Chapter 54
Chapter 54
"Baliw talaga ito.." Napataas ang kilay ko kay Sheena nang marinig ko ang sinabi niya.
Itinigil ko ang ginagawa ko at sinilip siya. Abala siya sa cellphone niya. Mukhang may ka-text at sa kung papaano mamula ang kaibigan ko—I think iyong nobyo niya ito.
"Ilang taon na pala kayo n'yan?" I asked her and she looked at me.
"H-huh?"
"Iyong boyfriend mo." tukoy ko. "Matagal na ba kayo?"
"Uh.. Girl," Napakamot siya sa noo. "Actually, wala talaga akong boyfriend."
"Oh? P-pero ano iyong sinabi mo kay Aira nung nakaraan?"
"Joke lang..?" aniya at pinaikot ko ang swivel chair. "Seriously?"
"Oo.. Nakakaimbyerna kase siya no'n and I just can't help it. Kaylangan syempre, may mairebat manlang ako." I laughed. Sinabayan naman niya ako.
"So sino 'yang ka-text mo ngayon?" Nanlaki ang mga mata niya.
"W-wala 'to.."
"Sus.." Ngumisi ako. "Kilig na kilig ka nga e."
"You're so nosy today, girl. 'Wag kang ganyan." Napaiwas siya ng tingin pero kalaunay napangiti. "Ang dapat pag-usapan natin ay 'yung update sa relasyon niyo ni Miguel, okay?"
Nagbago ang ekspresyon ko. Nakita naman iyon ni Sheena kaya ako na ngayon ang tinutukso niya. This girl.. Palagi na lang ako ang tinututukan. Kalahi yata ito ni Miguel e. Palaging nababalilktad iyong usapan.
"Wala kaming relasyon, Sheena."
"Hindi ako naniniwala.."
"Wala nga." Umiling ako sa kanya. "Kahit ano? Wala?"
"Oo.."
"Eh 'di ba, boss natin siya? Tapos empleyado niya tayo?" Nagsalubong ang magkabilang kilay ko. "Huh?"
"Then may relasyon pa rin kayo." pagpapatuloy niya.
"What?"
"Oo. Sa gen math namin noon, sinabi ng prof ko na ang relation ay tumutukoy sa maraming aspekto." bigla ay paliwanag niya. "And 'yung tinutukoy ko lang naman ngayon ay kung anong relationship mo kay Sir Miguel, pero kung maka-deny ka naman—wagas."
Ganun..?
"H-hindi mo naman kase nililinaw.."
"Sus.." Ginaya niya ang sinabi ko kanina.
"Totoo nga!"
"Ikaw Bianca ah, masyado ka na lang yatang in denial kaya ibang relasyon ang naiisip mo kapag si Miguel mo na ang usapan."
"Miguel ko?" Napahalukipkip ako.
"Yes. Bakit? Ayaw mo ba?"
"Ayoko na sa kanya.." Inikot ko ang mga mata ko.
"Sige." Sheena chuckled. "Hati na lang kami sa kanya ni Aira."
"Name basis na kayo?"
"Ni Miguel mo?"
"No.. Hindi siya," Inusli ko ang labi ko. "Si Aira, I mean.."
"H-huh?! Hindi 'no! I hate that girl, sis." Ibinalik niya ang atensyon sa computer niya. "Tuloy na tayo sa trabaho, girl. Mamaya ma-chismis tayo rito nung mga kasama natin."
"Okay.." Kahit naninibago sa inaasta niya ay sumang-ayon ako.
She's acting weird.
Ano bang nangyare sa kanila ni Aira? Hindi ko naman sila nakikitang nag-aaway ngayon, pero bakit parang off lagi 'yung reaksyon ni Sheena kapag nababanggit siya?
"Ay, girl. Cr muna ako ah? Ang sakit ng puson ko.." Mukhang may menstruation siya ngayon.
Napatango ako. "Sige, ako na ang magdadala nitong folder mo."
"Thank you!" Inabot niya sa akin 'yung hawak niya. Tinanggap ko naman iyon.
Nang mawala na si Sheena sa tabi ko ay mag-isa ko na ngayong tinatahak ang ground floor. Marami-rami iyong folder na hawak ko. Pero nakakaya ko namang bitbitin. 'Wag lang sana akong mabangga. Baka ma-out balance ako if ever.
"Bianca, hey.." Natigil ang paghakbang ko nang makita si Mr. Dela Cruz.
"Hello.." nahihirapang bati ko at hinigpitan ang hawak sa mga folder.
"Tulungan na kita." Sa normal na eksena, tumatanggi talaga ako. Pero iba kase ang situation ngayon kaya pumayag na ako sa kanya.
"Sorry.." Natatawa niyang kinuha ang papel na nahulog sa isang folder na hawak ko.
"Ang dami nito ah." puna niya. "Kaya nga e. Need ko lang dalhin doon kay Mr. Villanueva."
"Nakakapanibago. Nung nakaraang linggo lang, sa akin kayo nagrereport." Sa sinabi niyang iyon ay napangiti naman ako. Naalala ko bigla ang posisyon niya ngayon sa kompanya.
"Congrats nga pala sa promotion mo.." Iyong opisina niya ay kay Mark na. Samantalang nag-level up naman ang pwesto niya sa kompanya.
"T-thank you.." Namula ang magkabilang tainga niya.
"Bakit nahihiya ka d'yan? Don't tell me crush mo pa rin ako?" Nang maipanganak ko si Beatrice, at naging ina na ako. Mas nag-improve ang communication skills ko. Hindi na ako nagiging awkward kahit anuman iyong topic sa kausap ko.
"You become more blunt, Miss Del Pilar." ang tangi na lamang nasabi ni Mr. Dela Cruz at mahina akong natawa.
"Hindi ka pa rin nagbabago.."
"Ang dami namang nagbago sa 'yo."
"Nahuhubog ang katauhan ng tao sa sitwasyong kinalagyan niya." dahilan ko sa kaniya. "I guess, everything that happened to me back then made me like this. Whether it's a bad or good thing, depende."
"For us.. It's good changes." Napalingon ako sa kanya. "But for him?" Ininguso niya si Miguel na ang sama-sama kung makatingin sa kinaroroonan namin ngayon. "I think it's bad changes."
"He deserves it." sagot ko na lamang. Lumiko kami sa isang pasilyo at nawala sa paningin namin si Miguel.
"Maybe yes, maybe no. You're a very secretive person, Bianca." He chuckled. "Nung una kitang nakita rito sa Falcon, alam kong may iba sa 'yo. I just can't name it, but for me you're special. Although, I really admired you. But I will always, voluntarily back off because of that man. He's more whipped than everyone else when it comes to you."
"Mhm.."
"Kung ano man iyong nangyare sa pagitan niyong dalawa, I hope maging maayos na. He maybe acting as an asshole back then, but years passed by and he really changed. Sana lang makita mo 'yon bago ka mahuli.." Siya na ang mismong kumatok sa opisina ni Mark at natahimik naman ako.
Tinulungan kami ni Mark na ipasok sa loob 'yung mga hawak namin. Nagpaalam sa akin si Mr. Dela Cruz at nagpasalamat naman ako sa kanya.
"Kaya naman pala, pinuputakte ako ni Miguel sa messenger ko." Napakamot sa ulo si Mark.
"Oh?"
"Oo. Tignan mo 'yung sabi ni Miguel dito oh. Bakit daw kita hinahayaang manlalaki." Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at natawa na lamang si Mark.
"Ginayuma mo yata 'yon, Bianca. Nababaliw na sa 'yo e."
"Siraulo.." Naging mailap ang mga mata ko. "Sige, aalis na ako. Naka-arrange na iyang mga folder."
"Ayon oh." Napangiti siya. Nabawasan na kase ang trabaho niya.
Napailing-iling ako at iniwanan na siya sa opisina niya. Babalik na ako sa quarter ko. Pero habang tahimik na naglalakad sa hallway. Hindi ko mapigilang magmuni-muni. Nagpaulit-ulit sa isipan ko 'yung sinabi ni Mr. Dela Cruz. Nagbago na nga ba si Miguel? Pero mas na-bo-bother ako sa part na sinabi niyang baka mahuli ako.
Ano ba ang ibig sabihin niya roon? Is he enunciating that Miguel will be kind of tired of me someday? Kung ganun..
"Desisyon naman niya 'yon if ever." sa boses ko. Maganda nga iyon para sa akin.
Kung sakaling mapagod na siya, doon ko mas makikita kung ano ba ang talagang intensyon niya. Naniniwala ako na kapag sobra ng nagsawa ang tao, doon na lalabas ang tunay na kulay niya.
Nahinto ako sa paglalakad.
Napatingin ako sa neutral comfort room na nasa gilid ko.
Sa pagkakaalam ko, walang ganitong klaseng cr or washroom sa Falcon noon. Pinakatitignan ko ang signage at pumuslit ang ngiti sa labi ko nang makita ang symbol ng LGBTQ+ community. Pumasok ako sa loob. Pero bago ako makarating sa mga main cubicle, hindi ko talaga maipigilang hindi matigilan. There's so many posters and slogan here; supporting any genders and I felt overwhelmed. I'm a straight one, but I do really support this type of community.
Tumingin ako sa malaking salamin sa harapan. Naghugas ako ng kamay at pinagmasdan lamang ang sarili ko.
"Stop leaving hickeys!"
"Why?"
"Because I say so, and you should listen okay?"
"Pasalamat ka.." Umuwang ang bibig ko sa naririnig na ingay sa pinakadulong cubicle.
What the fudge..?
Wala sa sariling lumapit ako roon para sana siguraduhin kung may tao, o baka nag-i-imagine lang ako. Pero sa daing at mahihinang ungol na naririnig ko—sa tingin ko ay mayroon nga!
"B-bakit dito pa sila gumagawa ng ganyan.." Nag-init ang magkabilang pisnge ko. Akala siguro ng dalawang ito ay walang papasok sa neutral comfort room na ito kaya ang lalakas ng loob..
"Sabing 'wag mong ibababa e. I have a freaking period today!"
"W-wait.. Sheena?" Nanlaki ang mga mata ko habang nasa harapan ng pinto nung cubicle. Nakasarado ito pero narinig ko talaga ang boses niya!
"If you didn't just annoyed me today, then I will never be turn on."
"So it's my fault?"
"Yes."
"I can't believe you, Aira!" Sila lang yata ang may ginagawang kababalaghan pero nagtatalo pa rin.. But—what?!
"A-anong Aira?" Nagsalubong ang mga kilay ko. Akmang bubuksan ko na ang cubicle nang may bigla namang humila sa akin.
"W-what the—" reaksyon ko. Pero nagpatuloy lang si Miguel. Hinawakan niya ako sa braso habang idinadala palabas sa cr.
"W-wait lang.. Sila Sheena!" Pumalag ako sa kaniya at pinitik niya ako sa noo.
"Ano? Iistorbohin mo sila?" Namula ako. "W-what?"
"Kung ikaw nga, ayaw ng nabibitin. Silang dalawa pa kaya."
"Miguel!" Napalayo ako sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Totoo naman.." Namulsa siya.
Napaiwas ako ng tingin. Sakto namang dumako muli ang atensyon ko sa comfort room sa gilid. I can't believe this! Sila Sheena at Aira..? That's just a.. big twist. I didn't expect that. I never imagine na.. pwedeng magkaganyan bigla sila.
Fuck..
"T-tara na nga.." Napaiwas ako ng tingin kay Miguel. Kaysa naman maghintay kaming dalawa rito na matapos sila 'di ba?
"I told you.." he winked at me. Hindi na lamang ako kumibo pa.
Nagpunta kami sa cafeteria. Walang gaanong tao rito kaya hindi na kami napansing dalawa. Nasa-disbelief stage pa rin ako nang makaupo sa bakanteng silya. Akala ko ba ang gusto ni Aira ay si Miguel? Kaya paano siya napunta bigla kay Sheena? Hate at first sights?
"K-kaylan mo pa nalaman?" I asked Miguel. Mukhang hindi manlang kase siya nagulat.
"I just noticed them actually. Ilang araw matapos niyong magtrabaho dito ni Miss Aira at nung cat fight nila ni Miss Sheena. There's an odd, sudden tension between them. They keep eyeing each other and it amuse me kaya hinahayaan ko na lang sila." He shrugged his shoulders, wiggling his brows.
"Wow.." Mas natulala na lang ako. "Pero paanong hindi ko manlang sila napansin..?"
Miguel chuckled and I looked at me, confuse.
"Bukod sa trabaho mo rito sa company, palagi lang nasa akin iyong atensyon mo e." My lips parted.
"Walang ganun!"
"Meron.." Ngumisi siya. "Hindi mo lang ma-realize kase palagi kang pinangungunahan ng galit mo sa akin."
"Pwede ba..?" Napairap ako. Hangga't pwede talaga, isinisingit niya ang sarili sa usapan. Kulang na lang yata ito sa aruga e.
"Fine, fine.." pagsuko niya pero nangingiti naman. "You wanna eat?"
"I guess.. A sandwich will do."
"Mabubusog ka ba do'n?"
"Yes.." sagot ko at napabuntong hininga siya. Naglaban kami ng tingin pero una siyang napaiwas. Tumayo siya at nagpaalam na pupunta na nga sa counter.
Napasandal ako sa kinauupuan ko.
Iniisip ko pa rin sila Sheena at Aira. I didn't know na bisexual pala sila. Although wala naman akong pakealam if ever na maging sila nga, pero talagang nabigla ako. Hindi rin kase ito nasasabi sa akin ni Sheena. Wala naman akong karapatang magreklamo dahil iyong nangyare rin sa amin ni Miguel ay hindi ko pa nakukwento sa kanya.
"Here.." Napaangat ang tingin ko kay Miguel. Ibinaba niya ang dalawang tray na hawak at nangunot ang noo ko nang makitang ang daming pagkain.
"Ang sabi ko, sandwich lang 'yung akin.."
"Masamang tanggihan ang grasya, Bianca." Sinubuan niya ako ng chicken wings. Napipilitan ko naman itong kinagat.
"Desisyon ka talaga." palatak ko.
"So what.." He's really unbelievable! Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lamang nang kumain.
Siya naman ay pinanood lang ako. Nakangalumbaba siya sa harapan ko. Nasa akin lang talaga ang atensyon. Minsan ay nagkokomento siya kapag may dumi sa mukha ko, pero kadalasan ay inaasar lang ako sa way ng pagkain ko.
Pasalamat siya at tinatablan ako ng gutom ngayon. Sakto ring paborito ko lahat nung binili niya. Ang hirap naman tanggihan dahil baka itapon niya lang ang lahat ng laman nung tray if ever. Nakakapanghinayang kaya.
"Fudge.. Hindi na ako makahinga," Napanguso ako. Hinawakan ko ang tiyan ko. Pakiramdam ko ay punong-puno na ito.
"Ang takaw mo, Bi." Nagsalita si Miguel. "Naubos mo 'yung dalawang tray."
"So what.." Ginaya ko ang naging sagot niya sa akin kanina at natawa siya.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Pinigilan ko ang pagngiti ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagiging busog ko ngayon, pero parang mas nagiging comfortable na ako kay Miguel sa pagkakataong ito. Mukha naman siyang nasisiyahan dahil for once, hindi ako nagagalit sa kanya.
"Girl..?" Sabay kaming napalingon kay Sheena. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala!"
"Uh.." Napakurap-kurap ako. May trabaho nga pala ako!
"Pero ayos lang, kasama mo naman pala 'yang karelasyon mo e.." she giggled, seeing Miguel with me.
"W-what?" Naghanap ng sagot si Miguel sa akin.
Napapikit ako nang mariin.
"Don't mind her. She's just being weird." I shake my head, and he hesitantly smile. Muli kong tinignan si Sheena at nang makita kong namamaga 'yung labi niya ay napataas ang kilay ko.
"Kinagat ba 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Huh?" Napahawak siya sa labi niya. "H-hindi.."
"Pero feeling ko kinagat e. Namamaga oh." pagpapatuloy ko. Nanlaki ang mga mata niya. Namutla ang mukha niya at mas lumapit ako sa kanya. "Nasobrahan yata kayo ni Aira."
"W-what are you saying..? No, girl!"
"If you say so.." Nagkibit-balikat ako.
"Wala talaga!"
"Pero iba 'yung mga narinig ko doon sa neutral comfort room kanina." Nalaglag na yata ang panga ni Sheena nang marinig ang sinabi ko. Nagpigil naman ng tawa si Miguel sa tabi ko.
"W-what?!"
"Ang ingay niyo ni Aira, Sheena." I smirked at her. Kumuha ako ng tila korona sa ulo ko na pabiro niya palaging inilalagay sa akin. "Sa 'yo na ang korona. Ililipat ko na."
"B-Bianca.. I.." She seems speechless. Nagbuka't sara ang bibig niya pero napailing na lamang ako.
"Akala ko ba hate mo siya?" Kunwareng nagseryoso ako. Namula naman siya. Hindi na siya makatingin sa akin ngayon. Interesting. Parang mag-e-enjoy yata akong asarin siya.
"Bianca!" she hissed, but I only chuckled. "Now, you know the feeling—being taunted like this."
I never thought na mababaliktad bigla ang sitwasyon namin ngayon. Anong pakiramdam na palaging inaasar sa taong 'di mo pa handang pag-usapan, Sheena?
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top