Chapter 55

Chapter 55

"Good night 'nak.." Naantok na bulong ko habang yakap-yakap siya. I'm so tired this day.

"Mmy..?" Kumawala siya sa akin. Naimulat ko naman ang mga mata ko. "Yes, baby?"

"May napanood po akong dishney kanina. Super happy po nung princess kase nakawala na siya roon sa palace."

"Hm?"

"Opo. Then may nag-help sa kanyang old lady. Pinatira po siya sa bahay no'n kahit small lang. Nung tinanong ng old lady kung taga-saan siya. Hindi siya nag-talk. Kahit ano pang questions ng old lady, wala siyang nas-say kaya inakala nitong 'di siya marunong magsalita." Gusto ko nang matulog, pero mukhang ayaw akong hayaan ng anak ko.

"Oh? Bakit?" Napahikab ako. "Pipi ba siya?"

"Hindi po, Mmy! Need niya lang kaseng i-protect 'yung identity niya kaya ayaw niyang mag-talk."

"Ah.."

"Para matulungan siya. Pinag-aral siya ng old lady doon sa bayan nila. May school kase roon. Sabi pa ng old lady, sa school daw natuto ang mga tao. Na kahit pipi raw siya, pwede raw siyang maturuan doon ng sign language." Wala sa sariling naipikit ko ang mga mata ko. I'm really sleepy. Pero nang matahimik na bigla ang anak ko ay pilit kong ginising ang diwa ko.

"Bea?" I called her, softly as possible. Nagtama naman ang mga mata namin. Mapungay na ang mga mata ko pero sobrang mulat pa ng sa anak ko.

"I think gusto ko na pong mag-school Mmy!" Hinawakan niya ang pisnge ko. Malaki ang pagkakangiti niya at napakurap-kurap ako.

"Huh?"

"I want to learn more, mommy ko!"

"R-really?" Bagaman nagulat ay nagawa kong iayos ang ekspresyon ko.

"Yes po! Gusto ko na pong magsimula agad. Bili na po tayo ng gamit bukas!"

"P-pero hindi ka pa naka-enroll.."

"Silly, mommy! Nasabi ko na po ito kila grandma. Then sabi nila, sila na ang bahala. Us na lang po ang bibili ng gamit then after that, pwede na akong mag-school!" My Beatrice looks so excited. Parang dati lang, ayaw niya pa. Ngayon parang hindi na siya makapaghintay.

Napabuntong hininga ako.

"Sige 'nak. Magha-half day na lang ako bukas. Maaga tayong mamimili kaya dapat maaga kang gumising bukas, okay?"

"Omg! Thank you po, mommy!" Pinaulanan niya ako ng hugs and kisses.

Mahina akong natawa.

"Tulog na tayo 'nak? Mapuyat ka pa.."

"Aye aye, captain!" Sumaludo siya sa akin. Napakaaliwalas ng mukha niya at nanggigil naman ako.

"Good night, baby-princess.."

"I love you, Mmy.." With that, we both giggled. I cuddled her and she keep leaning on me. I hum a song and we deliberately fell at sleep.

Nang magising ako kinabukasan. Agad kong inihanda ang susuotin ni Bea. Hindi ako nahirapang gisingin siya. Pinaalala ko kase kaagad 'yung gagawin namin today. Kapag eager pa naman sa isang bagay ang anak ko, umaakto siya na parang nauubusan ng oras. Palaging nagmamadali.

"Mommy, gusto ko po puro Mickey Mouse 'yung gamit ko.." Nasa sasakyan na kami, papunta na sa mall pero parang hindi siya mapakali.

"Sige, maghahanap tayo 'nak.."

"Tapos, Mhy.. Pwede po bang Mickey din designs ng notebooks ko?"

"Bibili tayo ng maraming sticker?"

"Yes po! Ididikit ko rin siya sa uniform ko." Napangiwi ako. Nasa bahay na kase agad 'yung uniform, at class number niya. Mukhang ginamitan nila Auntie ng koneksyon dahil ang bilis ng proseso.

"Then, sa bag ko rin po mommy ah?"

"Opo, 'nak.." Panay lang ang pagtango ko. I find this situation amusing. Pati tuloy ako ay nananabik na ring makitang pumasok sa school ang anak ko.

Itinigil ko ang kotse ko nang makita na ang malaking mall. Tinulungan kong magtanggal ng seatbelt ang anak ko bago ko tanggalin 'yung nasa akin. Nauna akong bumaba sa kanya para pagbuksan siya ng pintuan.

"Let's go baby?" I smiled at her and her eyes filled with excitement even more.

Magkahawak ang kamay kaming pumasok sa mall. Abot-tenga ang ngiti ni Bea habang ako ay napapailing na lamang. Inilibot ko siya sa first floor. Nang wala siyang magustuhang gamit dito ay nagtungo kami sa itaas. Malawak ang mall na ito kaya alam kong makakahanap din siya ng gusto niya.

"Dito po mommy!" Tinuro niya ang isang pwesto at nagpadala naman ako sa kanya.

Sobrang saya ng anak ko habang tinitignan ang shop na punong-puno ng cartoons character. Sa isang gilid ay may iba't ibang Mickey Mouse supplies and furnitures kaya halos mapalundag siya. Hinayaan ko lang siyang puntahan iyon.

Pinanood ko ang anak kong pumili ng gamit niya. Inabutan siya ng basket nung saleslady at halos matawa ako nang kunin niya agad 'yung sets na gustuhan niya.

"Hello, miss. Nadaanan mo ba kung saan 'yung restroom sa floor na ito?" Isang babae ang biglang lumapit sa akin. She's old, but I can tell na napakahealthy niya pa.

"Ay, opo. Nandito po sa way na 'to." Sinamahan ko siyang silipin iyong tinutukoy ko at napatango siya.

"Thank you miss!" Ngumiti lang ako. Nang mawala siya sa paningin ko ay muli kong ibinalik ang atensyon sa anak ko.

"B-Bea..?" Nagsalubong ang magkabilang kilay ko. Napalapit ako sa kinpupwestuhan niya kanina at nagkarambola ang dibdib ko nang makitang wala na siya rito.

"M-Miss.. Nasaan 'yung anak ko?" Kaagad na hinanap ng mga mata ko 'yung saleslady kanina.

"Ma'am? Nandito lang po siya kanina.." Maski ito ay naguluhan na rin dahil wala na si Bea!

Umuwang ang bibig ko. Malalaki ang hakbang kong tinahak ang bawat section nung shop. Pero hindi ko na nakita pa si Beatrice!

"Fuck, fuck.." Nagpaikot-ikot ako sa paligid. Napuno ng pangamba at pag-aalala ang puso ko.

"Beatrice..?! Beatrice?" Lumabas ako sa shop. Sumalubong naman sa akin ang maraming tao sa labas. Gaya namin ng anak ko ay mga namimili rin ito.

"Anak..? N-nasaan ka ba?" Tuluyan na akong nabalisa. Kahit saan man ako magpunta ay hindi ko siya makita. Binalikan ko ang mga pinuntahan namin kanina—pero wala pa rin!

Kaunti na lang ay maiiyak na ako dahil hindi ko na mabilang kung ilang minutong nawawala ang anak ko. Hindi niya ugaling humiwalay sa akin! Never nangyare ang bagay na ito!

"B-Bea, baby.. Where are you?" Nanginig ang mga labi ko. Napatulala na ako. I felt hopeless. Sobrang laki nitong mall, at pakiramdam ko ay walang Beatrice na magpapakita sa akin kahit na hanapin ko..

Napakapabaya mo talaga, Bianca!

You're so stupid!

Hindi mo binabantayan nang maayos ang anak mo!

Napasabunot ako sa buhok ko at napahinto. Unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ko. H-hindi ko na alam ang gagawin ko.. Nasaan na ba ang anak ko?

"Bianca!" Napatingin ako sa likod ko. Naabutan ko naman si Miguel at nanlaki ang mga mata ko. Pero nang makita ko si Beatrice sa tabi niya ay nakahinga ako nang maluwag.

Nanghihina ang mga tuhod na nagtungo ako sa pwesto nila. Pinantayan ko ang posisyon ni Beatrice at napaluha na talaga. Niyakap ko siya. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Ang isipin lang na mawawalan muli ako ng anak ay hindi kinakaya ng damdamin ko.

"S-saan ka ba nagpunta Bea..?" I cupped both of her cheeks, shaking a little.

"M-Mommy.."

"H-Hindi ba sinabi ko sa 'yong 'wag kang.." Kumawala ang hikbi sa bibig ko. Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Pinangunahan na ako ng nararamdaman ko.

"Y-you don't know how scared I am, baby.." I hugged her more, crying mess as hell. Nawalan ako ng pakealam kung pinagtitinginan na kami rito sa first floor.

"I-I'm.. sorry, Mmy." she whispered. "D-Don't cry na po.."

Si Beatrice na ang nagpatahan sa akin. Ang maliliit niyang kamay ang humahaplos sa likuran ko. She's really comforting me and I felt even more overwhelmed. Pero inayos ko na ang sarili ko. Kinarga ko siya sa bisig ko. I can't just let her go again.

"Paano mo siya nakita..?" Nilingon ko si Miguel. Hindi siya nakapagsalita at pinagmasdan lang kami kaya nanliit na ang mga mata ko. "Don't tell me kinuha mo siya?!"

"No, Bianca! I.."

"You're crazy, Miguel!" palatak ko. "Sinundan mo ba kami rito?!"

Napaiwas siya ng tingin.

Ibinaba ko naman si Beatrice sa gilid.

"Yes, sinundan ko kayo rito but I didn't—"

"You're liar!" Mas hinarap ko siya. Tingin niya ba biro lang ang lahat ng ito? "Paano mo nagawa ito?! Hindi mo alam kung gaano ako kung mag-alala sa anak ko! How dare you, Miguel. Wala ka na ba talagang magandang maidudulot sa buhay ko?!"

Natahimik siya.

"Wala ka pa rin talagang pagbabago.. Gustong-gusto mo akong sinasaktan, ano?" Dismayado akong napailing sa kanya. Kinuha ko ang kamay ni Bea at binangga siya sa balikat niya para umalis na roon sa mall.

Tinawag niya ako.

Hinabol niya kami.

Pero hindi ko na siya nilingon pa.

Nagbingi-bingihan ako habang bitbit ang anak namin palayo sa kanya.

Isinakay ko sa sasakyan si Beatrice at nagsimula ng magmaneho.

"M-Mommy.. Wala pa po akong gamit—"

"Uuwi na tayo." ang naging pagtugon ko sa kanya. Napakagat sa labi niya si Bea. Nang makita niya kung gaano ako kagalit ngayon ay good thing na pinili niyang hindi na ako kulitin pa.

Seryoso akong nag-drive. Tinutukan ko ang daan. Namamasa ang palad ko habang hawak ang manibela. Ang dami kong gustong isipin, pero mas lamang ang nararamdaman ko ngayon. I'm worried to my daughter yet I'm utterly mad at her father.

"Mommy—" Binuksan ko ang condo at inupo siya sa sofa. "Not now, Beatrice."

"But.."

"Hindi ka ba talaga makikinig sa akin..?" I snapped her. Napakurap-kurap siya.

Nang makita ko kung papaano biglang mamuo ang luha sa mga mata ng anak ko ay nanlambot ang ekspresyon ko. Napahilamos ako sa mukha ko at pilit na pinakalma ang sarili nang lapitan siya.

"Sshh, baby. Don't cry. I'm sorry.." Inalo ko siya. Nung una ay kumawala siya sa akin. Marahil ay talagang nasaktan sa tono ng boses ko pero kalaunan ay bumigay na rin.

"W-wag ka na pong magalit mommy.."

"I'm sorry 'nak.."

Ilang segundo ko muna siyang niyakap. Lahat ng emosyong nararamdaman ko ay inubos ko sa pagpapatahan sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata ko. Tinanggal ko ang lahat ng pangamba ko. Sa tulong ng presensiya ng anak ko sa bisig ko, dahan-dahan namang bumalik sa dati iyong kapayapaan dito sa sistema ko.

"Are you okay now?" Tinignan ko ang mukha niya. Namumula ang ilong ng anak ko.

"Y-yes, Mmy.."

"Good." Hinalikan ko siya sa noo. "So care to tell me what really happened?"

"Promise ka muna.."

"Huh?"

"Wag kang magagalit sa akin mommy ko.." Napayuko siya.

"Hinding-hindi ako magagalit sa 'yo, baby. Mag-aalala ako, yes.. Pero magalit sa 'yo?" Marahan akong ngumiti sa kanya. "Never."

"Uh, Mmy. G-Ganito po kase ang nangyare.." Nagsimula na siyang magkwento. Tahimik naman akong nakikinig sa kanya. Sa bawat buka ng bibig ng anak ko ay ang pagdapo ng matinding pagsisisi sa pagkatao ko.

Sinabi ni Beatrice sa akin na nung may nagtanong daw sa aking matanda, may bigla naman daw lumapit sa kanya. Inalok siya nitong bumili ng toys. Hindi naman daw ito mukhang salesman kase naka-civilian lang kaya lumayo siya sa stranger. Pero panay lapit daw sa kanya nung lalaki kaya napatakbo na siya, pero hinabol pa rin siya nito. Mabuti na lang daw ay dumating si Mr. Yummy guy, kinuwelyuhan daw nito 'yung stranger.

"So.. Tinulungan ka niya?"

"Yes po, Mmy. Kinarga niya po ako sa arms niya then tinuro ko po 'yung mga place na pinuntahan natin sa mall kaya napunta kami sa first floor. Tutulungan niya raw akong hanapin ka mommy.." Nahigit ang hininga ko. Hindi ko bigla alam ang dapat na maging reaksyon ko sa puntong ito.

"Then, habang 'di ka pa namin nakikita. Pinagsasabihan niya ako mommy ko.." Napanguso ang anak ko. "Sabi niya kapag may ganun daw na nangyare sa akin ay dapat ikaw daw ang tinawag ko."

"He's right anak.." Napasang-ayon ako.

"S-super natakot lang naman kase ako that time mommy." ang naging rason ng anak ko. "Kaya 'di ko po alam kung anong gagawin ko o uunahin ko. Basta tinandaan ko lang 'yung nas-say mo sa akin dati. Na kapag may stranger, 'wag akong sasama at lalayo ako."

"Kaya ka tumakbo?"

"Opo.." Itinango niya ang ulo niya at hinaplos ko naman ang buhok niya.

"Kung ganun, from now on.. Babaguhin ko na 'yung bilin ko." Pinaharap ko siya sa akin at tinitigan sa mata. "Kapag may stranger ulit na lumapit sa 'yo, sa akin ka unang tatakbo."

"P-pero paano kapag wala ka Mmy?"

"Uh." Napaisip ako. "Sa grandparents mo pwede.. Or sa taong tingin mo ay tutulungan ka. Alam mo naman 'yung itsura nung mga taong may masasamang balak 'di ba?"

"Kaya nga po sumama ako kay Mr. Yummy guy, mommy. Bukod sa alam kong 'di niya ako i-ha-harm, I trust him po."

"R-Really?" Lumamlam ang mga mata ko.

"Wag ka pong magagalit mommy, okay? Pero parang love ko na rin po talaga siya." Kung naririnig lang ito ni Miguel ngayon, sa tingin ko ay ma-ta-touch ito nang sobra. "At saka, alam mo Mmy? He promised me kanina na siya na lang ang bibili ng gamit ko sa school. Weird nga mommy. Parang lagi niyang nahuhulaan 'yung mangyayare. Feeling ko po expected niya nang 'di us makakabili ng things ko for school."

"Sorry anak.." Oo nga pala. Ni isa wala manlang akong nabili sa kanya. "Gusto mo bang bumalik tayo sa mall?"

"No na po mommy.. Gaya po ng sabi ko kanina, I trust him po. Nag-promise siya sa akin so.. I will wait na lang po for him." Malaki ang pagkakangiti ng anak ko. Kahit wala pa masyadong ginagawa si Miguel sa kanya, pakiramdam ko ay invested na agad siya rito.

Beatrice seems attached to her father already, and I don't know what to do anymore. I don't want her to be hurt like me, pero mukhang paliit na talaga nang paliit ang mundo namin.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top