EPISODE 2: KATHNIEL (Daniel)
"AND CUT!" sigaw ng direk.
Hooo! Tapos na ang shoot. Pack-Up na at last! Finally, makakauwi na ako, makapagpahinga, makakapag COC na ulit. Pero bigla kong naalala ang gig naming ni Kath bukas. Shet, iniisip ko pa lang yung TF ng gig na yon. Shet, anlaki... Tinawag ko si Kath para ipaalala sa kanya ang gig.
DJ: Kath!
Kathryn: Oh! Deej. Bakit?
DJ: Nag confirm ka na ba sa gig natin para bukas?
Kathryn: Gig? Anong gig?
DJ: Yung dun sa Cebu. One Night event kasama yung sa kabila na ALDUB saka sila James. Di ka ba nasabihan?
Kathryn: Baka nakalimutan lang ni Mama.
DJ: Mag confirm ka na. Anlaki ng TF! Libre stay pa sa bagong mansion dun na magiging open sa public.
Kathryn: Malaki ang TF? Gaano kalaki?
DJ: Doble sa TF natin ngayon!
Kathryn: Nag confirm ka na?
DJ: oo! Ako pa nagpumilit sa mommy ko na pumayag.
Kathryn: Sige2 ako rin. Pero kasama ba talaga ako?
DJ: KathNiel nga diba. Walang Kathniel kung walang Kathryn.
Sabay kindat ko. Ohhhh! Alam ko kikiligin ka dun, Kath
Kathryn: Sige2, ipapa-confirm ko na.
Haha! Ayus! Sabi ko nga eh, mapapa-oo kita agad sa kindat ko.
DJ: Yung entourage ko aalis ng 7pm. Baka gusto mo sabay entourage natin.
Kathryn: Ummm... itetext ka nlng naming siguro.
DJ: Sige2 ingat.
Sabay kiss ko sa kanyang noo... Oh. Mababasa ka niyan Kath, alam ko... hehehe ang pilyo talaga ng utak ko.
Papunta na ako sa van ng biglang mag ring ang phone ko. Si Mama...
DJ: Oh. Ma.
Mommy Karla Estrada: Oh, Anak. Pack Up na ba kayo?
DJ: oo Ma. Kakatapos lang namin. Bakit?
Mommy Karla: Yung ticket mo ha. Nasa bag mo na. Didiretso ka na ba sa airport?
DJ: Ah hindi... Magpapahinga na muna ako Ma. Siguro sa hotel lang na pinag stay-an namin kagabi para sa shoot namin dito.
Mommy Karla: Oh sige anak... mag ingat ka...
DJ: oo Ma. Sige. Bye. Love you.
Saka ako sumakay sa van ko. Pinag drive ako ng drayber ko pabalik sa hotel at doon muna ako nagpalipas oras.
Di ko namalayan na nakatulog pala ako ng ilang oras. Pag tingin ko sa orasan, shet! Lagpas 6pm na! Shet shet shet shet shet!
Nagmamadali akong nagbihis at tinawagan ang bagong assistant ko na si Erik.
DJ: Erik! Putcha bat di mo ko tinawagan.
Erik: I did Sir, at sabi mo lang ay ok.
DJ: Huh? Tumawag ka? Di ko maalala. Tulog ako!
Erik: Check nyo po yung Call History mo.
DJ: Ahhhh di bale na... Yung van, ready na ba?
Erik: Kanina pa po Sir.
DJ: Oh sige sige... Magbibihis lang ako...
Nagmamadali akong nagbihis at sumakay agad sa van.
Erik: Don't worry Sir. Di naman tayo male-late.
DJ: Hmmm... asan na yung tablet ko?
Erik: Nasa backpack niyo po.
Kinuha ko ang tablet at nag open ng Twitter. Shet naman, bumabaha na naman yung mentions at notifications ko. Ni-log out ko yung Public account ko at ini-login ang secret account ko. Isang link ang sinend sa akin ng ka tropa ko, binuksan ko at dinala ako sa isang blog na puno ng blind item.
DJ: Hahaaaayyyyy.. Fashion Pulis.
Erik: Another blind item, Sir? Haha... Nabasa ko na po yan.
DJ: HAHA! Tangina, pano nila nalaman na gifted ako... Hahaha...
Erik: Well, sa dami ba naman ng fans mo Sir, im sure may nag s-stalk sayo sa banyo.
DJ: Hahaha! Wala naman. Haha... Pero totoo tong blind item na to. Kaya nga hindi umaayaw si Kathryn neto eh.
Erik: Huhhhh? You mean Sir-----
Driver: Sir, nandito nap o tayo sa Airport.
Ilang oras ang nakalipas ay nakalipad na kami at nakaabot na ako sa Mactan Cebu international Airport.
Sinalubong ako ng mga tauhan ng organizers.
MAN1 : Welcome to Cebu, Sir Daniel.
DJ: Hello. Hello.
MAN 1: Sir, please be reminded po na tanging kayo po lamang ang pwede na mag stay sa Mansion. Ang ibang entourage niyo po ay ipapa-stay namin sa Waterfront Hotel.
DJ: Awesome!
Erik: But Sir---
DJ: Text-text nalang Erik. Waterfront kayo oh. Ayaw mo pa nun?
Erik: Pero paano po ang security ni----
MAN 1: Kami na po ang bahala.
DJ: Alright. See you guys!
Sumama ako sa mga tauhan sa nasabing organizer ng event at sumakay sa magarang van nila.
Shet shet shet shet! Tangina! Yun lang masasabi ko nang makita ko na ang mansiyon!
MAN1: Welcome to Tod Mansion.
DJ: Haneeeeeeep! Ang ganda ng--- sheeeettttt talaga!
MAN1: Feel free to roam around the mansion, Sir.
DJ: Oo ba! Hwwwwaaaawwww
MAN2: Kami nalang po ang magdadala ng mga bagahe niyo sa kwarto niyo.
DJ: Ok.
RIIIIIIIIIIIINGGGG
RIIIIIIIINNGGGG
Uy, si Kath.
DJ: Kath.
Kathryn: Sa'n ka na? Nandito ka ba sa Cebu?
DJ: Oo. Kanina pa. Shet Kath. Ang ganda ng mansion.
Kathryn: Ay. Akala ko sa mansion ang venue ng concert.
DJ: Tange. Dito tayo sa mansion magpapahinga. Parang Mansion Hotel to eh. Sa Hoops Dome daw ang gig natin, dun sa Lapu-Lapu City.
Kathryn: Aw ok. Kakarating lang naming eh. Kausap pa ni mama yung mga organizers.
DJ: Ok sige-sige... See you nalang.
Kathryn: Ok Deej. Bye.
DJ: Bye.
Oh shoot... Makaka iscore nanaman ako sa iyo maya-maya... Haha... Pilyo ko talaga...
Nilibot ko ang mansion at shit! Ang ganda kahit gabi na!
Parang hari at reyna ang tumira sa mansion na ito! Ilang oras ko rin nilibot ang buong first floor ng mansion. Ang laki talaga. Mi hindi pa nga ako nka abot ng second floor. Ilang sandali pa ay may narining akong sasakyan na huminto
Bumaba sa sasakyan si Kath at syay nilapitan ko.
DJ: Ganda!
Sabi ko.
Kathryn: oo nga. Ang ganda ng mansion.
DJ: Di ang mansion. Ikaw.
Ooohhhh... Kinikilig ka na naman, Kath. Aminin mo. Haha
DJ: Tara! Libutin natin ang lugar!
Ilang oras din kaming naglibot sa mansion, lalo na sa garden. Naka tambay lang kami doon.
Isa-isa na rin nagsi-datingan sina James, Nadine, at saka yung dalawa sa kabila... Si Alden, at si Maine. Hayup! Ang ganda talaga ni Maine! Sayang di naging Kapamilya.
Maya-maya pa ay pumunta na kami sa aming mga kwarto para mkapagpahinga.
Pero shet. Pahinga? Haha... Nope. Inaantay ako ni Kathryn sa kwarto niya. Alam ko!
Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Aktong narinig ko na may nag-aaway sa kwarto ni Nadine. Mukhang nasa kwarto niya yata si James.
Haaayyy... Para talagang aso't pusa ang dalawa. Palagi nalang nag aaway. Lumabas si James sa kwarto at tila papunta nanaman sa isa pang kwarto.
DJ: Huuuyyy!
James: Daniel!
DJ: Hayupp... pati si Maine, papaltusin mo?
James: Hahaha... Shhhhh lang pare...
DJ: Hayuuuppp, ako muna...
James: F*** you. Hahah..
Tangina talaga to! Shet talaga oh! Tiningnan ko lang siya na dahan-dahang binuksan ang pinto sa kwarto ni Maine at tahimik na pumasok.
Ako naman, tahimik rin na pumasok sa kwarto ni Kath.
Nagising ako na wala sa tabi ko si Kathryn at bukas ang pintuan. Maya-maya ay narinig ko ang sigaw ni Kathryn. Dali-dali akong bumangon, lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan kung saan nandoon si Kath, na sumisigaw. Dun ko nakita ang patay na katawan ni James sa may piano, naliligo sa sariling dugo.
Saka naman dumating sina Nadine at Maine. Tinitigan ko sila isa-isa, at sa di ko maipaliwanag na dahilan, ay masamang-masama ang titig sa akin ni Maine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top