Chapter 33
Chapter 33
Habang pababa ng hagdan ay napunta ang atensyon ko sa ganda nito. Masyadong elegante ang hagdan nila. Krema at ginto ang combination ng kulay. Nanggaling sa magandang klase ng kahoy, makinis na bato at makinang na bakal ang mga materyales na ginamit. Pakiramdam ko tuloy kapag bumababa rito sila Auntie, nagmumukha silang royal family.
Huminga ako nang malalim matapos kong makahakbang sa pangatlong baitang bago ang lapag. Bahagya kong ipinunas ang kamay ko sa gilidan ng dress na suot ko. Nagsisimula na naman kase itong mamawis. Pilit akong naglagay ng sincere na ngiti sa labi ko upang ikubli ang kabang dumadaga sa dibdib ko. Nang makarinig ako ng katuwaan mula sa dining area ay bahagya akong kumalma.
"Oh ija, saan ka ba nanggaling?" ang naging bungad sa akin ni Auntie Eliza.
"Nag-ikot-ikot lang po ako," I murmured and she nodded.
Naupo ako sa pwesto ko kanina. Pero hindi pa ako nagtatagal sa upuan ko ay napatingin agad ako kay boss na nakangisi lang sa harapan ng lamesa ngayon. Kahit hindi siya sa akin nakatingin sa akin, ramdam ko ang palihim niyang panunudyo. He really won't stop teasing me!
"Nandiyan na raw si dad sa gate, mom." pahayag ni Lizel matapos niyang tignan ang cellphone sa gilid.
Nilingon ko si Auntie, mas umaliwalas ang mukha niya. Sumilay ang pagkamangha sa ekspresyon niya at sa isang iglap ay nakatayo na agad siya. Napuno ng panunukso ang buong dining area at naging evident ang kinikilig na reaksyon ni Auntie.
"Nandiyan na ang my loves mo Auntie," ang naging komenta pa ni Gerald.
Napailing ako at mahinang natawa. Ganun din sila dahil sa ginawang pagnguso ni Auntie sa harapan namin. Inayos niya ang sarili niya at napahagikgik.
"Salubungin ko?" saad niya at ngayon ko na-realize na wala talaga sa edad ang paglalambing.
"Go on, mom." Lizel chuckled gently as she let her mother go.
Auntie Eliza on the other hand immediately left excitedly. She really loves her husband, and I'm happy na makikilala ko na finally ang nagpapasaya kay Auntie.
"Sorry talaga Bianca kung iniwan kita kanina ah?" Nang magsalita si James sa tabi ko ay muling dumapo ang pangamba sa dibdib ko.
"Hindi, okay lang.." Umiling ako sa kanya. Nagawa ko pang uminom ng tubig dahil biglang nanunuyo ang lalamunan ko.
Nangunot ang noo ni James.
"Okay ka lang ba?"
"Huh?" I asked him, confused.
He smiled at me.
"You looks so tense.." pagpuna niya. "H'wag kang mag-alala mabait naman si dad,"
Although hindi naman iyon ang dahilan kung bakit naging balisa ako ay napatango ako sa kanya. Tuluyan ng sumagi sa isipan ko ang ama nila. Magugustuhan niya kaya ako? Si Auntie kase kilala ko na kaya alam kong boto siya sa akin.
Palihim na nagsalubong ang magkabilang kilay ko. Dapat wala akong pakealam kung magustuhan ako nung dad nila o hindi. Wala naman dapat akong alalahanin sa part na iyon. He's Miguel's stepfather, second husband yata ni Auntie. Kahit matagal ng namatay 'yung biological father ni boss—bali-balita namang mabait ito at kasundo niya.
Napalingon ako kay Miguel nang bigla siyang tumikhim. Nagtama ang mata naming dalawa at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kanang kilay niya. Nangunot ang noo ko. Pero dumako lang ang tingin nito sa kamay ni James na nakapatong sa braso ko. At parang sinesenyas ni Miguel na alisin ko 'yon.
Umiling ako sa kaya kaya sumama naman ang mukha niya. Kaagad akong napalunok saka wala sa sariling sinunod ang gusto niya. Tinanggal ko ang kamay ni James sa akin at kunwaring nagkamot sa batok. James on the other hand didn't mind it at all kaya nakahinga ako nang maluwag.
As Miguel started to chuckle unapologetically, napunta sa kanya ang atensyon ng mga kasama namin. Nanliit ang mga mata ni Trezer.
"Why are you laughing bro?" he asked. Pero sumilay lang ang nanunudyong ngisi sa labi ng kaibigan niya.
"Nothing," Miguel shook his head as he wiggled his eyebrows. "Why? Masama bang tumawa?"
Napailing ako. Napaka-isip bata rin pala nito ni boss, akala ko si James lang. He always made me surprised to his behavior. Kung hindi ko lang siya kilala ay masasabi kong may mental condition siya.
I mouthed "childish" silently at him.
Nagkibit-balikat naman siya sa akin.
Tumikhim si James. Mukhang kanina pa siya bothered sa kung saan. "Bakit mo nga pala suot ang sleepers ni kuya?"
Nanlaki ang mga mata ko tanong niya at napababa agad ang tingin sa mesa; kung saan makikita ko ang mga paa ko. How did he saw this one?
"Uh.." I nervously licked my lower lip as I think a reasonable explanation. "I, uhm—"
"Natapilok siya kanina kamamadali.." Bigla ay sumabat si Miguel sa usapan namin. Mukhang narinig niya ang sinabi ni James—No! Hindi lang siya, mukhang narinig din nung mga kasamahan namin dahil napatingin sila sa amin.
"Pwede ka rin pa lang maging mabait kuya.." Natawa si James at arogante lang na kumibot ang labi ni boss.
"Kaya naman pala halos sabay kayo ni kuya bumaba," Lizel suddenly commented as she glanced to her older brother.
Naestatwa ako sa kinauupuan ko.
"Oo nga noh." James forehead crumpled. "Ang weird nga ni kuya kanina e. Sabi niya may kukunin lang daw siya sa kwarto pero nagtagal siya roon."
Umuwang ang bibig ko at tuluyan na ngang napayuko upang itago ang tila naglilihab ko ng pisnge. I am so embarrassed! Kunwareng nag-ubuhan sila Trezer at Gerald habang si Lizel naman ay nagpigil ng kanyang tawa. And even thought I'm not looking at them anymore, nakakasiguro akong naglalaro ang panunukso sa mga mata nila. James on the other handa ay parang wala namang maintindihan sa pinagsasabi at naging reaksyon nila.
"Pareho rin kayong nanggaling sa itaas," dagdag ni Lizel. "Tell me, may ginawa kaya kayo?"
Mabilis akong napaangat ng tingin sa kanila. Napatikhim ako kay Miguel para humingi ng tulong sa ginagawa nilang panunudyo sa aming dalawa. Pero ang loko ay ngumisi lang bago mapasandal pa sa kinauupuan.
"Yeah." He nod his head as he stared at my flushed face. "May ginawa nga kami." tila pagkukumpirmang sagot niya.
No way!
"Boss!" napahiyaw ako sa kahihiyan. Talaga bang aaminin niya 'yon?!
"Ayon, oh." natatawang sipol ni Trezer saka sila nagkatinginan ni Gerald na nangingisi na rin.
"What?" inosenteng sabi naman ni boss nang makita ang naging reaksyon ko. "May ginawa nga kami." Nagtawanan sila except kay James na nakakunot lang ang noo. Lalong nagsalubong naman ang magkabilang kilay ko. "Nag-restroom siya habang may kinuha naman ako sa kwarto kaya ako natagalan.. right Bianca?" Tinignan niya ako at namumula naman akong napatango.
Napailing sa amin sila Lizel. Mukhang hindi sila naniniwala pero para sa akin ay 'di na sila nag-ungkat pa. Habang si boss ay naka-half smile naman dahilan para umaliwalas ang laging seryosong ekspresyon niya. He's unbelievable. Pakiramdam ko tuloy wala akong mahaharap na mukha kay Auntie pagbalik niya..
Napabuntong hininga ako at wala sa sariling napatingin sa ibaba ng mesa nang makitang naroon ang palawit ko. Mukhang nahulog nang 'di ko namamalayan. Tahimik kong inatras ang upuan saka yumuko. Akmang kukunin ko na ito nang bigla ay marinig ko ang masayang tili ni Auntie.
"Dad!" I heard James exclaimed. He looks so excited.
"I'm sorry if I'm late guys."
"It's okay hun.." Paniguradong nandiyan na ang asawa ni Auntie.
Madali kong kinuha ang palawit bago ako humarap sa kanila. Inayos ko ang buhok kong nagulo bago ako tuluyang tumingin sa asawa ni Auntie. Tumatawa ito habang ako naman ay naghanda ng ngiti upang magpakilala sa kanya.
Weird, but even though he's not Miguel's father, I want to impress him. Pero ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita na ang mukha niya. Natigilan ako at nahinto naman siya. Naiwan sa ere ang tawa niya habang unti-unti namang nawala ang ngiti ko.
All of a sudden my surroundings frozed as my eyes gleamed in slow motion while looking to this man, to him. Umuwang ang bibig ko at tila nabingi, tanging kabog lamang ng dibdib ko ang aking naririnig. Sinubukan kong galawin ang mga kamay ko ngunit tila nabato rin ito at nanginig na lamang sa sobrang pagkagulat.
Nagtama ang mga mata naming dalawa. At nakita ko kung papaano magbago ang emosyon doon nang makita niya ako. My heart throb painfully as I stared to his eyes. Ang asul niyang mga mata ay nakita ko ng muli, sa hindi inaasahang lugar at sitwasyon nga lang.
"P-papa," mahinang bulong ko habang nakatulala sa kanya.
Nabitawan ko ang palawit na kinuha ko sa lapag kanina. Ang palawit na kahit luma na ay ginagamit ko pa rin dahil ito ang huling regalo sa akin ni papa. Napatingin siya sa nalaglag kong palawit, at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdapo ng pangungulila sa asul niyang mga mata.
"Oh, Bianca.. Meet my husband," nakangiting sabi ni Auntie.
Napaatras ako at tuluyan na ngang nanlumo. Ramdam ko kung paano tila muling madurog ang puso ko sa narinig. Tumingin ako kay Lizel, James at Auntie bago kay papa. Bakit hindi ko napansin ang pagkakahawig nila..?
"A-Auntie.. I uh, apologize pero—" Lumunok ako kahit tila nanunuyo ang lalamunan ko saka nagpatuloy sa pagsasalita. "M-may emergency lang po talaga." Bahagya pa akong yumuko para humingi muli ng tawad.
Nang hindi sila makapagsalita ay malalaki ang hakbang akong umalis sa harapan nila at tumalikod ngunit bago 'yon ay nakita ko pa kung paano mangunot ang mga noo nila sa pagtataka. Nilingon ako ni papa kahit gulat at bigla pa rin ang nakarehistro sa mukha niya. Tumiim bagang ako saka umiwas ng tingin sa kanya.
Habang tumatakbo ay patuloy lang ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. I can feel how my heart hurts all over again. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa panghihina, at hindi pa rin ako makapaniwala. Who would thought that they are his family..? What the fuck!
Padabog akong sumakay ng sasakyan at nanghihinang napaupo roon. Sobra ang panlulumo ko habang nakahawak sa bibig. Pinipigilan ko ang sarili kong hikbi.
Napatingala ako. Hindi ko lubos maisip na na nangyayare na ang bagay na 'to. Ganun na ba talaga kaliit ang mundo..? Para sa ganitong sitwasyon pa kami magkitang dalawa? At 'yung pamilya na dahilan kung bakit inabandona niya ako ay matagal ko na pa lang nakilala.
I'm freaking speechless! Wala akong masabi. Tila isang malaking bato ang sumampal sa dibdib ko at deretso itong tumama sa puso ko. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Ang kaninang magaang pakiramdam ay napalitan ng kabigatan, pangungulila at sakit.
"K-kaya ba.. Hindi mo na ako binalikan pa, papa? Dahil kontento ka na talaga sa kanila?" Lalo akong napaiyak.
Kung gaano siya kasaya kanina, kung gaano siya kasaya sa pamilya niya ay ganun na lamang kasakit sa parte ko. Paano niya nagawa 'yon..? Paano niya nagawang maging masaya kahit alam niyang may iba pa siyang anak na kaylangang-kaylangan siya p-pero wala siyang ginawa manlang at iniwan pa ito. Pero dapat pa ba akong magtaka? S-sino nga lang ba ako sa kanya? Anak lang ako sa labas 'diba? Anong laban ko sa pamilyang pinapangarap niya?
Mugto ang mga matang lumingon ako sa malaking mansyon na ito. Napakuyom ang kamao ko. Paniguradong nagkakasiyahan na sila ngayon dahil kompleto na sila. Buo na muli ang pamilya nila sa gabing ito.
Napangiti ako nang mapait..
"B-bakit ang unfair mo, pa?" Napapikit ako kaya lumabas na naman ang luha sa mga mata ko. "..Bakit ka ganyan papa?"
Nang maalala ko ang tawa at ngiti niya kanina ay mas lalo akong nasasaktan. Ni minsang nakasama ko siya ay hindi siya ganun kasaya, hindi siya ganun kakuntento. Siya kase 'yung tipo ng ama na maski sa sariling anak—nagpipigil siya. Lagi niyang nilalagyan ng limitasyon 'yung connection namin.
Napakagat ako sa pang-ibbabang labi bago kunin ang tissue na nasa gilid. Malamang sa malamang kalat na ang makeup ko. Ipinunas ko ang hawak kong tissue sa bawat parte ng mukha ko para tanggalin ang kolerete roon. Ngunit habang ginagawa 'yon ay panay lang ang pagpatak ng luha sa mga mata ko, tila ayaw tumigil manlang.
Napagpasyahan kong paandarin na ang sasakyan ko. Dahil kung masaya si papa, dapat maging masaya rin ako—kahit hindi na siya ang kasama ko. H-hindi ko na siya kaylangan.. Kaya ko na ang sarili ko. Mawawala rin itong pain na nararamdaman ko ngayon.
"Tequila, please.." mahinang bulong ko habang wala pa rin sa sarili. Hindi ko maintindihan kung bakit sa club na ito ako kaagad nagtungo.
"Coming, beautiful.." Narinig kong salita nung Bartender.
Nang mahawakan ko ang ibinigay niya ay kaagad ko itong nilagok hanggang sa muli akong humingi nang humingi. Ramdam ko ang tila pagka-tense nung bartender nang parang isang tubig ko lamang inumin 'yung alak na iniinom ko. Pero hindi ko na 'yon pinansin pa, at nang hindi pa ako makuntento ay tinanong ko kung ano ang hard drink nila dito.
"Dark berry, miss." May pag-aalangan sa boses niya ngunit tumango na lamang ako.
"Pa-order ng isang bote." Walang emosyon ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Miss?" nagugulat na sabi niya.
"Faster!" utos ko na lang saka nagawa pang kumumpas dahilan para mabilis siyang kumilos.
Hindi ko pinansin ang paalala niya sa akin tungkol sa hard drink na inorder ko at uminom lamang. Habang nararamdaman ang init at pait nito sa lalamunan ko ay napangiwi ako. Sobrang lakas pala talaga ng tama dahil bigla na lang akong nahilo. Pero hindi ako tumigil, desidido akong mag-inom para malihis manlang ang isipan ko sa mga nalaman ko ngayon.
I feel like shit because the destiny was playing my life as if it was only an absurd game since the beginning.
Everything feel so untrue, yet it is the reality.
I'm lonely, miserable and broken human being born in this unmerciful world. Minsan ka na nga lang sumaya pero parang masama pa dahil kasunod palagi no'n ay ang luhang mamumuo sa mga mata mo pagkatapos. Every positive feelings will back fired to negative one. Bakit ba hindi na ako nadala pa?
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top