1

A/N: 'Wag niyo na munang pansinin ang mga grammatical errors dahil lutang ako ng sinusulat ko 'to.

Saskia

-

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo at nakatutula sa kawalan. I just woke up and my body feels weak because of what happened last night. I gave my virginity to a stranger. Pakiramdam ko ay isa akong bayarang babae dahil sa pagbato niya sa mukha ko ng pera bago niya lisanin ang kwartong nakasaksi kung gaano kami naging maharot kagabi.

Ilang oras na simula nang makaalis ang lalaking nakatalik ko ngunit sariwa pa rin sa isip ang nangyari sa 'min. Isa-isa kong pinulot ang damit kong nagkalat sa sahig at paika-ikang naglakad papasok ng banyo. Malaking salamin ang bumungad sa 'kin pagpasok, i saw how I looked, miserable.

Siguradong makakarating ang pangyayaring 'to kay Daddy, hindi imposible 'yon dahil kasama ko ang kapatid ko bago ako napadpad sa kwartong 'to. Pakiramdam ko, ako pa ang magiging masama sa huli dahil sinamahan ko ang prinsesa niyang uminom. Hindi maayos ang relasyon ko sa ama ko tapos dadagdagan ko pa ang galit nito sa 'kin.

Kailangan kong ihanda ang sarili ko dahil alam kong panibagong sakit na naman ang matatamo ko. Malinaw sa 'kin na hindi niya ako tanggap bilang anak niya dahil isa akong pagkakamali, pagkakamali nilang dalawa ng nanay ko.

Pinili ko na lang maglinis kaysa magdrama dahil wala namang patutunguhan 'to kung iiyak pa 'ko. Mabagal ang naging kills ko dahil sa pananakit ng katawan lalong-lalo na ang gitnang bahagi ko. Uminit ang pisngi ko nang maalala ko kung gaano kalaki ang halimaw na umatake sa 'kin kagabi.

Paika-ika akong lumabas ng kwarto at bumungad sa 'kin ang mahabang hallway. Napamura na lang ako dahil siguradonh mahihirapan ako sa paglalakad tapos nasa second floor pa ako nitong bar.

Tinuon ko ang palad ko sa pader at sa mga nadadaanan kong pinto habang naglalakad. Malapit na ako sa hagdan nang biglang bumukas ang panghuling pinto na malapit sa hagdan.

Lumabas ang isang lalaking may dalang tray na may lamang dalawang baso at isang mukhang mamahaling alak. Nagulat ito nang makita ako at napayuko. Kung makapagreact naman 'to, akala mo si kamatayan na yung nakita.

Lalagpasan ko sana siya ngunit hinawakan ako nito sa braso. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Anong problema nito?

"P-pwede po ba kitang makausap?"

"Tungkol saan?" Tanong ko.

"Tungkol sa nangyari sayo kagabi." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano namang pakialam niya sa nangyari sa 'kin? hindi ko nga siya kilala. Anong pangyayari ang tinutukoy niya?

Tinalikuran niya ako at pumasok ulit sa kwartong nilabasan niya. Kahit nagtataka ay sumunod ako sa kaniya. Ibinaba niya sa maliit na lamesa ang hawak niya at sinenyasan akong umupo sa kama.

"Y-yung nangyari po sa inyo kagabi, kung bakit nagising ka na may kasamang ibang lalaki." Yumuko siya na tila nahihiya. Ano ba? Kilala niya yung kasama ko kagabi? Hindi ko na matandaan ang pangalan nung lalaking nakatalik ko kagabi.

"Anong tungkol do'n?" Masungit na tanong ko. Naiinip ako ang dami niyang paligoy-ligoy hindi na lang diretsuhin ang sasabihin. Isa pa, kailangan kong kumain para mabawi yung lakas ko.

"May nag-utos po sa 'kin na lagyan ng gamot ang inumin niyo. Isang klaseng gamot na nakakapagpainit ng katawan." Napapatitig ako sa kawalan matapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon. Sino namang gagawa sa 'kin non? Bakit niya kailangan gawin?

Tinignan ko siya nang masama, "Sino? Sinong nag-utos sayo?!"

"P-Pasensya na po, malaki po kasi ang ibinayad niya sa 'king pera. Kailangan na kailangan ko po 'yon para sa pagpapaopera ng kapatid ko. S-Sarelia po ang pangalan." Ramdam ko ang kaba niya sa salitang binitawan pero mababakas naman ang pagkaseryoso nito. Nanikip ang dibdib ko, ang kapatid ko ang may kagagawan nito. Binigay ko sa isang lalaking hindi ko naman lubusang kilala ang pinakinaiingatan kong pagkababae.

Kailangan ko siyang makauspa upang malaman kung anong dahilan niya. Maganda ang trato ko sa kaniya kahit inggit na inggit ako sa pagtrato sa kaniya ni Daddy. Hindi ko lubos maisip na ang kapatid ko mismo ang gagawa ng ikakasira ko.

Hindi ko napigilang mapaiyak dahil sa nalaman ko, sobrang sakit ng dibdib ko dahil para akong sinaksak patalikod.

May tatanggap pa ba sa 'kin kung malaman nilang hindi na ako birhen? Nadungisan na ang pagkababae ko na dapat sa mapapangasawa ko nakalaan.

Malalim akong huminga bago umalis sa kwartong 'yon, narinig ko pa ang paulit-ulit na paghingi ng tawag nung lalaking inutusan ng kapatid ko.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba, namamawis na rin ang noo at mga palad ko. Nasa harapan na ako ng bahay namin. Pumasok ako at bumungad sa 'kin ang kapatid ko na umiiyak habang katabi naman niya ang nanay niya na pilit siyang pinapakalma. Si Daddy, na nakatayo at nakatingin sa 'kin nang masama ay naglakad papalapit sa 'kin.

Isang malakas na sampal ang ibinungad niya sa 'kin. Tumagilid ang mukha ko dahil do'n. Naramdaman ko kaagad ang sakit nito, nagsimulanh manubig ang mata ko dahil sa ginawa niya.

"Talagang dinamay mo pa ang anak ko sa kalandian mo? Sinama mo pa siya jan sa pagrereblde mo. Napahamak siya dahil sayo!" Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa 'kin. Mabigat din ang paghinga niya dulot na labis na pagkainis.

"D-Dad hindi po, siya po ang may gustong magkasaya kami. Hindi ko siya matanggihan dahil baka magtampo siya sa 'kin." Isang beses niya pa akong sinampal, mas malakas kaysa sa una kaya napaupo ako sa sahig dahil na rin siguro sa sakit ng katawan ko kaya mabilis akong bumagsak.

"Wala kang ginawang tama! Hindi kana lang sana nabuhay!" Napayuko ako sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang galit nito sa 'kin.

"H-Hindi ko po hiniling na mabuhay ako, kayo po ang may kasalanan kung bakit narito ako sa harapan niyo. D-Dapat nung nalaman niyong buntis ang nanay ko, pinalaglag niyo na lang sana ako." Pumiiyok ang boses ko, hindi tamang sagutin ko siya pero ang sakit ng binitawan niyang mga salita.

Bakit ganito? Hindi pa ako nasanay na ganito ang trato niya sa 'kin. Buong buhay ko, hindi ko naramdamang mahalaga ako para sa kaniya. Wala akong ina na umalalay sa 'kin habang lumalaki tapos ganitong tatay pa ang nakuha ko.

Napahagulgol ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko, hindi ko na kaya. Ang sakit, sobra.

"Lumayas ka sa harapan ko, 'wag kang magpapakita sa 'kin! Baka kung ano pang magawa ko sayo!" Tumayo ako at nagsimulanh maglakad.

Nilingon ko ang kapatid ko, i looked at her with disappointment in my eyes. I'm Hurt and betrayed by my own sister. What more kung malaman ng kuya namin ang nangyari? Paniguradong mas masakit ang salitang bibitawan niya sa 'kin.

Pagtungtong tapak ng paa ko sa loob ng kwarto ko, bumuhos ulit ang luha ko. Pagod na ako kakaiyak. Nagsisimula na ring manikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Mabuti at malapit lang sa 'kin ang inhaler ko.

Kailan ba matatapos ang paghihirap ko? Pagod na pagod na ako sa nararanasan ko. Pwede bang kahit sandali maramdaman kong may magulang pa ako?

--

Note from Icca: This is not the original chapter 1. As I said in my previous author's note, when I was planning to publish Chapter 1 again, I noticed that it was missing from my documents. If you notice some grammatical errors, don't mind them. I will edit this chapter again because I found it cringe and cliché. Pero kung wala na talaga akong maisip na ipapalit sa chapter na 'to, stay na lang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top