Chapter 47
Chapter 47
"Baby, dahan-dahan naman.." I carefully wiped the dirt off her cheek and she just giggled.
"By the way 'nak, what did you and your grandparents talk about?" I'm referring to my papa and auntie. Yes, they knew that Bea existed in my life but they didn't dare to ask me who is her father. I really keep quiet with the details, but I have this feeling na may hinuha na sila kung sino.
Nag-angat ng tingin sa akin si Bea. Nang magtama ang mga mata namin ay napakurap-kurap siya.
"They shaid.. they want to see me pershonally. You too, Mmy—they miss you na raw po." I can't help but heaved a sigh.
Actually we are far away from them. 'Yung distansyang sapat na para hindi na muling magulo ang buhay ko. I would not even have let them know that I had a child if my conscience did not bother me. Wala naman silang kasalanan sa nangyare kaya pinaalam ko na. Bagaman nagulat ang mga ito sa nalaman ay hinayaan na nila akong magdesisyon sa kung saan kami lulugar ng anak ko. Basta raw lagi ko silang i-a-update sa lagay namin.
"Mmy.. I want to see them too!" Bea suddenly beamed cheerfully.
Natigilan ako. "Baby.."
"Grandpa told me that I have so many stuff toys there!"
"Really?" ngiti ko na lamang kaya lumabas na ang pagiging madaldal niya.
We ended the night with her non-stop story. 'Yung mga nangyare sa kanya ngayon at 'yung ginawa niya nung nasa work ako. Wala rin yatang araw na hindi niya bukambibig ang lola at lolo niya. Halatang gustong-gusto niya na ito makilala nang personal.
"Gusto mo na bang mag-school baby, nursery? Summer classes?" tanong ko kalaunan. Umiling si Bea.
"I know a lot naman na Mmy." ngumuso siya sa harapan ko. "Ang tali-talino kaya ng baby mo."
"Kahit pa.." Kinandong ko siya sa hita ko.
"Kapag kinder na lang Mmy." Napakamot siya sa ilong niya.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango sa kanya. Mabuti na rin iyon. Isang taon na lang naman, at maari na siyang pumasok sa kindergarten. Alam kong na-bo-bored na rin siya rito sa bahay. Inayos ko ang sando at panjama na suot niya. Kapapalit niya lang kanina matapos ko siyang linisan.
Wala sa sariling inabot ko ang pulbo sa kanan, at pinulbuhan siya sa leeg at likuran bago ito ibalik sa kinalalagyan nito kanina.
"Ang bango-bango naman ng baby ko."
"Mmy naman ih!" nakikiliting aniya.
Nang makitang unconscious na pumipikit ang mga mata niya matapos ko siyang lambingin ay napabuntong hininga ako.
"Time to sleep na baby.." paalala ko. Mas lalo namang pumungay ang mga mata niya.
Mahina siyang napahikab kaya inihiga ko na siya sa kama. We always sleep next to each other because the bed is big enough for the two of us. I lifted the blanket over her body before fixing her hair that covered her face again.
"Bea, sleep na ah." bulong ko nang makitang nagpapanggap lang ito. Nagtutulog-tulugan lang ang bulinggit sa harapan ko.
"Mmy.." I stopped stroking her hair when she suddenly spoke. "Yes, baby? Do you have something to say?"
Binuksan niya ang mga mata niya. Alam kong naantok na siya, pero parang may bumabagabag pa rin sa isipan niya. And knowing Bea, hindi siya titigil hangga't wala siyang kasagutan na matatanggap.
"Where's my father?" Natigilan ako, nahigit ang paghinga ko, at nahinto na nang tuluyan ang paghaplos ko sa kanya. "B-Bakit.. Bakit mo naman natanong 'yan, 'nak?"
"You know Mmy, I felt very sad po kase kapag po naiisip kong wala po akong kasamang daddy. I watch televishion po, it shaid that the family have a daddy, mommy and me—but.." Hindi na naituloy pa ni Bea ang sasabihin. Mukhang maski siya ay hindi na niya kayang sabihin pa sa akin 'yung mga susunod na daing niya..ngayong tila na-re-realize niya na ang lahat. Nakita ko na lamang ang pagbalantay ng lungkot sa kaninang maaliwalas niyang mukha.
Napalunok ako. Parang piniga nang paulit-ulit ang puso ko sa nararamdaman ngayon ng anak ko. Hindi ko na alam ang dapat sabihin sa kanya. Parang mali na 'ata na magdahilan pa ako nang magdahilan, at iwasan ang mga tanong niya.
Napabuntong hininga ako kalaunan.
Hindi ko talaga ito inaasahan.
"Baby.." naitawag ko na lamang.
"T-Tell me Mmy.. Does my Ddy didn't want me since then? H-hindi niya ba ako love kaya wala siya sa tabi natin? A-Ayaw.. Ayaw niya ba kay Bea?" Malinaw kong narinig ang pait at sakit sa boses niya pagkasabi niya ng mga tanong na iyon.
Umuwang na ang bibig ko this time, at napatingin na lang talaga sa kanya. Mamungay-mungay ang mga mata ni Bea, tila gustong maiyak sa harapan ko ngunit mas pinangingibabawan siya ng antok kaya dahan-dahan na lamang siyang napapikit. Mukhang nakatulog na.
Naiwan naman akong nakatulala. Wala pa ring mabuong salita sa bibig ko kahit panay ang buka nito.
"M-Mommy.." Naramdaman ko ang yakap ng anak ko dahilan para matauhan ako sa malalim na pag-iisip.
Napalingon ako sa kanya. Nakapikit ang mga mata niya kaya malaya kong nakikita kung gaano kahaba ang kanyang pilikmata. At kung kanina'y, ang yakap-yakap niya ay ang kanyang Mickey Mouse stuff toy—ngayon ay ako na.
Malakas akong napabuntong hininga. "Don't worry baby, nandito lang palagi ang mommy. Hindi kita pababayaan." Dinampian ko muna siya ng halik sa noo bago yakapin nang mahigpit. "Mahal na mahal kita anak."
Akmang matutulog na lamang akong gaya niya nang hindi ko talaga mapigilang mapa-isip. Sa sinabi ng anak ko ngayon, halatang matagal niya na itong dinadaing. At sa loob ng halos limang taon ay ngayon lang siya nag-express ng topic about her father. Puro sila papa, at auntie lang kase ang hinahayaan kong banggitin niya.
Muli kong minulat ang mga mata ko bago malungkot na tumingin sa anak ko. "Nandito lang ang mommy anak.."
Hindi ko talaga inasahan na ganito niya kaaga i-o-open sa akin ang usapin sa kanyang ama. Although it's a good thing kase bibihira lamang sa mga anak na maglalabas ng saloobin o nararamdaman sa kanilang mga magulang tulad ko nung kabataan ko.
Hindi ko kayang magdrama, at magsabi ng hinanakit kila mama't papa. Feeling ko kase ang awkward, parang nakakailang na nakakatakot dahil baka 'ako' lang naman itong nag-o-over react sa mga bagay-bagay na nararanasan ko. Na baka ako lang iyon. Na baka masyado lang akong sensitive, at baka mahusgahan pa ako. Dahil siguro nga, magulang ko sila.. pero hindi kami ganun ka-close. Laging may boundaries. Palaging may wall sa pagitan namin. Na kapag nagsabi ako, parang hindi nila ako maiintindihan. At baka ako pa 'yung lumabas na mali kalaunan.
Kaya ngayon ay may parte sa akin na sobrang nasisiyahan dahil hindi lang mag-ina 'yung relasyon namin ng anak ko dahil may friendship and closeness rin na hindi ko naranasan sa sarili kong ina.
Ngayon ko na-realize, na talagang napakaimportante nung communications sa mga taong malalapit sa atin. It can made us more stronger, and open sa lahat ng bagay para magkaintindihan at makapag-unawaan.
And right now, I can say.. na-proud ako sa sarili ko bilang ina.
Dahil naipaparanas ko sa anak ko 'yung mga bagay na minsan ko na ring pinangarap kay mama. Ang maging isang mabuting ina, at magkaroon ng anak na kayang maging open sa akin—na walang halong takot o pangamba dahil may tiwala siyang hindi ko siya huhusgahan.. Hindi huhusgahan ng mama niya 'yung mga saloobin na nararamdaman niya.
Kinabukasan ay maaga akong gumising.
Naggayak ako, at naghanda ng agahan namin ng anak ko. Ito 'yung mga pagkaing paborito niyang kainin tuwing umaga. Saturday naman ngayon kaya wala akong pasok. Solong-solo ko ang kusina. Wala kase si Yaya Asul kapag sabado, at linggo. Hinahayaan ko siyang makipag-bonding din sa mga anak niya.
"Perfect.." I grinned nang makabuo pa ako ng perpektong puso sa kawali.
Plano ko ring bumawi kay Bea dahil nung mga nakaraang araw kase ay lagi na lang akong gabi kung umuwi. Dumadalas kase ang mga OT ko sa trabaho.
"Last one.." I sofly murmured, and made the pancake formed heart again. This time ay bahagyang pumaling 'yung hugis nito kaya hindi ganun kaganda ang kinalabasan.
Napangiwi ako pero kalauna'y napailing na lamang dahil alam kong 'di naman maarte sa pagkain si Bea. Sabi pa nga niya ay sapat ng ako 'yung nagluto para sa kanya. Hindi niya raw kaylangan ng perpektong mama, kontento na raw siya sa Mommy Bianca niya.
Palihim akong napangiti kung gaano ka-sweet ang anak ko. Lahat ng sakripisyo, at hirap ko sa panganganak sa kanya nang mag-isa ay masasabi ko talagang worth it pa sa worth it. My Bea is the best gift in my life.
Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng ingay mula sa kwarto. Mga maliliit na yabag na alam kong galing sa baby-princess ko.
"Mmy! Magandang morning!" my pretty daughter greeted me when she saw me here in the kitchen. And as usual, yakap-yakap niya si Mickey Mouse niya.
Ipinunas ko muna ang kamay ko suot na apron, at tinanggal ito mula sa katawan ko saka bahagyang yumuko para mapantayan na siya.
"Magandang morning too, baby.." I smiled, and gestured to the counter. "Sit down here.."
Sumunod naman kaagad si Bea. Gaya ko ay maaliwalas din ang mukha ng anak ko. Malamang sa malamang ay tuwang-tuwa siya dahil alam niyang babawi ako.
Inayos ko na ang bilugang plato na naglalaman ng heart shape na pancake, at inilapag ito sa dining area. I also took milk from the fridge and a chocolate drink before I sat down on the tool in front of her.
"Yey! I love you Mmy!" she cheered happily, at tumingin sa mga pancakes, cupcakes, and breads na nasa harapan niyang puro nakakorteng puso. "Heart.. heart, heart!"
"Welcome, baby." masuyong tugon ko naman, at hinalikan siya sa pisnge.
Magana siyang kumain ngayong umaga kaya natutuwa ako. Nakakaaliw pagmasdan ang anak mo na nagugustuhan ang maliit na bagay na ginawa mo para sa kaniya.
Napangiti ako. Sana lang ay 'di mawala-wala ang ngiti niyang 'yan dahil ipinapangako ko, na gagawin ko ang lahat para maging masaya lang siya.
"Eat more, baby-princess.."
She pouted, and sighed. "Mmy baka mag-fat na po ako nito."
"Hush, baby. It won't happen. Kumain ka lang nang kumain, at ang mommy na ang bahala." Bilang isang ina ay natutunan kong manipulahin 'yung mga ingredients sa pagkain na maaaring makasama sa kalusugan ng anak ko.
"Yey! The best ka talaga Mmy!" Nag-flying kiss ito sa akin kaya nag-heart shape naman ako sa kanya.
Pareho kaming natawa sa kalokohan namin, at masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain ng agahan.
"Mmy.. may nag totoktok po." puna ng anak ko habang kunot ang noo.
Napataas naman ang kikay ko roon. Ang talas talaga ng pandinig ng anak ko, o baka talagang abala lang ako sa pagmamasid sa kanya dahilan para hindi ko na mapansin pa ang mga ganap sa paligid ko.
"Alright, anak. Ako na ang titingin." I stood up, and left her there.
With only just a few steps from the dining area, I already reached the door. Nasa bungad lang kase ng sala 'yung pinto. Maliit lang itong apartment kumpara sa condo ko noon. Pero masasabi kong sakto lang ito para sa aming mag-ina.
"Bianca!" Napangiti ako nang masilayan ang pamilyar na mukha nang buksan ko na ang pintuan. "Mark! Ikaw pala 'yan."
"Papasok ah?" Iniharap niya sa akin ang paper bag na alam kong pagkain ang laman.
"Sige na nga.." Binahiran ko iyon ng tawa dahil alam kong mangungulit na naman siya. "Pasok ka.."
Nang maisara ko ang pintuan ay hindi na ako nagtaka pa nang halikan niya ako sa noo bago siya dumiretso kay Bea. Napailing na lang ako. Grabe talaga kung maka-feel at home ang lalaking ito.
"Waa! Tito Mark, you're here pala! Ano po 'yang dala mo?" kaagad na salubong ni Bea sa kanya.
"Ah, ito ba Bea? For you, and for your.. mom, of course!"
"Omg! You're so mabait talaga tito Mark, thank you po! Love na love po kita!"
Nakita kong kinarga ni Mark si Bea, at nagyakapan sila sa harapan ko na tila ba mag-ama kaya umeksena na ako.
"So, ganun na 'yon? Magtatampo ako n'yan, baby-princess. Bakit si Tito Mark mo lang ang love mo? How about me naman, baby ko?"
"Mmy! Love rin po kita e!" hagikgik niya. Kinikiliti na siya ng Tito Mark niya.
"Love lang?" nakahalukipkip na pansin ko sa anak ko, at inismiran ang lalaking nag-uumpisa na naman sa pang-aasar sa amin.
Mark, and his hidden kookiness
"Love na love po Mommy! More love po kita kahit sinong person pa 'yan!" Lumawak naman ang ngiti ko, at kaagad na nakuntento sa isinagot niya.
Maya-maya pa ay tinaasan ko ng kilay si Mark na nangingisi na lang sa aming mag-ina. Naupo ako sa tool na kinauupuan ko kanina, at pinagtuunan na siya ng pansin. "By the way Mark, ang aga-aga nangangapitbahay ka. Akala ko ba, si Mark.. tahimik lang?"
"Boring sa bahay e." He surpassed his laugh. "Alam mo naman, weekends."
"Reasons.."
"Huh?"
"Reasons 'yung sinasabi nung mga trashtalker sa ML kapag nagdadahilan lang 'yung kakampi nila na log sila roon sa game." I smiled sweetly, and softened the bad words because Bea might hear it. Mabuti na lang at nagkaroon ng sariling mundo 'yung anak ko sa gilid namin. Abala na siya ngayon sa paper bag na hawak ni Mark kanina.
"Yeah, right.. But how did you know that? ML player ka rin ba?" I shrugged my shoulder.
"Hindi naman." I shakes my head. "Pero let's just say na may isang lalaking nangangalang Mark ang napanood ko ng maglaro. And guess what? Even though he wasn't Log in the game then, he still excused himself in the chat box na nag-log daw siya. Wala eh, sinimulan na rin siyang i-trash talk nung sariling kakampi. Kawawang nilalang."
"Kaylan iyon—" Nanlaki ang mga mata niya, at kaagad na dumepensa. "H-hindi ah! Hindi ako gano'n. Log lang talaga ako nung araw na 'yon!"
"Kahit.." Napangisi ako.
"H-Hindi nga.. Kayang-kaya ko nga silang buhatin lahat e!" pagmamayabang niya pa. With how childish he became, hindi ko mapigilang maalala sa kanya si James.
"Kahit na tank ka that time?" Tinaasan ko siya ng kilay.
As far as I know, Gatotkaca was the one he was using then tapos may plano siyang i-set 'yung kalaban kase nagtipon-tipon naman ang mga ito. Sakto namang naroon 'yung mga kakampi niya kaya dapat lahat na maging alerto.
"Oo!"
"Tank na nag-ss, at lumundag sa tore ng kalaban kahit nasa damuhan 'yung labanan?" Mark's lips parted, his eyes dilated.
"P-parang namali lang 'yung pindot." Napaubo siya sa pagkakapahiya.
Napailing ako. Sobrang yabang niya pa no'n sa kasamahan niya. 'Yung tipong pumipili pa lang sila ng hero ay kaagad niyang sinabi na bubuhatin niya sila. Siya na raw bahala sa lahat, magaling daw siya mag-set bilang Gatotkaca. Na hindi niya nagawa kase bitin lagi 'yung perimeter nung SS sa controller ng hero niya. Mali siya kung tumansya. Kaya ang ending, defeated with mega kahihiyan kase choco 'yung kinalabasan niya.
"Ayan kase, ano?" asar ko pa dahilan para kunin na lamang niya ang atensyon ng anak ko, at magsumbong.
"Bea, oh. 'Yung mommy, inaaway ako." Mark pouted in front of my daughter, nagpapaawa.
"Tigilan mo 'yan, Mark. Mukha kang bibe."
"Bianca!" he hissed pero nginisian ko lang siya. Palagi naman kaming ganito magkulitan. Nang makilala ko siya dati, naging komportable na agad ako sa kanya. He seems a good person even though he's this playful.
"Yes po, Tito Mark.. Mmy is right, you looked like the missing bibe in Tatlong bibe song. So don't pouted, 'di po bagay sa 'yo."
"W-what the.. Pati ba naman ikaw baby, Bea?" Marky Louis Villanueva dramatically exclaimed.
"Sorry not sorry Tito Mark!" Nagkatinginan kami ng anak ko, at nagawa pang mag-apiran.
Bumusangot naman sa harapan namin ang lalaking kanina pa salvage sa aming mag-ina. Nagtawanan kaming dalawa dahil umakto pa itong parang batang nagmamaktol ngayon. Inaya ko si Mark na makisabay sa amin sa agahan kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.
Pinagmamasdan ko sila Bea habang nag-uusap at nagtatawanan. Masasabi kong close rin sila ng Tito Mark niya, Since yata na lumipat kami rito sa apartment.. siya lang ang ka-close namin ng anak ko kaya sanay na sanay na kami sa presensiya niya.
Sa loob ng halos limang taon, nakatatlong bahay ako ng apartment na nilipatan. Kung hindi kase problema sa ilaw at tubig, sa mga kapitbahay na palagi akong pinag-uusapan ang naging problema ko. Ayoko namang lumaki si Bea na laman palagi ng chismis kaya naghanap ako ng apartment na may kalayuan sa mga streets. Kadalasan ay doon kase tumatabay ang populasyon ng mga marites.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top