Chapter Three [2]: Lost, Found
************************************************************
"Ay butiki!"
Gulat na sabi ni Cheska. Napahawak siya sa dibdib at nakahinga ng maluwang. Akala niya kung ano na. Cellphone lang pala niya. Simula ng mangyari ang gabing iyon, nagiging matatakutin na siya. Feeling niya, palaging andyan si Kristoffe sa kanyang likod. Napa-paranoid na siya.
Pangalan ng boss niya na si Mr. Tuazon ang naka-rehistro sa screen. "Hello, sir."
"Nasaan ka ba ngayon?"
"Sa Ortigas po. May ipapagawa ba kayo?"
Secretary-on-the-go ang trabaho niya. Meaning, hindi siya required na pumasok ng opisina at pumasok ng maaga. Nagsisimula ang trabaho ko kung tatawag ang boss niya kung may ipag-uutos ito. Nagtatapos naman ang trabaho niya, kung wala na itong ipapagawa sa kanya sa araw na yon.
In short, Field Secretary.
Mas okay sa kanya ang ganun. Bukod sa mataas ang sahod, nakakagala pa siya sa kung saang lugar. Errand girl nga ang tawag sa kanya ng secretary ng boss niya sa office. Okay lang, kesa naman maburyong siya sa opisina sa kaka-file ng kung anu-anong papeles.
Katulad ngayon, nasa coffe shop siya. Prenteng-prente ang pagkaka-upo niya habang sumisimsim ng mainit na kape. Sinasamantala ang free wi-fi dito. Pa-post-post lang ng status sa facebook habang nag-aantay sa tawag ng boss niya.
Ang problema nga lang, kahit gabi na, kung may ipag-uutos ito, kelangan niya talagang lumakad.
"I have someone to meet up at Club Helixe. Unfortunately, nagpatawag ng biglaang appointment ang isang Japanese investor. I want you to meet him in my behalf."
"Okay. Right away, sir."
"We agreed to meet at private lounge of the club. I'll send to you other details ng pag-uusapan namin."
Pagkababa ng tawag ay tiningnan niya ang itinerary ng boss niya para sa linggong 'to. He suppose to meet a certain Mr. Villaraza. Pag-uusapan sana ng mga ito ang possible joint project para sa isang luxury Condominium.
Pagka-receive niya ng text ng kanyang boss, inubos niya na ang kanyang kape at saka tumayo. Nasa labas na siya ng coffee shop, nang matigilan.
Wait. Club Helixe? Did she hear it right? She was meeting someone at Club Helixe? My god, of all the places, bakit dun pa? Ayaw na niyang bumalik sa lugar na 'yon.
Mabilis niyang kinontak ang kanyang boss. Pero ring lang ng ring ang phone nito. Naka-ilang tawag siya pero ganun pa rin. Laglag ang kanyang mga balikat ng pumara siya ng taxi. It looks like she don't have a choice.
Pinagtataguan na nga niya yung tao, tapos babalik pa siya nito sa kung saan sila unang nagkita. Hay, naman...
Well, weekdays pa lang naman ngayon. Maliit lang naman ang posibilidad na magkita uli sila. Sa tingin niya naman pumupunta lang naman ito doon sa club to unwind tuwing weekends.
She wish hindi sila magkita. Mabuti na lang ay pinabago niya ang hairstyle niya. At saka madilim nun, baka hindi naman siya nito namukhaan. Sana lang talaga...hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kanya kapag nahuli siya nito.
Nasa itaas na palapag ang private lounge na tinutukoy ng boss niya. Pagkarating niya doon, wala pang ibang tao siyang nakita roon. So kinuha niya na muna laptop niya at binuksan ang kanyang facebook.
Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin ang dapat niya sanang katagpuin doon. Inabala niya na lamang ang sarili sa panonood ng mga nagsasayaw sa ibaba.
Mayamaya, biglang nahagip ng tingin niya ang isang pamilyar na mukha. OMG! Anong ginagawa niya rito? Naman, ang tagal kasi ng Mr. Villaraza na yan, naabutan pa tuloy siya ng Kristoffe na yan.
Mabuti na lang one-way ang salamin na harang doon sa Private lounge. Makikita niya kung ano ang ginagawa ng nasa ibaba, pero hindi makikita ng nasa baba ang ginagawa ng nasa private lounge.
Malaya niya tuloy na napagmamasdan ang lalaki, na may kasama na marahil ay kaibigan nito. Sa itsura nito, aburido pa rin. Palinga-linga rin siya. God, talagang hinahanap siya nito. Buti na lang nasa private lounge siya. Naka-reserve yun kaya hindi siya makakapasok roon.
Nakita niyang umakyat ito ng hagdan papunta sa... private lounge? What the— No, hindi siya pwede nitong makita. Nakita si Kristoffe ng bouncer, nginitian ito at iginiya papuntang private lounge.
Anong ibig sabihin nito?
Kelangan niyang magtago. Wait. Saan ba pwede? Oh my god, walang ibang taguan. Narinig niyang bumukas na ang pinto ng private lounge. Sa katarantahan, sa ilalim na lang ng mesa siya nagtago.
Bahala na si Batman, si superman, at kahit sinupaman!
"Nakita mo ba, pare, yung hinahanap mo?" narinig niyang tanong ng isang lalaki. Yung kasama marahil ni Kristoffe.
"Hindi nga, e. Subukan lang niyang magpakita, Mark, pagsisisihan niya kung bakit pa siya ipinanganak." Ramdam niya ang panggigigil ni Kristoffe.
Napa-sign of the cross siya. Lord, wag niyo pong hahayaang makita nila ako sa pinagtataguan ko.
"So, anong plano mo ngayon?" tanong ng lalaki na Mark pala ang pangalan. Muntik na siyang mapasigaw ng naupo ito sa upuan malapit sa pinagtataguan niya.
"Siyempre, hahanapin ko siya. Whatever it takes. Sa tingin mo ba hahayaan ko na lang siya, matapos ng ginawa niyang pagyurak sa aking pagkatao at pagkalalaki."
He still really mad at her. Napasiksik siya ng husto sa gitna nang naupo naman si Kristoffe sa katapat ni Mark. Konting galaw lang, baka masagi niya ang mga paa nila.
"E, paano mo nga siya hahanapin? Sabi mo nga pangalan lang ang alam mo sa kanya," si Mark.
Oo nga naman. Buti na lang, di niya sinabi buo niyang pangalan.
"I remember so well her face. And the feel of her lips and her body, I knew it vividly," si Kristoffe.
"So hahagkan mo lahat ng babae na sa tingin mo ay kamukha ng Cheska na iyon. Pakikiramdaman mo rin ang mga katawan nila? Baka naman makasuhan ka naman diyan," si Mark uli. Tumawa pa ito ng tila nakakaloko.
"I don't know. Basta, lahat gagawin ko. Kung kinakailangan kong umupa ng private investigator, gagawin ko."
He was desperate. Ano ba dapat niyang gawin? Mangingibang-bayan ba siya?
"So ano naman ang gagawin mo sa kanya kapag nahuli mo?" tanong uli ni Mark
"Everything I could think of," sagot ni Kristoffe
"Like?" hirit ni Mark.
"Basta."
"How about itali mo siya sa kama mo, at iparamdam mo sa kanya kung gaano kasarap ang "ano" mo na sinaktan niya?" suhestiyon ng walang hiyang Mark na yun.
Tatandaan niya ang Mark na yun. Nag-sa-suggest pa ito ng kalokohan. Kung pwede lang, baka sinaktan niya na rin yung "ano" nito. Ganda pa naman ng posisyon niya rito. Magkaibigan nga kayo ng Kristoffe na yan.
"That would be fun," sagot ni Kristoffe.
Manyak ka talagang lalaki ka! Since parang hindi naman ito nasaktan, ano kaya kung ulitin niya ang ginawa niya rito?
"Kristoffe Villaraza, ang matinik at habulin ng mga babae, ngayon nawalan ng tinik at siya na ang naghahabol sa babae. Quite a record, pare," sabi ni Mark
Ano daw? Kristoffe VILLARAZA? Ito ba ang Mr. Villaraza na dapat niyang katagpuin? Kung joke man ito, please, hindi nakakatawa.
"Ten minutes na tayo dito. Darating pa ba si Mr. Tuazon?" si Mark
Oh God, ito nga yun. Mas lalong hindi siya dapat magpakita rito. Pero, magagalit naman sa kanya ang boss niya.
"Wait. Kaninong laptop 'to? Tayo pa lang naman ang nandito, right?" tanong ni Kristoffe.
Kung minamalas ka nga naman. Sa katarantahan, di niya na naitago ang kanyang laptop.
"Baka naman naiwan ng unang gumamit ng lounge na ito," si Mark
"Imposible naman naiwan. Sa laki nito." Hindi kumbinsido si Kristoffe.
"Baka naman nagmamadali."
That's right. Kaya tanggapin mo na Kristoffe ang paliwanag ni Mark, okay. Hindi iyong maraming tanong. Hindi na nagtanong pang muli si Kristoffe, nakumbinsi na nga siguro ito na naiwan lang ang laptop na iyon.
Nakahinga na siya ng maluwag dahil lusot na siya. Pero bigla namang tumunog ang cellphone niya, na nasa kanyang bulsa. Careless Whisper ang ringing tone nun. Tarantang kinuha niya sa bulsa ang phone niya at agad niyang pinatay iyon.
Pero pagkapatay niya, dalawang pares ng mata na ang nakatingin sa kanya.
Lagot na!
************************************************************
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top