siya.
Bumaba ang tingin ni Arielle sa akin habang papalapit siya kay Brandon. Ang ngiting sinalida kanina ay unti unting napalitan ng simangot.
Hinawakan ni Arielle ang magkabilang pisngi ni Brandon. Napalunok ako habang pinagmamasdan ko iyon. I don't know how to react. She's here! My dad's mistress! Gusto ko siyang sabunutan ngunit hindi ako makagalaw habang pinagmamasdan ko silang dalawa ni Brandon.
Hinawakan ni Brandon ang kamay ni Arielle at binaba niya ang mga ito.
"What are you doing here, Arielle?"
Lungkot ang ipinakita ni Arielle sa kanyang mga mata habang tinititigan si Brandon. "Of course, I'm here cuz I missed you. Ang tagal mo nang hindi bumalik sa Manila." Tumagilid ang ulo ni Arielle.
Milagro at hindi niya ako sinigawan ngayon!?
"Arielle, go home." Marahang sinabi ni Brandon.
Kinagat ko ang labi ko at hindi ko alam kung ano pa ang significance ng presensya ko dito.
"I won't!" Medyo tumigas ang boses ni Arielle. "I'll stay on your villa, Brandon. I missed you." Malambing niyang sinabi habang hinahaplos ang umiigting na panga ni Brandon.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Arielle. And with Brandon's silence, I knew he'd say yes. Fuck! Hindi ba iyon ang gusto ko? Ang narito si Arielle at nang sa ganon ay malaman ko nga kung ano talaga ang tunay na relasyon nila ni daddy? Malaman ko ang kanyang background at lahat ng katangahan sa buhay?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top