Kabanata 10
Warning: Medyo SPG
--------------------------
Kabanata 10
Oh My Gosh
The party's a blur to me. Siguro ay dahil sa pagod sa byahe at sa pag iisip ay mabilis akong natamaan ng shots. Sa sasakyan ni Anton ay nakatulog na ako. Binuhat na lang yata ako ni Adrian patungo sa aking kwarto ng madaling araw. Nagising ako na tanghali na dahil sa pag ri-ring ng cellphone ko.
"Hello." Kinusot ko ang mata ko.
"Are you coming over or what? I'm leaving, Avon. Sa loob ng limang oras."
Halos binalikwas ko ang kumot ko sa pagmamadali. Kahit na ang sakit sakit pa ng ulo ko ay mabilis akong naligo, nagbihis, at kumain para pumunta lang sa condo unit ni Adrian kung nasaan naroon din ang ilan pa naming kaibigan.
"I'm gonna miss you." Sabay yakap ko kay Adrian.
Tumili pa ang iilang kaibigan namin at pinagkanulo kami sa isa't-isa. Kumindat pa si Yves, isa sa mga kaibigan namin. Kaming dalawa lang yata ni Jessica ang talagang nakakaalam sa tungkol kay Adrian.
"Sagutin mo na kasi." tukso ng iilan pang mga kaibigan namin.
Ngumiti lang ako at nagkunwaring may ugnayan nga kaming dalawa ni Adrian. Inakbayan naman ako ni Adrian ng nakangiti at nagawa pang bumulong.
"Mahusay kang artista, Aurora. Why don't your try it with Brandon?" He smirked.
Umiling na lang ako at naisip na ba-byahe na nga pala ako ngayong gabi pabalik sa Tagaytay. Wala pa nga ay naho-homesick na ako.
Kwentuhan at kung anu-ano pang biruan ang ginawa namin sa condo unit ni Adrian. Pagkatapos ay nagdesisyon ang iba na magpaalam na dahil sa mga gagawin nila. Humihikab ako at nakipag kasundo kay Jessica na ihahatid namin si Adrian ngayon sa NAIA. Pagkatapos ay uuwi na ako sa condo para mag impake ng iilang damit pandagdag sa naroon na sa dorm bago ako tutulak ng Tagaytay.
Tulog ako sa byaheng pa Tagaytay. Iniisip ko ang mga bilin ni Adrian at Jessica na wag masyadong maging matigas kay Brandon. I know it's my nature. But if I want something this bad, I'll forget about my nature. This time, it will all be lies.
"Welcome back, Miss Aurora Pascual! Kabado po kami baka di ka na bumalik," ngisi ng nasa hall ng dorm pagkabalik ko.
"Bakit mo naman nasabi?" Ngisi ko.
"Tawag nang tawag si Mr. Romualdo. Bukas na kasi 'yong anniversary at inaasahan kang isa sa mag manage sa kitchen, hindi ba? Kaya ayon, kabado sila."
Umiling ako. "Kung di ako bumalik, marami namang pamalit. Marami silang managers dito."
Pagkarating sa kwarto ay abala ako sa pag aarrange ng gamit na mga bago. Pagkatapos ng ginawa ay tumawag agad ako kay mommy para mangumusta. Nalaman kong naroon kina tita siya sa gabing ito dahil birthday ng pinsan kong si CJ. Inanyayahan din siyang doon na matulog.
"Avon, you're mom's feels better when she's not alone. Hindi parin ba natatapos ang kaso ng dad mo?" Tanong ni tita Alexandria sa akin.
"Hindi parin po yata. I don't know tita. Bibisita na rin po siguro ako ng Cavite the next time na magkaroon ako ng rest day para makita si tito o di kaya ay si daddy. He doesn't call me everyday anymore. The last time he called, we had a row," nanginig ang boses ko.
Inubos ko ang gabing iyon sa pag aalala sa pamilya ko. Nakatulog ako na may pangamba parin. Naisip ko tuloy kung kailan ito mapapawi o kung mapapawi pa kaya ito? May lamat na ang relasyon namin ni daddy. Ayaw ko mang taniman ng galit ay nagagawa ko nang hindi sinasadya.
"Kamusta ang Manila, ma'am Avon?" Tanong ni Ria nang nakarating ako sa Clubhouse kinabukasan.
"Ayos lang, Ria. Nagkitaan kami ng mga kaibigan ko." Pinasadahan ko ng tingin ang Clubhouse at biglang sumagi sa utak ko kung nandito ba si Brandon.
"Busy tayo ngayon dahil sa anniversary. Anong oras ka pupuntang Country Club, ma'am?"
"Siguro mamayang mga alas tres. Iyon ang bilin ni Mr. Romualdo sa akin para makatulong ako sa gagawing paghahanda. Pati na rin sa conference center." Lumilinga parin ako.
Luminga rin si Ria dahil sa ginawa ko. Napansin ko iyon kaya tinigil ko ang ginawa ko. Pagkatigil ko ay nalaglag ang panga ni Ria. "Ayan na si Mr. Rockwell. Ang tagal din niyang hindi napadpad dito sa Highlands, a?"
Mabilis ang ulo kong nilingon ang pintuan. Nakangising Brandon ang bumungad sa akin. Nakatali ang kanyang buhok at ang puting t shirt at khaki shorts ay magandang tingnan sa kanya kung hindi lang siya nakaakbay sa isang babaeng malalim ang mga mata, pulang pula ang labi, at matangos ang ilong. She was hot as hell. Her curves highlighted by her white skimpy dress. Napalunok ako. Ang ngiting hindi ko namalaya na labi ko ay unti unting napawi.
"Girlfriend niya, ma'am?" Usisa ni Ria.
"Ewan ko. Hindi kami close, Ria." Sabi ko habang pinapanood silang umuupo sa isang mesang pangdalawahan.
Mabilis na tinawag ni Brandon si Jose para sa kanyang order. Hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nagtatawanan parin hanggang ngayon. Nanlalamig ang sistema ko at hindi ako mapakali.
"I'd like two shots of vodka, please." Sabi ng isang turista sa kay Ria.
"Ako na, Ria." Sabi ko, pinipilit ang sarili na magkaroon ng mapagkakaabalahan kesa sa manood sa dalawang nagtatawanan sa kanilang mesa.
May narinig akong nabasag sa dulong bahagi ng Clubhouse. Nagkatinginan lang kami ni Jose at agad na siyang dumalo doon. Isang batang nasa dalawang taong gulang ang nakabasag ng isang baso.
"Asan si Jay?" Tanong ko kay Ria nang napansin na tatlo lang ang available na waiter. Ang isa ay si Jose, ang isa ay nasa isang malaking pamilya, at ang pangatlo ay nasa grupo ng mga hapon. "Kulang tayo ng dalawa, a?"
"Ma'am, nasa Country Club. Naroon na kasi ang mga bisita kaya baka daw magkulang sila ng waiter."
Tumango ako at tumikhim. Nakita kong nililingon ni Brandon si Jose na abala pa sa pagpupunas ng sahig.
Lecheng buhay. I can actually just leave them alone here and stay inside my office. Ngunit nang nakita kong may iilan pang bisitang dumating ay hindi ko na sila pwedeng pabayaan. We lack manpower. Ngayon pa ba ako titiklop? No!
"What's your order, Mr. Rockwell." Ngiti ko habang tinitingnan ang order form.
Kumunot ang noo ni Brandon sa akin. "Where's your waiter?"
"Busy si Jose. Busy kaming lahat. I am available. Do you mind if I take your order?"
Umiling si Brandon. "No. What's yours, Angelina?" Malambing na sinabi ni Brandon sa kasama.
"I'd like some pancakes and butter, Brandon." Tumingala si Angelina sa akin at kitang kita ko ang taas ng kanyang eyelashes. Hindi nagtagal ang tingin ko.
"Drinks?" Tanong ko sa malamig na tono.
"Water. What's yours, Brandon?"
"I'd like some pancakes too. At coffee, Miss Pascual." Pormal na sinabi ni Brandon sa akin.
"Anything else?" Sabay tuldok ko sa order form.
"That's all." Seryosong titig ni Brandon sa akin.
"Alright," tinalikuran ko kaagad siya. Nilagay ko sa counter ang order form at pinakawalan ang hiningang hindi pa naibubuga. Damn it!
Habang ginagawa ang order nila at nasa may counter ako ay namamataan ko ang paghaharutan ng dalawa. Kitang kita ko sa ilalim ng mesa ang kamay ni Angelina na nakahawak sa hita ni Brandon at pinipisil pisil pa ito. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang computer na nasa harap. Hindi ko nga lang maiwasan ang pagsulyap sa kanilang dalawa tuwi tuwina.
Dinala ni Jose ang order ng dalawa. Nilingon ako ni Brandon at nag iwas agad ako ng tingin.
"Sa opisina lang ako, Ria. Tawagin mo ako pag may problema." Sabi ko at dumiretso na sa loob ng aking opisina.
Ginulo ko ang buhok ko nang nasa loob na. Bumalik siya na may kasamang iba? Bakit hindi na lang iyong Arielle ang isama niya? Dapat ay sana iyon na lang para may impormasyon akong makuha. Bakit ito pa?
Ilang oras ako sa loob. Nagawa ko pang umidlip habang na fu-frustrate sa mga nangyayari. Liar! Ang sinabi niya ay hindi siya basta bastang nagpapapasok ng babae sa kanyang villa? Wag mong sabihin sa akin na sa labas lang ang babaeng iyan?
Pagkalabas ko ay wala na roon si Brandon. Mas lalo lang akong nag ngitngit sa galit. So where are they now? Sa golf course? Nag ho-horse back riding? Sa Sports Center?
"Ayos ka lang, ma'am?" usisa ni Ria.
"Yup, Ria. Kakain na ako. Aalis na ako pagkatapos mananghalian. Tinawagan ako ni Mr. Romualdo na kailangan ako sa Country Club. Pinapapunta niya rin ako sa staff house at sa conference room." Sabi ko.
Tumango si Ria.
Suminghap ako at ginawa na ang mga dapat gawin. Pagkatapos ng lahat ay pumara ako ng van at nagpahatid sa conference hall. Naisip kong mamaya na dadaan sa staffhouse para makapag bihis na rin ng damit para sa party.
Sa conference room ay kasama ko ang mga managers ng Highlands. Pinag usapan namin ang security ng mga bisita, accessibility ng mga pagkain, 'yong mga mag uusher, ang tamang manpower na gagamitin, decorations na ginagawa na sa ngayon, at kung anu-ano pa.
Naisip kong malaking event nga itong mangyayari ngayon. Sa kalagitnaan ng pag uusap ay dumating si Madame Diana para marinig ang mga sasabihin ng general manager.
Tango ako nang tango nang may biglang bumulong kay madame na naka tuxedo. Tumango si madame at nanatili ang titig sa presentation. Ipinagkibit balikat ko iyon ngunit nang bigla niya akong tinawag ay halos napatalon ako.
"Miss Pascual. Excuse me, Mr. Romualdo. For a while." Sabi ni madame at bumaling sa akin.
Tumayo agad ako at lumapit sa kanya. Nagtataka kung bakit ako tinawag.
"I forgot my phone. It's on my desk sa Highlands Inn. Can I please ask you to get it? My body guards are busy outside and I trust you." Ngisi niya.
"Of course, madame! Sure. Pero hindi ko po alam ang suite number niyo."
"I'll give you my card. It's Suite number 206." Ngisi ni Madame. "Continue," aniya sa kay Mr. Romualdo.
Agad naman akong tumulak patungo sa Highlands Inn. Mabuti na lang at sa harap lang ito ng conference hall kaya hindi na ako nahirapan. Ilang lakad lang ang ginawa ko doon.
Pagkaakyat sa Inn ay agad akong dumiretso sa kung nasaan ang suite ni Madame. Binuksan ko iyon at nagulat ako sa lawak nito kahit simple ang mga muwebles. So? They are housing their guests here? Siguro iyong guests na hindi miyembro. Kasi kung miyembro ka ay nasa mga villas ka nila. Nahanap ko kaagad sa desk ang iPhone ni madame. Iningatan ko ito at sinarado na ang pinto ng kanyang suite.
Naglakad agad ako patungo sa elevator nang bigla kong narinig ang pamilyar na pangalan.
"Brandon..." hushed by a very small voice.
Natigil ako sa paglalakad. Luminga linga ako sa mga pintuan at nakita kong may isang pintuan doon na hindi tuluyang naka lock. Nasa suite number 201 ito. May kalayuan kay madame at mas malapit sa elevator.
And Brandon? I'm sure siya lang ang may pangalang ganon sa buong Highlands.
Wala na akong narinig ulit. Inisip kong guni guni ko lang iyon ngunit nang narinig ko ang lambing ng daing ay tumindig ang balahibo ko. Ayaw ko mang gawin ay nilapitan ko ang pintuang bukas at pinagkasya ko ang mata ko sa konting liwanag na magpapakita sa akin sa loob.
Nanlaki ang mata ko nang nakita kung anong meron!
It was Brandon sitting on a bed, naked! God had created a majestic creature, indeed. Hindi ba ito si Adonis? His toned muscles damp! Matikas ang kanyang braso dahil sa pagkakahawak sa kama habang ang dalawang hita ay naka bahagi!
Napasinghap ako nang nakita kung sino ang nakaluhod sa harap niya! And what is she doing? I am a virgin but not a saint!
"Oh my gosh!" Bulong ko.
Pabalik balik ang ulo niya habang si Brandon ay nakapikit at nakatingala. Sarap na sarap sa ginagawa ng date niyang si Angelina!
I am not sure if I want them to know that I am here or what! But when his eyes opened and found mine, halos lumundag ang puso ko at mabilis akong tumakbo palayo doon!
Holy mother of shit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top