Chapter 53
Chapter 53
Kinagabihan ay nakahinga na ako nang maluwag. Naging tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ko dahil sa wakas ay tinigilan na ako ni Miguel. Siguro ay may nangyare sa opisina niya kaya nilubayan niya na ako. With that, nagkaroon ako ng oras para makapag-isip kahit papaano.
Hanggang ngayon kase ay hindi ako makapaniwalang magpinsan sila ni Mark. Hindi ko tuloy mapigilang mag-overthink. Siya ba ang nagligtas sa akin nang bastusin ako ng mga lasinggero? Sekreto niya ba kaming binabantayan ni Bea sa nagdaang taon? May pakealam ba talaga siya sa amin? O parte lang ito sa mga laro niya? Kung ano man iyon ay pipilitin kong hindi muna mag-assume nang mag-assume.
Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung nangyare sa kanila ni Aira kanina! Akala niya siguro babalewalain ko lang 'yon kaya ang lakas-lakas ng loob niyang sabayan kami sa cafeteria at umaktong absuwelto na siya sa akin. Not that I need a huge explanation, but he's just.. really frustrating me.
Napagpasyahan kong pag-angatan na lamang ng tingin ang madilim na kalangitan.
Masyado na akong ginabi ngayong araw. Marami kaseng trabaho ang dapat ayusin para sa lunes dahil wala kaming pasok bukas. Sinabihan pa nga ako ni Miguel na pwedeng umuwi na ako ng maaga kase alam niyang may naghihintay sa akin sa pag-uwe ngunit tinanggihan ko.
Ayokong bigyan niya ako ng special treatment sa trabaho. Bukod sa unfair iyon sa iba, hindi ako sigurado kung hanggang kaylangan siya aasta nang ganito sa akin. Baka umulit na naman 'yung dati at sa dulo, ako pa ang magkaroon ng utang na loob sa kaniya.
Mula sa bulsa ko ay kinuha ko ang susi ng sasakyan. Itinapat ko ito sa pintuan ng kotse ko, at binuksan kaagad ang makina pagkaupo ko sa driver seat. Pero nangunot ang noo ko nang umugong lamang ito nang umugong.
"Oh, shit. Bakit ngayon pa?" Nagtagpo ang mga kilay ko. Nakalimutan ko nga pa lang magpagasolina!
Lukot ang mukhang tinanggal ko ang seatbelt na suot ko, at labag sa loob na lumabas sa kotse. Napasandal ako rito habang ang tingin ay nasa pulsuhan ko, kung saan nakaposisyon ang relo ko.
It's already 10:30 pm.
Lagot ako nito sa anak ko! Nakakasigurado akong magtatampo na 'yon. Sinabi ko pa namang aagahan ko na ang pag-uwi.
Napabuntong hininga ako.
"Is there any problem here Miss..?" Napaangat ang tingin ko sa lalaking biglang lumapit sa akin. "I mean.. Misis ko?"
Umikot ang mga mata ko.
"Kung minamalas ka nga naman—Nakaharap ka pa ng mas nakakapang-init sa ulong malas," parinig ko sa kanya.
Akala ko mapipikon na siya sa akin dahil kahit wala pa siyang ginagawa ay iretable na naman ako. Pero nagkamali ako dahil mahina lamang siyang natawa. He seems amuse again and I hate him for that. Kaylan niya ba ako seseryosohin manlang?
"Exuse me.." I hissed, at padabog na binangga ang balikat niya para umalis na.
Sasakay na lang ako ng taxi! Pero kung gaano ako kabilis nakahakbang, ganun din niya ako kabilis napigilan. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"Let me go, Miguel!" Lumingon ako sa kanya. "Ayoko nga.."
Napapikit ako nang mariin.
"Pwede ba..? 'Wag kang magpapansin ngayon! Masyado na akong late. Naghihintay na ang anak ko sa condo!"
"You mean 'yung anak natin..?"
Napatitig ako sa kanya.
Pagak akong natawa.
"Anak natin?! Hah.. Anak ko lang si Beatrice, Miguel. Anak ko lang, at walang iyo." Doon na siya natigilan at ginamit ko iyong pagkakataon upang makawala sa kanya.
Madali ko siyang tinalikuran ngunit isang marahang paghawak sa braso ang nakapagpapigil muli sa akin. Pumirmi ang labi ko, at akmang bubulyawan muli siya nang bumulong na ito sa likuran ko.
"Let me drive you then."
"What?!"
"Gusto kitang ihatid, Bi." Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. "Please?"
Wala sa sarili akong napasulyap sa kalsada. Wala gaanong sasakyan ngayon dahil gabi na. Mukhang matatagalan pa ako kung sakaling sa taxi pa ako sasakay.
"Fine! Just don't touch me, okay?!" pagsuko ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Thanks.." Muli akong natigilan. Masyado kaseng sincere ang pagkakasabi niya sa salitang iyon.
"Make it faster then!" Napaiwas ako ng tingin. "Baka mabagot na ang anak ko kakahintay doon." At saka ko siya tinalikurang muli.
Palihim akong napahawak sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog nito. Masyadong mabilis ang pagpintig ng puso ko. At alam kong dahil iyon sa lalaking nakasunod sa akin ngayon. Talagang hindi pa rin pala nawawala ang epekto niya sa akin.
Maaaring oo at nagagawa kong magpanggap na wala lamang siya sa akin sa araw-araw. Na kapag nagkakasalamuha kami, palaging galit ang pinaiiral ko. Pakiramdam ko kase hanggang ngayon lang ito—Lahat ng pinaparamdam niya sa akin ngayon ay pansamantala lang at sa huli, ako na naman ang muling masasaktan.
At nakakatakot iyon..
Natatakot akong paniwalaan lahat ng kilos niya para sa akin. Ayokong sumugal sa kanya kahit narito pa rin 'yung pangamba ko. Masyadong mapanganib kase kung sakaling mahulog muli ako.
Nakakatruma naman kase iyong ginawa niya..
Ako pa naman iyong tipo ng taong.. mahirap makaget-over sa pain na pinaranas sa akin.
Wala naman sigurong masama kung protektahan ko na ang sarili ko sa kanya 'di ba? Kahit kapalit pa no'n ay ang pagiging harsh ko. Wala eh, ayon na ang naging defense mechanism ko.
While he's driving, I'm just in the backseat. Sa passenger seat niya ako pinapaupo kanina pero hindi ako sumunod. I threatend him na kapag pinilit niya ang gusto niya ay sasakay na lang ako ng taxi, mabuti na lamang at madali lang siyang kausap ngayon.
Para iwasan ang kung ano mang usapan sa amin ay nagkabit ako ng headsets sa tenga ko. Tumingin ako sa labas, at nakita kong lalong gumanda ang mga nadaanan namin. Mga nag-improve ito at napalitan ng mas modernong bagay.
Nang makaramdam ako ng matang pasulyap-sulyap sa akin ay palihim kong pinakiramdam si Miguel.
"In everything that I had done, I hope you forgive me, Bianca. Everything feels strange when we are like this." Napakagat siya sa pang-ibabang labi. Nakatutok siya sa kalsada."T-This is not us anymore. I know I deserved this.. But I'm hoping that this situation will eventually change sa kung papaano ba tayo noon. It seems impossible already, p-pero gusto ko talagang bumalik tayo sa dati, Bi. I-I'm very sorry for everything.. I'm so sorry for all I done. You're my sanctuary. You make me feel all right. I need you baby.. Come back to me, please.."
Pinagmasdan ko siya at may kung anong kumurot sa puso ko nang mapanood kung papaano tila mapasailalim sa matinding pasakit ang tsokolate niyang mga mata.
Napaiwas ako ng tingin.
Actually nakakabit lang ang headset sa tenga ko. Walang tumutugtog na kanta rito, so lahat ng sinasabi niya ngayon ay naririnig ko. Ganyang-ganyan rin siya noon at nakakangilabot lang na pinaniwalaan ko ang mga iyon. Nag-iba na ako. Hindi na ako iyong dating Bianca kaya hindi niya na ako mauuto sa mga moves na gagawin niya.
Feeling niya ba makukuha niya nang ganito ang loob ko? For his impormation, hindi na ako marupok ngayon! Hindi na ako 'yung ngumuso at ngumisi lang siya, bibigay na agad.
"We're here.." Sa sinabi niyang iyon ay madali kong tinanggal ang seatbelt na suot ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya at lumabas.
Pero bago ko siya maiwanan doon ay nakita ko pa sa rareview mirror ang pagmamasid niya sa akin. Sobrang lungkot ng ekspresyon niya at para bang nahihirapan kapag pinapanood akong iniiwan lamang siya nang basta-basta.
Pumasok na ako sa building ng condominium namin. Pero imbes na sumakay sa elevator, nagtungo ako ng hagdan. Umakyat ako roon at napasilip sa bintana para tignan si Miguel. Naroon pa rin ang sasakyan niya. Nakahinto. Pero nangunot ang noo ko nang tumakbo sa pwesto niya 'yung isa sa mga guard. Nag-usap silang dalawa.
Panay ang pagtango ng guard kay Miguel. Nangingiti ito at nang magsimula ng magpatakbo ng sasakyan si Miguel ay kumaway pa ang guard sa kanya. Kaylan niya pa nakilala sila manong guard?
Napatitig pa ako sa likod ng sasakyan ni Miguel.
Kung sana hindi mo ako pinaasa, sinaktan at niloko. Hindi na sana ganito kalamig ang pagtrato ko sa 'yo. Masaya sana tayong pamilya ngayon. Pero dahil naging gago ka—lahat ay nagulo. Iyong dapat na tayo ay nagbago. Iyong maayos nating sitwasyon noon ay nawala sa mga pwesto.
"Kung sana hindi mo ako pinaglaruan.. Kung sana pinahalagahan mo manlang ang nararamdaman ko noon. Edi sana ayos lang tayo ngayon at hindi naging ganito." ang tanging nasabi ko na lamang bago mapait na napangiti.
Napabuntong hininga ako at umayos na ng tayo. Muli akong bumaba at nagpunta na sa elevator. Pang-40th floor ako at aabutin pa ako ng oras-oras bago makapunta sa unit ko if ever na gamitin ko nga ang hagdan. Nang nasa loob na ako ng condo ko ay madilim na paligid ang sumalubong sa akin.
Nagsalubong ang mga kilay ko.
Pumitik ang pangamba sa dibdib ko.
Palagi kong sinasabi kay Beatrice na 'wag na 'wag siyang magpapatay ng ilaw kapag wala ako—
"All you need is a little bit of magic.." Dumako ang paningin ko sa sala. Nakabukas ang flat screen tv. Mukhang nanonood ng Mickey Mouse cartoons 'yung anak ko.
"Baby, I'm so sorry—" Napahinto ako. Napalingon ako kay Bea. Agad ko siyang nilapitan nang makitang nakatulog na pala siya.
Napabuntong hininga ako.
"Oh, my baby.." Marahan ko siyang niyakap. Pinatakan ko siya ng halik sa noo. I felt bad being late like this.
"M-my?" Nagmulat ang mga mata niya at ngumiti naman ako "Yes, anak. Mommy is here na."
Niyakap niya ako pabalik. "I missed you Mmy!"
"I missed you too, baby.."
"B-bakit now ka lang po?"
"I'm sorry.."
"It's okay, mommy." Nagpakarga siya sa akin. "Cuddle mo na lang po ako.."
Natatawang binuhat ko naman siya. Hinaplos ko ang likuran niya habang dinadala sa kwarto. Isinara ko ang pintuan at inihiga siya sa kama. Hindi na ako nagpalit pa ng pantulog. Iginilid ko na lamang ang bag ko sa side table at tumabi na nga kay Bea. Kinulong ko siya sa bisig ko habang pinapatulog. Kasabay ng munting mga hilik niya ay ang unti-unti na ring pagpikit ng mga mata ko.
"Bea, kakain na!" tawag ko at sinulyapan siya sa sofa.
"Wait lang, Mmy.."
"Stop mo muna 'yang video call mo.." Kausap niya sila papa sa cellphone. Hindi sila pupunta ngayon dahil gusto nilang mag-bonding muna kaming mag-ina.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng yabag papunta sa pwesto ko. Panay ang bungisngis ni Beatrice at napailing ako. Sinandukan ko ng kanin at ulam ang plato niya. Ngayong umaga ay heavy breakfast ang kakainin namin. Ngayon ko na lang kase ulit napagluluto si Bea.
"Mmy, hindi mo naman po ako iiwan right?" Natigil ako sa pagsubo nang bigla siyang magsalita.
Nangunot ang noo ko. Pero pinanatili ko pa rin ang ngiti sa labi ko. Nagulat ako sa tanong niya. Saan niya napulot ang ideyang 'yan..?
"Bakit mo naman 'yan natanong 'nak?" Nagseryoso ako at napanguso naman siya. "K-kase Mmy, grandpa said a while ago na iniwan ka raw po niya noon.."
"Oh.." Mukhang nagkukwentuhan sila kanina. "Yes, he left me back then. But baby.. Your grandpa didn't mean it at all. Your grandpa love me."
Mula sa tila walang gana niyang paninitig sa plato niya ay nag-angat ng tingin sa akin si Bea.
"But mommy ko, that's my point po. W-what if kahit love mo po ako, gaya ni grandpa.. iwanan mo rin po ako." Napayuko siya. Nabitawan ko naman ang kubyertos na hawak ko.
Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya.
How can she said that!
"Baby.." Pinakalma ko ang sarili ko.
"M-Mmy love na l-love na love po kita.. 'Wag mo po ako iwan ah? Wala na pong aalaga sa'kin.." Nanginig ang boses niya.
"B-Beatrice.."
"W-wala na nga po akong daddy.." napahikbi siya. "Sana po 'wag ka ring mawala Mmy. K-kase if ever po.. kawawa po Bea. W-wawa po ako, mommy. Iiyak po ako nang marami."
"Sshh, baby.." Nagtungo ako sa pwesto niya at agad siyang niyakap.
Nangilid ang luha sa mga mata ko. Nagiging emosyonal talaga ako kapag tungkol sa kanya. Hindi ko alam na sa batang edad niyang 'yan ay nakakapag-isip siya nang ganito.
"Hindi ka iiwan ni mommy, Bea.."
"P-pero.." Maingat kong tinanggal ang luha sa mga mata niya.
"Baby.. Look at me."
"M-Mommy.." Napalunok siya at kaagad kong nabasa ang takot sa mukha niya.
"Do you trust me 'nak?"
"I.. I trust you po, Mmy!"
"If you really trust me baby.. You should not think any of it." Hinawakan ko ang pisnge niya. "Hindi kita iiwan anak, hinding-hindi."
"T-true po ba 'yan mommy?" Kahit puno ng pag-aalangan ang boses niya ay bumalik na kahit papaano ang sigla sa ekspresyon niya.
"Of course naman baby-princess.." I gently, nod my head at her. "Hinding-hindi kita iiwan. Mahal na mahal ka kaya ni mommy mo.."
"S-sorry po Mmy." Napakurap-kurap siya. "Love na love na love rin po kita."
"So don't cry na, okay? Mommy is always with you." With that, inangat niya ang kamay niya at pinunasan ang mga mata. Kinuha ko naman ang tissue na nasa gilid at tinulungan siyang ayusin ang sarili niya.
"Done na po Mmy!" Ngumiti siya sa akin.
Tumingin ako sa pagkain sa lamesa.
"Tuloy na natin ang agahan kung ganun.." Pero napatitig na lamang sa akin si Bea. Naguluhan ako. May problema na siya? May iniisip na naman ba siya? "Baby, why are you staring at me?"
"Nothing po, mommy ko. Na-realize ko lang po na hindi ko naman po pala kaylangan ng daddy. Basta nandito ka lang palagi sa tabi ko, magiging maayos na ako! Ikaw lang po ang kaylangan ko. Love na love na love po kita, Mmy.."
Umuwang ang bibig ko. Hearing how my daughter says that, I think my heart just melted.
"Love na love na love rin kita baby ko."
"Yey! Eat na po tayo." Napahagikgik siya. "We are so madrama po talaga. Morning pa naman oh."
"Kaya nga e." Muli ay pinagpatuloy namin ang pagkain.
Naging mas magana si Beatrice sa agahan ngayon. Panay ang pagdaldal niya sa akin. Puring-puri niya ang mga luto ko. Lubos kong kinatutuwa kung gaano ka-sweet at understanding ang anak ko. She's making an effort in everything and I hope she stays like this. Bukod sa kuya Brennon niya, siya ang swerte ko.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top