Chapter Three: Lost, Found

CHAPTER THREE
Lost, Found

 ***********************************************************

"Good morning, sir."

Hindi pinansin ni Kristoffe ang bati ng sekretarya niya, o ibalik ang ngiti nito sa kanya. Dere-deretso lang siyang pumasok sa kanyang opisina. Agad siyang naupo sa swivel chair at ipinahinga sa head rest ang mainit niyang ulo.

Wala siya sa mood ngayong araw. Kung gugustuhin niya lang, hindi na siya papasok ngayong araw. Naiirita siya na naiinis na nagagalit na ewan. He have this urge na ipagbabato ang anumang bagay na nakikita niya.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

That woman.

Ang bilis nitong tumakbo kagabi. Hindi niya ito agad naabutan. Nang sinabi niya na pagbabayarin niya ito sa ginawa nito sa pagyurak sa kanyang "pagkalalaki", he really mean that.

Ito pa lang ang unang beses na may gumawa ng ganun sa kanya. Every woman loves his "thing". At ito, na binigyan pa niya ng privilege na makapiling siya, ang gamawa niyon sa kanya. At tinakbuhan pa siya nito!           

Nakakainsulto!

She will definitely pay a price.

Madami na siyang naisip na mga paraan kung paano niya ito pagbabayarin sa kasalanan nito sa kanya. At habang iniisa-isa niya ang mga iyon, bigla na namang nabubuhay si "junjun", na salamat sa diyos hindi naman gaanong nasaktan. 

Inis na itinuon niya na lang ang atensyon niya sa papeles na nasa kanyang mesa. Ayaw man niyang aminin, but he still have the hots for that woman. Kakaiba ang pakiramdam niya habang naglalakbay ang kanyang mga kamay sa katawan nito. At ang mga labi nito...

Damn! Magtrabaho ka na nga, Kristoffe...

Meron pa pala siyang isang problema. Paano niya pagbabayarin ang babaeng iyon, na ang tanging alam niya tungkol dito ay pangalan. Ni hindi niya alam kung ano ang apelyido nito. Kung saan ba ito nakatira. 

Hindi nga rin siya sigurado kung totoo ba ang pangalan na ibinigay nito.

Dahil diyan, mas lalong nag-init ang kanyang ulo.        

"Coffee, sir."

Walang ring nagawa ang matamis na ngiti ng kanyang sekretarya nang ihatid nito sa kanya ang mainit na kape. Lalo lang siyang nainis na parang may ibig sabihin ang malalgkit na tingin nito sa kanya.

************************************************************

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top