Kabanata 13

Kabanata 13

Kasi

Kahit na nagpupumiglas ako ay nagawa niya parin akong marahang inilapag sa kanyang itim na kama. Bumangon ako kahit na ang sakit sakit ng ulo ko.

"What are you planning, Brandon?" Banta ko sabay turo sa kanya.

"What?" Kumunot ang noo niya. "Matulog ka riyan at ipagluluto kita." Tinalikuran niya ako at sinarado ang pintuan.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto.

"Brandon!" Sigaw ko kahit na hindi gumagalaw sa pagkakaupo sa kama. "Brandon!"

Walang sumagot kaya imbes na ulitin ay pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto niya. This can't be one of the guestrooms. Malaki ang closet nito at may ilang sapatos akong nakita sa gilid. May laptop na nakapatay doon sa kanyang desk. Agad kong nilingon ang pintuan at nanliit ang mata ko sa laptop.

His laptop might be the answer! or his cellphone.

Tumayo ako kahit na masakit ang ulo ko. Dahil nasa kanya ang kanyang cellphone, ang laptop lang ang mapag didiskitahan ko ngayon. I locked the door, in case he'll suddenly check on me.

Pagkatapos ay binuksan ko ang Macbook na naroon. Napapikit ako nang sinalubong ako ng username at password! Damn it! It's locked!

"Avon?" I heard him outside.

Mabilis ko iyong pinilit na patayin. Lumakas ang pintig ng puso ko at nataranta na. Nang umitim ang screen nito ay inunlock ko ang pintuan pagkatapos ay mabilis na humiga sa kama.

"Hmmm?" Nag kunwari akong natutulog.

Hinigit ko ang kumot at tinabunan ko ang katawan ko hanggang leeg at pinikit ko ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko sa mga biglaan kong kilos! Nahihilo ako. Mabuti na lang at nakahiga na ako kaya hindi na ako masyadong namroblema.

Bumukas ang pintuan. "Are you allergic to shrimp or any seafoods?" Si Brandon.

"Hindi." Malumanay kong sinabi.

"Alright. Magluluto ako ng seafood soup. Just sleep there, 'kay?" Malambing niyang sinabi at nilapitan ako.

Nakapikit ako at pinilit kong kumalma.

"Okay." Sabi ko.

Naramdaman ko ang init ng kamay niya sa noo ko. May kinuha siya sa drawer ko at bahagya akong dumilat para tingnan na digital thermometer iyon.

"Magtatawag din ako ng doktor to run some tests-"

"Huh?" Napadilat ako. "Tests? Flu lang ito, Brandon. Kagabi kasi diba, nilamig ako. Nasabuyan ako ng tubig kaya no need."

Ngumiwi siya. "Ako ang mag dedesisyon niyan."

Umiling ako at pumikit na lang ulit.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Gumising na lang ako na medyo mabigat ang pakiramdam at gumagaan na ang ulo. Napatalon ako nang hindi ko naalala kung nasaan ako. White walls, black bed and furnitures... nang nakita ko ang laptop na nilapitan kanina ay tsaka ko pa lang naaalala kung nasaan ako. This is Brandon's villa.

Sa gilid ko ay may nakita akong isang puting longsleeve polo. Nakapatong doon ang thermometer na may nakalagay na 38.3 na temperature. Kumunot ang noo ko at nagtaka kung nasaan si Brandon. Tumayo ako at naramdaman na kaya mabigat ang katawan ko ay dahil suot ko ang aking corporate uniform nong natulog ako.

Ang itim na blouse ko ay halos nalapirot sa pagkakahiga ko siguro kanina. Ganon din ang itim na pencil cut skirt ko. Nilapitan ko ang pintuan at nilock iyon tsaka ako nag hubad ng skirt, revealing my cycling shorts. Hinubad ko rin ang aking blouse at mabilis kong sinuot iyong longsleeves na nakalagay sa kama. Nakita kong may boxers din doon pero binalewala ko na iyon. My cycling shorts is fine. Mas magaan sa pakiramdam itong suot ko. But then is it right to just wear these in Brandon's house?

Nilingon ko ang laptop na naroon sa kanyang desk. Kailangan kong makisama sa kanya. I know I've been to hard on him, pero para mapadali ito ay kailangan kong kontrolin ang sarili ko at ang aking mga nararamdaman. I need to be more considerate. Makikisama ako sa kanya. My goal is to force him to spit out the information about Arielle. Kung hindi ko man siya mapapaamin gamit ang kanyang bibig ay ang kanyang gadgets ang pagdidiskitahan ko.

Binuksan ko ang pintuan at agad bumalot sa akin ang amoy ng seafood kung saan. Ah! Damn! Napagtanto kong gutom nga pala ako.

"No, Hugo. You can't make me go there. Just find another model instead. Busy ako ngayon. I told you-" I heard Brandon's voice.

Nilingon ko ang nakabukas na double doors patungo sa veranda ng kanyang villa. Naroon siya, topless, his maong hanging low showing his lower back and probably adonis belt. Naka half ponytail ang kanyang buhok habang ang kanyang cellphone ay nasa tainga.

"Nasa Tagaytay-" Aniya. "Just find another model. I'm not sure kung kailan ako makakabalik. Whatever you say..."

Sinarado ko ang pintuan dahilan kung bakit napalingon siya sa loob. Kinagat ko ang labi ko nang nagkatinginan kami. I know he's a model but I've never seen a body this perfect at all! Nahihiya si Adonis sa ganda ng katawan niya. His abs looked like they were sculpted by Michaelangelo. His pecs were perfect! Nag dasal na lang ako na sana huwag akong mukhang tanga habang nakatingin sa kanyang katawan.

Ngumisi si Brandon kahit nasa cellphone pa lang siya. Uminit ng husto ang pisngi ko. I knew it! Mukha nga akong tanga! Hindi na kinaya ng dasal ko!

"Bye. I'll call you soon." Sabi niya sabay baba niya sa kanyang cellphone.

"Uhm..." Nag iwas ako ng tingin. "Sinuot ko ang damit mo-"

"Yes. Nilagay ko 'yan doon para suotin mo." Ginala niya ang mata niya pababa sa akin.

Pinaglapit ko ang dalawa kong paa. Nakapaa na lang ako ngayon at bigla akong nakaramdam ng hiya.

"I bet you're hungry. Pinagluto kita." Aniya at namataan ko ang orasan na ala una na pala ng hapon.

Ibig sabihin halos tatlong oras yata akong nakatulog? Sipon at kaonting sakit ng ulo parin ang naramdaman ko. Inayos ko ang buhok ko. Now, I'm suddenly self conscious. Baka mukha akong aswang sa buhok kong magulo.

"Bed hair?" Ngisi niya. "It's actually hot as hell on you, Av. Shall we eat?" Ngisi niya at pumasok sa loob.

Naglahad siya ng kamay patungo sa kitchen counter. Hindi niya na ako nilapitan. Dumiretso na siya doon. Dahan dahan din akong naglakad para sumunod sa kanya. Easy, Avon! Kailangan nating makisama.

Inayos niya ang high chair pagkatapos ay kumuha siya ng pitcher ng juice sa loob ng double doors na ref. May mga placemat at kubyertos na sa harap ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko habang kinukuha niya ang baso ko para magsalin ng juice.

"You should drink lots of water, you know. May mga meds na rin ako diyan para sayo. Inumin mo 'yan pagkatapos nating kumain and you may rest inside my room again." Matama niya akong tinitingnan habang sinasabi ang mga iyon.

Umiling ako. "Thanks but I can't stay here. Pwede naman ako sa dorm."

"Magtatalo pa ba tayo riyan hanggang ngayon? I can take care of you here, Av. Mas maayos dito." Sabi ni Brandon.

Sumimsim ako sa baso ng tubig sa harapan ko habang umuupo siya sa high chair. Halos masamid ako sa pag inom ko nang medyo natitigan ko ang kanyang katawan.

"Oopps! Ayos lang ba sa'yo 'to? Or?" Hindi niya na tinuloy at agad na siyang tumayo para abutin ang isang itim na t shirt sa malapit.

Sinuot niya agad iyon.

"No! No! It's okay, Brandon." Sabi ko, umiinit na naman ang pisngi.

He smirked. "Let's just eat?" Sabay tingin niya sa soup at salad, buffalo wings at iba pang side dishes na niluto niya.

"So... you cook?" Tanong ko habang nilalagyan niya ng soup ang bowl ko.

"Yup. Kailangan iyon." Nagtaas siya ng kilay. "Do you?"

"Oo naman. Pero hindi ako nagluluto ng soup or kahit anong medyo mas mahirap gawin. Fried and all lang."

Ngumiwi siya at tumango.

Oh! Wala siyang sinabi? Ayaw niya siguro sa babaeng hindi marunong magluto?

"Sa condo ko kasi mag isa lang ako kaya madalas ay ako ang nagluluto at naglilinis. Sa bahay namin sa Cebu, may cook at mga katulong kami." Sabi ko.

Tumango siya. "I've never been to Cebu. Doon ka ba lumaki?"

Tumango din ako. "Yup. College ako nong nag Manila dahil narito ang Enderun. Sa Cebu ako pinanganak at hanggang High School. Ikaw?"

"Made and born in Los Angeles. Sa Manila ako nag gradeschool at sa L.A. naman nag highschool. Dito ulit ako nag college. I took up Multimedia Arts." Ngumisi siya at nagsimulang kumain.

Tinikman ko ang soup at hindi ko maipagkakailang masarap ito. Does he cook for his girls? I don't know if they care about food but ang swerte pag naging boyfriend itong si Brandon kasi nagluluto. But then, sa part lang na iyon ka maswerte dahil paniguradong maghihinagpis ka sa pagiging babaero ng isang ito. I remembered the way that girl sucked all of him. Shit! Pinilig ko ang ulo ko para maiwala ko iyon sa utak ko.

"You okay?" Tanong niya, kumukunot ang ulo.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili. "M-May trabaho ka pala dapat? Bakit di mo sinipot? I'm sorry, narinig ko 'yong nasa cellphone ka."

"'Yon ba? Wala 'yon. I told Hugo... 'yong publicist or assisstant nong manager ko na hindi ako makakapunta para sa isang shoot ngayon."

"Bakit?" Tanong ko.

"I'm busy." Hindi niya ako tiningnan.

"Busy about what?" Napatingin ako sa paligid. Malay ko may tinatrabaho pala siya dito.

"Just busy." Aniya sabay ngiti.

"May tinatrabaho ka ba dito sa Highlands?" Tanong ko. Anniversary nga naman at halos abala ang lahat sa pag gagala ng mga bisita sa kung saan saang parte ng Highlands.

"Wala." Nagkibit balikat siya.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ka ba pumunta dahil nahassle kita sa sakit ko?"

He smirked again. "Don't worry about it, Av. Hindi ako na hassle at isa pa, kung pinlano ko talaga na siputin 'yong shoot ay sana kagabi pa nasa Manila na ako."

Ngumiwi ako at nagpatuloy na lang sa pagkain. Oo nga naman. Hindi naman siya sobrang nag aalala sa akin para lang wag siputin ang isang importanteng shoot. Why am I suddenly like this?

Tumunog ang kanyang cellphone na nakalagay sa gilid ng kanyang pinggan. Namataan ko kung kaninong pangalan ang nag flash sa screen. Arielle. It was her again. Kumuyom ang bagang ko at binaba ko ang tingin ko sa pagkain. He cancelled the call like it was nothing. Uminom siya ng tubig at nagtama ang tingin namin.

Gusto kong magtanong o makipagtalo sa kanya ngunit hindi kakayanin ng sakit ng ulo ko ngayon.

Nagpakabusog na lang ako sa soup. Pagkatapos kumain ay hindi ko na siya matingnan. Hindi ko alam kung magliligpit ba ako o ano. Nakatitig siya sa akin na para bang pinapanood ang bawat ekspresyon ko. Nang nakitang nagligpit ako ng baso at pinggan ay agad siyang tumayo.

"Let me do that. You can rest in my room, Av. Really." Mariin niyang sinabi.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Okay." Sabay baba ko sa pinggan at baso.

Hindi ko na siya tiningnang muli. Hindi na rin ako nakipagtalo. Basta'y dumiretso na lang din ako sa kwarto niya at nag lock ng pintuan. My head is throbbing and I want a good sleep. Sana ay makapag pasalamat ako sa kanya pagkagising ko mamaya.

Who am I kidding? Pagkahiga ko sa kama ay naisip ko na baka tinawagan niya na si Arielle ngayon. Na baka pinutol niya ang tawag ni Arielle kanina ay dahil may pag uusapan silang hindi ko pwedeng marinig o hindi ko pwedeng usisain! I could just eavesdrop you know. Kung sana ay hindi lang pumipintig ang ulo ko sa sakit at tumutulo ang sipon ko ay ginawa ko na. But I'm sick as hell, I can't execute my plans properly when I'm like this.

Nagising ako na madilim na sa kwarto. Napagtanto kong tinulugan ko na lang ang lahat ng tanong ko. Medyo pawis ako kahit sa aircon. Hudyat na medyo mabuti buti na ang pakiramdam ko. Tumayo ako at agad na nag bihis nong uniform ko. Gabi na at kailangan ko nang umuwi sa dorm.

Iniwan ko ang longsleeve sa kanyang kama at dahan dahang binuksan ang pintuan para makalabas.

Nakita ko ang paglingon niya nang binuksan ko ang pintuan. Nanonood siya ng TV nang datnan ko at agad siyang tumayo, pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Kanina pa ako kumakatok, I got worried. But then, naisip ko baka tulog ka kaya hindi ko na rin pinilit." Sabi niya at dumiretso sa akin. "Are you okay?" Dumampi ang kanyang palad sa aking ulo.

"I'm fine." Wala sa sariling hinawi ko ang kanyang kamay.

Avon, makikisama tayo!

"I-I'm fine." Sinabi ko ulit, ngumingiti.

"Uhm, mag dinner tayo sa Peak? Or sa Clubhouse? I'm sure you're hungry."

Ngumisi ako at umiling. "Ayos lang, Brandon. Uuwi na muna ako. Masyado na kitang inabala. Marami akong kailangang gawin."

Tinikom niya ang bibig niya at tumango.

"Thanks for accommodating me here." Hindi ko maiwasan ang pait sa pagkakasabi ko nito. Hindi ko alam kung bakit.

"Hindi mo ako inaabala. But I won't force you. Kanina pa kita pinipilit. Baka isipin mo namimilit na ako ng husto sayo. I'm glad you're fine, Avon. If you let me, I can drive you to your dorm," aniya.

Tipid akong ngumiti. I'm not sure kung nakikisama ba ako o talagang may halong pait sa mga kilos ko. "No, thanks. Papara lang ako ng van. You should rest. I've been using your room the whole day. Hindi ka na nakapagpahinga."

Umigting ang panga niya. Saglit ay akala koy hindi siya papayag ngunit tumango siya. "Alright. Ako na ang papara ng van." Sabi niya sabay labas na doon sa kanyang villa.

Nagbara ang lalamunan ko. Sumunod rin ako sa kanya nang biglang tumunog ulit ang kanyang cellphone. Ngumuso ako at nag isip na hindi kaya ay si Arielle na naman iyon? Tumitig muna siya roon bago nag desisyon na sagutin.

"What is it?" Iyon ang unang sinabi niya. "Wala nga ako. Just... whatever, loser. Sige na." Sabi niya at binaba ang phone. Bumaling siya sa akin. "I'm sorry about that."

"Ayos lang." Sabi ko at nilingon ang kalsada para sa van na wala pa doon.

"Tumatawag mga pinsan ko." Sabi niya.

Tumango ako. Mga pinsan? Did he mean Rage Del Fierro? At sino pa ba? MGA pinsan. Marami. "Dami mo palang pinsan." How come he didn't introduce me to them? Not even to Rage Del Fierro. Well, bakit ako ipapakilala?

FUCK!

Tingin sa kanya Aurora Veronica! Wag mo akong dramahan! Bumaling ako kay Brandon at nakakunot ang kanyang noo na nakatitig sa akin. Para akong napaso. Hindi ko siya matingnan ng diretso.

He didn't introduce me because I'm just one of his passing girls. 'Yong nandito ngayon, wala na bukas. Kaya hindi na kailangan pang pagtuonan ng pansin. And I expect this bitterness is because of my recent sickness.

"Tatlo lang kami." He said.

Tumango ako. "Oh."

"You sure you don't want to have dinner?" Tanong niya.

Ngumisi ako at umiling. I'd rather not have dinner with him. Kasi...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: