Chapter 56

Chapter 56

Nang araw din na iyon, ilang oras lang ang lumipas pero may nag-doorbell na sa unit ko. Nang buksan ko ang pintuan. Delivery man ang sumalubong sa akin. May dalawang malaking kahon siyang hawak at sinabi niyang nanggaling daw iyon kay Miguel Falcon. Sa tingin ko ay gamit ito ni Beatrice sa school, kaya kahit nag-aalangan ay tinanggap ko.

Tinulungan ako nung delivery man na ipasok iyong mga kahon sa sala. Napakabigat nito kaya nagtanong ako sa kanya kung paano niya ito nakaya. Pero nabanggit lang ni kuya na may kasama siya sa baba at isa lang sa kanila ang pinaakyat. Nagulat nga ako actually na may pinapasok sa loob 'yung mga guard. Protocol kase rito na kapag umorder ka online, or may deliveries ka.. Dapat 'yung buyer 'yung mismong sasalubong sa labas. For safety and protection iyon ng mga naninirahan dito sa condominium.

Tinawag ko si Beatrice sa kwarto. Alam ko kaseng hinihintay niya talaga ang mga gamit na ito. Nang makita nga niya 'yung mga kahon ay halos mapatili siya. Tinulungan ko siyang buksan ito at napapailing na lang ako nang makita kung gaano karami 'yung laman. Halos lahat pa ay tila customized at naka-Mickey Mouse form na lubos na ikinatuwa ng anak ko.

Sa tingin ko ay hindi ko na kaylangang mamili pa ng ibang gamit ni Beatrice sa school dahil pang buong taon na yata ito, o baka mahigit pa.

"He's the best!" ang tanging naging bukambibig ni Beatrice. Hindi nga lang ako sigurado kung dapat ba akong maging masaya roon. Pero para sa anak ko, nanahimik ako at hindi na nagkomento pa. Hinayaan ko siyang i-enjoy 'yung araw niya. Na bagaman hindi niya ito birthday, nakakasigurado akong best gifts ever ang iniisip niya.

Basta masaya ka Bea, okay na rin si mommy.

"Ano nga po pala ang pag-uusapan natin pa?" Tanong ko at umupo sa sofa kaharap niya.

Katatapos ko lang patulugin si Beatrice. Dumalaw si papa rito, hindi niya kasama si Auntie. Malamang na kakamustahin sana ang apo niya, pero pareho lang kaming nadismaya. Nang sunduin ko si Bea sa school, mailap ang mga mata nito. Hanggang makauwi ay tahimik siya.

"Anak.." Seryoso akong tinignan ni papa. "Aam mo naman siguro ang dahilan ng pag-iyak ni Bea right?"

Kahit ayokong aminin ay napatango ako. 2nd day of school, but my lovely daughter got bullied. She says that they teased her being alone with me, and undeserving kid because she don't have a father figure. They enunciate that her parents didn't love her enough. Althought napagtanggol ni Beatrice 'yung sarili niya, matapang naman ang anak ko e. May tiwala akong hindi siya magpapa-bully. Pero pag-uwi niya, doon na nagkatalo; umiyak siya nang umiyak.

Hindi ko tuloy mapigilang balikan kung gaano siya nag-breakdown kanina.

"A-ayoko na lang po mag-school mommy.." Nadurog ang puso ko sa narinig. Nung first day niya, excited na excited siya. Pero ngayon..

"Beatrice."

"I-I thought just like in a Disney.. When someone go to school, everything will be alright. Pero wrong pala mommy.. P-panget pala mag-school. My classmates keep bullying me." My daughter shakes her head, sobbing. "A-ayoko na po pumasok.."

"D-Dito na lang po ako mommy.." Niyakap ko siya. Masakit makitang nagkakaganito ang anak ko. She don't deserve any of this.

"I..I love you anak." ang tanging nasabi ko na lamang. "M-Mahal ka ni mommy, sobra."

"P-pero siya po.. Mmy?"

"Bea.."

"Love niya po ba ako? May daddy po ba talaga ako? O true po 'yung sinasabi ng classmates ko..?" Sunod-sunod ang naging pagluha niya. "K-kase mommy ko, baka tama sila..? Baka kaya w-wala akong daddy kase ayaw niya sa akin. Na h-hindi niya ako gusto.. Na hindi niya ako love. B-baka tama sila Mmy.."

"H-hindi anak.. Hindi," Pinunasan ko ang pisnge niya.

"K-kaya siguro ayaw mo siyang nababanggit ko mommy.. A-ayaw sa akin ni daddy." Mas kinulong ko siya sa bisig ko.

Panay ang pagtanggi ko sa mga iniisip niya. Pero parang naging binge na ang anak ko. She keep murmuring those words until she fell asleep. And seeing how tears continuously drop on her pinkish cheeks even her eyes are closed, my heart torn apart and bleed.

I fucking hate this day.

"Papa.." Napabuntong hininga ako. "A-ano bang dapat kong gawin?"

Maliit siyang ngumiti sa akin.

"Alam kong may nangyare sa inyong dalawa ni Miguel, Bianca." Hindi na ako nagulat pa sa sinabi niyang iyon. "Hinahayaan lang namin kayo. Hindi kami nakialam. Pero anak.. Sana naman 'wag niyong idamay ang bata. Nakita mo ba kung gaano nasaktan si Bea kanina? Nangyare na ito sa 'yo noon, magkaibang panahon pero magkalapit na sitwasyon."

"Pa.."

"I'm so proud of you, Bianca. Alam kong tama ang kung ano mang magiging desisyon mo. You need to think, not just for yourself but for your child sake. Makakaya ba ng konsensiya mong makita na ganyan ang kalagayan ng anak mo? Ina ka na anak.. Nakakasigurado akong alam mo ang best para sa anak mo."

I truly get his point but damn it. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Sinaktan ako ng ama ng anak ko, nagsinungaling siya sa akin. Niloko ako ni Miguel at pinaglaruan.. Kaya paano nga ba? Makakaya ko bang ipaubaya sa kanya si Bea?

"Ayaw kong masaktan ang anak ko, papa. Mahal na mahal ko si Beatrice. Siya ang buhay ko. Wala akong tiwala kay Miguel. Kung nagawa nga niyang makapanakit noon, paano pa ang ngayon?" Sinabi ko na ang inaalala ko at napatango-tango si papa.

"I know how much you love her anak. Nasaksihan namin iyon ng Auntie mo. Pero sana 'wag mong pangunahan ang lahat. Walang magandang maidudulot iyon. Instead, subukan mong isantabi muna iyang pag-aalangan mo. Okay lang na mangamba, instincts nating mga magulang 'yan e. Pero 'wag kang matakot mag-risk. Kung masaktan man ang anak mo sa kanya, nandiyan ka naman hindi ba?"

"Of course.." sagot ko. Hindi ko iiwan at pababayaan si Bea.

"That's my point, Bianca. Sa naging sitwasyon natin noon, namin ng mama mo-Ikaw ang pinakanahirapan. At sa inyong tatlo ngayon, alam nating si Beatrice na." Napatayo na siya.

"Susubukan ko papa.." Wala sa sariling pagsasaboses ko. Ginulo naman niya ang buhok ko "I'm so proud of you 'nak. Uwi na ako.."

Niyakap ko si papa bago ko siya hinatid sa pintuan. Nang mawala siya sa paningin ko ay pumasok muli ako sa loob. Nasa malalim akong pag-iisip sa pagkakataong ito. Ang daming thoughts ang pumapasok sa utak ko. Pero isang bagay lamang ang tila nanaig.

Nagtungo ako sa kwarto. Naupo ako sa kama at pinagmasdan ang natutulog na si Bea. Mapait akong napangiti nang makita ang natitirang luha sa mga mata niya. Hinaplos ko ang pisnge niya. Kaya ko bang makitang ganito ang anak ko? Unconscious akong napailing. Hindi ko kaya.

"D-Daddy.." Nangunot ang noo ng anak ko pagkabanggit ng salitang iyon at mas napalingon ako sa kanya.

"You need to think, not just for yourself but for your child sake." Nagpaulit-ulit ang boses ni papa sa isipan ko

"Nangako ako anak, nangako akong gagawin ko ang lahat para sa 'yo." mahinang bulong ko.".. At tutuparin ko 'yon ngayon. Gagawin ni mommy ang lahat. Ganun kita kamahal. Sana lang ay tama ang magiging desisyon ko sa puntong ito. Seeing you cry because of the situation we put you hurts me. I'm sorry, Bea." Hinalikan ko siya sa pisnge at napatayo na.

Hinawakan ko ang cellphone ko. Hinanap ko sa contact ko ang numero ni Miguel noon. Hindi ko alam kung ginagamit niya pa ba ito. Pero ito lang kase ang nag-iisang number na na-i-save ko sa cellphone ko.

"Answer the phone.." Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang mag-ring lang ang mag-ring 'yung numero.

"B-Bianca..?"

"Thank God!" Nakahinga ako nang maluwag nang sumagot na siya.

"W-Why? May problema ba? Are you okay? May nangyare ba kay Bea-" Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko nang maging sunod-sunod ang pagtatanong niya.

"Do you want to meet your daughter?"

"W-what do you.."

"Yes, or no-"

"Of course yes!" pagputol niya sasabihin ko.

"Then just send me a location kung saang lugar mo siya gustong makita. Dadalhin ko siya sa 'yo."

"Is.. Is this serious, Bi?" Nagkaroon ng pag-aalangan sa boses niya. "You're not joking right?"

"Just promise me one thing, Miguel."

"What is it?" He seems eager, as if lahat ng sabihin ko ngayon ay tunay na gagawin niya.

"Don't hurt her." Natahimik siya. "Saktan mo na ako, 'wag lang si Bea. 'Wag lang 'yung anak natin."

"A-Anak natin.." nanginig ang boses niya.

"Yes.."

"I.. I will never hurt her, Bi." Napangiti na ako. It felt nice to hear that. "Good."

"Pati na rin ikaw.."

"Miguel.."

"H-hindi ko sasaktan ang mag-ina ko, pangako." Bago pa ako makasagot ay pinatay niya na ang tawag. Umuwang ang bibig ko at tinignan ang screen. Pero hindi na ako nagulat pa nang kasunod no'n ay ang pag-text niya sa location.

Hindi ko na lang pinansin pa ang pagsali niya sa akin sa usapan at naghanda na ng susuotin ni Beatrice. Ang anak ko ang priority ko ngayon. Anuman ang binabalak ni Miguel, sisiguraduhin kong iiwasan ko muna. Malaking risk na para sa aking ipagkatiwala sa kanya ang anak namin.

What we both need is a baby step.

"Mmy, bakit po ba tayo nandito?" Lukot ang mukha ng anak ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

Pinagbuksan kami ng pinto nung crew at pumasok kami sa mamahaling restaurant na ito.

"You will see.." Marahan kong piniga ang kamay niyang hawak-hawak ko. Hinanap ng mga mata ko si Miguel at nakita ko siyang nakaupo sa pinakagitnang table.

Isinama ko si Bea sa akin sa paglalakad. Nagpunta kami sa pwesto niya. Nang makarating kami sa table niya ay tumikhim ako. Dahan-dahan naman siyang napatayo. Tinignan niya ako. Pero unti-unti iyong bumaba sa katabi ko.

"M-Mr. Yummy guy?"

"Hello.." Miguel nervously chuckled.

"Why po kayo nandito? Ikaw po ba ang nagpapunta sa amin here?"

"Uh, Bea.." Nilingon ko ang anak ko. Ako na ang magpapakilala kay Miguel dahil parang nabalisa na iyong ama niya sa harapan namin.

"What po mommy? May sasabihin ka po ba sa akin?" Tumango ako at nanlaki ang mga mata niya. "Omg! You're dating Mr. Yummy guy? Kaya po ba nasa romantic reshtaurant us?!"

"N-no-"

"Nagkabati na po pala ulit kayo..?"

"What?"

"I mean, 'di ba po nagkaroon po kayo ng lovers quarrel dahil sa akin sa mall?" Napakamot siya sa kilay niya.

"Ikaw na nga kumausap.." I heaved a sigh, looking at Miguel and he hesitantly nodded.

Kinuha niya sa akin si Beatrice. Itinabi niya ang anak namin sa kung saan siya nakaupo kanina. Habang ako ay naupo sa gilid, sa tapat nilang dalawa. Lumabas muli ang kadaldalan ni Bea, panay ang tanong niya kay Miguel. Nang maipaliwanag na ang lahat, hindi na nagpaligoy-ligoy si Miguel at walang pakundangan niyang sinabi ang sadya namin dito.

"I'm your father, Bea." Napanganga ako. Pero mukhang nagkakaintindihan na silang dalawa. Nagkaroon na sila ng sariling mundo.

"As in?!" Napahawak ang anak ko sa bibig niya. "You're my daddy by blood and by love..?"

"Yes, and if you will accept me as your father. I will give you my own Mickey Mouse factory." Now I know kung bakit nakahiligan ni Beatrice ang cartoon na 'yon. Halatang nagmana siya kay Miguel.

"I.." Beatrice gasps. "I think I love you already, Ddy!" Exaggerated siyang napa-react at napailing na lang ako.

Pinanood ko ang mag-ama.

Bakas ang kasiyahan sa mukha nila habang nagkukwentuhan. Ang tsokolateng mga mata ni Miguel ay palaging dumadapo kay Bea. Ibinibigay niya ang buong atensyon sa anak namin na tila ba hindi pa rin makapaniwala. Bawat ngiti ni Beatrice ay namamangha siya, kapag humahagikgik naman ito ay bigla siyang napapatulala.

Seeing them together feels oddly nice. Hindi ko alam kung naninibago lang ba ako, o ano.. Pero sobrang nakakatuwa silang tanawin.

"Ddy, drink po.." Kaagad na sumunod si Miguel. Kinuha niya ang juice na nasa gilid niya at pinainom si Bea gamit 'yung straw.

"Mmy, steak pa po.." Hindi na ako nagulat pa nang balingan naman ako nito ng tingin.

May kamay naman ang anak ko, pero parang ayaw niya itong gamitin ngayon. Panay ang pa-baby niya sa amin ng ama niya. Nahahalata iyon ni Miguel pero hindi na nagsasalita pa. He's also enjoying this.

"Careful, baby.." paalala ko nang maging magalaw siya sa kinauupuan niya.

"Ikaw naman Mmy.."

"Hindi na 'nak-"

"Opps.." Beatrice only giggled, itinikom ko naman ang bibig ko. Kahit hindi ko iyon inaasahan ay nginuya ko ang isinubo niya sa akin.

Naramdaman ko ang paglagpas ng sauce sa pisnge ko at nagpigil ng tawa si Miguel.

"Look, baby oh." Pinakita ko ang ginawa niya. "Dirty na si mommy."

"Daddy clean mo nga po si mommy tulad ng pag-clean mo po sa akin kanina." Nag-angat siya ng tingin sa ama niya, ngumiti at umastang kinikilig agad.

"Anong sinasabi-" Natigilan ako. Bigla kaseng dumukwang sa pwesto ko si Miguel. Gamit ang hinlalaki niya ay kinuha niya ang dumi sa pisnge ko. Umuwang ang bibig ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya at nagawa pang ipasok sa bibig 'yung sauce na nanggaling sa pisnge ko.

"Yey! Clean na si mommy!" Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Thank you daddy!"

"Always, anak.." Miguel playfully winked at her and my daughter just laughed happily.

Ilang oras pa lang silang magkasama, pero magkasundong-magkasundo na kaagad sila. Dapat na ba akong mangamba sa pagkakataong ito? Pakiramdam ko kase ay pagtutulungan na nila ako.

Sooner, or later.. Si Miguel na ang palaging susundin ni Beatrice at wala akong magagawa roon dahil girl version na talaga siya ng ama niya. What I just need to do right now is to be ready. Mukhang hindi na lang si Bea ang babantayan ko, maski si Miguel na rin.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top