Chapter 51
Chapter 51
"Gosh.. I expected this to be a huge, pleasing company but I didn't expect it to be this.. well-pompous!" Aira exclaimed from my side as her eyes filled with amusement.
Napatango ako.
Totoo iyon. Mas nag-level up 'yung ka-elegantehan nitong kompanya ni Miguel kumpara noon. Mas lumaki rin, at mas lumawak ang teknolohiya. Paniguradong 'dala ng nakalipas na panahon. This feels nostalgic.
"Parang gusto ko na tuloy manatili na lang dito.." I couldn't help but look back at her. "Edi, mag-stay ka.." I laughed.
"Talagang mananatili ako 'no! May balak pa akong akitin 'yung CEO nila rito, duh. Sayang naman itong ganda ko kung 'di gagamitin." Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang isinagot niya pabalik.
Nagtagpo ang mga kilay ko sa hindi kaaya-ayang paraan. Hindi ko maintindihan pero hindi pasok sa panlasa ko 'yung iniisip, at binabalak niya ngayon. Siya? Aakitin si.. Miguel? At mananatili rito para makalapit sa kanya..? What the hell?
"Oh, ba't ganyan ka naman makatingin sa'kin babae?"
"W-wala naman.." Napaiwas ako ng tingin. Sinubukan ko na lamang pagtuunan ng pansin ang paligid dahil baka traydorin lang ako ng mga mata ko, at samaan na lang siya ng tingin.
I didn't like what she was planning..
"Sa ating dalawa, ikaw ang 'di magaling magsinungaling Bianca."
"Wala nga.." Napailing siya, at nginisian ako. "Type mo rin 'yung CEO 'no?"
Natigilan man ako ay hindi ko hinayaang rumehistro iyon sa mukha ko. Instead ay naging pormal na lamang ako muli sa kanya, at kunwareng kinunotan siya ng noo.
"Anong ibig mo namang sabihin d'yan, Aira?"
"You know.. Baka may binabalak ka ring gaya ko," Sumeryoso siya, at tinapatan pa ako. "I mean, who wouldn't? For a single mom like you, it's not impossible. Malay ko bang nasa loob ang kulo mo."
Napamaang ako.
"Seriously, Aira? I'm not like you.. I won't stand that low."
"Hindi ako sigurado d'yan Bianca, sa nagiging reaksyon mo pa lang kanina ay parang interesadong-interesado ka na sa kanya." Napabuga ako ng hangin pero nanindigan lamang siya. "And you know me, alam mong kapag may pinaplano na ako.. ayoko ng may sagabal kahit na malapit na kakilala ko pa."
"God, you're that serious about seducing our new found boss?" I can't help but raised my eye brows. Hindi ko na pinansin pa ang pagmamaldita niya.
"Of course!" she crossed her arms. "The moment I planned something from him, tinatak ko na sa utak ko na akin na siya—Kaya 'wag mo siyang maagaw-agaw sa'kin, Bianca."
"You gotta kidding me.." Napasinghap ako.
"Oh, dear. You knew I don't do jokes."
"Alam ko.." I whispered softly, and can't help but stared into her eyes.
How could I not know? Aira Fuentes become a mistress before I tried to be friend with her. Naisip ko kase noon na baka matulungan ko siya dahil napag-alaman kong ibinandona rin siya ng sarili niyang mga magulang. But sadly, she doesn't want me to be her friend. Wala raw iyon sa bokabularyo niya. Hindi niya raw kaylangan ng taong makakasama.
"Good for you then.." I whispered and she smiled in front of me. Nawala ang madilim niyang ekspresyon sa akin.
Sumeryoso ako.
"Hindi ko siya aagawin sa 'yo, Aira."
"Thank you..?" Inayos niya ang buhok niya. Sa kung papaano niya ako tignan ngayon, alam kong hindi pa rin siya naniniwala.
"Oo nga.." paninigurado ko naman saka magaang ngumiti sa kanya. "Alam mo na.. Bakit ko naman kase aagawin pa 'yung isang taong una pa lang ay akin na."
"And what do you mean by that—" akmang iiringan niya pa ako nang may sumigaw ng pangalan ko sa gilid.
"Bianca?!" Sabay kaming napalingon ni Aira sa taong biglang humawak sa magkabilang balikat ko.
Umuwang ang bibig ko.
"Sheena..?!"
"Oh, my God! Girl, ikaw nga 'yan!" she happily exclaimed, at niyakap ako nang mahigpit.
Natawa naman ako. Nabawasan ang tensyon sa dibdib ko. At bago pa ako makapagsalita sa kanya ay naibuka ko na ang braso ko para yakapin siya pabalik.
"Na-miss kita!" halos sabay na bigkas namin kaya napailing ako.
"Grabe, wala ka pa ring pagbabago.." puna ko.
"Ikaw rin naman girl! Ang ganda-ganda mo pa rin! Wala ka pa ring pagbabago. Pwera na nga lang sa katawan mo. Shit ka, you looks so damn sexy!" Napangiwi ako, at naiilang na nagbaba ng tingin.
Bigla akong nahiya sa lakas ng boses ni Sheena. Baka masita pa kami rito lalo na't nakakuha na kami ng eksena. Bakit ko nga ba nakalimutang ganito palagi ang tono ng boses niya?
"Doon tayo sa cafeteria.." Hinili ko siya at nagpaubaya naman agad siya sa akin.
"Libre mo?" She wiggled her brows.
Napatango ako.
Lumingon ako kay Aira. Aayain ko rin sana siya nang mauna na itong magsalita kaysa sa akin.
"I didn't know na kumakaibigan ka sa taong nakalunok ng microphone Bianca, dear." panghahamak niya kay Sheena. Kaagad namang napaubo ang kaibigan ko sa naging litanya niya, at sumagot. "I didn't know na may kakilala kang palalunok ng 'di literal na microphone Bianca, girl."
"Masarap e." Aira shrugs her shoulder.
Napangiwi ako. Hindi na ako ganun kainosente para isipin kung anong microphone na ang pinag-uusapan nila.
"Gross.." Sheena let out a shaky groan, and glared at her.
"Subukan mo kase sa iba't ibang klaseng microphone." Aira smirks and my eyes widened. "'Wag ka lang lumunok sa isa para mas masarap. Mas mapapaos ka roon at mababawasan ang lakas ng boses mo."
"No need, miss." Napaismid si Sheena. "Kontento na ako sa microphone ng boyfriend ko. I'm not like you who looks so.."
"Looks so?" Nagtaas ng kilay si Aira, at mas hinarap si Sheena. Mukhang wala talagang gustong magpatalo sa dalawa.
Nagkibit-balikat ang katabi ko.
"Nothing."
"What..?"
"You're nothing, but a piece of shit na lagi pang nagc-crave sa sa titi, gaga." Sheena blurted out and my mouth completely fell open, I'm bewildered. At bago ko pa sila awating dalawa ay nagpang-abot na nga ang mga ito.
Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ako makapaniwalang nagkakaroon ng cat fight ang dalawang kasama ko ngayon. Hawak nila ang buhok ng isa't isa. Na tila ba kanina pa nanggigil.
"Gaga ka! 'Wag mong hahawakan ang buhok ko! Allergic ako sa malandi!"
"Insecure ka lang, bitch!"
"Sheena! Aira! You two are going to stop! Gracious, you're making a scene!" awat ko, at sinubukang lumapit nang biglang pumito na ang mga guard sa malayo.
Napapikit naman ako nang mariin dahil sa malamang sa malamang ay makakarating na ito sa management. Pero ang dalawa ay tila naging binge sa paligid, that even though the people here in the Falcon lobby stopped them, they didn't bulge, and became even more violent.
Kagat ang labing tinanggal ko ang kamay nila sa isa't isa, at pumagitna. Itinulak ko sila para paghiwalayin nang umamba pa ang mga ito.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ko.
"Ano bang ginagawa niyo, Aira at Sheena?! Nababaliw na ba talaga kayo..?!"
"What's happening here?" Nahinto ang pagtatalak ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon sa likuran ko.
Nahigit ang hininga ko, at para akong natuliro. Natuod ako sa kinatatayuan ko. Ganun rin ang dalawang kasama kong naghahabol na ng hininga. Suddenly, the three of us looked at each other. We are all nervous because the owner of the company himself caught up with the scene we formed.
Fuck this..
Hindi kami nakapagsalita. Ganun din ang paligid. Natahimik ang buong lobby. Marahil ay nakikiramdam sa mangyayare sa amin. Nang muling pumangibabaw ang malamig na boses ni Miguel ay parang gusto ko na lang maglaho ngayon.
Inutusan niya kaming tatlo na humarap sa kanya, pero dahil parang natulala na lang kami—siya na ang nag-adjust.
"Bianca..?" he called me. He's not surprised anymore to see me and I closed my eyes. "Look at me.."
"Y-yes, sir?"
"What happened?" Kumabog ang dibdib ko, at napasulyap sa dalawang nakayuko ngayon habang pirming nakatayo sa magkabilang gilid ko.
"Wala naman po.. Mr. Falcon," I whispered the last two words as I looked at him.
Nagtama ang mga mata naming dalawa. Nagsalubong lalo ang kilay niya. Gumalaw ang panga niya, at mas rumiin ang paninitig niya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at palihim na napairap. 'Wag mong sabihing sa akin siya nagagalit? Alam niyang 'di ako palaaway!
"I said, what the fuck happened." Miguel's voice become cold even more when he repeated his words. Nagtaasan ang mga balahibo sa batok ko.
Napalunok ako.
"S-sabing wala nga—" I couldn't continue what I was going to say when I saw that Aira, and Sheena were the ones he was talking to, at hindi na pala ako.
Napalingon siya sa akin.
Napapahiyang napababa muli ako ng tingin. Pero ang loko ay inangatan lang ako ng kilay. He seems amuse. There's an odd glint dancing through his chocolate, brown eyes and I become lost.
Damn this man.
"Uh, hi sir! Miss Del Pilar is right po. Wala naman pong nangyayare. Lambingang magkakaibigan lang." Aira beamed, and let out a flirty chuckles even thought she's nervous.
"Lambingang magkaibigan my ass.." I heard Sheena from my side protrude.
"Is that so?" Miguel asked, and freaking smiled at her 'matapos sumulyap sa akin. "Yes, po!"
"Okay.. But next time, please do your lambingang magkaibigan privately. Ayokong magka-issue ang company ko."
"Noted, sir! Thank you po!" Ang saya-saya ni Aira dahil 'yung mga tao sa paligid ay nagbubulungan na. Sinasabi ng mga ito na mukhang nakuha ni Miguel 'yung atensyon niya kaya pinagbibigyan!
Napamaang ako, at palihim na sinamaan ng tingin ang lalaking masayang-masayang nakikipag-usap sa babae.
Hindi ko mapigilang mapaismid nang harapan. Sa nagdaang taon ay naging mahina ba ang pag-iisip nito ni Miguel? Alam niyang 'di lambingang magkaibigan ang nangyare! It's a damn violation. Dapat nga ay warningan niya si Aira dahil kabago-bago pa lang ay gumagawa na kaagad ng gulo sa kompanya!
"Talaga, sir? Wow! Ang galing-galing niyo pala talaga. I bet na magaling rin kayo sa ano.." Umikot ang mga mata ko, at kinuha na ang kamay ni Sheena sa tabi ko dahil naririndi na ako sa kalandian nung isa d'yan.
"God! Mas lalo akong nagiging allergic sa mahaharot!" pagpaparinig ng kaibigan ko nang makatalikod kami.
Napalingon sa amin sila Miguel. Pero hindi siya derektang nagtagos-tingin kay Sheena kung hindi sa akin mismo. May aliw sa mga niya nang makita ang pagiging iritado ng mukha ko. Mukhang tuwang-tuwa talaga siya sa pinaggagawa! I didn't expect na lumala ang pagiging flirt niya ngayon. At nakakasura lang na ipinapakita niya iyon sa harapan ko.
"Wala ka pa rin pala talagang pagbabago, ano?" My eyes grew cold. Bigla ay tila lumakas ang loob ko.
"Bianca.." he called me but I remained emotionless.
Hindi ko na siya pinansin pa.
Narinig ko muli ang pagtawag niya sa akin. This time 'yung boses niya ay naging desperado? Parang handa agad siyang magpaliwanag sa akin. Na kahit kami na ngayong dalawa ang pinagbubulungan ng paligid dahil sa imahe niyang—ni minsan ay hindi naghabol sa babae ay hindi niya ito pinansin at nagawa pa talagang hablutin ang braso ko.
"Mr. Falcon.. Can you please let go of my hand?" I glared at him, clenching my fist.
"Sheena, can you go first?" He heaved a sigh. "I will just—"
"S-sure, Mr. Falcon!" Miguel chuckled, and thanks her. "You can call me by my first name too, tutal kaibigan ka naman ni Bianca."
"S-sige, sir Miguel!" Nautal si Sheena, naninibago sa treatment ni Miguel sa kanya. "Oh, God. I think I'm gonna faint!" dagdag pa niya.
Sa isang iglap, nawala na si Sheena sa paningin ko. Sunod-sunod ding nagsialisan ang mga tao sa lobby. Pati na rin si Aira na sa tingin ko ay pilit pang isinama ni Sheena para 'di kami maistorbo ni Miguel.
"Hindi ko inaasahang ganito na pala ka-friendly ngayon ang CEO namin." Humalukipkip ako sa lalaking nasa harapan ko. "I though he's always distant to everyone..Mali ba 'yung mga interview niya sa newspaper and tv shows?"
"Oh, you watched those.. Bi?" He eyed me, surpassing his smile.
"In your dreams.."
"Oh, Bianca-baby.. Lagi ka namang nasa pangarap ko." Nawalan ng buhay ang mga mata ko. "And, you become this corny?"
"Mhm.." He innocently nod his head. "Para sa 'yo, I can be."
If he will always act like this, I guess palagi ko rin silang maikukumpara ni Beatrice. They both have this kind of expressions. Playful, yet sweet. With so many thoughts circulating in my mind, I tried to stay collected.
I looked at him.
"What do you really want, Miguel? I still have a lot of work to do. So if you excuse me, I'm leaving." malamig na litanya ko na malakas na niyang ikinabuntong hininga niya.
"Bianca.." aniya. "Can we talk?"
"For what?"
"For.. For us, and her—" I knew it! Alam niyang may anak kami, but sadly.. He didn't dare to claim it before and now, at talagang pinabayaan lang si Bea.
Sa isiping iyon ay gumalaw ang panga ko. I can't believe this man! How was he able to move on with his life without thinking about Bea? Talaga bang wala siyang pakealam kahit na manlang sa anak niya? Wala ba siyang konseniya manlang?!
"It's not what you think it is, Bianca!" He suddenly exclaimed, natataranta sa iniisip ko ngayon. "I can.. explain. Let me explain. I just want to—"
"Save it, Mr. Falcon." I snapped him. "I don't need your explanation."
"Bianca.."
"We don't need you." I pointed out. "She don't need you." tukoy ko naman kay Bea.
Napakagat siya sa pang-itaas na labi. He looks so.. hurt. Nawala ang aliwalas ng mukha niya kanina, at nabahag ito. Mapupungay ang mga matang sinundan niya ang tingin ko.
"Bianca.. P-please.."
"No, and never again, Miguel. Hindi ko hahayaang saktan mo rin siya."
"You know that I can't do it, Bianca! I.. I maybe a damn asshole for hurting you before. But I won't hurt her. I won't dare to hurt our c-child.." Nagsimula ng manginig ang boses niya habang sinasabi ang mga salitang iyon kaya napaiwas ako ng tingin.
Napabuntong hininga ako. "Still.."
"Bianca, baby.. Please. I'm begging you. I'm sorry. A-Alam kong nagawan kita ng mali. Alam kong nasaktan kita noon. Alam ko.. ang lahat ng kagaguhan ko maski ngayon. At alam kong kahit k-kaylan man ay hindi ako magiging deserving para sa 'yo, para sa inyo.."
"Buti alam mo.." I can't help but scoffed blankly.
"I know baby.. I know," halos nanghihinang bulong na sabi niya, at marahang hinawakan ang pisnge ko para paharapin sa kanya. "But, please.. nakikiusap ako sa 'yo, give me a chance, Bianca. Let me fix my mistakes. H-hayaan mong bumawi ako.."
Hindi ako nakapagsalita ng araw na iyon. Napatitig lamang ako sa tsokolate niyang mga mata. Nagmamakaawa na ang mga ito sa akin na bigyan ko siya ng pagkakataon. At kahit bumuka man ang bibig ko para tanggihan siya ay hindi ako nagkaroon ng lakas para isaboses pa iyon.
I don't know, but may parte sa akin na gustong hayaan na lamang siya. Gusto kong tansyahin kung saan aabot ang mga sinasabi niya. Na kahit ba ipagtabuyan ko siya, at tanggihan.. makakaya niya ba?
"Sige na, 'nak.. Papasok na ang mommy. Be good girl kila papa, okay?" Niyakap naman niya ako. "Opo, Mmy! I'll be good girl! I love you po, take care!"
"Mahal din kita baby ko," Ngumiti ako, at nagpaalam na rin kila Auntie na narito ngayon sa condo.
When I arrived at Falcon Company, I immediately went to the interns' quarter, where we were also stationed. Malaki naman ito, at naging sapat sa amin kahit na maraming trainee ngayon ang Falcon. May kaniya-kaniya kaming desk, computer set at swivel chair na ang asta ay tila regular employee na rito.
"Saan nanggaling 'to?" I asked while holding a very beautiful set of white roses bouquet. May iilan mang pulang rosas ay mas lamang pa rin ang dami nung paborito kong bulaklak.
Wala sa sariling napangiti ako, at inamoy kung gaano ito kabango.
"Kay Mr. Falcon, Miss Del Pilar. Actually, ako ang nakaabot sa kanya rito kaninang madaling araw." Umastang kinikilig 'yung babae sa gilid ko. "Grabe, napakaaga niyang manligaw!"
Sa narinig kong iyon ay napailing ako. Nararamdaman kong gagawin niya ang bagay na ito ngunit hindi ko inaasahang ganito siya kaderminado. Dahil sa araw-araw na nagdaan ay palaging may panibagong punpon ng bulaklak sa desk ko. Na minsan pa'y laging may kasamang tsokolate, at maiikling liham.
"I am not very good at algebra, but I do know that you and I make 69." Good morning, Bi! Always have a wonderful a day. 'Wag kang magpapakapagod, may bakbakan pa tayo sa future.
...your soon to be hubby, Miguel.
Nag-init ang magkabilang pisnge ko. Napatingin ako sa paligid. At kahit na wala namang nangangahas bumasa o makialam sa letter ni Miguel para sa akin ay kaagad ko itong itinago. Ang pilyang lalaking 'yon!
"Bianca, 'yung phone mo nag-vibrate.." Itinupi ko muli 'yung papel na nabasa ko kaninang umaga, at namumulang nagpasalamat sa kadarating lang na si Sheena.
Nandito kami ngayon sa pantry at nagmemeryenda. Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa, at binuksan ko ang screen nito. Pinindot ko ang notification na nag-appear doon. It's a message that's came from him.
Blushing again aren't you? Look at the door, Bi. Makikita mo 'yung future mo.
Nangunot ang noo ko, at wala sa sariling napatingin sa pintuan. Ano na naman bang trip nitong lalaking 'to?
"Pizza?" Miguel asked, and smile cutely at me.
Umuwang ang bibig ko.
Nakahawak ang isa niyang kamay sa bulsa ng pants niya habang ang kaliwa naman ay ang may hawak nung pizza. Inangat niya ito, at inilapag sa harapan namin ni Sheena.
"S-Sir! Ikaw po pala 'yan..Good afternoon! Meryenda?" malaki ang pagkakangiting anyaya ng kaibigan ko.
"Sure.." Ngumisi si Miguel. "But did I told you already that you can always call me in my name tutal ay kaibigan ka naman ng future Mrs. Falcon ko?"
"Girl! Ang swerte mo!" pabiro akong binangga ni Sheena sa balikat ko. Pero tumaas lamang ang kaliwang kilay ko.
Pinagkrus ko ang braso ko habang nakaupo, at blangkong tinignan si Miguel.
"Papansin ka rin, ano? Mrs. Falcon your face." kinukurot man ako ni Sheena sa gilid ko dahil inaaway ko na naman ang boss namin ay hindi ako natinag.
"Kung iyon lang ang paraan para paglaan mo ako ng oras kahit saglit.." Miguel chuckles. "Bakit 'di ko subukang magpapansin..right?"
"I'm enjoying this.." ang naging komento ng kaibigan ko, at kumain na ng pizza saka kami sinimulang panoorin.
"Well, let me tell you this one.. Mr. Falcon—"
"Yes, Mrs. Falcon?"
"—Hindi ko kaylangan ng papansin mo. Nakakairita kaya. Hindi bagay sa 'yo." Kalmado siyang ngumiti sa akin.
"Of course, hindi talaga bagay sa akin ang magpapansin.. Ikaw kaya 'yung bagay sa akin." He winked. "Sa iyo lang ako nababagay, Miss Del Pilar."
"Nakakainis ka talaga.." asik ko na lang, at napainom ng tubig.
"Be irritated with me as long as you want, baby. I'm fine of it, at least mas nararamdaman kong apektado ka pa rin sa akin."
"And where did you get that idea?" My forehead furrowed. "I'm not affected with you anymore!"
"A-huh.. Pero iba 'yung nakikita ko, at sinasabi ni Miss Aira." Natigilan ako roon, at 'di mapigilang mas mainis sa kanya. "Nag-uusap kayo?"
"Hmm.." He just grinned at me. Nagsalubong ang mga kilay ko at napanguso na siya.
"Kaylan pa?" tanong ko. Kumuha ako ng pizza at matigas itong kinagat habang matalim ang tingin sa kung saan.
"Why? Selos ka?" MMigue surpassed his damn smile.
"Hindi." mabilis na sagot ko. "Bakit naman ako magseselos 'di ba?"
"You should be.. Wala naman kaming special relationship gaya ng meron tayo ngayon—" Bumuga ako ng marahas na hangin, at pinutol siya sa pagsasalita.
"Ikaw lang ang may special relationship 'kuno sa akin, Miguel. Naging desisyon mo 'yan, pero hindi ako—Kaya wag mo akong matayo-tayo."
Naitikom niya agad ang bibig niya habang awkward namang napatingin sa amin si Sheena. Pero maya-maya pa ay napatango siya, at napatikhim.
"Right.." He sighed, and I just keep quiet.
I don't want to rely on him especially since I'm still not sure of the things that are happening to us. Bumibilis na naman. And I don't like that. I want him to stand by his words. Gusto ko siyang matuto na hindi lahat ng bagay ay maaari niyang makuha nang ganun kabilis. Although, nakakakita ako ng improvement lalo na sa character niya ngayon ay may hinahanap pa rin akong iba.
Or should, I say.. may hinahanap akong mga salita. Tatlong salitang 'di ko manlang narinig sa kanya.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top