Chapter Four: Lucky Escape, Unfortunate Reunion
CHAPTER FOUR
Lucky Escape, Unfortunate Reunion
************************************************************
Wala na siyang nagawa kundi ang lumabas sa pinagtataguan niya. Parehong nagtatanong ang mata ng dalawang lalaki.
"Hello," pa-cute at naka-ngiwi niyang sabi, sabay peace sign.
"Sino ka?" tanong ni Mark.
"Sino ako?" binalik niya ang tanong nito. Oo nga naman, ngayon pa lang naman kami nagkita.
"Oo, sino ka? At anong ginagawa mo dito?" this time, si Kristoffe na ang nagtanong sa kanya.
Naguluhan na siya. Hindi siya nito kilala? Nung gabing iyon, he was fuming mad at her. Tapos ngayon... what a sudden change?
Genuine na genuine ang pagkakakunot ng noo nito, na parang may inaalala kung nakita na ba siya nito sa kung saan. Titig na titig din ito sa kanya at sa pinalagay niyang bangs, na parang nakakainsulto. Kung sa ibang pagkakataon, baka nakutusan na niya ito.
Pero hindi ngayon.
Hindi siya nito nakilala!
Kung sinuswerte ka nga naman.
Hindi niya napigilan ang mapangiti. Napansin iyon ni Kristoffe at lalong kumunot ang noo nito.
"Stalker ka ba ni Kristoffe?" biglang tanong si Mark.
Excuse me. Ako, stalker? Kung alam mo lang, tinatakbuhan ko nga yan.
"Hindi, ah," sabi niya.
"Bakit ka nasa ilalim ng mesa? Are you one of the girls na gustong pumikot kay Kristoffe? Na nalaman mo na pupunta siya dito, at nakahanap ka ng magandang pagkakataon para maisakatuparan mo ang plano mo?" sunod-sunod na tanong ni Mark.
Wow, ang gwapo, ah. Daming gustong pumikot.
"Of course not. Ni hindi ko nga siya kilala. Akala ko lang kasi may nanloob sa club," palusot niya.
"Bakit, mukha ba kaming criminal?" si Mark
"Sort of."
Napangiti si Mark. "Okay ka, ah. I like you."
"Then ba't andito ka?" singit na tanong ni Kristoffe.
Doon niya lang naalala kung bakit nga uli siya nandito. Inayos niya ang sarili at saka pinapormal ang itsura.
"I'm Mr. Tuazon's secretary. And he supposedly have to meet..." tiningnan ko siya. "... Mr. Villaraza, right?"
Tumango ito.
"I'm afraid he can't meet you up this night. Mayroon kasi siyang isang pressing obligation. I hope you would understand that."
Tumago-tango uli ito.
"Oh, by the way, I'm Rizza, sir," pakilala niya. Sagwa naman kung hindi, diba. Pero siyempre, imbento. Pahuhuli ba naman siya. Awtomatiko niyang inilahad ang kamay sa rito para sana makipagkamay. Pero wrong move pala.
Nang tanggapin ni Kristoffe ang pakikipagkamay niya, nang maglapat ang palad nito sa palad niya, she felt a bolt that runs through her spine. Nabawi niya tuloy bigla ang kamay nito. Mabuti na lang di naman ito nakahalata.
Nakipagkamay din siya kay Mark na nakangiting-nakangiti. Maganda ang vibes niya sa lalaki. Nakalimutan niya na yung kalokohan na pinagsasabi nito awhile ago.
"Rizza that name suits you. Nice meeting you," pambobola ni Mark. "Free ka ba pagkatapos nito?"
Ngiti lang ang isinagot niya.
"Well then, I think we should get going. I have something to attend too. May sasabihin ka pa?" si Kristoffe.
Halos kalahating oras din silang nag-usap para sa mga questions about their joint project na gusto ng boss niya na makuha na ang sagot para daw sa susunod na meeting.
Isinara niya na ang kanyang laptop. Tatayo na sana siya, nang hawakan siya ni Kristoffe sa braso. Maang na tumingin siya sa rito.
"Kanino ko pa 'to pinag-iisipan. But now I think I do know you."
Bigla siyang kinabahan. Binabawi niya ang braso dito, pero hindi nito pinapakawalan. Nasabi niyang katapusan niya na when she see him smile devilishly.
************************************************************
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top