Chapter 45
Chapter 45
"S-Sino 'yon?" singhap ko nang maalimpungatan dahil sa ingay na nagmula sa labas.
Nangunot ang noo ko, at tumayo mula sa pagkakasalampak sa kama. Mukhang nakaidlip ako. Napahikab ako habang bumabangon. Pinunasan ko ang mga tuyong luha sa mata ko. Inayos ko ang sarili ko kahit latang-lata na ako. Kumuha ako ng panali, hindi na ako nag-abala pang magsuklay at pinusod na ang magulong buhok.
Maya-maya pa ay nagtungo na nga ako sa sala. Hindi na rin kase nahinto pag-do-doorbell nung tao sa labas.
"Sandali lang.." salita ko, at napasulyap sa wall clock. Nagulat pa ako nang makitang gabi na pala.
Binuksan ko na ang pintuan.
"Sino ba kase 'yan—"
"Hi, Bianca-tot! Ito na 'yung deal natin." Trezer cheered happily while holding a small paper bag. Nanlaki ang mata ko at agad iyong kinuha.
"Wow, pito! Salamat naman.." Abot hanggang tengang ngiti ko nang mabilang kung ilan 'yung balot.
Natawa siya, at napailing. "I'm the one who should be thankful. Seriously, Bianca-tot, thank you very much. Kahit ako pa ang maging supplier mo ng balot habang buhay, ayos lang."
Although I wanted to take advantage of what he said, dahil talagang naglalaway ako sa balot ay hindi ko ginawa. Sapat na itong binili niya. At saka, hindi naman ako nanghihingi ng kapalit.
"Hindi na kaylangan. Sapat na ito." Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nang makita ang mukha ko ay nawala ang ngiti niya.
"Bakit namumugto iyang mga mata mo?" Natigilan ako. Halata ba talaga?
Sinubukan kong umiling sa kanya. Hindi na niya kaylangan pang malaman ang kagaguhan ng kaibigan niya.
"W-wala lang ito.." Paglihis ko sa usapan saka tumikhim nang mapatitig na lamang siya sa akin.
"A-ayos ka lang ba?" he suddenly asked me, and I forced a smile.
"Ano ka ba, ayos lang ako. Bakit mo naman natanong?" Nagdaan ang pag-aalangan sa mga mata niya. "Nakita mo ba 'yung..nevermind."
"Huh?" maang-maangan ko sa kanya.
"It's nothing, Bianca. Basta, nandito lang ako kung kaylangan mo ng kausap okay?" That's feel nice so I nod my head.
"Dahil diyan, libre mo ako ng hapunan." saad ko nang biglang kumalam ang sikmura ko. "Tinatamad akong magluto e."
"Let's go then.. It's also great timing because I want to celebrate something."
"Oh?"
"Yes! I'm so happy right now, Bianca. Petals and I are already together! Si Miguel nga sana 'yung pagkukwentuhan ko kaso hindi ko ma-contact."
Natahimik naman ako roon, at pagak na natawa nang mabanggit niya si Miguel. Hindi niya talaga ma-co-contact ang lalaking iyon dahil abala pa siya sa pambabae niya. Motherfucking asshole.
"Congrats then.." ang naging tugon ko na lamang, at biglang nawala na naman sa sarili.
Napatulala ako.
Isinarado ko ang pinto, at sabay kaming naglakad hanggang sa makapasok kami ng elevator.
"Kanina ka pa tahimik ah?" Ang naging pagkibo ni Trezer dahil hindi na ako nagsalita pa o umimik manlang kahit panay ang pagkukwento niya.
Tumunghay na ako sa kanya.
Ayoko namang sirain ang maganda niyang gabi dahil lang sa bigat ng loob ko ngayon.
"H-huh?" Trezer only shakes his head. Ngumiti siya sa akin. 'Yung ngiting may pag-aalala, at pag-intindi.
Nang tumunog ang elevator ay sabay kaming lumabas. Pinagbuksan ako ng glass door ni Trezer dahil mukhang abala pa ang guard sa pagtingin doon sa guest list. At syempre imposibleng hindi iikot ang mga mata ko sa paligid nang makatapak na ako sa ground. Dumako ang paningin ko sa parking lot, at nakita kong wala na roon 'yung kotse ni boss. Umalis na siguro ito at nag-hotel kasama nung kahalikan niya.
Kumabog ang dibdib ko sa isiping iyon, at nanghihinang napayuko. Agad kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko, at ang milyong-milyong karayom na tila deretsong tumutusok sa puso ko.
"Ayos ka lang ba talaga—" tanong muli ni Trezer. Nagbago kalaunan ang paningin ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayare sa paligid ko. Basta nakaramdam na lang ako ng matinding hilo bago ako tuluyang bumigay. "—Bianca..? Bianca?! Bianca!"
"Doc, ano po bang nangyare sa kaniya?"
"Ano po ang koneksyon niyo sa pasyente?"
"Kaibigan niya po ako."
"Ganun ba? Dapat hindi siya nag-iisip ng ikaka-stress niya lalo na at buntis siya ngayon—"
"W-what!?"
"Hindi niyo pa po ba alam?" ani pa nung 'di pamilyar na boses saka mahinahong nagsalita. "Yes, sir. The patient is 3 weeks pregnant."
Kahit napakabigat ng pakiramdam ko ay minulat ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng salitang pregnant. Bumungad naman sa akin ang puting wall at ceilings. Mukhang nasa hospital ako, walang duda.
Dahan-dahan akong umangat nang bahagya sa hospital bed na kinahihigaan ko.
"S-Sino po ang buntis?" agaw atensyon ko sa dalawang nag-uusap.
"Gising na po pala kayo ma'am. Mabuti naman kung ganun, at tama po ang dinig niyo. Congratulations ma'am, you're 3 weeks pregnant." Matamis siyang ngumiti sa akin. "Dapat palagi po kayong magpahinga, misis at 'wag kang magpapadala sa stress dahil talagang makakasama sa bata—"
Nagulantang ako sa sinabi niya. Umuwang ang bibig ko, at literal na nahigit ang hininga. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon! Pero nagpatuloy lang sa pagsasalita iyong doctor. Ang dami niyang binilin sa akin na..ni isa ay wala akong naging tugon.
"Oh, God.." napadaing ako. Napahawak ako sa bibig ko. Nagpaulit-ulit iyong salitang pregnant sa isip ko.
B-Buntis.. Buntis ako!
Napakurap-kurap ako nang ilang beses. Maya-maya pa ay sinabihan ko rin silang umalis at iwan muna akong mag-isa. Binalaan ko rin si Trezer na 'wag itong sasabihin kahit kanino.
Nanghihina akong napasandal sa kinahihigaan ko. Bakas pa rin ang sobrang pagkabigla sa itsura ko. Hindi ako sigurado kung ano ang dapat maramdaman sa pagkakataong ito.
Napahawak ako sa pisnge ko, dumaloy na roon ang luha na galing sa mga mata ko.
Umiiyak na naman pala ako.
"I'm.. I'm sorry baby, mommy was just shocked." Ibinaba ko ang tingin ko sa tiyan ko. Hinaplos ko ito. "Please don't think that I don't like you hm? I'm.. happy. M-Masaya ako dahil blessing ka ni mommy."
Nanginig ang labi ko.
Kahit nasa sinapupunan ko pa lamang siya, ramdam na ramdam ko agad ngayon ang tila koneksyon namin.
Nangingiti ako kahit lumuluha. Kaya kong palakihin ka mag-isa, anak ko. Aalagaan kita, hindi kaylan man ako hihingi ng tulong sa ama mo, wala siyang kwenta. Masama siya, at sinaktan niya ang mommy.
Wala sa sariling itinaas ko ang palapulsuhan ko. There's a bandage wrapped around it. Earlier.. I almost committed suicide from the excruciating pain he caused! And to think that I was so careless again dahil paniguradong maaapektuhan ang bata—na maaari rin itong mawala sa akin sa ginawa ko ay madiin kong ikinuyom ang kamao ko.
Killing yourself is not really a solution..
Napalunok ako.
I realized at this moment that suicide does not end the chances of life that is getting worse, instead, suicide eliminates the possibility of getting better.
"H-hayaan mo baby.. K-kahit wala ang daddy mo.. Nandito lang ang mommy." kausap ko rito.
Pinapangako kong hindi ako magiging pabaya tulad ng nangyare sa kapatid mo. Hindi ka pababayaan ni mommy, pinapangako kong hindi na mauulit ang nangyare noon.
"Nandito lang ang mommy, anak." ang tanging bukambibig ko na lang bago ako pumikit nang mariin at kasabay no'n ay ang pagbuhos muli ng luha sa mga mata ko.
"Bianca?" Wala sa sariling napatingala ako. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at inayos ang sarili.
"Pasok.."
"Bumili ako ng dinner mo, and vegetable salad for your baby." Sa narining kong iyon ay nagpasalamat ako, talagang na-a-appreciate ko ang tulong na ginagawa ngayon ni Trezer.
Naupo naman siya sa isang sofa. Bagaman natahimik ay kitang-kita ko mula rito sa kinahihigaan ko ang malalim niyang pag-iisip. Siguro curious siya kung sino ang ama.
Napabuntong hininga ako bago mapayuko. Hindi ko alam ang gagawin ko, at parang wala pa nga akong balak gawin.
What all I know right now is that.. I will never allow myself to lose a child again.
"S-Si Miguel ba?" Natinag ang pag-iisip ko dahil sa tanong niya.
Natigil ako sa pagkain, ngunit hindi ako lumingon sa kanya para sumagot.
"So.. Si Miguel nga." Parang siguradong-siguradong sabi niya nang makita ang naging reaksyon ko.
Napahigit ang hawak ko sa plastic spoon.
"He doesn't care, Trezer. Hayaan mo na lang siya."
"Pero Bianca—"
"Kanina nga lang ay nakita ko siyang may kahalikang iba, at alam kong nakita mo rin 'yon."
"Fuck this.."
"I may be sounds rude, but this is not your business anymore Trezer. 'Wag kang makikialam sa amin. 'Wag mo itong sasabihin sa kanya. Hahayaan ko na lang siya." malamig na sabi ko pa. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang tumango sa akin.
"But Bianca.." Bigla ay reaksyon niya. "I know him. Miguel is my best friend. He's a good person even though he acts impulsive. I'm sure there's a reason why he did—"
Napaharap ako sa kanya.
"I don't care anymore, Trezer." galit na palatak ko. "But it's also up to you whether you say it or not. Wala na akong pakealam. Makakaalis ka na. Salamat sa tulong mo, pero pwede bang iwanan mo muna ako?"
Napipilitan naman siyang napatango sa akin.
Napabuntong hininga ako. Kung kaylangan kong lumayo ay lalayo ako para hindi masaktan ang anak ko.. Kahit ang anak ko na lang, at hindi na ako. Hindi ko hahayaang gaguhin, at saktan niya rin ang anak ko gaya nang ginawa niya sa akin.
"Pinagsisihan ko talagang pinagkatiwalaan kita, Miguel." Napagpasyahan kong itigil na ang pagkain dahil nawalan na ako ng gana. Sapat na siguro ang ilang pagsubo ko kanina.
Inayos ko ang kumot tna nasa katawan ko pa rin bago ako nahiga muli sa hospital bed. Ang sabi ng doctor ay 'wag daw akong mag-iisip ng stressful thoughts dahil talaga raw na makakasama sa baby ko. Mukhang nalaman na rin nito ang medical records ko kaya sinabi niya rin sa akin ang malaking posibilidad na makunan muli ako—gaya nang nangyare noon.
Pangako.. Magdodoble ingat ako ngayon, anak.
"I'm craving for fruits.." Napakamot ako sa kilay ko habang namimili ng mga pagkain sa isang supermarket.
Malaki ang pagkakangiti ko habang naglilibot dito. Ayokong maging malungkot ng dahil lang sa walang kwentang tao. Makakasama sa bata. Ayon ang laging tinatatak ko sa isip ko para makalimutan kahit pansamantala ang sakit na ibinigay ni.. nevermind.
Kinuha ko ang isang orange fruits na nasa isang hilera, at inamoy-amoy ito.
"Fudge.. Ang bango nito." Inangat ko ito sa ere. Sinakop ng palad ko ang bilugang prutas na ito at hindi na ako agad makapaghintay pang kainin ito.
"Paniguradong magugustuhan ito ni baby.." Napakagat ako sa pang-ibabang labi, at palihim na hinimas ang tiyan ko.
I took ten pieces, and I was about to put them in the basket I was carrying nang may isang kamay ang siyang humawak nang mahigpit sa braso ko.
"Baby huh?" Nanlalaki ang mga mata akong napalingon sa kaniya. "What a slut."
"Let me go!" singhal ko kahit kinikilabutan na sa presensiya niya. Ang laki na kaagad ng pinagbago niya, at kitang-kita iyon nang humarap ako.
Pinukulan ko siya ng tingin. Pinantayan ko ang talim ng mga mata niya. Nagkatitigan kami, at kung nakakamamatay lamang ang nagbabagang mga samaan ng tingin namin sa isa't isa, nakakasigurado akong bulagta na kaming pareho ngayon.
Wala gustong magpatalo sa amin. Pareho kaming may sama ng loob sa isa't isa which is kinataka ko. Dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginawang masama sa kanya. Siya itong mapanakit, at manloloko kaya nakakagalit na umaasta siya nang ganito sa akin ngayon.
Miguel tightened his grip on my arm which I complained about. Palihim akong umaray dahil sa higpit nito. Paniguradong mag-iiwan ito ng bakat o di kaya'y pasa na hindi ko nagustuhan lalo.
"Ano ba?! I said, let me go!" Pilit kong tinatanggal ang hawak niya sa braso ko kahit tila naging bakal ito.
Mas tinitigan niya ako nang mariin. Umiigting ang panga niya, at walang kasing lupit ang lamig ng kanyang tsokolateng mga mata.
Maya-maya pa ay pabalya niya akong binitawan. Bahagya naman akong napasandal sa kung saan dahil nawalan akong ng balanse. Nanggagalaiti akong nag-angat ng tingin sa walang modong lalaking ito.
"Why did you fucking do that!?" malamig na tanong ko, at hindi na mapigilang magmura sa kanya.
Nakita ko naman kung papaano siya bahagyang magulat sa inasta ko, at sa timbreng mayroon ang boses ko. Palihim ko siyang binantaan ng tingin. Kapag talaga napahamak ang anak ko dahil sa kagagawan mo. Hinding-hindi na talaga kita mapapatawad, Miguel.
"Ha.. You earned your guts right now to fucking cursed at me like this huh? Ayan ba putang inang natutunan mo sa lalaki mo!" aniya na kinasalubong ng mga kilay ko.
Pagak akong natawa sa kanya.
"Look who's talking.." Hindi na niya pinansin ang sinabi ko.
May pagtitimpi niya na lamang na ipinasok sa bulsa ang sariling kamay nang makita kung gaano katapang ang anyo ko. Mukhang kahit papaano ay kinokontol niya pa rin ang sarili sa akin. Dahil sa kung gaano kadilim, at kadelikado ang ekspresyon niya ngayon sa harapan ko ay masasabi kong kaya niya akong pagbuhatan ng kamay.
"You.." aniya bigla, at walang emosyon akong tinignan.
Napataas ang kilay ko sa kanya, "Yes?"
"You're fired..slut," he pointed out violently as if that's exactly the reason kung bakit niya ako nilapitan.
Ngumisi man ako sa kanya ay nanantili pa rin ang kalamigan ng mga tingin ko. Tinatansya ko kung kaya ko bang magsalita dahil inakusahan na naman niya ako sa isang bagay na hindi naman talaga ako.
I'm not a freaking slut for pete's sake!
"Oh, really?" singhap ko kunware sa kanya, at hinamak lamang siya gamit ang matamis kong ngiti.
Napamaang naman siya dahil sa naging reaksyon ko.
"Well, let me tell you this one asshole.." Tinitigan ko siya sa mata, at walang pasubali siyang binigyan ng malalakas na sampal sa magkabilaan niyang pisnge bago ako magpatuloy sa pagsasalita, "I don't fucking care! Tanggalin mo ako kung gusto mo. But don't you dare call me names again. You piece of shit.."
Nag-iinit ang ulo ko sa kanya at bago pa ako sumabog lalo sa galit ay napagpasyahan kong tumalikod para umalis.
"Hey, my soon-to-be-ex-secretary!" tawag niya at hinigit ako para paharapin muli ngunit nanatili akong nakatalikod. "Those slaps are hard as fuck hm? It made my fucking shaft stand almost immediately," bulong niya sa tenga ko kaya lalo akong kumawala.
Ginigitgit niya na ako sa likuran, at ramdam na ramdam ko ang bukol sa pantalon na suot niya dahil talagang ipinaparamdam niya ito sa pang-upo ko.
Umigting ang panga ko.
"Stop it, Miguel!"
Napakabastos talaga!
"Why, Bianca? Can't I fucking get you wet like the old times huh? Hindi na ba? Mas magaling ba siya sa akin?" Although I couldn't determine what he wanted to convey ay sinakyan ko na siya.
"Oo na! Mas magaling siya sa'yo, Miguel.. sobra."
"Bitch." he snapped and made me face him.
"Bakit?" Natawa ako. "Does it slap your ego, Mr. Falcon? Imagine, your hardness doesn't affect me anymore, kahit kaunti wala. You're so boring! And even you fuck me here right now ay walang-wala ka pa rin sa kanya. You can't make me go crazy!"
"Oh, really!?" aniya naman na tila pikon na sa akin.
Sumeryo naman ang ekspresyon ko. "Yes. Kahit saang lugar, at sa kahit ano mang posisyon.. siya lang ang nagpapabaliw sa akin sa kama. "
"I even begged and groaned at him like this e.." I slowly bit my lower lip and literally moaned in front of him. "Ugh, more baby.. Faster please. I'm c-comming! Ahh. Uhm."
"Y-you.." Miguel suddenly gulped, hard. Natauhan naman ako roon dahil bigla rin akong nag-init.
Damn this hormones!
"S-see? Kahit wala siya rito, at ikaw itong nasa harapan ko.. Maisip ko lang siya, napapaungol na agad ako." ang naging pagtatapos ko sa usapan namin saka taas ang noong binangga siya sa balikat, at nagtuloy sa pag-alis.
He deserved it.
Nasa likuran niya 'yung lane patungong counter! Muntik na akong maiba ng daan kanina kung sakali. Napailing ako, at wala sa sariling mahigpit na hinawakan ang basket na nasa harapan ko saka madaling naglakad dahil ramdam na ramdam ko kung gaano pa kainit ang tingin niya sa likuran ko.
Go directly to hell, Miguel! Be friends to the demon there because you're starting to become one.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top