Chapter 43

Chapter 43

Napabuntong hininga ako, at napatingin sa wall clock. Maaga pa naman kaya magkakape muna ako gaya ng nakasanayan. Maybe it would be better for me to drink hot coffee first to relieve my stomach ache. Feeling ko kase magsusuka na naman ako.

While brewing my coffee, my forehead immediately twitched when I inhaled a strange smell. Ngunit isinawalang bahala ko lamang iyon at nagpatuloy. Sinalinan ko ng mainit na tubig ang baso at hinipan ito para inumin na. Pero hindi pa dumadampi ang kape sa lalamunan ko nang mabilis pa sa hanging naibuga ko ito. 

Sobrang pangit ng lasa!

Nagsalubong ang kilay ko. Tama naman ang pagkakatimpla ko ah? Wala akong binago.. Pero bakit ganun? Kadiri! Ibinaba ko na lamang ang baso. Sinubukan ko pang amuyin ang kape dahil baka panget lang talaga ang panlasa ko sa ngayon. Pero kaagad din akong napalayo nang muntik na naman akong maduwal dahil sa amoy nito.

"Ang baho talaga!" ngiwi ko at napagpasyahang ilagay na lang ito sa lababo.

Napahawak ako sa bewang ko bago mapanguso.

Mukhang kaaayawan ko na ang kape mula sa araw na ito.

Lukot ang mukhang tumalikod ako at nagpunta na sa kwarto. Mag-aayos na lang ako para pumunta kila papa gaya ng napag-usapan. Baka rin may pagkain doon na magugustuhan ko dahil palagi namang masasarap ang pagkaing inihahanda nila kapag dumadalaw ako.

Inangat ko ang kamay ko, at kinuha ang isang light pink dress na above the knee sa closet ko. Kanina pa ito nakakuha ng atensyon ko. Dahil bukod sa simple lamang ito ay tila nagningning naman ito sa mga mata ko. Lumawak ang ngiti ko. Ang ganda talaga nung dress! Ngayon lang ako nagka-interes nang ganito sa isang fitted dress. Bakit ngayon ko lang kaya ito nakita..?

Nangingising nagtungo ako ng banyo. Naligo ako at pagkatapos ay sinuot ko na ang dress. Nagkasya iyon sa akin. Kahit na masyadong hapit sa katawan ko ay hindi ko na lang pinansin. Inabot ko ang flat shoes at bag ko bago lumabas ng condo.

"Ate Bianca!" sigaw ng isang tinig. Nahinto ang paglalakad ko at kaagad napunta roon ang atensyon.

My eyes widened when I recognized him, "James!"

Lumapit siya sa akin dala ang maaliwalas niyang ekspresyon.

"Sabi nila mom and dad pupunta ka raw sa bahay?" Dinamba niya ako ng yakap. "Sabay na tayo!"

Napangiti ako sa narinig at hindi mapigilang pagmasdan siya. Mas lalo yatang gumaganda ang katawan ng batang ito. Na maski ang mga ngiti niya ay kinapupuso na ng mga mata ko. Lumitaw kase lalo ang singkit niyang mga mata, at bahagyang tumatambok ang pisnge niya.

"Ang cute mo naman, bunso." Ngumuso siya, at napakamot sa batok. "Gwapo ako ate Bianca.."

"Cute ka.."

"Ate Bianca naman e." he tried to grumble, acting so childish.

Napatango na lang ako sa kanya.

As I clung my hand to his arm, we happily trailed our steps outside. Nagtungo kami sa parking lot dahil naroon daw ang sasakyan niya. Nauna akong maupo sa passenger seat dahil gusto ko roong pumwesto habang siya ay nasa driver seat naman.

Habang nagmamaneho si James ay ramdam ko ang pagkaka-distract niya dahil sa paninitig ko. Pinapanood ko kase ang bawat galaw niya. Kung papaano biglang maningkit ang mga mata niya kapag may bumubusina.

Grabe, bakit sobrang cute niya ngayon?

"Staring is rude ate.." Nguso nito nang hindi niya na ako mapigilang suwayin.

Trying to blink my steady eyes, I grinned at him. I think he became even more adorable, innocent thing in front of me. Parang gusto ko na lang siyang ibulsa at itabi na lang sa akin.

"Seriously James?" My expression softened. I think I want to cry right now. He's just so.. "B-Bakit ba ang cute mo yata ngayon?"

Napahalakhak siya.

"Kanina ka pa, Bianca. Pinag-ti-tripan mo na lang yata ako e."

"Hindi kaya!" tanggi ko, at tinitigan pa siya.

"If you say so.." aniya na lamang. Muli siyang tumutok sa daan.

Nang makarating na kami kila papa ay nagtagal lang ako ng ilang oras sa kanila. Nakipagkwentuhan saglit, pero pinuno lang nila ako ng panunukso sa kung ano mang meron sa amin ni Miguel. Mukhang ayos naman sa kanilang lahat na may namamagitan sa amin.

"Anong ginagawa mo rito Trezer Migszuki Sanquarez?" ang naging pagbungad ko sa lalaking bigla na lang nag-doorbell sa unit ko. I didn't even know kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira.

"Uhm.. May itatanong lang sana ako," he said. But after a moment, his mouth fell opened; suddenly processing why I mentioned his full name. "W-wait.. How the fudge did you know that?"

Nag-cross arms ako.

"Secret.."

"Alright, Miss Secretary." He wiggled his brows. "Mukhang nagiging gaya ka na ng amo mo. Alagang Miguel 'yan?"

Hearing that name, my chest pounded. My fist started to clench. Napabusangot ako, at sinamaan siya ng tingin.

"Pagsasaraduhan kita ng pinto!"

"Miss na miss?" Napailing siya at mahinang natawa. "Uuwi na rin 'yon."

"Wala akong pakealam sa kanya," ani ko na lamang kahit gusto kong maiyak sa frustration.

Ang dami kong tanong sa lalaking iyon! He didn't come home yesterday, and he still doesn't contact me. Ganun ba siya ka-busy para hindi manlang ako maalala kahit papaano?

"Fine, fine.. You, angry bird. I won't tease you anymore. I just..really wanted to ask you something."

Nangunot ang noo ko saka nagseryoso dahil talagang nag-abala pa siyang magpunta rito sa condo ko. Gaano ba kaimportante ang itatanong niya?

"Dito?" Napakamot si Trezer sa batok, mukhang biglang nahiya sa pang-iistorbo sa akin kaya napailing ako.

"Doon na lang tayo sa cafe..?" suggest niya at napatango ako.

Isinarado ko na ang pintuan ng condo ko. Actually lalabas din naman ako para maglakad-lakad kanina bago pa siya kumatok.

"Ano ba kase 'yung itatanong mo Trezer?" tanong ko ulit sa kanya ngunit hindi siya sumagot. Isinenyas niya lang ang cafe na nasa harapan namin ngayon. Mukhang doon niya talaga gustong magtanong.

Nawiwirduhan man sa inaasta niya ay nakisabay ako. Magkasama kaming tumawid ng kalsada. Muntik pa nga akong masagasaan dahil sa mabilis na motor na biglang sumulpot sa harapan ko! Mabuti na lamang ay naalalayan agad ako ni Trezer.

Ngumiti ako sa kanya, "Salamat."

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa bewang ko at kinindatan ako, hinaluan pa niya iyon ng mahinang tawa. "Mag-iingat ka, okay? Mayayari ako nito kay Miguel e."

Napanguso na lang ako.

When we entered the small cafe, we ​​immediately got the attention of the people here. I can see from where I was standing the warm, trailing eyes looking at us.

"Ang gwapo ko talaga, grabe." Napalingon ako sa katabi ko nang magsalita siya. He seems obvious to the spotlight we are having.

"Ang yabang natin ah?" suway ko, and he just chuckled. 

Naupo kami sa gilid, katabi ng mismong glass wall ng cafe sa harapan. Marami namang bakanteng upuan, pero ito 'yung pwesto na napili namin pareho.

"One black forest milkshake with cassava cake please.." saad ko sa waitress na lumitaw na lang sa kung saan. Sinabi rin kaagad ni Trezer ang order niya kaya muli kaming naiwang dalawa sa table.

Namuo ang katamikan sa pagitan namin kaya deretso ko na siyang tinignan. Inilagay ko ang magkalapat kong kamay sa lamesa at pinagtuunan na siya ngayon ng pansin.

"So..?" I raised my left eyebrows, provoking him to asks his question.

Napabuntong hininga siya. Inayos niya ang kanyang upo sa harapan ko at pinakatitignan din ako. Mukhang seryoso talaga siya sa kung ano mang itatanong niya sa akin dahil mahahalata mo iyon sa kanyang mga mata. Hindi ko tuloy mapigilang mangamba.

"Is it.. Is it normal for your heart to beat oddly when you see someone?" My eyes narrowed and Trezer took a deep, shaky breath. "For example, ikaw.. May isang lalaking bigla mong nakita o nakilala. And for unknown, unexplainable reasons.. You're damn heart will bit so fast, making you freaking speechless for a moment."

I smiled secretly even though the man speaking in front of me was so tense. Ganun rin kase ang naramdaman ko nung makita ko si boss. Pagkakita ko pa lang sa kaniya—naapektuhan na lahat ng organs sa katawan ko.

"T-Tapos lagi kang masaya kapag napapansin ka niya.. 'Yung tipong kahit nakakaasar 'yung ginagawa mo, at kahit 'yung mismong kilos mo hindi mo na nagugustuhan—" Napalunok siya. "Gagawin mo talaga ang lahat para lang mapunta sa 'yo 'yung atensyon niyang inaasam-asam mo. Kaunting mga bagay na ginawa at sinabi niya—Malakas kaagad ang epekto lagi sa 'yo. 'Yung tipong bawat galaw niya, malakas ang impact kaya apektadong-apektado ka. Palagi mo siyang naiisip, wala yatang araw na hindi siya mawala-wala sa sistema mo. Napapangiti ka rin mag-isa kapag naaalala mo kung paano siya mainis, magalit o tumawa ng dahil sa'yo. 'Yung mga emosyon bang.. Ikaw lagi ang dahilan."

"T-Then parang lagi ko siyang hinahanap, oras-oras parang nangungulila ako sa kanya." Nangunot ang noo niya. He seems really confuse. I even imagine that there's a question mark displayed through his head. "Siya lang din 'yung nakakagawa at nakakaparamdam sa akin ng mga bagay na hindi nagagawa ng kahit sino—"

Ngumiti ako sa kanya at nangalumbaba.

"I think you're in love." With that, Trezer parted his lips. Nawala siya sa malalim na pag-iisip. Nanlaki ang mga mata niya sa akin.

Napailing naman ako.

"Sabi kase nila, if someone makes your heart truly strange. If someone makes you a better and best person day by day. And if someone gives you an unfamiliar feelings that you can't name—Inlove ka nga."

"H-Hindi naman siguro.." nautal siya.

Napangisi ako. Pinagmasdan ko siya at hindi na mapigilang ituro sa kanya 'yung babaeng nasa counter.

"That girl.." Magkasalubong ang kilay na sinundan niya ng tingin ang tinutukoy ko.

Maya-maya pa ay natigilan siya at madaling nag-iwas ng tingin sa akin.

Napatango ako.

Tama nga siguro ang hinala ko.

"You know that woman right?" I murmured, giving him a meaningful look. "She's the one you were referring to earlier. You did everything to make her notice you. Siya ang babaeng nagpaparamdam sa'yo ng mga sinasabi mo ngayon. At hindi ka lang nandito para magtanong ng mga 'yan. Dito tayo nagpunta hindi lang dahil gusto mo kung hindi dahil kaylangan mo right?" Napahalukipkip ako. "You want to test her if she'll be jealous. That in case she sees us together—she might feel something for you. O kahit papaano, matugunan manlang 'yung motibong binibigay mo dahil feeling mo wala siyang gusto sa 'yo at hindi kayo pareho ng nararamdaman."

"P-paanong..?"

I drank my milkshake on the table.

"You are too obvious.." I winked at him.

Naging distant ang mga mata niya. Pero maya-maya pa ay nakita ko ang palihim niyang pagsulyap sa babaeng abala ngayon sa mga costumer na magbabayad kaya bahagya akong tumikhim kay Trezer.

"Do you want to know if she has feelings for you?" tanong ko. Ang kaninang nag-aalangan niyang mga mata ay nagkaroon ng interes.

Napatunghay siya sa akin at kalauna'y napatango.

"S-sige.."

"Ililibre mo ako ng limang balot okay?" I'm really craving to that food.

"Balot?"

"Yes." Pero hindi na nawala ang pagtatanong sa mga mata niya. Napaasik tuloy ako. "Why? You don't know that food?"

"Of course I know that! Miguel, and I are really becomes addicted to the balot food back then. Tumatakas pa nga kami no'n sa hating gabi para bumili." With what I hear, I slowly nod my head. I raised my hand to make peace with him.

"Deal?"

Malawak siyang napangiti.

"Deal!"

"Alright, then." I moved slightly closer to him and whispered, "Just ride what I'm going to do hm?"

Nang makitang determinado siya ay tumayo na kaming dalawa. Kaagad akong kumapit sa braso niya. Inakbayan niya naman ako. We went to the line where the woman he was staring earlier; she's the cashier here. And it didn't escape my sight how this woman stop when she saw Trezer with me. That even though she tried to avoid looking at the person beside me, hindi siya nagwagi sa mismong sarili.

Umeksena na ako nang magkatinginan na silang dalawa.

"Staring at my boyfriend is a rude.." Nanlaki ang mata ni Trezer ang marinig kung gaano kalamig ang boses ko sa puntong ito kaya bahagya ko siyang siniko.

Palihim ko ring minalditahan ang babaeng kaharapan namin kaya napayuko ito.

"S-sorry po.." aniya na ikinangisi ko. Bahagya akong lumapit sa kanya at dahil nakakapit ako kaya Trezer ay nasama ito.

"Uh, sorry for that huh?" maarteng saad ko saka makahulugang tinignan si Trezer. "Ayoko lang kaseng may mga babaeng tumitingin sa taong gusto ko."

"Oh.. I-I'm-sorry po ulit." nanginig ang boses ng babae, halatang nasaktan sa narinig.

"Ayos lang.." naging malumanay ako. "It's actually our first date after everything that happened between us. I really like this man. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Gusto ko siyang makasama hangga't walang sagabal sa parehong side namin. And you know what? Hindi naman din mangyayare ito kung 'di siya ni-reject nung nililigawan niya.." Sa sinabi kong iyon ay gulat na napalingon ang babae kay Trezer. "..right Migs, baby?"

Tutal Migszuki naman ang second name niya. Iisipin ko na lang na si Miguel siya ngayon. Ang cringe kase kung sakaling ganito ako ka-sweet sa kanya. That's just so unimaginable.

"Y-yes." Bumaba ang hawak ni Trezer sa bewang ko.

"He's broken hearted, so I told him to tried to date someone like me." I caressed both of his cheeks. I'm looking at him right now the way I am looking to the man I love. I really miss Miguel so much. "I mean.. Bagay naman kami, right?"

Ngayon ay umuwang na ang bibig ng babae, unti-unti na ring kumuyom ang kamao nitong nakapatong sa counter. Mukhang naiinis na talaga siya sa pinagsasabi ko, at nagagalit kay Trezer dahil hinahayaan niya itong mangyare.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Umastang naguguluhan kaya naitago niya ang mga kamao niya. "I'm.. okay,"

"Pasensiya ka na pala Trezer, kung nasabi kong boyfriend kita. Akala ko kase aagawin ka niya sa akin lalo na't ang gwapo-gwapo mo." kausap ko muli sa katabi ko. Kumunot ang noo ni Trezer. Mukhang gaya ko ay hindi satisfied sa nagiging reaksyon nung nililigawan niya.

"It's fine.."

"Really? Bagay na bagay din kase kayo nito ni ate girl e." Pinalungkot ko ang ekspresyon ko at nilingon ang babae. "Ikaw ba ate girl, nagkagusto ka na ba sa isang lalake?"

"Opo.." Tumingin ako kay Trezer dahil naging tensyonado ito sa sagot niya.

"Really?" I asked, provoking her to speak more and when she did; I almost sighed in relief. "Yes.. But I t-think iba na 'yung gusto niya. Akala ko pa naman makakapaghintay pa siya. Balak ko pa ngang umamin na rin sa kanya pero.. Nahuli na yata ako."

Nakita ko naman kung papaano parang naestatwa si Trezer sa tabi ko dahil sa sinabi ni ateng cashier kaya napailing na ako. Ngiting tagumpay ko siyang siniko.

"You, heard that?"

"Y-yeah.." Napapalakpak ako. Nagtataka naman akong tinignan nung babae. "Sus, kayong dalawa.. Parang mga bata. Aalis na ako. Good bye!" Kinindatan ko sila bago ako tuluyang umalis doon sa cafe.

Napailing-iling ako.

Naiinggit ako sa kanila. But I'm really happy for them. I wish na maging sila hanggang dulo. Sana hindi sila magkasakitan. Sana mas pagkatiwalaan nila ang isa't isa. Betrayal is just in our surrounding and staying away or believing the person you love is the only key to somehow escape it.

In each love story, it's not impossible to broke every trust, devotion and understanding you have to your woman/man—But if you truly have a faith to that person, everything will be okay.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top