Chapter 42
Chapter 42
"M-Miguel.." hindi na mapigilang pagtawag ko. Hinawakan ko siya sa balikat niya. Gusto ko ng mga salita! Ayoko ng puro tingin, at paramdam lang! "Are you.."
"What, Bi? Hm?" He stared at me deeply.
Lalo namang nagwala ang sistema ko! Kumabog ang dibdib ko, at pumintig sa mabibilis na paraan ang puso ko. Na maski nga ang namumuong pawis na 'dala ng pagtatalik naming dalawa kani-kanina lang ay dumoble.
Miguel, baby, bakit ba pinahihirapan mo pa ako nang ganito? Ayon ang tanong na pinaparating ng ekspresyon ko ngayon sa harapan niya kaya namamangha siyang napatawa.
"Boss, ano ba..?" Napaasik ako sa kanya kaya nagpigil na lamang siya ng halakhak.
Napairap ako at akmang susungitan na siya dahil naasar ako sa pinagagawa niya nang makarinig ako ng kakaibang tunog sa kama. Pero hindi ko iyon pinansin. Napagpasyahan kong samaan ng tingin ang lalaking katabi ko. Ayoko ng mag-overthink pero pakiramdam ko ay gusto niya pang patagalin ang in denial at taguan ng feelings stage namin.
Damn this man..
Ayaw pa kaseng sabihin sa akin 'yung hinala ko. Ayaw pang umamin! Feeling ko tuloy gusto niya pa akong mauna sa pag-confess no'n. Ang taas talaga ng pride!
"Ang sungit naman ng secretary kong 'yan.." he teased dahilan para mas irapan ko siya.
"Ewan ko sa'yo, Miguel!" singhal ko at akmang tatalikuran siya ng higa nang bigla na lang bumigay ang kama.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, at owtomatiko akong napatingin sa kanya!
"A-Anong.." halos magkasabay na banggit namin sa bigla at dumausdos sa dulo ng kama para kumpirmahin ang nangyare sa higaan namin.
"Hala, boss.. 'Yung kama!" Umuwang ang bibig ko, at itinuro ang paanan nito dahil putol na nga talaga.
"N-Nasira?" he asked me kaya tumango-tango ako.
Humigpit ang kapit ko sa kumot na nakapulupot sa hubad kong katawan habang pinapanood ang pagsilip niya sa kamang kinahihigaan namin kanina.
"Wow.." ang tangi na lamang nabanggit niya matapos suriin ang kamang nasira namin.
Nagkatinginan kaming dalawa, at namula ako. Ang kaninang inis ko sa kanya ay napalitan ng pagkakapahiya dahil nagbalik-tanaw sa isip ko ang nangyare sa amin kanina.
"Ang wild mo, Bianca. Sinira mo 'yung kama.." Nalaglag ang panga ko sa narinig.
"Ako pa, boss? Ako pa?" Gaya niya ay tumayo na rin ako ngunit nasa kama pa rin. Bagaman hindi na pantay ay nagawa kong bumalanse.
"A-huh.." ngisi na lamang niya, tila nararamdaman na hindi ako papayag at talagang makikipagtalo sa kanya kung sakaling isisi niya pa sa akin ang nangyare.
Napailing ako, at inayos ang pagkapulupot nung kumot sa akin nang bumaba ito. Inalalayan naman ako ni Miguel.
"Let me clean you up, Bi." Napasang-ayon ako sa kanya pero saglit ding napaisip. "Pero.. P-paano 'yung nasirang kama Miguel? Wala na tayong higaan. Saan ako matutulog nito?"
"Naantok ka?" Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Yeah, right. Pinagod nga pala kita kanina kaya.." Tinignan niya 'yung kamang nasira, at inabot ang kamay ko.
Kumapit ako sa braso niya para makatayo sa pwesto niya sa harapan nang bahagya akong matumba.
"I will handle it later, baby. Akong bahala sa tutulugan natin." aniya at binuhat ako pa-bridal style.
Kumalma ako..
"Cuddle me too, Miguel." Sumandal ako sa dibdib niya. Hinayaan ko siyang buhatin ako nang ganito.
"Gladly baby. I love your hugs and kisses so much."
"Ako rin.." mahinang bulong ko, at humikab. Parang gusto ko na lamang matulog nang matulog kasama si Miguel.
"Mhm.." Ngumisi siya at hinaplos ang pisnge ko. "Pero parang kanina lang gusto mo ng bumangon kase maghapon na tayong nakahiga darling, tapos ngayon.."
Nangunot ang noo ko sa itinawag niya, "Anong darling ka d'yan, Miguel? Darling mo ako? Since when? Akala ko ba.. baby, babe or Bi?!"
"Sabi ko nga baby kita.." nguso niya nang makita ang naging reaksyon ko.
Nagsalubong lang ang mga kilay ko at hindi na siya pinansin pa. Parang bigla akong nainis na naman sa kaniya! At sa totoo lang, gusto ko na lang din bawiin iyong hinihingi kong cuddle kanina.
I know he says it unintentionally, but I got annoyed already. Parang gusto ko na lang siyang paalisin sa harapan ko. Naalibadbaran ako sa kanya.
"Papanget ka n'yan.." salita bigla ni Miguel habang ibinababa ako sa bathtub.
"Anong sabi mo? Panget ako?"
"Papanget I mean.. Look, oh." Ipinaharap niya ako sa salamin. "Hindi maipinta ang mukha mo, niningkit ang mga mata mo.. Tapos para kang binagsakan ng sama ng loob d'yan sa ekspresyon mo."
"What?!" gigil agad na bigkas ko dahilan para mahina siyang matawa. "Just kidding baby.." Pero hindi ako natinag at hinawi ang kamay niya nang akma niyang hahawakan ang kamay ko.
"Galit na agad ang baby kong 'yan?" he teased and I crossed my arms.
Hindi ko siya kinibo. Tingin niya ba natutuwa ako sa pinagagawa niya..? I love this man, but sometimes he's just being too much to handle. Ang sarap niyang ilublob sa tubig para matauhan. Mukhang hindi kase siya tumitiklop kapag ako na ang na-ba-badtrip.
"What if my expression suddenly stay like this? Then everyday you will say that I'm ugly?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi na kaagad ako maganda sa paningin mo ganun?"
"Of course not! Kahit ano pang ekspresyon mo, ikaw lang ang—"
"Shut up." Napalunok siya. "I won't believe your lies, Miguel."
"Bianca—" Pero tumalikod lang ako sa kanya. Akmang pupunta ako sa pinakadulo ng bathtub nang mauna siya. Hinakbangan niya ako para mapigilan at nagwagi siya dahil nahinto ako. Maliit lang ang bathtub ko kaya wala ng masyadong espasyo.
"Seriously, Bi? Don't be mad at me.. I'm just making fun of you earlier, I didn't mean it at all." Miguel explained and I sighed.
"Okay, fine! Pero d'yan ako sa pwesto mo.." His forehead furrowed in confusion, but I only pulled him. I changed our place. Gaya niya ay humakbang din ako sa kanya para ako iyong mapunta sa dulo ng bathtub.
"There's an odd ambiance at this area.." I murmured, feeling so contented eventually.
Nilingon ko si Miguel. "Are you okay there?"
"What?" he asked and I smiled at him. "You didn't hear me?"
"No.. You're just weird, are you okay?" Nag-aalala niya akong hinarap.
Napatango naman ako.
"You're so cute, boss. I'm okay.." saad ko pero kalaunan ay nawala na naman sa mood. "Earlier, you called me ugly.. Ngayon naman, weird? Is that your love language Miguel? Making me feel bad at myself?"
"W-what the fuck..?"
"Go away, Migs. You're ruining my moment."
"Come on, Bianca.. What's wrong with you?" Wow? Ako pa talaga? "Are you acting like this because you are sleepy already?" He let out a long convincing sigh. "Alright, I understand you now. I'm sorry.."
"Really?" Napasilip ako sa kinaroroonan niya.
"Yes, Bi. I'm sorry if I'm being jerk. I will clean you up immediately." With that, I giggled. He's so sweet!
"You're forgiven, Miguel." Napatitig siya sa akin at hinayaan ko lang siya.
Maya-maya pa ay bigla naman siyang nag-react sa kung saan.
"Bianca.."
"Yes?"
"Who the fuck is Migs..?" Napakurap-kurap ako. "Huh?"
"Did you just mentioned someone's name in front of me? While you're with me, Bianca Del Pilar?" I gasped. Why he looks so angry right now?
"W-what..?" I can't really understand this man!
Umigting ang panga niya.
"Don't what-what me, Bianca. I am asking you. Who the fuck is Migs?"
"Eh? 'Di ba ikaw 'yon?"
"Damn it, Bi. It's not me!" palatak niya. "I'm Miguel, and not a fucking Migs.."
Wala sa sariling natawa ako.
"Now, you can also relate with what I feel. You also dislikes being called with something unfamiliar boss?"
"Stop shifting the subject here." He glared at me.
"You're crazy.." I rolled my eyes. "Migs means Miguel too. Pinaiksi ko lang nang slight."
"No fucking way.. I'm not Trezer Migszuki Sanquarez, Bianca!"
"Oh? Si Trezer?" Nangunot ang noo ko. Is he being serious? "Migs siya?"
"Yes. Why?"
"Cool.." nangingiting sabi ko.
"Anong cool do'n? Ang baduy kaya!" reaksyon niya. "Mas maganda pa rin 'yung pangalan ng mapapangasawa mo."
"Mapapangasawa who?" Ismid ko, at ibinaba na ang katawan sa bathtub nang mapuno na ito ng tubig.
"Miguel Falcon, your soon to be husband." sagot niya at tila ba biglang gumanda ang mood.
Strange.. I feel like facing my own captured mirror; I think that was how I behave earlier.
Napamaang ako at binalikan ang sinasabi niya ngayon. Mapapangasawa raw..? Eh wala pa nga kaming status, o label manlang. Ni mutual understanding or feelings—wala. Mema talaga itong lalaking 'to. Malamang na drawing lang 'yang pinagsasabi niya ngayon.
"Soon, Bi.. Soon," tila biglang nababasa ang mga iniisip kong ngiti ni Miguel sa akin. And just like that, I got mesmerized with his eyes that I become dumb so I nod my head as an agreement.
Matiwasay kaming naligo, at nagbabad sa bathtub.
Ang binabalak niyang mabilisang paglilinis sa akin ay nagtagal. Dahil wala naman na kase akong maitatago pa sa kanya, mas naging open ako sa past at thoughts ko. Mukhang nahawa naman siya sa pagiging expressive ko kaya napakwento na rin siya sa mga bagay na nangyare sa kanya noon at kung ano ang nararamdaman niya rito.
Sa bawat buka ng bibig ni Miguel ay nawawala ang antok na nararamdaman ko. Nabuhay ang isipan ko at naging interesado akong alamin ang lahat sa kanya.
"Seryoso ka do'n?"
"I hate to admit it, but yes.. Lagi akong nagpapadala sa galit ko noon and I think pati nga hanggang ngayon. Minsan na kaming napagkumpara ni Trezer. Sa bawat galaw ko pakiramdam ko palaging kasunod ang pangalan niya. Mababaw man pero ayon 'yung naparamdam sa akin nung nagbibinata pa kami kaya maski ngayon; sanay na akong patunayan palagi ang sarili ko kapag kasama siya sa usapan."
"I actually fought that issue with him back then and we argued—fist to fist and words to words. Mabuti na lang at hindi masyadong dinamdam ni Trezer 'yung pagiging sensitive ko no'n. Instead, kapag alam niyang ikakainit agad ng ulo ko ang isang bagay; hindi niya na inuungkat pa. And I believe that's the reason kung bakit kahit magkaiba ang personality naming dalawa, magkaibigan pa rin kami ngayon." paliwanag niya matapos kumpirmahin ang pagseselos niya noon sa kaibigan nung high school sila kaya napatango ako.
That's seems serious and I take a note in my mind that I won't triggered that issue to him, so he won't get mad.
"Too immature isn't?" Hinaplos niya ang kamay kong hawak-hawak niya.
"Siguro? Pero feeling ko nadala ka lang sa nararamdaman mo. Minsan kase may tendency ang mga taong magdesisyon ng mali lalo na kapag galit o kapag na-ti-trigger sa pinakaayaw nila." saad ko naman. "And seriously, Miguel. Every emotions and feelings a person have felt are valid. Even it's just a simple or not, never say na mababaw lang 'yung nararamdaman mo. When you feel bad, let yourself feel bad. No one will stop you, because that's your heart and mind concluded in that situation. It's actually a good thing that you express that feelings immediately, maybe not in a good way; but you tried."
"Ang brave mo nga kase kapag nagalit ka, pinapakita mo agad. Hindi tulad ko, kinikimkim lang ang lahat kaya mas matagal na naayos 'yung mga issue ko. Pero sana, be careful na lang sa way of expressing yourself. Don't be too impulsive, okay? Remember, emotions overpowered your action. Once you're mind come off with toxicity, harshness will form and you will eventually embraced cruelty. Kapag nagpadala ka palagi sa init ng ulo mo at nagdesisyon ka agad-agad, makakapanakit ka kahit hindi naman 'yon ang intensyon mo."
"So.. Naiintindihan mo ako?" there's a shyness in his tone and I squeezed both of his cheeks because he's just so.. adorable.
"Oo naman, boss. Palagi." Sumaludo pa ako sa kanya kaya napangisi na siya. Nawala ang tensyon sa balikat niya at pinanggigilan na rin ako.
Maya-maya pa ay inaya niya na akong magbihis dahil baka raw gumawa pa kami ng milagro sa bathroom ko at masira naman namin 'yung bathtub gaya ng nangyare sa kama. Sumang-ayon ako sa kanya. At sa araw na iyon ay buong maghapon at magdamag lamang kaming nag-cuddle sa sala. Iyong dalawang mahabang sofa ang pinagtabi namin para mahigaan.
That day is so unforgettable..
I seriously feel the rainbow with Miguel after my raining issues, yet I didn't expect that the rainbow of rain is nothing anymore when the coming storms tried to interfere with us; making our situation vulnerable again, just like how we started.
"Hayy.." Napabuntong hininga ako, at napasandal sa kinauupuan.
Nagdaan ang mga araw at talagang tumutok ako sa pagtatrabaho ko. Binabawi ng sipag ko 'yung mga araw na wala ako. Marami na rin kaseng mga trabaho ang hindi ko pa natapos dahil sa sunod-sunod na leave ko.
"Agoi.." daing ko, at nagsimula ng mag-unat dahil sa naramdamang pangangawit. Sumasakit na 'yung balikat at batok ko.
"Girl, uuwi na ako.." Napalingon ako kay Sheena. Nakagayak na siya, at mukhang uwing-uwi na.
Humikab ako, at bahagyang ngumiti sa kanya.
"Ingat.."
"Ikaw ba? Halos hindi ka na umalis diyan sa desk mo." aniya at tinaasan ako ng kilay.
"Tatapusin ko na lang 'to."
"Grabe, ikaw na.." Napailing-iling siya, at napapalakpak pa. "Ikaw na ang reyna ng kasipagan!"
Napuno ng tawanan ang office namin nang umasta pa siyang susuotan ako ng korona which is 'yung tape na nasa gilid.
Siraulo talaga ang babaeng 'to..
Tumingin ako sa pintuan nang mawala na siya sa paningin ko. Umikot na ang mga mata ko sa paligid. Ako na lang ang narito sa quarter mamin. Pero hindi na rin nakapagtataka, tatlong araw na akong nag-o-overtime kaya normal lang na ako lagi ang mahuli.
Mabuti na lang at wala si Miguel. May business trip sila sa palawan. At ayon sa schedule na nagawa ko ay bukas na ito uuwi. Wala siyang alam na nag-o-overtime ako sa trabaho kaya medyo kabado ako.
Sinabi niya kase sa akin na hayaan ko na lamang ang na-missed out kong work outputs at ipagagawa niya na lang ang mga ito sa iba. Pero syempre, hindi ako nakinig. Ayokong gamitin ang koneksyon at kapangyarihan niya rito sa kompanya para lang sa akin.
Napalingon ako sa cellphone ko.
Speaking of that man.. Ni hindi nga manlang niya ako tinext at tinawagan mula nung maghiwalay kami sa condo ko. Na-mi-miss ko na siya. Bagaman naiintindihan ko naman na abala talaga siya ngayon—dahil may mga bagong business partner siyang kinakaylangang ligawan para mas mapalawak ang Falcon ay hindi ko mapigilang magtampo sa kaniya.
Hindi naman ako clingy, pero parang miss na miss ko na kase talaga siya! Gusto kong marinig 'yung boses niya. Gusto kong maamoy 'yung pabango niya. Gusto kong makita 'yung mukha niya at higit sa lahat ay gusto kong pagmasdan nang personal ang tsokolate niyang mga mata.
Napabuntong hininga na lamang muli ako bago ipagpatuloy ang ginagawa ngayon. Mabuting 'wag ko muna siyang isipin dahil baka ma-distract pa ako.
"Last one.." I murmured.
Inayos ko ang bawat folder at file na ginawa ko. I-chineck ko ito isa-isa dahil baka may nakaligtaan pa ako. Magaganda ang sale ng bawat department at maayos ang mga ginagawa nilang proyekto kaya malamang sa malamang ay matutuwa si boss pagkauwi niya.
Inangat ko ang kamay ko sa gilid habang ang tingin ay nasa computer. Hinigop ko ang kapeng nasa tasa, nakalagay ito sa mesa; malayo sa desk ko.
"Lumamig na pala.." Ngiwi ko nang natikman. Tumayo ako at inilagay na lamang sa pantry 'yung tasa.
Habang kumukuha ako ng tissue sa gilid ng mineral water ay napatingin ako sa wall clock. It's already 11 pm na kinagulat ko. Kung maari sana ay hanggang 9-10 lang ang ikukunsumo ko dahil madali ng mapagod ang katawan ko sa hindi malamang kadahilanan.
Mukhang hindi ko na talaga namalayan ang oras kaya napagpasyahan kong maggayak na. Uuwi na ako dahil maghahating-gabi na. Ayoko namang mapahamak tulad ng dati. Nakakatruma 'yon.
"Over time na naman po ma'am?" tanong nung mga guard na naabutan kong nagiikot-ikot ngayon.
Tumango naman ako saka sumulyap sa pupuntahan nila, "Wala na pong tao sa taas.."
"Ganun ba, ma'am?" Ngumiti lamang ako kaya sabay-sabay na kaming bumaba. At nang makalabas ako sa building ng kompanya ay agad akong nagtungo sa parking lot.
Inilagay ko ang mga gamit sa passanger seat saka nagsimula ng magmaneho. Pero habang pinapaandar ang sasakyan ko ay may nadaanan akong food stall. Wala sa sariling napahinto ako. Nangunot ang noo ko bago panliitan ito ng mga mata. Sinisigurado ko lamang kung tama ba ang nakikita kong tinitinda nila. At nang makitang hindi ako nagkakamali ay tila natakam naman ako.
May nakabalandrang mga balot sa harapan, mainit ito at halatang masarap para sa malalim na kagabihan. Dumadaloy ang usok mula sa mismong shell nito, na humahalo sa malamig na hangin 'bagay na nagpakinang sa mga mata ko.
Umuwang ang bibig ko. Naglalaway agad ako sa hindi malamang dahilan. At bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay kaagad na akong napababa sa sasakyan. Parang batang gutom na gutom—na tinignan ko ang mga balot sa aking harapan.
"Magkano po ito?" parang naluluhang tanong ko pa kay manong.
"Ito ba maam? 15 pesos po ang isa."
"Pabili nga po.." Ngiti ko, at pinagmasdan ang mga balot. "Tatlo po.. Hindi! Limang balot po."
Namangha naman si manong matapos akong tignan mula ulo hanggang paa. Mukhang wala talaga sa itsura ko ang kumakain ng ganitong pagkain. Iilang tao lang kase ang sumusubok kumain ng balot.
"Ma'am, ito na po." Inilagay ni manong sa transparent na plastic mga binili ko
Napakagat ako sa pang-ibabang labi at nagpalagay ng suka at asin. Mas lalo akong natatakam kaya madali akong kumuha ng pera sa pitaka.
"Ma'am wala pa pong barya, wala po ba kayong—" saad niya nang iabot ko ang isang libo.
"Keep the change na lang po manong.."
"Ma'am..?" Mahina na lamang akong natawa bago kunin ang supot na hawak niya. Hindi niya pa kase inaabot.
"Thank you, po!" I cheered bago ko siya talikuran. Takam na takam na talaga ako.
Napailing ako nang marinig ko pang sumigaw ng 'salamat ganda!' si manong. Hindi ko na lang pinansin pa iyon, at abot-tengang ngumiti habang hawak na ang balot ko.
Mabilis akong sumakay ng sasakyan. Nang makarating ako sa condo ko ay agad akong nagtungo sa sala. Inilagay ko ang dala ko sa lamesa at kaagad na nilantakan ang balot. At sa bawat pagkain ko nito ay hindi mawala-wala ang ngiti ko. Nagawa ko pang buksan ang tv na ang ipinapalabas ngayon ay mga kwento ng buhay kasama ang panginoon.
Napasandal ako sa sofa habang ang mga paa ko ay nasa mesa. Nasa-gilid ko ang isang platong naglalaman ng balot ko at ang mga pampalasa nito which is 'yung asin at suka.
Para akong isang tamad na batang matakaw sa asta ko; kain lamang nang kain, at walang pagsasawa sa pagnguya.
Napabungisngis ako.
"Ang sarap naman kase talaga.." saad ko pa.
Nakakasigurado na akong maganda ang magiging tulog ko nito mamaya. Ganun din panigurado ang gising ko; na kinadismaya ko rin kalaunan. Dahil nang magising ako kinabukasan ay agad akong nagtungo sa banyo. Bigla na lamang kaseng may bumubulwak sa lalamunan ko, na tila ba kaylangan ko ng iduwal.
"Harppp—Ha.. Ha.." habol ang hiningang daing ko habang pinupunasan ang sariling labi.
Agad akong nagmumumog. Dumaloy ang malamig na tubig sa bibig ko. Grabe parang hinalukay nang sobra ang tiyan ko! Napatingin ako sa salamin, at kaagad na naningkit ang mga mata ko nang makita ang itsura ko. Bakit parang namumutla ako ngayon..
Napabuntong hininga ako at tuluyan na ngang naghilamos.
Ano bang nangyayare sa akin?
Pagkalabas ko ng banyo ay hawak ko na ang puting towel. Katapos ko lang magsipilyo. Inisip ko kaseng baka nabigla lamang ang katawan ko sa dami ng balot na nilantakan ko kagabi.
"Hello?" saad ko nang sagutin ang tawag.
"Anak, kumusta?" Natuwa ako nang marinig ang boses ni si papa. Kahit na nadismaya ako dahil hindi ito si boss ay napangiti na ako. Bakit parang na-mi-miss ko silang lahat?
"Papa! Okay naman po. Ikaw po ba? Kayo ni Auntie?" tanong ko sabay upo sa kama.
Nagkausap na nga pala kami ni Auntie. Tanggap niya na ako ang anak ni papa dahil parang anak na rin naman daw ang turing niya sa akin. Saksi raw siya kung gaano ako nahirapan noon. Mas naiintindihan niya na ngayon ang mga pinanggagalingan ko.
"Hon, is that Bianca?" singit naman ng isang boses, sumagot naman agad ng Oo si papa.
"Hello ija!"
"Morning Auntie!"
"Good morng ija.. How are you?"
"Okay lang po, kayo po?"
"Ayos lang naman kami. Actually, miss na kita ija.. Dumalaw ka kaya rito ngayon." Napatayo ako sa bigla. "Po? Pero friday pa lang ngayon."
"Ako ang bahala. Sabay tayong mag-lunch dito sa bahay hm? Punta ka.." Napanguso ako dahil parang wala na rin akong magawa. Si Auntie 'yan e.
"Alright, Auntie! Magbibihis na lang po ako."
"Yes! Sabi ko na nga ba at hindi ka makakatanggi sa akin e—Hon, ano bang pinag-uusapan niyo?—Pupunta siya rito." nag-uusap sila ni papa sa kabilang linya kaya napangiti ako. "Talaga?—Oo nga! Ija, hintayin ka namin, huh?"
"Sige, Auntie. See you.."
"See you.. Bye!"
Nang maputol na ang tawag ay magaan akong napabuntong hininga. Alam na rin nila Lizel at James na anak ako ni papa. And they instantly accept me, todo ang pagsimangot pa nga no'n ni James dahil sa crush issue niya sa akin. Tinawanan lang namin siya no'n nung magkausap.
I didn't expect na ganito ka-welcoming ang lahat miyembro ng pamilya ni Auntie. Now I finally get it kung bakit pinili sila ni papa. They are a genuine people, a not-so-perfect family but a contented one.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top