Chapter 38

Chapter 38

"I'm so sorry papa kung nasigawan kita. I'm so sorry if I'm being a bad daughter here. I'm really sorry.. I'm just hurting," mahinang bulong ko habang hilam na luha sa aking mga mata. "I'm hurting, pa. May karapatan naman ako 'di ba?" Naglakbay ang tingin ko sa larawan namin ni papa.

Buhat-buhat ako ni papa rito sa larawan habang nakayakap naman ako sa kanya. May malawak na ngiti sa mga labi naming dalawa, at kita talaga ang kasiyahan. Larawan ng mag-amang nagkakatuwaan. Ang suot namin dito ay magkaterno bagaman naka-dress ako rito habang siya ay nakapants naman. Nakatali ang magkabilang buhok ko at ngayon ko lang na-realize na medyo kulot pala ako ng bata pa ako. Marungis ang mukha ko sa larawan, at halata ang pagpapawis. Naglaro kami nito ni papa bago kuhanan.

Mapait akong napangiti..

Ito na yata ang pinakamasayang araw na magkasama kaming dalawa. Kahit isang beses lang siya umuuwi kada dalawang taon, sinusulit ko palagi 'yung mga oras na magkasama pa kami. Wala akong sinasayang na oras kapag umuwi na si papa sa bahay noon.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Ang puso ko ay unti-unti na namang nadudurog. Kasabay ng iilang alaala ko kay papa ay ang pag-flashback naman ng pagmamalupit sa akin ni mama noon. Kung paano niya ako halos patayin araw-araw sa walang sawang panggugulpi. Kung paano maputol ang mga hanger sa rahas ng pagpalo niya, pagwasak nung sintoron sa pagiging bayolente niya, at pamamaga ng mukha ko ng dahil sa malalakas niyang sampal at pagbabato ng kung ano-ano.

Hindi niya rin ako pinapakain no'n, lagi niya akong ginugutom. Na kahit magmakaawa ako, hindi kaylan man siya nagbibigay ng simpatya. Kahit wala naman akong ginagawang mali, ni-normalized na ni mama na gawin akong punching bag niya. Ibinubuhos niya sa akin ang galit niya sa pag-iwan sa amin ni papa.

Naalala ko pa noon, nagdudugo na ang mga sugat ko at parami na nang parami ang pasa sa katawan ko; pero hindi manlang siya natitinag. Hindi siya nakukuntento hangga't hindi niya ako nakikitang balisa, nanghihina at lupaypay.

Pisikal 'yung pagmamalupit kaya literal na masakit. Kapag iniisip ko naman na sarili kong ina ang may kagagawan no'n.. Mas mahirap; pakiramdam ko kahit pumalag ako, wala pa rin akong laban sa kanya. Kaya siguro parang naging balewala na lang din sa akin 'yung pananakit niya, para kase sa akin—wala pa ring makakapantay sa mga masasakit na salitang binabato niya; tagos hanggang puso, at halos ikadurog ko na.

I just keep crying, eyes was unshed with painful tears while a faint sob escaped through my trembling lips. Tanging, "tama na po, mama" ang bukang bibig ko. At kung minsan nga ay nanghihinang iling na lamang.

Tahimik akong napahikbi.

Nung muntik na akong magahasa ng mga kasamahan ni mama—na tulad din niyang lango sa alak at droga, sobrang takot na takot ako. Takbo. Panay lang ang takbo ko at halos hindi na ako tumigil kahit pa nanginginig na ang buong katawan ko sa panghihina ng kalooban. Ang nasa isip ko lang nung mga araw na 'yon ay makatakas sa hawak nila.

Buong lakas kong binabato sa kanilang lahat ang mga bagay na nakikita at nahahawakan ko. Sinubukan kong pumalag at lumaban. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nahuli pa rin nila ako. Naaalala ko pa ang mga mala-demonyo nilang halakhak habang pinagtutulungan ako. Gabi-gabi ay isang bangunguot ang alaalang 'yon. Isang masamang nakaraan na laging nagpapagising sa akin dahil kahit anong pagtakas ko ay patuloy pa rin sila sa paghabol sa akin dilim.

Nakahawak nang marahas ang isang kamay nung kulot na lalaki sa braso ko habang 'yung lalaking may nunal sa ilong ay nakadagan na sa balikat ko, at 'yung lalaking walang pang-itaas na damit naman ang sumasakal sa panga ko. Corner na corner na nila ako sa isang sulok. And God knows how much I want to run away that time.. B-but I just can't dahil tatlo sila at mag-isa lang ako.

A-anong laban ko sa mga ganung klaseng lalaki 'di ba?

Mabuti na lamang at biglang nagising si mama na nakatulog sa sala dahil sa sobrang pagkalasing. Pinakawan ako nung mga lalaki, iniwan nila akong balisang-balisa sa sahig. Napasandal na nga lang ako no'n sa pader sa sobrang panghihina; nakatulala lang akong umiiyak sa kung saan habang nakayakap sa sarili. Punit-punit iyong damit ko at may bakas na suntok ang tiyan ko dahil sa pagsikmura sa akin nung isa sa tatlong lalaking iyon.

As someone that was traumatized that moment, kaagad akong nagsumbong kay mama. S-sinabi ko sa kanyag muntik na akong magahasa pero inakusahan lamang niya akong sinungaling. Alam kong hindi ako kaylan man tinuring ni mama bilang isang taong mahalaga sa kanya, pero 'yung mas pinaniwalaan niya 'yung mga kainuman niya kaya sa akin, sa akin na anak niya—Sobra na.

Napagtanto ko sa araw na iyon na wala na akong magiging pag-asa sa ina ko. Kaya hangga't kaya ko no'n, ako na ang pumoprotekta sa sarili ko. Binago ko 'yung pananamit ko. Binalot ko 'yung katawan ko sa mahahabang kasuotan. Hindi na ako lumalabas ng bahay; nakakulong lang ako sa kwarto ko. Natatakot na ako sa lahat ng tao. Napatunayan ko sa puntong iyon na tanging sarili ko na lamang ang aasahan ko. Na tanging ako na lang mismo ang mag-iisip sa kapakanan ko dahil.. wala pa si papa.

One time may albularyong pumunta sa bahay, at isa siyang manggamot. Sabi niya kaibigan siya ni mama. Nung una ay kinabahan ako dahil baka saktan niya rin ako ngunit hindi niya ginawa. Naiyak pa nga ito nang makita ang kalagayan ko, tila hindi makapaniwala na ganun na kalala ang naging sitwasyon ko.

Maski ako, halos hindi ko na rin makilala pa ang sarili ko no'n dahil sa sobrang dami ng sariwang sugat sa balat ko, putla na tila ba nakulangan na sa dugo at tamlay dahil sa kawalan ng bitamina sa katawan. Hindi ako nagpagamot sa hospital dahil ang sabi ni mama, nagsayang lang daw ng pera. And when she saw na ginagamot ako nung albularyo ay pinalayas niya rin ito.

Wala akong nagawa kung hindi ang magmukmok mag-isa. Halos naging normal na sa akin ang pananakit na ginagawa ni mama. Feeling ko nga no'n ay napakataas ng pain tolerance ng katawan ko dahil hindi pa ako nag-collapse. Pero kung ang katawan ko ay hindi pa sumuko—kabaliktaran naman nito ang puso kong namanhid na at ang utak kong halos mablangko na sa lahat. I can feel it, I know deep inside na walang-wala na ako. Buhay man ako nung mga panahon na iyon pero alam ko sa sarili kong simula ng pagbuhatan ako ng kamay ni mama; unti-unti na akong namatay.

Naransan kong tumira sa kalye at mga kalsada.. Halos magmukha na akong pulubi nang una akong pinalayas ni mama. Ilang araw din ang tinagal no'n bago niya ako pinabalik sa bahay. In that moment, I feel nothing. Everything feel so lifeless already, my expression was void in any emotion. I'm so tired.. And when mama saw my condition; without any drugs and alcohol cursed in her mind. I somehow feel it; she looks stunned.

My mother was looking at me in a way that I know.. feel hopeless. In a week, she didn't approach me; giving me a freedom to be with myself again. She didn't admitted any thing, but she seems a bit nervous and guilty after she saw how my eyes averted to her. But her unusual, strange treatment didn't also took so long. I think after having bunch of mental battles, she still withstand of how our mother and daughter relationship should be.

Pinalayas niya ulit ako.

Bumalik ang pananakit niya sa akin.

But this time, hindi na ako bumalik. For the last damn time, sinunod ko ang gusto niya. Iniwanan ko si mama; with a convincing thought na hindi ko siya titignan pabalik manlang. Sa lahat ng pagmamalupit at pagpapahirap niya sa akin, I think as her daughter.. that's my last call.

I will forget her.

Belinda Cecelia Augustine is not my mother anymore.

She's just a protagonist in my story, a heartless character that was deserving to be alone in her life until every chapter of my life ended. That woman is nothing but a nobody in my surviving life right now. Auntie Eliza already replaced her.

Naging depress ako matapos akong masagasaan ng sasakyan nila Auntie. Tinulungan niya ako at nagkulong ako sa rehabilitation hospital, hindi nagsasalita at palaging walang imik. Ako ang nagsuhestiyon no'n kay Auntie Eliza kaya wala itong nagawa sa akin.

Many therapists tried to make my mental health stable and after a months of being rehab, natagpuan ko ang charity orphanage at doon ko nakilala sila Cyrus. Ang mga bulinggit na iyon ang tila naging liwanag sa madilim kong mundo. Sa kanila ko nakikita ang batang sana ay magiging anak ko na dapat.

Kahit papaano, muli akong nagbalik sa diyos kahit hindi na kasing dalas noon. Bumangon akong mag-isa, tumayo ako sa sarili kong mga paa at sa walang sawang paggabay sa akin ni Auntie Eliza; nahubog ang bagong Bianca ngayon.

Sa pagharap sa mundo, at sa pag-survive ko sa reyalidad na itinago sa kin ng mga magulang ko—namulat ako sa katotohanan. Walang perpektong pamumuhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon, palaging maganda ang pag-ikot ng gulong sa buhay mo. 'Yung akala mong wala ka ng mahihiling pa sa kanya, dapat sandamakmak na manifestation pa pala.

Nag-iiba palagi ang landas na tatahakin ng isang tao; ikaw na lamang ang magdedesisyon kung saang landas ba ang pipiliin mo.

Marahan kong binuksan ang mga mata ko at wala sa sariling napaangat ng tingin sa kung saan. Ramdam ko ang tila pagkalma ng sistema ko at ang pagkawala ng tensyon sa isipan ko. Itinaas ko ang kamay ko at pinunasan ang nunuyong luha mula sa mga mata ko.

Lakaas loob akong tumayo..

Kaylangan kong harapin ang kasalukuyan tulad ng ginawa ko noon. Hindi na ako bata para magtago nang ganito sa lahat. I need to be strong. I'm a fighter. I can do this and everything will go back at peace again.

I'm okay..

Inayos ko ang sarili ko at wala sa sariling binuksan ang pintuan ng condo unit ko. After I twist the doorknob, I was startled when I still see him here. Nanuyot ang lalamunan ko nang maabutan ko si Miguel; naka-upo siya sahig, nakasandal sa wall ng unit ko habang nakayuko. He looks so fragile and vulnerable habang tila naghihintay na pagbuksan ko.

Kanina pa ba siya dito?

"B-Boss.." gulat na tawag ko.

Nung una ay parang hindi niya ako narinig. Pero kalaunan ay naalarma siya. Mabilis pa sa hangin siyang napatayo. Pinakatitignan niya ako at parang tulirong napalapit sa kinatatayuan ko.

"A-ayos ka lang ba, Bianca?" Miguel asked me. Ramdam ko ang matinding pag-aalala—hindi lang sa boses niya pati na rin sa kanyang ekspresyon. His face softened while looking at me as his eyes filled with unexplainable pain.

Hindi ako nakasagot at prinoseso muna ang nangyayare habang nakatunganga sa kanya. Bakit parang mas nanlulumo siya kaysa sa akin?

"B-Bakit ka nandito.." I whispered. I can't believe this. "Bakit nandito ka pa rin.. Miguel?"

"Dahil kahit hindi mo sabihin, alam kong kaylangan mo ako.. Bianca." Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at ang paglamlam ng mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko. "At hangga't kaylangan mo ako, hinding-hindi ako aalis sa tabi mo.." He lifted my chin softly. "Bianca, baby.. I would never let you feel alone this time, I swear."

My heart reacted violently as sigh escaped my lips.

This man always surprised me.

"L-Let's go.." Napatingin ako sa harapan. Nandito na rin naman siya. Might as well, samahan niya na lamang ako. "May pupuntahan ako."

Inihakbang ko na ang mga paa ko, at nauna ng maglakad sa kanya. Hindi na ako naghintay pa ng sagot niya. Alam ko namang susunod siya sa akin. Ang hindi ko nga lang inaasahan ay ang paghabol niya sa kamay ko.

My lips parted when Miguel intertwined our hands. My steps halted, and I looked at him; I'm stunned. Pero mas lalo lang niyang hinila ang kamay ko, inilapit niya ako sa kanya at halos magdikit ang mga katawan namin. 

Masuyo lamang na ngiti ang itinugon sa akin ni Miguel.. I clenched my fist. I watch him with awe as I slowly shook my head, a small smile appeared on my lips. Seeing how I loosen up even a bit, Miguel lovingly caressed the skin of my cheeks. He, then kissed the top of my head promisingly and I just let him.

Miguel is my protector.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa sementeryo. Mula sa mga higanteng mga bato, nagsihilera ang pantay-pantay na puntod. May mga patayo, pahaba at pakahon. May kaniya-kaniyang kulay ng kandila at mga naiwang bulaklak sa tapat ng kanilang lapida. Madilim ang kalangitan at ramdam na ramdam ang katahimikan ng sementeryo.

"A-anong gagawin natin dito?" Miguel tried to interrupt my thoughts. His chocolate, brown eyes are fixed on the surrounding. He seems.. nervous.

"Narinig niyo 'yung usapan namin ni papa, hindi ba?" Mapait akong napangiti. "Totoo ang lahat ng sinabi ko do'n.."

Naglakad ako papunta sa anak ko kung saan makikita ang malinis pa rin niyang puntod. Sadyang pinababantayan ko ito sa katiwala rito sa sementeryo para linisan araw-araw.

"I-It's him.." I slowly, bit my lower lip. "He's my angel, Miguel."

"W-what?" tila naguguluhang tanong niya pero hindi ko iyon sinagot bagkus ay naupo ako sa damuhan.

"Siguro nagulat ka dahil nagka-anak na pala ako. I'm still 19 back then nang marinig ko 'yung usapan ni mama at papa. Nagsisigawan sila no'n kaya hindi na ako umeksena pa. I thought it was just a misunderstanding, a fight for a normal couple but sadly it's not. Malabong-malabo dahil una pa lang—hindi naman pala talaga sila nagsasama; nagpapanggap lang sila para itago ang katotohanang anak lang ako sa labas ni papa." I let out a shaky yet steady breath as I recalled everything.

"Nagulat at hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko kaya sumabay ako sa grupo ng mga babaeng magtutungo raw sa isang club noon. I'm so lost that time.. I didn't know what should I do as I just found myself drinking alcohol so much. I'm so frustrated that I just want to let out my pain. A-And then morning came, nagising na lang ako sa isang hotel kasama ang isang lalaki." I heaved a sigh. "W-We both naked while the sheets underneath within us. I'm confused as hell. I can't remember what really happened and how I ended with him. Not until I saw blood. And God knows how terrified I am when I realized everything thing.. so I l-left with so many regrets circulating through my mind."

Hindi ko narinig ang pag-imik niya kaya napalingon ako sa kanya. At ewan ko ba pero para sa akin masyadong odd 'yung naging reaksyon niya. He looks so shock. I even imagine that there is a big question mark displaying on his head. He almost seem speechless.

"I think it's.." Napaiwas ako ng tingin. "one night stand."

"Bianca.." he called me. "D-Do you somehow know the guy?"

Nangunot ang noo ko.

"Uh, no. Hindi ko na tinignan pa 'yung mukha niya. Pero isa lang ang alam ko, may tattoo siya sa kanang balikat."

"A-Anong itsura?" he asked, almost eagerly.

"Curl tint line with a dark red broken heart." I chuckled without any humour. "Siya ang ama ng anak ko.." I added at tumingin sa puntod ng anghel ko.

"What happened back then is a big deal for me. It maybe accident and I may be didn't plan having a child in that young age of mine. But it doesn't mean that the baby didn't matter at all. My miscarriage affects me a lot, Miguel. It freaking traumatized me until now.." Nanginig ang labi ko. "P-pakiramdam ko naging pabaya ako.. Na parang kasalanan ko lahat kase nadamay siya. Magiging nanay na dapat ako e. K-Kaso hindi na nangyare pa.. Nalaglag ko 'yung bata, nakunan ako kaya s-siya nawala."

"Bianca.." Miguel tried to distract me. Nagpigil naman ako ng iyak dahilan para maabutan ko na lamang ang sarili kong nakasandal sa balikat niya.

I feel so lost again..

Naramdaman ko ang paghaplos ni Miguel sa balikat ko bilang pag-alalay. Sa kung papaano niya ako i-comfort ngayon, nawala ang pagkamanhid ng puso ko. Natahimik siya, at tila nakikiramdam lang sa susunod na gagawin ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

Maya-maya pa ay napatingin ako sa wristwatch ko. Gabing-gabi na.

"Tara na.." ang naging pagyaya ko sa kanya ngunit parang hindi niya 'yon narinig. Dumako ang tingin ko sa mga mata niya, pero nakasentro lamang ang atensyon niya sa puntod ng anak ko.

Nanliit ang mga mata ko nang wala akong mabasang emosyon sa kanyang tsokolateng mga mata. Pero ramdam ko mula sa paghigpit ng hawak niya sa kamay ko ang pagiging tensyonado. He seems in a very deep thought.

"A-Ayos ka lang ba?" namamanat pa rin ang boses na bulong ko. Miguel shut his eyes closed as he nod his head at me hesitantly. "Y-yeah, I'm fine.."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at wala sa sariling niyakap na siya. Owtomatiko namang pumalibot ang braso niya sa bewang ko. Niyakap niya ako pabalik. Why do I feel like Miguel also needed a comfort? Parang ang tamlay at lungkot niya bigla.

"Bianca.." aniya at napaangat ang tingin ko sa kanya. "What if you.."

"Hm?"

Miguel cleared his throat.

"P-paano kung makilala mo siya?"

"Sino?" I asked him.

"Yung lalaking naka-one night stand mo." deretsong sagot niya. "Anong gagawin mo kung makilala mo na siya?"

Natuod ako sa kinatatayuan ko habang nakikipagtitigan sa tsokolate niyang mga mata. Pero mukhang napakaseryoso ni Miguel ngayon. Napaawang ang bibig ko. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang ideyang 'yon, pero paano nga ba? Ano nga ba ang gagawin ko kung makilala ko na ang estrangherong lalaking 'yon? Yes, he made me feel what the pleasure feels in just One Night but he also make me feel so regretful when morning came.

"I d-don't know.." I can't help but stutter. "Pero sana hindi na." Napababa ako ng tingin.

"Bianca.."

"Dahil wala pa rin namang mangyayare, at nakakasigurado akong wala pa ring magbabago kung sakaling magkakilala nga kami." Sumulyap ako sa puntod ng anak ko. "Wala na 'yung naging bunga sa ginawa namin, at ayokong idagdag pa siya sa iisipin ko."

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top