Chapter 40

Chapter 40

Matinding katahimikan ang namayani sa aming dalawa habang narito sa living room area. Tanging ang elektrikpan lang ang siyang ingay na naririnig ko. Ang nilalabas nitong hangin ay sumabay sa pagpintig ng puso ko. Ang tensyonado ng pakiramdam ko. Parang isang galaw na lang ay magsisilabasan na ang nerves sa katawan ko.

Palihim akong napakagat sa pang-ibabang labi. Nakatungo ako sa sahig habang magkasiklop ang mga kamay, nakapatong ito sa hita ko; na para bang nagtitibay-tibayan. Napabuntong hininga ako. Masyadong nilulukob ng kaba ang puso ko, at sinasakop ng pagkatuliro ang isipan ko. Iba't ibang emosyon ang nais kong ipadama sa kanya ngunit 'di ko alam kung saan ba mag-uumpisa.

"K-Kumusta?" Kumibo si papa. Mabilis pa sa hanging nag-angat ako ng tingin sa kanya. Palihim akong nagpapasalamat na siya ang unang nagsalita.

"Okay naman po.." marahang sagot ko.

Napatingin siya sa kamay ko, nakita ko ang pagpuslit ng ngiti sa labi niya. Naghalo-halo ang kanyang emosyon ngunit lamang sa kanyang asul na mga mata ang pangungulila bago bahagyang matawa.

"Naalala ko pa nung maliit ka pa.. Lagi ka ring nakaganyan." Tukoy niya sa kamay kong pasmado na naman. Napalingon tuloy ako roon. ".. Laging namamasa ang palad mo kapag lubos kang kinakabahan. Naalala mo pa ba 'yung relong ibinigay ko sa'yo? Ang sabi mo nawala."

Napatango ako sa kanya.

Naalala ko ang isang iyon. It was actually unforgettable.

"Pero hindi mo iyon naiwala 'di ba? Nagsinungaling ka.." aniya at natigilan ako. "Hindi ba't ibinigay mo 'yon sa isang matandang pulube na walang makain?"

"P-Pero 'di ba.. Naniwala po kayo sa akin noon, pa?" Sa pagkakatanda ko, hindi siya nag-usisa pa no'n sa akin. Ni hindi niya ako pinagalitan kase pagkabalik ko sa kanya noon, wala na iyong relong iniregalo niya sa akin. It was expensive, and he said na dapat lagi ko iyong ingatan.

"Syempre kunware lang 'yon.." Napailing si papa. "Kahit alam ko ang totoong nangyare ay nakisakay na lang ako sa 'yo. Baka kase bumaha na ng pawis iyang mga kamay mo."

Nagkatinginan kami. Nagdaan ang pang-aasar sa mata ni papa at kumurba ang labi ko. Sabay kaming nagtawanan. Sa puntong ito ay nawala lahat ng tensyon at awkwardness sa paligid. Nag-light ang aura sa pagitan namin.

"Papa naman.." Hindi ko mapigilang mapalabi nang tuksuhin niya pa ako, tinawanan niya ako nang tinawanan.

Mula rito sa kinauupuan ko ay kita ko ang kasiyahan mukha niya. Tila gaya ko ay nawala ang mga pangamba. Napakagat ako sa pang-ibabang labi pero hindi pa rin napigilan no'n ang pananatili ng ngiti sa labi ko. For past 6 years, ngayon na lang ulit nangyare ito.

Hindi ako makapaniwala na magagawa pa naming magkwentuhan at magtawanan; na para bang walang matagal na taon ang nagdaan sa buhay namin. Na para bang walang anumang nangyare. Naging komportable kaagad kami sa isa't isat at parang bumalik lang kami sa dati.

"Na-miss ka ni papa anak.." Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang panginginig bigla ng boses niya, hindi ko namalayang lumuluha na muli siya.

Nawala na ang atensyon ko sa kung ano mang alaala ang binabalikan naming dalawa.

"P-Papa.." Lumamlam ang mga mata ko. Unti-unti ay naramdaman ko ang pamumula no'n.

"P-patawarin mo ang papa, Bianca. Alam ko ang pagkukulang ako sa'yo.. Walang araw na hindi ka sumasagi sa isip ko. Bawat gabi, tinatanong ko ang sarili ko. Kumusta ka na kaya? M-Maayos ba ang lagay mo? Mapapatawad mo pa ba..ako?" Parang piniga naman ang puso ko nang marinig ang sakit sa boses niya. "Maniwala ka, hinanap kita. Binalikan kita pero nahuli ako, wala ng nakatira sa bahay na tinitirahan niyo ng mama mo. Abandonado na ito. Nagtanong-tanong ako.. At sinabi nilang pinalayas ka raw habang nakakulong naman ang mama mo."

"Nag-usisa ako kung ano bang nangyare—doon naman ay natuklasan ko ang lahat. K-kinasuhan ko ang mama mo nang malaman ko ang mga pinaggagawa niya sa'yo, Bianca. I didn't expect that she would be that worst. After I left, I thought she will treat you good anak. P-Pero nagkamali ako.." Nahihirapan siyang napalunok at nag-init naman ang mga mata ko. "Kabaliktaran ang ginawa niya sa'yo, and I.. I just can't accept that."

Nagkarambola sa pighati ang dibdib ko.

Nanakit muli ang puso ko at naging sensitibo na naman ang mga emosyon ko.

Bawat pagpatak ng luha sa mga mata ni papa ay milyon-milyong karayom ang walang awang tumusok deretso sa puso ko. Nanginig ang mga kamay ko; gusto ko siyang yakapin, patahanin at sabihing 'wag na siyang umiyak pa pero may parte sa akin na hayaan siya.. Hayaan siyang sabihin ang side niya, at ang paliwanag niya.

"P-Patawarin mo ako, patawarin mo ang papa.. Nawalan ako ng lakas ng loob na hanapin ka pa.. Nahihiya ako, Bianca. As your father, w-wala akong mukhang maihaharap sa 'yo. Nagdesisyon ako nang walang pag-aalinlangan at hindi ko manlang naisip ang maari mong kahantungan.." Napahilamos siya sa mukha niya. He looks so regrettable. "Sinisisi ko ang sarili ko.. Sa bawat taon na nagdaan, walang araw na hindi ako dinalaw ng konsensiya ko. B-Bakit kase napakasama kong ama sa 'yo? Bakit i-iniwan kita? Bakit inuna ko ang sarili kong pamilya at pinabayaan k-kita? B-Bakit naging unfair ako sa 'yo.. Bakit hinayaan ko lang na madamay ka sa galit ko sa mama mo."

Hindi ko mapigilang mapahikbi, emosyonal niya 'yung sinabi. Bawat pagbigkas niya sa mga salita ay tumatagos sa pagkatao ko. Hindi ko maikakailang nadudurog na naman ako. Pero masasabi kong hindi na ito malala kumpara sa nararamdaman ko noon. Unti-unting nawawala ang pain sa puso ko habang nakikita ang pagiging vulnerable ni papa. Gaya ko ay nasasaktan rin pala siya. A-akala ko kase..ako lang.

"Wala akong k-kwentang ama.. P-Pinabayaan kita. Wala akong kwentang tao.. Sinaktan ko ang anak ko. H-hindi ko manlang naipagtanggol ang prinsesa ko.." Napayuko siya. Panay ang galaw ng balikat niya. He's still crying.. "P-Patawarin mo ako anak... Patawarin mo ang papa sa pagkukulang ko sa 'yo.."

"Papa.." Napapahawak sa bibig na sabi ko. Napuno ng maiinit na luha ang mga mata ko. Kitang-kita ang pagdurusa sa mukha niya.

"K-kaya tatanggapin ko ang lahat anak—saktan mo ako kung gusto mo—gumanti ka kung 'yon lang ang maibabawi ko..H-hindi kita pipigila—" Napatayo ako. Lumapit ako sa kanya. Kusang gumalaw ang katawan ko at mahigpit kong niyakap ang tatay ko.

"Papa.." tawag ko sa kanya sa pinakamalambing na tono.

Nasasaktan ako dahil ramdam ko ang kadesperadahan niya. Tila kaya niyang gawin ang lahat para mapatawad ko lamang siya. Pero ayokong umabot pa sa ganung sitwasyon. Dahil kahit gaano pa kasakit lahat ng napagdaanan ko sa ginawa niyang pag-iwan, hindi pa rin mawawala ang pagmamahal ko sa kanya at pag-aalala.

Siya ang unang lalaking hinangaan ko, taga-protekta ang tingin ko sa kanya dahil siya ang ama ko. Anoman ang mangyare, mananatili siya sa buhay ko. Palaging may puwang sa puso ko si papa..

Humagulgol ako ng iyak sa balikat niya. Ang mga luha ko ay walang tigil sa paglabas, tila isang gripong nasira na at ayaw ng magpaawat. Kahit na para pa rin akong bata sa ginagawa kong pag- iyak ngayon sa ama ko ay hindi ko na iyon alintana pa.

"Papa, I'm so sorry. S-sorry po.. 'Wag na po kayong umiyak.." Nanginginig ang mga kamay na pagpigil ko sa kanya.

Napaangat siya ng tingin sa akin.

"Bianca.."

"A-Ako dapat ang patawarin mo papa.. Patawarin mo po ako kung inakala kong wala lang ako sa'yo.. S-sorry po." naiiyak na bulong ko habang nakayuko.

"Anak.. H-hindi," Umiling siya.

"Miss na miss na po kita, papa. Hindi mo alam kung gaano na kita na-miss. H-hindi ko nga lubos akalain na mangyayare pa muli ito..Mahal na mahal po kita papa." Hinarap ko siya kahit panay ang kawala ng hikbi sa bibig ko.

Napapikit nang mariin si papa at ikinulong ako sa bisig niya. Hinalikan niya ang ulunan ko saka patuloy na bumulong. "P-patawarin mo ako anak.. Mahal na mahal din kita.."

"Hindi mo na kaylangang humingi ng patawad papa.." Pinunasan ko ang natitirang luha sa mga mata ko. Pinilit kong umayos kahit parang hindi ko kaya. "Naiintindihan na po kita.."

"Anak.." Genuine akong ngumiti sa kanya.

"'Wag ka ng iiyak ulit sa harapan ko papa.. Hindi po kinakaya ng puso ko. Sobrang sakit na makitang umiiyak ng dahil sa akin ang papa ko.." Kahit naluluha pa rin ay napatango siya.

"Tara na po sa kusina, pa." yaya ko sa kanya. "Baka matunaw na 'yung mga binili ko sa 'yo."

Muli muna akong niyakap ni papa bago niya ako hinayaang kumapit sa braso niya bilang pag-alalay. Matapos ang pag-uusap naming 'yon ay sabay kaming nagpunta sa kusina. Walang kapantay ang kasiyahan ko dahil kasama ko na siya ngayon.

May ngiti sa aming labi habang kumakain, tuwang-tuwa si papa dahil naalala ko pa raw 'yung paborito niya. Nagkwentuhan kami, naglambingan at higit sa lahat ay nagkapalagayan muli kami ng loob. Hindi na ako naiilang pa, parang bumalik ako sa pagkabata at naging mas welcoming sa kanya.

Sobra kaming nag-e-enjoy ni papa, and I think.. this is the best day with him ever. Wala na ang bigat ng loob, wala na akong kinikimkim pang pasakit sa kanya. Nawala na ang lungkot na bumabalot noon sa puso ko at wala na ang galit na ikinulong ko sa isipan ko. Wala na ang mga pag-aalinlangan at agam-agam ko. Lahat ng nararamdam kong ito ay napalitan ng saya, tuwa, at gaan ng kaloobahan; sa madaling salita.. muling nabuhay ang dating ako.

Sa sandaling oras ay naparamdam namin ang maraming taong pagkukulang sa isa't isa. Napunan ito lahat sa isang saglit. Isang kurap, isang pitik. Hindi kapani-paniwala, pero totoo. Ang akala ko mahihirapan pa ako, pero kung talagang willing kang magpatawad at i-risk ang sarili mong pagkatiwalaan muli ang taong minsan ng nanakit sa 'yo; tunay ngang makakaya mo.

"Hatid na po kita, papa—" pinigilan niya ako sa pagsasalita.

"'Wag na anak.." He immediately shook his head. Tumingin siya sa relo niya. "Gabi na rin oh, mapahamak ka pa."

"Okay po, papa. Ingat ka." I smiled happily at him. "Pakisabi kay Auntie na miss ko na rin siya."

"Sige 'nak. Mag-iingat ka rin palagi, okay? Uuwi na ako." Mahina na lang akong natawa at muli siyang niyakap. Niyakap niya naman ako pabalik saka hinaplos pa ang likod ko. My heart felt so warmth. My papa is still my shelter.

"Good bye po!" Hinalikan ko siya sa pisnge.

"Uwi na ako.." ang naging pagtugon ni papa at nakangiting lumabas ng pintuan. 

Kinawayan ko muna siya bago ko siya sinaraduhan. Abot tenga ang ngiti ko habang naglakad patungong kusina. Inayos ko ang mga pinagkainan namin, pinunasan ang dapat linisin sa lamesa at hinugasan na ang mga plato. Pagkatapos kong banlawan ang nga utensils ay kinuha ko ang malinis na towel; pinunasan at pinatuyo ko ito isa-isa bago ko ito inilagay sa kaniya-kaniyang lagayan.

Hangggang sa makarating ako ng kwarto. Pakiramdam ko ay nakalutang pa rin ako dahil sa sobrang saya. Napahiga ako sa kama, at nag-angat ng tingin sa taas. Bumungad sa akin ang puting ceiling. Hindi ko mapigilang ipikit ang mga mata ko. Punong-puno ng masayang alaala ang isipan ko. Parang sasabog na sa katuwaan ang puso ko. Iba talaga ang nabibigay na saya ng isang ama sa kanyang anak.

I just hope that this feeling will stay longer.. I want to keep it—forever if possible.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top