Chapter 46

Chapter 46

Nang makabalik ako sa condo unit ko ng araw na iyon ay malakas akong napabuga ng hangin. I put my purchases on the table, and immediately looked at my own arm. Namumula ito, at mababakasan ang paghigpit ng hawak nung kung sino.

"Baby, huh? What a slut." Again, Miguel's words seemed to recur in my mind.

I really hate it when someone dearest in my heart calls me names without a damn hesitation. Like mama, and this asshole named Miguel. Malakas akong napasinghal sa kawalan. Unti-unti na namang nadudurog ang puso ko. Nawala ang matapang na anyo ko, at hinimas-himas na lamang ang braso ko.

Wala talaga siyang kwenta! I mentally exclaimed. Nagsisimula na akong manggalaiti ulit.

Mood swings..

Napagpasyahan kong ayusin na lamang ang mga pinamili ko. Inilagay ko ito sa bawat cabinet sa kusina, sa kaniya-kaniya nilang lagayan. Bahagya pa nga akong napabahing dahil sa naamoy kong paminta. Takip ang ilong ko itong inilagay sa isang garapon. Gayundin ang ginawa ko sa asukal, black coffee beans, at iba pa.

Matapos kong ayusin ang mga rekado sa pagluluto ko ay inayos ko naman ang mga delata. Inilagay ko ito sa itaas kasama ng mga noodles, at iba pang ready to eat meal. Ang mga binili ko namang juice, milk, vitamins para sa baby ay inilagay ko sa ref. Ganun din ang mga prutas na pinaglilihihan ko.

Nang makuntento na ako sa pag-aayos ay sakto namang nakaramdam ako ng pagod. Bumalik ako sa sala, at naupo ako sa sofa. Ipipikit ko na sana ang mata ko para makapagpahinga kahit sandali nang tila sirang plakang magpaulit-ulit na naman sa akin ang mga akusasyon ni Miguel.

Liar. Bitch. Slut. Ano pa ba? Walang kabuhay-buhay akong napaiing saka iritadong napatayo.

I picked up the envelope containing my resignation letter. Nung isang araw ko pa ito binabalak kaya technically, nauna ako kay Miguel. Although may pag-aalangan pa rin ako. Pero ano pa nga ba ang reason ko para mag-stay sa kanya gayong pinal na rin pala ang desisyon niya.

"Hindi mo na kaylangang sabihin.. Gagawin ko na," desidido na ring salita ko.

I called Sheena's number in my contacts, and just in a few rings; she answered my call. "Girl! Napatawag ka!? I mean.. Bakit ngayon ka lang napatawag? Bakit hindi ka pumasok ng nagdaang-araw? Galit na galit si boss ah? Nag-away ba kayo-"

"Calm down, Sheena." kontrolado ang boses na sabi ko bago mapapikit. Ang tinis ng boses niya. Like what the heck right? Mabilis pa namang mag-init ang ulo ko ngayon.

Inilayo-layo ko ang cellphone ko nang hindi pa rin siya matinag, at nagpatuloy na sa pagsasalita.

Gracious! Ang daldal niya talaga..

"Go to my condo later pag-uwi mo, ipapadala ko sa 'yo 'yung resignation letter ko." deretsong pahayag ko dahilan para maramdaman ko ang pagkagulat niya.

"What the?! Seryoso ka dyan girl..? Obakanamannagbibirokalangdiyan-" I immediately turned off the line when her voice got louder even more.

Ang sakit niya sa tenga, gosh.

"Malaki naman na ang ipon ko." Inihagis ko ang envelope. "Hihinto muna ako sa pagtatrabaho."

Hinawakan ko ang tiyan ko bago ito marahang himasin. "Baby.. Gagawin ni mommy ang lahat para sa 'yo."

Ngumiti ako.

And this time is.. 'yung genuine na.

Binalatan ko ang orange, at kumuha ako ng platito. Doon ko naman inilagay 'yung tomato sauce bilang sawsawan sa orange.

"Mhm.. Amoy pa lang ang sarap-sarap na." mahinang bulong ko, at buong araw na tumambay lamang sa condo ko.

"Come in.." ngiti ko kay Sheena. Nangunot ang noo nito bago pumasok sa loob. "Ano bang nayare girl? Why are you doing this? Why are you resigning-"

"Coffee? Juice? Water? Maiinom? Gusto mo?" I asked her, cutting her long speech.

"A juice will do." aniya at ikinalma na rin ang sarili.

Kumuha naman ako nung gusto niya at inabot iyon sa kanya. Naupo kaming dalawa sa sofa. Itinali ko ang buhok ko. Bigla kase akong nahiya sa itsura ko. Baka magmukha akong gusgusin. Hindi pa ako nag-aayos o kahit suklay manlang e.

"So.. ano na?" Sheena looked at me after she drank her apple juice.

I handed her my resignation letter.

"Ayan, mag-re-resign na ako." Nanlaki ang mga mata ni Sheena kahit tila alam naman na niya-dahil nga sinabi ko na kanina.

"B-Bakit?" Umiling ako. "Just a.. personal matters."

Bumalantay ang lungkot sa mukha niya kaya bahagya akong nakonsensiya.

"G-Ganun? Mag-re-resign ka na talaga?" Mapait akong ngumiti sa kanya.

"Yes. And I think, ito na rin ang huli na nating pagkikita..?"

"What.. What do you mean by tha-'Wag mong sabihing aalis ka?!" Pasimple akong tumango sa kanya bago ako napabuntong hininga. "Uh, yes. I love my job and I really enjoyed it. Pero may mga bagay talaga na kaylangan ng isuko, hindi naman kase pansamantala ang lahat-darating at darating talaga tayo sa point na biglang aayaw ka na lang."

"Huhu.. Bianca." Tinignan ko siya. Maluha-luha na ang mga mata niya. Para siyang batang pinangakuang isasama ng nanay sa pupuntahan, pero nang makapagbihis na ay wala na siyang naabutan. In short, iniwan nang walang paalam.

"Anyways.. Thank you Sheena. Malaki ang pasasalamat ko sa'yo dahil naging kaibigan kita, at best friend ang turing mo sa'kin." ani ko pa. Niyakap niya naman ako. "P-pinapaiyak mo ba ako?"

Wala sa sariling ginulo ko ang buhok niya.

I really like this girl.

"Oh siya, sige na. Maggagabi na." saad ko. "Umuwi ka na. Ipasa mo na lang 'yan kay Mr. Falcon."

"Aalis ka na ba talaga?"

"Oo. Hindi lang para sa akin ito. Para sa kanya rin.. sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko ngayon." Her forehead furrowed as if she couldn't understand who I was referring to before she frowned at me like a child.

"Alright! But make a video call with me okay? T-Then always update me wherever you go."

Natawa ako sa kakulitan niya.

"Tatawagan kita.." Ayon na lang ang safe na answer sa tingin ko kaya napipilitan itong napatango sa akin.

Napabuntong hininga ako, at akmang matutulog na dahil nakakasigurado akong naipasa na ni Sheena ang resignation letter ko nang mag-vibrate bigla ang phone ko.

It's from him..

Hindi ko sana ito babasahin. Pero tila kusang gumalaw ang daliri ko, at pinindot para buksan ang mensahe niya.

Hey slut, I don't want to see your face ever again. I'm glad, and very happy if ever na mawawala ka na sa buhay ko.. namin.

By the way, I really enjoyed your accompany baby. Pangkama ka ngang talaga.

Nanginig ang mga kamay ko sa nabasa. Hinawakan ko nang mahigpit ang cellphone ko. Nagtagis ang bagang ko, at unti-unti na namang lumuha ang mga mata ko. Napahawak ako sa dibdib ko bago mapait na napangiti.

"W-walanghiya ka talaga, Miguel. Napakasama mo." nanggigigil na sabi ko bago mapapikit nang mariin.

Hindi ko inaakalang sa ganito tayo magtatapos, boss. Napakagago mo, kinasusuklaman kong nakilala kita magmula sa araw na ito.

"Mmy ko! Mmy ko!" I blinked and immediately turned my attention to that thin yet loud voice.

"Baby.." wala sa sariling tawag ko, at lumuhod para salubungin siya ng mahigpit na yakap.

"Mmy, na-miss po kita." She pouted, and let out a soft giggle afterward.

"Miss ka rin ni mommy, baby.." I replied and poured many kisses on her cheeks. Kumapit naman ang anak ko sa leeg ko, doon siya sumiksik kaya napangiti ako at kinarga ko siya.

"How's your day baby?" Nagningning ang mga mata niya nang lumingon sa akin. "I talked to grandpa and grandma, Mmy!"

Kitang-kita ang kasiyahan, at sigla sa mukha ng anak ko kaya nanlambot ang puso ko.

Marahan ko siyang inupo sa sofa.

"Really, baby?" masuyong tanong ko pa. Gustong-gusto ko talaga kapag nagiging masayahin ang anak ko. Dahil ayon 'yung isang bagay na wala ako nung kabataan ko pa.

Hinaplos ko ang malambot niyang pisnge.

Tumango-tango naman siya, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa manipis niyang labi. "And you know what, Mmy? They shaid that they want to meet me-Us!"

"Oh.." reaksyon ko na lamang saka napatitig sa maamo niyang mukha.

Nakuha niya ang pagiging inosente ng mga mata ko. Pero hindi ang kulay nito. She got his chocolate, brown eyes. Ang pinagkaiba nga lang ay light 'yung sa anak ko, at gusto kong manatiling ganun lang iyon. She's 4 years old already. Matalino siya gaya niya. At sa totoo lang ay mas lamang ang nakuha niya sa ama niya. She's the girl version of Migue..

"Mmy ko, are you alright?"

"Yes baby, ano nga ulit iyon?" I can't help but asks her, but my question made her forehead completely furrowed.

She pouted, "Mmy naman.. You're not lishtening to me naman pala."

Mahina akong natawa. Inangat ko ang kamay ko, at marahan kong inayos ang ilang hibla ng buhok niya. Natatakpan na kase nito ang mukha niya, mukhang hinangin dahil sa nakabukas na electric fan.

"Naging good girl ka ba kay yaya, anak?" I change the subject because I know where our conversation will end.

Napapalakpak siya sa tuwa.

"Opo, Mmy! Gaya po ng na-shay mo, I became a good girl po! Right, yaya?"

"Uh opo, Ma'am Bianca." ngiti naman ni Yaya Asul na kalalabas lang sa laundry area.

"Talaga ba?" paninigurado ko naman, at kunwareng hindi naniniwala sa sinabi nila.

"Mmy naman!" pagmamaktol ng anak ko, at humalukipkip sa harapan ko.

I let out a softly chuckled, and shook my head seeing her wore her infamous suplada mood.

"Joki joki lang baby, kumain ka na ba?" I asked her sheepishly. Umiling siya, at pinaglaruan ang dulo ng suot niyang damit.

"Nope pa po. Hinihintay po kase kita ih."

Natigilan ako roon, at kunot noong napatingin sa wall clock. It hangs across from the flat screen tv, through frames and paintings.

"Past eight na.." bulong ko sa kawalan. Marami kaseng kliyente ang boss ko kaya medyo natagalan ako ng uwi ngayong araw.

"I'm sorry baby.. Come with mommy, let's eat."

"Yehey!" she cheered.

"Dahan-dahan sa pagtakbo, Bea!" suway ko nang mauna itong magtungo sa hapagkainan.

Napailing-iling ako.

Ang kulit-kulit niya talaga but she know her limits naman. I always remind her that, and apparently ay alam niya naman kaya light lang 'yung buhay naming mag-ina. Never ko pa yatang nasigawan o napagalitan nang sobra ang anak ko.

"Anong niluto niyo 'ya?" angat tingin ko sa nag-iisang katulong ko sa pag-aalaga kay Bea.

"Adobo ma'am," maikling sagot nito ngunit may bahid na ngiti sa maputlang labi.

"Sabay na po kayo sa amin."

"Ay, ma'am, busog pa po ako e. Salamat na lang po." Tumango ako, at hindi mapigilang titigan siya. "Kamusta ang mga anak mo yaya?"

"Mabuti naman po ma'am."

"That's good then.. Hindi ka naman siguro pinahihirapan ni Bea, ano?"

"Hindi naman po ma'am. Actually nakakatuwa nga lagi si Bea. Napakalambing. Mukhang nagmana po talaga sa inyo."

Napangiti naman ako roon, at sinundan ang nagkukulit ko na namang anak.

"Careful baby," Kaagad ko siyang inalalayan sa pag-upo sa silya.

Nang makita kong hawak pa rin ni Bea ang stuff toy niya ay kinuha ko ito sa kanya. Inilapag ko si Mickey Mouse sa tabi niyang upuan. Lagi niya talaga itong dala kahit saan siya magpunta. Ito lang daw kase ang kalaro niya. I told her to make friends with our neighbors, and play with them but she didn't want to. She's also not really as friendly as I am. Also, she said that she prefers to play alone with her Mickey Mouse.

"Mukhang masarap ito ah?" Sinandukan ko siya ng kanin at ulam sa sarili niyang plato.

She know how to eat properly kaya hindi na niya kaylangang subuan. Pero lagi ko pa rin siyang ginagabayan. Minsan kase napakatakaw niya talaga.

Walang limitasyon sa pagkain si Bea. Mahilig siya sa mga junk foods which is really unhealthy sa edad niyang iyan. Bagaman marunong siyang tumansya kapag talagang sobra-sobra na, tinatakot ko pa rin siyang mabubungi siya hanggang sa pagtanda kapag pinagpatuloy niya ang pagkain ng mga 'di masustansiyang pagkain.

Tinignan ko 'yung manok na kanina niya pa sinusulyapan.

"Mukhang gutom na gutom na ang prinsesa ko hm?" salita ko dahilan para humagikgik siya.

"H-hindi naman po Mmy-" akma pa siyang tatanggi sa akin nang saktong tumunog ang tiyan niya habang nagsasalita.

Natawa ako. "Hindi pala huh?"

Namumulang ngumuso si Bea sa akin, at akmang papapak na sa manok nang pabiro kong paluin 'yung kamay niya.

"Hindi pa tayo nagdadasal.."

"Mommy naman e. Gutom na po ako." I playfully rolled my eyes. "Kain nang kain, 'di naman tumataba."

"Mana-mana lang po 'yan Mmy!"

"Aba.." Pinanliitan ko siya ng mga mata, at akmang kukurutin ang singit niya nang humagalpak siya ng tawa.

"Joki joki lang, mommy ko!"

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top