Chapter 52

Chapter 52

"Bianca, wait!" nangibabaw ang boses ni Miguel habang tinatawag ako rito sa lobby.

Napapikit ako nang mariin. Ano na naman ba ang gusto ng lalaking ito? Marami akong ginagawa sa araw na ito kaya 'wag niya akong makulit-kulit. Mabilis kong inihakbang ang mga paa ko para sana iwasan siya nang maabutan niya kaagad ako.

Nahinto ako.

Hinawakan naman ni Miguel ang braso ko. Nagsitinginan ang ibang empleyado sa amin, pero dahil ilang beses na ring nangyare ang ganitong eksena—hindi na nila kami pinansin pa.

"Pwede ba, Miguel? 'Wag ngayon!" palatak ko at matalim siyang tinignan.

Napakamot siya sa kilay niya. Pero kalauna'y napabuntong hininga nang makitang hindi nagbago ang ekspresyon ko. Inangat niya sa akin ang paper bag na hawak niya at maliit na ngumiti.

"Lunch box..?" he murmured and I just rolled my eyes.

Marahas kong dinampot ang inaabot niya para makaalis na agad. Knowing Miguel, hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko tinatanggap ang ibinibigay niya. He's so demanding. Hindi tumatanggap ng hindi at ayaw ko bilang sagot.

"Happy?" sarkastikong saad ko.

"Ginawa ko 'yan.." hirit niya pa.

"May nagtanong?"

"Fuck.." he breathe out, looking so lost again; seeing me unsatisfied.

Napabuntong hininga naman ako. Inayos ko ang mga folders na hawak ko, at tumayo nang tuwid sa kanya.

Magkaharap na kami ngayon kaya malaya ko ring nakikita kung gaano siya pinagpala sa lahat ng anggulo.

Mula pa lang sa mapupungay niyang mga mata, mapupulang labi, matangos na ilong at nakaaakit na paggalaw ng panga. Hindi ko tuloy mapigilang kwestiyonin ang panginoon. Wala naman siyang ginawang perpektong tao, pero bakit parang nagiging exempted ang lalaking nasa harapan ko?

"You know what Mr. Falcon? Kung ikaw, walang masyadong ginagawa kase ikaw naman 'yung boss dito. Na kaya mo pang mag-chill at gumawa ng mga ganitong—walang kakwenta-kwentang bagay. Pwes, ibahin mo akong empleyado mo." Kalmado man ang boses ko ay walang kasing sama ang tingin ko sa kanya habang nagsasalita. "Marami akong dapat paglaan ng oras kaysa sa pinaggagawa mo. You're being nonsense already."

"Walang kakwenta-kwentang bagay?" Mukhang hindi niya nagustuhan ang narinig mula sa akin kaya umigting ang panga niya. "It's for your own sake, Bianca. Sinabi sa akin ni Miss Aira na walang kalaman-laman ang tiyan mo nung pumasok ka kanina. At anong oras na? It's already 2 godamn pm!"

Miss Aira na naman?!

Talaga bang ganun na sila ka-close dalawa? Halos wala pang dalawang linggo kaming namamalagi rito. But why they seems so.. Gosh! I snapped my unending, frustrating thoughts and secretly clenched my fist. Hindi ko alam kung kaninong attitude ang biglang pumihit sa utak ko dahilan para mas maging rude na lamang ako lalo sa kanya nang magsalita na ako.

"You're really.. out of your freaking mind Miguel! Ano namang pakealam mo kung 'di pa ako nakakain or something hm? Kahit mag-skip ako ng pagkain buong araw, hindi naman akong mamatay sa gutom! I can survive."

"Still.." Mas nag-iinit ang ulo ko sa pagiging mahinahon niya ngayon. "Skipping meals and not consuming enough food during the day can literally make your head spin, Bianca. Mamaya mahimatay ka na lang d'yan, or worst magkasakit pa. Ayoko namang maranasan mo 'yon, so as long as I can, I want to take care of you 'bagay na 'di ko nagawa pa kase.." Mapait siyang napangiti at tila may naalala. "..umalis ka at iniwan ako."

"So, sinusumbatan mo na ako ngayon?!" Napahalukipkip ako.

"No, Bianca.. It's not like that—"

"Wow, Miguel! Ang lakas naman ng loob mo." awat ko sa sasabihin niya pa at sarkastikong natawa sa kanya. Pinangungunahan na ako ng galit ko. "Ikaw itong gumawa ng katarantaduhan kaya umalis ako at iniwan ka hindi ba? At saka sino ba ang may gusto no'n? Ako ba? In the first place, hindi ba't ikaw naman talaga 'yon?"

"Bianca.."

"Niloko mo na nga ako.. Ikaw pa 'tong may lakas na loob para paalisin ako sa buhay mo noon—Umastang parang ako pa ang may kasalanan, at ginawang mali sa ating dalawa! I felt played all over again, Miguel. You betrayed me. At ngayong kontento na ako sa buhay ko kahit wala ka, aasta ka nang ganito?" nawalan ng preno ng bibig ko. "You're amazing, Miguel! Palagi ka na lang panggulo.."

"Wala ka na bang magawang tama..? O gustong-gusto mo lang talagang sinisira ang buhay ko?" dagdag ko pa. "Ang sama ng ugali mo, Miguel.."

Napayuko siya.

"I.. I just don't want you to skipped your meals kaya ginagawa ko ito, Bi. Ayokong nagpapalipas ka ng gutom kase mas inuuna mo palagi 'yang trabaho mo." Bumagsak ang magkabilang balikat niya, at tila nanghina. "Nag-aalala lang ako sa 'yo.. P-pero bakit naman ganito." nanginig ang boses niya.

Natigilan naman ako. Pasimple ring umuwang ang bibig ko dahil tila nagiging sobra na nga ako sa kanya. Humapdi, at nanikip ang dibdib ko. Ngunit hindi ko pinahalata ang naging epekto ng sinabi niya sa akin at malamig lang siyang tinignan sa mata nang mag-angat na siya ng tingin.

"I-I'm sorry, Bi. I'm sorry.." He continuously whispered making me feel bad so I look away.

Parang hindi na niya kase alam ang mga salitang sasabihin pa sa akin kung hindi ang salitang 'sorry'. Namumula na ang mga mata niya, at ang kaninang sigla nito nang makita ako ay nawala na.

"Fine, and forgiven." Napalunok ako. "But please, Miguel. Don't do this again. H-hindi ko na kase nagugustuhan, at talagang nakakaistorbo na lang.."

"G-Ganito na lang ba talaga tayo palagi Bianca? Talaga bang istorbo na lang ako sa 'yo? Kahit ba anong gawin ko.." Napakagat siya sa pang-ibabang labi. ".. w-wala na lang sa 'yo?"

"Gusto mo ba 'yung totoo Miguel?" ang naging tanong ko sa kaniya. We are both tired with this situation, but I still need to work.

"Bianca.."

"Oo at istorbo ka na lang sa'kin okay? Kaya please, tumigil ka na. Marami pa akong importanteng gagawin, at paglalaanan ng oras kaysa sa 'yo kaya if you excuse me? Bitawan mo na ako?" Ngunit tila nabato na lamang siya sa kinatatayuan niya, ang hawak niya sa braso ko ay hindi manlang natibag kaya ako na ang kumilios.

Walang emosyon kong tinanggal ang pagkakawak niya, at bahagya pa itong pinampagan sa mismong harapan niya. Na tila ba tinatanggal ang bakat ng haplos niya.

I sighed, and looked formally at him.

"Mr. Falcon, I will go now. Sana hindi na ito maulit." pagtatapos ko sa usapan namin. "And please, iba na lang ang paglaruan mo.. Hindi na akong magpapaloko pa sa 'yo. I will never trust you again even you wanted me to, Miguel. A guy who can't stick with his woman is not my man."

Kinunotan ko siya ng noo. Naging malamlam naman ang tsokolate niyang mga mata. Kumibot ang labi niya. Tila gusto pang magmakaawa na naman sa akin. Pero pinangunahan ko na siya sa pamamagitan ng pagtalikod para magtungo sa dapat ko naman talagang dereksyon kanina.

Gosh! Mamaya ma-late pa ako sa pagpasa ng mga projects na ito sa head ng department namin. Napakahalaga pa naman nito ngayon kase usapang sales ito, at over all quality ng projects na ginawa sa Palawan.

"Mr. Dela Cruz?" tawag ko kaagad nang makarating sa opisina nito. Mula sa pagiging abala sa envelope na nasa kanyang desk ay nag-angat naman ito ng tingin sa akin.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ko pa kaylangan iyan—" Nahinto siya sa pagsasalita nang makita ako. "Bianca..?"

"Mark? Anong ginagawa mo rito?" gulat na singhap ko, at nagawa pang ituro siya.

Napakurap-kurap siya sa akin. Marahil ay nagulat rin nang makita ako. Kunot ang noong inilapag ko sa desk niya ang mga hawak ko.

"Whoa.." aniya, at namamanghang tinignan ako. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Dito ka na rin nagtatrabaho? Hindi ba at nasa AI agency ka pa?"

"No, I will only work here temporarily."

"Well, that's nice then. Dito na kase ako inassign nung boss ko. Sasabihan ko nga sana kayo ni Bea kaso masyadong naging mabilis ang pangyayare."

"Really? Marami tayong pagkukwentuhan kung ganun.." nasabi ko na lamang kaya napahalakhak siya, sumasang-ayon sa akin.

Ito siguro 'yung emergency na inaasikaso niya. Mabuti na rin at nagtagpo ang landas namin ngayon. Hindi ko rin kase nasabi sa kanya 'yung biglang pangyayare sa buhay ko. Halos makaligtaan ko na nga siya. Marami na siguro talaga akong iniisip nitong nagdaang araw.

"Sa cafeteria tayo?" Mark grinned teasingly at me nang matapos na kami sa trabaho namin ngayon.

Napatango ako.

"Tara.." pag-aya ko pa sa kaniya habang napapatingin sa orasan. Pwede na siguro akong mag-relax nang kahit kaunti tulad ng gusto ni.. Miguel.

And speaking about that man..

Bigla akong nakonsensiya sa pinagsasabi ko sa kanya kanina! Natigil ako sa paglalakad, at napahigit ang hawak sa paper bag na halos hindi ko na bitawan kanina.

"Bianca, ayos ka lang?" Nang makitang natulala ako ay naging pagtanong ni Mark.

"Ano, Mark.. Pwede bang ikaw na muna? Pass muna ako ngayon? May nakalimutan kase akong puntahan.."

"Oh?" He seems surprised. "May gagawin ka pa?"

Napatango ako, at dahan-dahang napasagot. "Oo.."

"Anong oras na. Masyado ka pa namang workaholic. Importante ba talaga 'yan?" Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Oo.." Wala sa sariling niyakap ko ang paper bag na ibinigay ni Miguel sa akin."Sobrang importante, Mark."

"Okay..?" Naglaro ang kaguluhan sa mga mata niya, pero idinaan na lamang niya ito sa tawa nang makitang seryosong-seryoso ako ngayon.

Napailing naman ako, at nagpaalam na sa kanya. Iniwan ko siya sa kinatatayuan namin kanina. Hawak ang paper bag na bigay sa akin ni Miguel ay sumakay ako sa elevator. Pupuntahan ko siya ngayon sa opisina niya.

"Sana naman hindi 'yon magalit sa'kin.." I hesitantly voice out.

Nagsisisi ako ngayon sa pang-aaway ko sa kanya kanina. Masyado lang kase talaga akong abala no'n! And as a person na committed palagi sa work, pinakaayokong may gumagambala kapag oras na ng trabaho.

But then.. Bakit nga ba ako nag-aalala kung nagalit siya sa inasta ko sa kanya kanina? Hindi ba't totoo naman ang lahat ng iyon! Sa isiping iyon ay napahinto ako. Natigil sa ere ang pagkatok ko sa pintuan ng opisina niya.

"Pero nandito na rin naman ako.. Wala naman sigurong masama kung mag-so-sorry ako kahit papaano 'di ba?" mahinang bulong ko at napakamot sa pisnge nang ma-realize na tila wala namang sense ang mga reasons ko ngayon. "Bahala na!"

"So, how is it?" boses iyon ni Miguel!  Mukhang nandito nga talaga siya sa office niya.

Wala sa sariling pinihit ko na ang doorknob para deretsong pumasok.

"So damn good, boss.." Oh, si Aira ba 'yon? Natigil ako sa paghakbang. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

"I told you.."

"Look at my lips. Nagkalat na 'yung lipstick ko oh." W-what?

"Yeah? Masyado ka kaseng nambibigla." Miguel chuckles, a sly smirk curved on his lips. "So aggressive aren't we.. Miss Aira?"

Dahan-dahang napakuyom ang kamao ko. Marahas kong binitawan ang paper bag na hawak ko dahilan para mapunta roon ang atensyon nilang dalawa. Sabay silang napalingon sa akin, at nang makita ako ni Miguel ay nanlaki ang mga mata niya.

"B-Bianca.. It's not what you think it is!" nagpa-panic na sabi niya pero hindi ako nagbigay ng kahit na ano mang reaksyon.

Tinignan ko si Aira, at nang makita ang nagkakalat niyang lipsticks sa bibig, na tila ba kanina pa nakikipagtukaan sa kung sinong—hindi ko na kaylangan pang hulaan dahil alam kong si Miguel na ito, ay dismayado akong napailing.

Wala pa rin pala talaga siyang pagbabago! I mentally exclaimed, at sinigurado kong mababatid iyon ni Miguel mula lamang sa aking mga mata.

"B-Bianca.." he called me again. Ngunit tumalikod na ako. Walang salita ko silang iniwanan roon.

Tulad nga ng sabi ko, hindi na ako ganun kainosente para hindi maintindihan ang nangyayare sa pagitan nilang dalawa kanina bago ko pa sila maistorbo. God, napakatanga mo talaga Bianca! Wala ka pa ring kadala-dala!

"Oh, Girl! Ayos ka lang?" Si Sheena na napansin ang pagmamadali ko rito sa hallway.

"Oo.." halos pabulong naman na sagot ko kaya napangiwi siya. "Seriously, Bianca? Tell me kung anong problema. Maybe, I can help."

"W-wala nga.." Nag-iwas tingin ako.

"Fine! But let me treat you okay?"

"Huh? Para saan naman?" Sa tanong kong iyon ay nabalisa siya pero kalauna'y namula.

Nagsalubong naman ang kilay ko nang dahil doon, at akmang tatanungin siya kung ano bang meron nang makita ko si Miguel sa elevator! Mukhang sinundan ako! Pero bago pa niya ako mareach-out ay kinuha ko na ang braso ni Sheena at inakay ito paalis.

"Anong nangyare sa 'yo?" tila naguguluhan na sabi niya ngunit umiling lamang ako.

"Wala.. May ipakikilala lang ako sa 'yo," I said, at palihim na sinamaan ng tingin si Miguel na halatang hinahabol pa rin ako hanggang ngayon.

"Huh? Sino naman?" Sheena innocently asked me and I sighed.

Kinawayan ko si Mark na nasa cafeteria kaya nagtungo naman ang lalaki sa kinatatayuan namin, at inakbayan ako gaya nang palagi naming nakasanayan.

"Sheena.. Si Mark, boyfriend ko." dere-deretsong pakilala ko na ikinaubo naman nito.

"W-what? Pero paano si—" hindi ko na pinatapos pang magsalita ang kaibigan ko, at tahimik na kinastigo ang lalaking nakaakbay sa akin na makisakay na lamang sa sinasabi ko ngayon.

"Hi, Sheena!" nag-aalangang pagbati ni Mark. "Maraming nakwento sa akin si Bianca tungkol sa 'yo!"

"Bianca?" hindi pinansin ni Sheena si Mark, at kinunotan lang ako ng noo. Pero nang mapansin niyang nasa ibang dereksyon ang atensyon ko ay napalingon siya roon.

"Sir Miguel.." gulat na salita niya, at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

Nagkaroon naman kami ng sariling mundo ni Miguel. Nang nagtama ang mga mata namin, walang kumurap ni isa. Sinalubong ko ang tingin niya at pinagmasdan naman niya ako. Pero nang mapadako ang atensyon niya sa lalaking pangiti-pangiti lang ngayon—na si Mark ay napataas ang kilay niya.

"Mr. Villanueva.." Miguel's cold, unfiltered voice echoed in entire cafeteria.

Wala sa sariling napalunok ako. Now, he's being intimidating.

"Mr. Falcon.." ang naging pagtugon ng katabi ko, at tila naramdaman na ang pagiging tensyonado ng paligid.

Pero hindi na siya pinansin pa ni Miguel. Bagkus ay lumapit ito sa akin at marahang tinanggal ang brasong nakaakbay sa akin ngayon.

"Fuck off, Mark." he murmured softly and my breathe halted.

"Oh c'mon cousin, ganito ka ba magpasalamat sa pagbabantay ko sa mag-ina mo?"

"C-causin?" nautal ako. Napalingon naman silang dalawa sa akin, tinitigan ang naging reaksyon ko, at sabay na ngumisi sa harapan ko.

Holy.. fuck?

"Anong.. A-anong ibig sabihin nito?" Naghanap agad ako ng sagot pero pareho lamang silang umiling sa akin. Nag-fist bump, at bro hug sila sa harapan ko.

Inupo ako ni Miguel sa isang bakanteng upuan dito sa cafeteria at mas natuliro naman ako. Panay ang buka ng bibig ko. Gusto ko pang magtanong nang magtanong pero naging abala na sa pag-uusap ang dalawang lalaking kasama ko.

Pumirmi ang labi ko.

Hindi na maipinta ang mukha ko sa pagkakataong ito.

Mukhang napansin ni Miguel ang reaksyon ko kaya nag-lean in siya sa akin. Itinapat niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, "My mother is former Villanueva before she became a Falcon, Bianca."

"W-what..?"

"And because Uncle Brixxon will her marry her again, napagkasunduan naming.. magpapalitan kayo ng apelyido. She will become a Del Pilar, and you will become a Falcon.. My Mrs. Falcon,"

Sa narinig kong iyon ay napapikit ako nang mariin. Nagtagis ang bagang ko, at wala sa sariling siniko siya nang marahas sa sikmura. "In your dreams, Miguel. In your fucking dreams. You manipulated freak!"

"Mhm.." He licked his lower lip. "I won't fucking deny it then, my Mrs. Falcon."

"Baliw ka na!"

"Baliw na baliw sa 'yo? Matagal na, Bianca."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil tila wala na siyang balak tigilan pa ako.

"That's so freaking corny causin.." Mark chuckled, amusement was visibly written on his expression.

Aliw silang nagkibit-balilat dalawa kaya nanlisik na ang mga mata ko. Bakit ba hindi ko kaagad nakita ang resemblance nilang magpinsan..? This is unbelievable. They are so insane. Mas lalo akong nawawala sa mood sa nangyayare ngayon.

"That's was epic Girl.." Bigla ay kumibo si Sheena. Nagpigil siya ng tawa. "Epic failed."

I can't help but glared at her too. Akala ko makakaganti ako kay Miguel kapag nagselos siya kay Mark! Pero nagkamali ako. He fucking know him and I don't know what to say anymore. God, ano bang meron sa araw na 'to at parang hindi manlang sumasang-ayon sa akin?

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top