Chapter 44

Chapter 44

Trezer, 'yung balot ko ah? Lima 'yon, lima.

Paalala ko habang nag-te-text sa kanya. My lips protruded, and my eyebrows met slightly. Sa kung gaano sila kaabala bigla sa isa't isa nang lingunin ko sila sa cafe, baka makalimot na siya sa napagkasunduan namin.

"Mahirap na, baka hindi na niya maalala 'yung balot na hinihingi ko." bulong ko pa at at triniple ang text na ipinadala ko.

Talagang naglalaway ako ngayon sa balot.. which is really weird. Pero hindi ko na binigyan pa ng ibang kahulugan. Na-realize ko kaseng nakakasawang mag-isip nang mag-isip gayong pwede mo naman pa lang sabayan na lang.

I hid my cellphone on my pocket, at tumawid na sa building ng condominium na tinitirahan ko. Ngunit bago pa ako makahakbang papasok roon ay wala sa sariling napalingon ako sa parking lot. Gusto ko sanang tignan kung maayos ba ang pagkakapwesto nung sasakyan ko. Minsan na rin kase itong nagasgasan dahil sa mga loko-lokong driver na nananadyang mamangga ng mga sasakyan sa parking lot.

"W-wait, sasakyan ba 'yon ni Miguel?" Idinako ko ang tingin ko sa pamilyar na sasakyan sa kanan.

Sa kaniya nga 'yon! With that, umaliwalas ang ekspresyon ko. Nangibabaw ang pangungulila ko sa kanya. Mukhang nakauwi na siya, at kaagad lang na dumeretso sa unit ko! Sa isiping iyon ay mas natuwa ako.

Pero gaya ng ngiting madaling mapalitan ng luha, kasiyahang 'di pinatatagal ng tadhana.. Kumabog ang dibdib ko. Dahil sa pagliwanag bigla ng sasakyan niya ay malinaw ko siyang nakita. Naroon pa rin siya sasakyan niya na nagpakunot sa noo ko. Namuo ang pagtataka sa isipan ko na kalaunan ay nagpausbong lamang ng sari-saring katanungan sa sarili ko.

"Anong.." Naging mabagal ang paghinga ko. "M-Miguel.. Bakit?"

"B-Bakit..?" nahihirapang napalunok ako habang ang tingin ay nasa kaniya, at sa babaeng kasama niya sa sasakyan. Na sa tingin ko ay babaeng anak nung ka-business partner niya, at ang dahilan kung bakit may business trip siya sa palawan.

I don't know how to react..

Natulos na lamang ako sa kinatatayuan ko habang ang tingin ay nasa kanila pa ring dalawa.

Hindi ako bulag. Hindi rin malabo ang paningin ko sa puntong ito kaya nakakasigurado akong tama ang nakikita ng mga mata ko.

Magkalapat ang labi nilang dalawa, at mukhang kanina pa may ginagawang milagro sa sasakyan.

Lalo akong napahinto at natigilan.

Napaatras pa ako nang bahagya dahil hindi ko ito lubos mapaniwalaan.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang kasakit sa parte ko na masaksihan mismo ang panlolokong ginagawa niya sa likuran ko.

H-hindi pa rin pala siya nagbabago.

Akala ko pa naman.. M-Mahal niya na ako.

Napapikit ako sa sobrang pagkabigla, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang mga mata namin nang buksan ko rin ang mga mata ko kalaunan.

Akala ko hihinto siya.. Akala ko ititigil niya na ang pakikipaghalikan sa babaeng kasama niya. Ngunit hindi nangyare. Dahil kahit nakita niyang nasaksihan ko na ang panlolokong ginagawa niya ay hindi siya huminto, at mas pinalalim pa ang halik sa babae.

Napasinghap ako at walang kabuhay-buhay na napailing sa kanya.

S-sino ang lalaking ito?

Agad akong napatalikod sa kanila kahit napakabigat ng dibdib ko. Umabot lamang ng minuto ang pagtitig ko sa ginagawa nila ngunit tila naging taon na. I'm.. speechless. How could he do that to me? Is this really happening? Or I'm just hallucinating?

Nandidiri ako sa kanya..

Tang ina niya.

Pabalya akong napabagsak sa kama nang makarating na ako sa condo ko. Nanghina ang mga binti ko. Nanginig ang mga kamay ko, at walang pasidlan ang sakit na nararamdaman ko. Napapikit ako nang mariin na naging dahilan naman para dumaloy ang maiinit na luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko.

"A-Ano naman kung may kahalikan siya.." my voice started to shake.

Wala akong pakealam. Buhay niya 'yan. Wala dapat akong maramdaman. Walang kami, at hindi naman niya ako mahal. Wala naman siyang nararamdaman kaya dapat wala akong karapatang masaktan.

P-pero bakit ganun? Tahimik akong napahikbi. Ang sakit-sakit.. sobrang nakakapanghina. Para akong trinaydor, at pinagsawaan—ginamit at pinaglaruan lamang.

Napalingon ako sa larawan niya na saktong nasa aking harapan. Kaagad ko itong tinangal doon, at pinagpupunit. Nilukot ko ito bago ilagay sa trash can dahil alam kong doon na lamang siya nababagay.

"H-he's an asshole, Bianca.." Muli akong bumalik sa kama. Itinaas ko ang kumot sa katawan ko, inabot ang unan na nasa gilid ko, at pinantakip ito sa mukha ko.

Tahimik akong napaiyak..

"A-Ang sama-sama niya!" I cried out. The pain just keep going and I don't know how to handle it anymore. "Ang gagong 'yon! Umalis lang tapos pagbalik, may iba na agad.. Walanghiya ka, Miguel! Masama ka!"

Dahil na rin siguro sa matinding emosyong nararamdaman ay pinaghahampas ko ang inosenteng unan. Doon ko ibinubuhos 'yung sakit na naidulot ni Miguel. Hindi ko matanggap ang ginawa niya sa akin.

S-sobrang dali naman niya yata akong palitan.. Wala ba talaga akong halaga sa kanya?

Akala ko pa naman..

"B-Bakit, Miguel..? Bakit?!" mas lalo akong napaiyak. Panay ang pagdaing ng hikbi sa bibig ko.

Siguro nga.. W-walang aminang nangyare sa aming dalawa, at wala kaming official relationship—But still, c-cheating is cheating.. right? With or without a label—once you entertain someone, be fucking loyal.

Muli ay nagsilaglagan ang panibagong luha sa pisnge ko. Ang pamamasa ng mga mata ko ay tila hindi na mahihinto pa. Na kahit nga pigilan ko pa ay hindi ko na magagawa pa.

Masyadong masakit.

Masyadong mabigat sa dibdib ko..

Masyadong ikinadurog ng puso ko.

Unti-unti akong napahagulgol.

"Bakit ganun, Miguel? M-Mula ba umpisa pinapapaasa mo lang ako? W-wala lang ba lahat ng nangyare sa atin k-kaya ka nagkakaganito..?" Napakagat ako sa pang-ibabang labi. "A-Ang hirap mo namang mahalin, Miguel.. masyado kang mapanakit."

Mula pa noon, ang gusto ko lang naman ay 'yung "tears of joy" na tinatawag nila. Tears of joy para sa buong pamilya. Tears of joy para sa pagmamahal nila mama't papa. At tears of joy para sa lalaking mamahalin ako nang sobra. Pero habang binabalikan ko ang lahat-lahat—Ngayon ko lang na-realize na.. I'm always in "tears of pain".

Umiyak ako sa sakit nung malaman kong anak lang ako sa labas ni papa. Umiyak ako sa sakit nung inabanduna niya ako para balikan ang totoo niyang pamilya. Umiyak ako sa sakit nung kinalimutan ako ni mama bilang anak niya. Umiyak ako sa sakit nung mga panahong muntik na akong magahasa ng mga ka-tropa niya.

I don't want to remember those times.. But it seems that fucking Miguel triggered me.

Nanghihinang napasandal ako sa headboard, at pumikit.

Umiyak ako sa s-sakit nung mawala 'yung sanggol na nasa sinapupunan ko.

'Yung anak kong 'di manlang nasilayan kahit papaano kung gaano kaganda ang mundo. Na kahit mas lamang ang sakit at paghihirap.. mas gugustuhin kong mabuhay siya at makapiling dito sa tabi ko—Na hindi naman nangyare dahil sa kapabayan ko.

But Miguel came.. He made me feel na deserve ko ring umiyak sa saya. Na deserve kong magmove-on sa nakaraan ko, at magpatuloy dahil nasa likuran ko lamang siya. Na nandito lang siya para sa akin kahit na ano man ang mangyare.

Pinaramdam niya 'yung mga pakiramdam na tanging siya lang 'yung makakapagbigay. 'Yung comfort.. 'Yung saya.. 'Yung kaginhawaang mabuhay sa araw-araw. Pero sa tingin ko, literal na pinaramdam niya lang lahat.. dahil sa sakit na naidulot niya ngayon sa akin—alam ko na.

Nagising na ako sa katotohanan.

Mas isinubsob ko ang mukha ko sa unan, at walang ingay na ngayong napaiyak. For the last time.. gusto kong maubos na lamang ang luha sa mga mata ko. Last na itong tears of pain, last na talaga. Para kinabukasan, kung sakali—Magigising na lang ako, at kaya ko ng maiyak sa tuwa, sa saya at sa pakiramdam na limot ko na siya.

Na alam kong kalokohan lamang..

Dahil 'yung sakit na dulot niya sa pagkakataong ito ay alam kong tatatak na sa pagkatao ko.

Wala sa sariling kinuha ko ang hidden knife na nasa gilid ng kama ko. Itinapat ko ito sa pulso ko at dahan-dahang sinugatan.

"I-I don't want to die, but I'm desperate to end this pain. I hate you for making me feel so precious yet killed me eventually because you realize that I'm worthless, Miguel. I'm.. I'm always not enough. No one will ever choose me. How could I expect that there's still a rainbow after my raining pain?" I breathlessly whispered as I slowly closed my eyes.

Gusto ko ng magpahinga.

Pagod na pagod na ako..

Wala namang masama hindi ba?

Ngunit bago pa ako tuluyang lamunin ng dilim ay may nag-ingay sa labas. Mas ipinikit ko ang mga mata ko. Idiniin ko ang kutsilyo. Determinado na akong mawala sa mundo. Ayoko na, at walang makakapigil pa sa akin. Gusto ko na lang matapos ang lahat ng paghihirap na ito.

A-ayokong mamatay.. Pero nangingibabaw ang kagustuhan kong mawala ang sakit.

"Father.. Bakit 'yung iba, mas pinipili na lang na mawala sa mundo kaysa ang magpatuloy sa buhay?" I asked him after I heard that my classmate had committed suicide.

Tumingin sa akin si Father Leo. "Anong ibig mong sabihin ija?"

"Yung kaklase ko po Father, nag-suicide siya kaninang madaling araw. Ibinalita ni ma'am sa amin. Nagpakamatay daw si Julia dahil sa lalaki? Niloko kase siya nito, at ipinagpalit sa ibang babae." Nakakunot ang noo ko habang nagpapaliwanag.

"Ilang taon na ba iyang kaklase mo, ija?"

"Hindi po ako sigurado pero sa tingin ko'y kaedaran ko pa lamang.." ani ko naman na naging dahilan para mapabuntong hininga na talaga siya.

Napa-sign of the cross si father gaya nang lagi niyang ginagawa at matamang pinagmasdan ang panginoon, tingin ko'y tahimik na nagbibigay ng dasal. Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganyan ang naging reaksyon niya. I'm just 16 years old, at napakabata pa ni Julia para maisip ang ganung pagkakasala ng dahil lamang sa lalaki.

Maski ako, ni hindi iyon pumasok sa isipan ko.

Hindi ko babawiin ang sarili kong buhay dahil lang nasaktan ako.. dahil lang sa lalaking iibigin ko.

"Nakalulungkot ang kinahinatnan niya.." Maya-maya pa ay salita ni Father Leo. "Pero ang pagkitil sa sariling buhay ay hindi solusyon para sa mga pasakit na kinahaharap ng sino man, Bianca."

"Hindi po ba't kasalanan din iyon sa panginoon, Father?"

"Tama ka. Pero walang perpekto sa mata ng Diyos, ija. May kaniya-kaniya tayong pag-iisip kung papaano natin nais makawala sa sakit. But I hope, people remember that Jesus died for our sins and not for the pain he suffered, and experienced." marahang salita niya, at napunta sa malalim na pag-iisip. "Sana ginawa na lang nilang inspirasyon ang mga negatibong bagay na nangyayare sa kanila ngayon. Sana inisip na lang nila na darating din ang oras na mawawala rin ang sakit. Na magdadaan lamang ang lahat. Ikaw nga nila, 'Time will heal you and there's a God who always watching you and achieves every hardship you faced'."

I listened intently to him.

"Hindi kaylan man magiging solusyon ang pagpapakamatay. Kaya sinasabi ko sa'yo ngayon pa man, Bianca. Kung sakaling dumating ka sa punto ng buhay mo, at maisipan mong mawala na lamang sa mundo. Kausapin mo ang panginoon. Ilabas mo sa kanya lahat ng saloobin mo. Because.. God is the only way in our problems that we can't handle anymore." Nagtaasan ang mga balahibo ko. "That if you ever felt so lost and drained, please always remember to pray. If you ever felt like no one is there for you to listen, please talk to God. He will give you peace and comfort. You don't have the right to kill yourself, it is just given to you."

Muli ay lumingon siya sa akin, tila sinasabi ng mga mata niyang tandaan ko lahat ng mga sinabi niya ngayon.

"Stop thinking that killing yourself can stop your problem because it's always the opposite, Bianca. Suicide will give you an unending regret and sorrow afterwards."

Wala sa sariling napatulala ako. Pero kalauna'y napatango sa kanya. Tumingin ako sa krus habang hinahaplos ang rosaryong hawak ko.

Hindi ko mapigilang matakot, at kilabutan.

Pero isa lang ang sigurado ako, hinding-hindi ko kikitilin ang sarili kong buhay.. kahit na ano man ang mangyare.

"No.. H-hindi.. Hindi!" I became anxious all of a sudden when I remembered that scenario. Naghabol ako ng hininga at wala sa sariling napabangon sa pagkakasalampak sa sahig.

Ang ulo kong nakasandal na lamang sa kama dahil sa panghihina ay kaagad kong inangat. Tumayo ako, at balisang ginamot ang sugat sa pulsuhan ko. Mabuti na lamang at bagaman mahaba ay hindi ito ganun kalalim kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Patawarin niyo po ako.. Patawarin niyo ako.. H-hindi ko sinasadya." Maluha-luha kong kinuha ang rosaryo sa wallet ko at hinalikan ito.

At sa araw na iyon ay umiyak na lamang ako nang umiyak. Naghinagpis ako at inilabas ang lahat ng nararamdaman ng dibdib ko. Sobra na kase talaga 'yung sakit. At nakakasigurado akong siya lang ang muling makakapagpabalik sa akin sa wisyo.

God, please help me.. again.

Kinausap ko lang ang panginoon. Nakayuko ako, nanginginig ang katawan at puno ng luha ang mga mata. Tahimik akong napahikbi kalaunan hanggang sa lamunin na ako ng dilim dahil siguro.. sa matinding antok, at kapaguran.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top