Chapter Four [2]: Lucky Escape, Unfortunate Reunion

************************************************************

"So kumusta ka na, Rizza?" sabi ni Kristoffe.

If not with her bangs, hindi niya na talaga ito makikilala. Although hindi siya ganoon kasigurado kung ganoon talaga ang itsura nito. Mas maganda ang Rizza na kaharap niya ngayon. Pero anong malay natin, ilang taon na din silang di nagkita. May be she has change, for the better.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti. He was thinking of hooking up with her again. Bukod sa mas maganda ito ngayon, he have the hots for her back then.

Parehong college ang pinasukan nila. She was a campus figure with a very hot body. Lahat ng lalaki sa campus ay pinagpapantasyahan ito na maging girlfriend. At isa na siya roon.

Imagine nang malaman niya na may gusto pala sa ito sa kanya. It boosted his ego. Siyempre hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Palay na ang lumalapit sa manok. Pero bago  pa niya maging girlfriend ito at maka-first base, umeksena ang ex-boyfriend nito.

Ayaw na niyang magkwento kung ano ang nagyari. Basta ang ending, he never had her. Hinayang na hinayang siya. Pero kung suswertehin nga naman siya. Andito siya uli sa harap niya. She smell fresh and tempting. And he was thinking of hot reunion now. Hmm...

Naramdaman niyang binabawi uli nito ang braso nito sa mahigpit niyang pagkakahawak. Pinakawalan niya na ang braso nito at saka hinarap ito.  

"Hey, it's me, Kristoffe. We attended on same University, nakalimutan mo na ba?" tanong niya dahil hindi man lang nito pinansin ang pangungumusta niya.

"Oh my... Ikaw na ba yan?" sagot ni Rizza. Medyo OA ang dating sa kanya ng reaksyon nito pero hindi niya na pinasin iyon. She must be really glad na nagkita silang muli. "Hindi kita nakilala, I'm sorry."

"No, it's okay," sagot niya. "Kahit ako hindi rin kita nakilala nung una. Paano ba naman, you look way beautiful and hotter now."

Natuwa siya nang makita niya na pinamulahan ito ng mukha. Para sa isang babae na sanay na na tumanggap ng iba't-ibang papuri sa iba't-ibang tao, her reaction amused him. Cute.

Naramdaman niya ang pagsiko sa kanya ni Mark. Nakalimutan niya na nandito pa pala ito. His eyes asked what was going on. Naging magkaibigan lang sila pagkatapos na ng kolehiyo, kung saan parehong kumpanya ang pinagtatrabahuhan nila.

Hindi niya ito pinansin. Saka na siya magkukwento. Hindi niya aaksayahin ang sandali na nagkita silang muli ni Rizza. Kahit naman papaano ay ma-divert ang inis na nadarama niya at sexual frustration na naidulot sa kanya ng Cheska na yun.

"May I invite you for a dinner?" anyaya niya rito.

Napa-isip ito.

"Just the two of us," dugtong niya. Nakita niya na matalim siyang tiningnan ni Mark. Haha. Sorry pare, we have so many catching up to do...

Wala pa ring sagot si Rizza. Nag-alala siya na baka hindi na ganoon ang damdamin nito para sa kanya katulad noon. Pero kung kumpara naman dati, he look damn hotter, at saka well experienced. Hinding-hindi ito madi-disappoint sa kanya.

"Come on, Riz. Update lang tayo ng mga nagyari sa buhay natin. You know very well that I like you before, so I will never get this chance to pass para magkasama muli."

"Am... Kristoffe, you know... kasi—

"Hindi tayo magtatagal, swear," bigla niya nang nasabi kahit hindi naman ganoon ang plano niya. He was planning to spend long time with her. Pero parang tatanggihan siya nito. Iyan na ang magiging pangalawa na pagtanggi sa kanya sa loob lamang ng isang linggo. Kaya nasabi niya na lang yun para masalba ang nayurakan na naman niyang ego.

"O-okay," alanganin pa ang sagot nito.

But it doesn't matter. Ang mahalaga makakasama niya uli ito. Siguro naman bago matapos ang dinner nila, ang spark at physical tension na naramdaman nila noon ay baka bumalik.

"What about me," biglang sabi ni Mark. Nagpaawa pa ito ng mukha.

"Well, may kotse ka namang dala. Drive yourself home," sabi niya.

"Cruel." Sabi nito.

Natatawa na lang siya at di na niya ita pinansin. Lumapit siya kay Rizza at saka inalok niya dito ang kanyang braso. "Shall we?"

Tumango si Rizza. Kumapit ito sa braso niya at sabay na silang lumabas ng private lounge. Nadaanan nila si Mark na inggit na inggit sa kanila.

"Sorry dude. I'll explain everything soon," sabi niya pero walang boses na lumabas sa bibig niya.

************************************************************

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top