Chapter 30

Chapter 30

"Auntie, I'm on the way na po." mahinahong saad ko kaya natawa siya. She really won't stop bugging me about this.

Invited ako sa dinner celebration ng birthday niya. Although inaasahan ko na talaga iyon, pero 'di ko pa rin inaakalang mapapapayag niya ako. Kahit kase lagi niya akong pinipilit noon na dumalo manlang sa kaarawan niya para makilala ko na 'yung pamilya niya ay tumatanggi ako. Bukod kase sa nahihiya akong makihalubilo sa pamilya niya ay natatakot akong lamunin ng ingggit ang puso ko.

Ako? Na anak sa labas ng ama ko? Seeing a perfect family is like a poisons that can lead to my heart—to torn apart even more..

"I'm so excited to see you, Bianca!" she giggled.

Napangiti ako habang nagmamaneho. Deretso ang tingin ko sa kalsada habang kausap siya. Well, it's her day kaya alam kong sobrang saya niya sa araw na ito. Hindi na nakapagtataka iyon. Kung sa normal nga lang na araw ay cheerful na siya, paano pa ngayong kaarawan niya? Her energy seems non-stop, she's so lively and joyful this night.

"Me too, Auntie. You know, I kind of missed you these past few weeks." mahinang bulong ko, at napapilig ng ulo. Masyado ba naman kase akong naging abala sa anak mo e. "By the way, Auntie.. Baka naman marami kang bisita d'yan? Nakakahiya.."

Auntie Eliza laughed as if expecting my next words.

"Wala naman ija." Bahagya man akong nakahinga nang maluwag sa narinig ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalinlangan ko. "Sabi ko naman sa'yo, right? Tayo-tayo lang naman," she added.

"Nakakahiya pa rin, Auntie. Kanina pa nga po ako kinakabahan e." giit ko sa kanya saka lumiko.

"Just chill and relax ija, hindi naman nangangain ng tao 'yung mga anak ko." Natigilan ako.

"May mga anak ka pa Auntie?" I asked her. Sa pagkakaalam ko kase ay si boss lang. Well, siya lang din kase ang nababanggit ni Auntie.

"Yes, I have 3 childs, at si Miguel lang 'yung nababanggit ko sa'yo dahil gusto ko nga kayong magkatuluyan!" she happily exclaimed.

"Oh.." ang tanging naging reaksyon ko. Namanat bigla ang boses ko. "Auntie, baka nakakaabala na po ako.." Napagpasyahan kong ilihis ang usapan. "Malapit na rin naman ako kaya ibababa ko na ang tawag."

"Okay.." She let a soft chuckles. "Mag-ingat ka na lang sa pagmamaneho!"

Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Pinatay ko ang tawag at bumuntong hininga. Bahagya pa akong napahawak sa batok ko dahil ramdam ko ang kalamigang namumuo roon. Mababait din kaya 'yung ibang miyembro ng pamilya ni Auntie? O lahat tulad din ni boss?

"Don't think about him, Bianca."

Shaking my head, inihinto ko ang sasakyan nang harangin ako ng isang security guard. Mukhang ito na nga ang village nila Auntie.

"Yes?" Binuksan ko kaagad ang bintana.

"Ma'am wala po kase kayong sticker na nagsasabing dito kayo nakatira—" Hindi na natuloy ang sinasabi nitong guard nang sumingit ang isa pa.

Gaya ng kaharap ko ay nakaputing uniporme rin ito. May hawak nga lang na telepono sa kanyang kanang kamay na tila ba kakakuha lang kanina sa kanilang kinapupwestuhan.

"May bisita raw ang Falcon resendence.." Pag-inporma nito habang kinukuha ang atensyon ni manong guard.

"Sino raw?"

"Kapag Bianca raw ang pangalan—papasukin daw agad." seryosong pahayag nito.

Napangiti ako sa narinig.

"Ako po 'yon.." pagsingit ko naman sa pag-uusap nilang dalawa.

Napalingon sila sa akin, at nanlaki ang mga matang napakilos kaagad nang mabilis. "Pasok po..."

Napatango ako, muling isinara ang bintana at nagpasalamat sa kanila nang makapasok na ako sa exclusive village na ito.

"Ang sabi ni Auntie.. Liliko lang ako tapos makikita ko na sa pinakagitna 'yung silver and gold na gate." At iyon nga ang ginawa ko, nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa bumungad sa akin ang isang malaking mansyon.

Umuwang ang bibig ko. Ito 'yung tipo ng mansyon na mapapatingala ka talaga sa laki at hahanga ka naman sa ganda. Mula sa entrada pa lang sa labas ay may masasabi kaagad ang presensya ng mansyon nila. Lahat siguro ay paniguradong napapahinto para lang pagmasdan ang tila malapalasyo nilang tahanan.

Nakakatakot tuloy pumasok. Parang hindi ako nababagay.

Calling Auntie Eliza's number, I tried to sound normal. "Hi Auntie, nandito na po ako sa tapat ng—"

"Really?! Wait, sandali lang ija.. I'm coming." Napangiti ako nang makarinig ng mga yabag na tila ba naglalakad na sa kabilang linya. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay ah?

"Open the gate, please?" ani pa ni Auntie na tila ba kausap ang mga maid.

When I heard a strong metal emptying on the other line, I decided to turn off my phone. I slide it in my bag as I keep my gaze steady at the mansion infront of me.

I'm not actually feeling well today. Not physically sick, but mentally and emotionally unstable. Just by thinking na magkakaharap at magkikita kami ngayon ni Miguel ay nerve-wrecking na. Hindi naman sa 'di nagtatagpo ang landas namin sa company—It just that.. Iba ang sitwasyon ngayon dahil nasa mismong teritoryo niya na talaga ako.

Nang makita ko ang dalawang maid na binubuksan ang naglalakihang gate sa harapan ay inihanda ko na ang sarili ko. Mula rito sa sasakyan ko ay bumungad sa akin ang main door ng mansyon kahit may kalayuan pa ito. Pinaandar ko ang sasakyan at pinihit ang manibela. Pumakaliwa ako dahil nandon ang garahe. Hindi na ako nagulat pa nang makitang mayroong mga expensive na sasakyan ang nakaparada roon at isa na iyong sasakyan ni boss.

Parking my car in the other side, I fastened my seatbelt. Bumaba ako sa sasakyan. Pero ganun na lamang ang pagngiwi ko nang maging uncomfortable ako sa may kataasang takong na suot ko.

Yes, pinag-heels ako ni Auntie, at ang malala pa roon ay pinag-casual dress niya pa ako. Kung casual dress nga lang ba ang tawag sa suot ko. Gusto ko mang tumanggi pero nagulat na lang ako nang may kumatok sa pinto ng condo ko. At sumalubong sa akin ang isang babae na binayaran ni Auntie na mag-aayos daw kuno sa akin at dala na nito ang mga susuotin ko.

Inipit ko ang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko bago magpatuloy sa paglalakad. Sinalubong naman ako ni Auntie na malaki ang pagkakangiti. Napadako ang tingin ko sa suot niya. She looks so gorgeous tonight. The way she carries her red dress made her look like a real queen.

"Auntie.." Matamis na ngiting pagtawag ko.

"You're finally here, Bianca! Let's go inside, I can't wait to introduce you in my family." Lumawak ang ngiti ko nang umangkla siya sa braso ko habang naglalakad kami.

"Happy birthday, Auntie.." My expression softened as I greeted her.

"Thank you, ija.." she grinned, looking so precious at this moment.

I can't help but stared at her. She's so happy. Her eyes keep twinkling, it sparks with contentment. I treasure every smile, giggle and laugh that comes from her but in how she displayed her traits tonight, it feel more special. She's the most genuine person in my life. Even I'm not in my darkness side anymore, she still continuously give me her light. Utang na loob ko ang lahat sa kanya.

"Uh, can I excuse myself for a moment Auntie?" Nahinto siya sa paghakbang. "'Yung regalo ko sa'yo nasa sasakyan pa. Kukunin ko lang saglit."

"Ipapakuha ko na lang mamaya, ija." Pigil niya sa akin, at tila ayaw na akong pakawalan pa.

"Alright.." I nod my head and she chuckled. "Dapat hindi ka na nag-abala pa, Bianca."

"Lagi naman akong may regalo sa'yo kapag birthday mo, Auntie." giit ko na lang.

"Pero iba ngayon dahil sa wakas nandito ka na sa bahay." Sa sinabi niyang 'yon ay hindi ko mapigilang magkomento. "Ang laki nga ng bahay niyo Auntie. Nahiya talaga ang building ng condo ko sa mansion niyo.."

"Magkakatuluyan naman kayo ng anak ko kaya masasanay ka rin.."

"P-po?" Napakurap-kurap ako.

Napabungisngis naman siya.

"It's nothing, ija."

Nagkibit-balikat na lamang ako at pinagmasdan pa ang paligid. Bawat maid na madadaanan namin ay yumuyuko na tila ba isa kaming kagalang-galang sa paningin nila. Napansin kong puno iyon ng pagkarangal at respeto. Mukhang maganda ang pagtrato sa kanila ng pamilya nila Auntie kaya ganito ang mga kilos nila.

May kaniya-kaniyang ginagawa ang mga maid sa paligid. Bawat nakikita kong kanto ng mansion ay may mga naka-assign na maid. Tutok na tutok sila sa trabaho nila. Mukhang alagang-alaga ang bahay na ito.

Nang makarating kami sa dining area ay napangiti ako nang makitang hindi ito mahabang lamesa gaya ng inaasahan ko. Sakto lang na pangsampuan at talagang nakakahiyang maupo sa halos ginto na 'yata nitong upuan. Maraming nakahandang pagkain sa ibabaw ng mesa at masasabi kong hindi pamilyar sa paningin ko ang lahat na naroon.

Hindi bakante ang dining area, may apat ng nakaupo rito. Ang isa ay alam kong si boss, at ang tatlo ay hindi ko kilala. Mga nag-uusap ang mga ito, at tila ba nagkakatuwaan pa. Kinuha naman ni Auntie ang kamay ko para ilapit sa kanila bago siya tumikhim para kunin ang atensyon nung apat.

Nanatili ako sa likod ni Auntie dahil nahihiya talaga ako. Kung maari lang akong magtago nang buong oras sa kanya ay gagawin ko na talaga sa pagkakatong ito lalo na't ramdam ko ang tingin nung apat sa akin.

"Everyone, meet this endearing woman beside me.. She's Bianca.." Iniharap niya ako habang hawak ang dalawa kong braso, talagang pinagkakanuno ako sa mga tao rito.

"Auntie.." Mahinang saway ko na ikinatawa niya lang.

Palihim na lang akong napakamot sa kilay at walang magawa kung hindi ang humarap sa mga ito para bumati.

"Hi." maliit na boses na bati ko habang may ngiti sa labi silang tinignan. Hindi ko dinapuan ng tingin si boss kahit ramdam ko ang matiim niyang tingin, or should I say.. titig sa akin.

"Bianca.. Meet Lizella my lovely daughter." Auntie Eliza introduce the only girl first.

Napalingon ako sa anak niya na halatang model sa ganda at kaseksihan. Sobrang kinis din ng balat niya na halatang iniingatan. Pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita, baka sa mga magazines at tv shows.

"Hey.." Lumapit siya sa akin at bumeso dahilan para ilapit ko rin ang mukha ko sa kanya. Mukha man siyang mataray ngunit halata na marunong makisama.

"Hello.." mahinang bulong ko.

"Nice to finally meet you, Bianca.." She grinned and I think I already have a girl crush.

She seems lovely just like her mother.

"Meet, Gerald my daughter's boyfriend.." pakilala ni Auntie sa katabi nito. The man wave at me, still holding his girlfriend's waist and I smile. He's the perfect description for word gentleman.

"Nice meeting you again, beautiful.." Napaangat ang tingin ko kay Trezer nang magsalita siya. Kinindatan niya ako nang magtama ang mga mata naming dalawa.

"You know each other?" Nakaupo na kaming lahat sa mesa nang itanong iyon ni Auntie.

"Yes, Auntie Eli. We know each other." I never thought that Auntie Eliza have a nickname, and I find it so cute right now.

Tumango si Auntie sa kanya bago bahagyang mapalabi hanggang sa mapadako ang tingin niya sa isa pang anak. It's my boss na seryoso lamang ang ekspresyon. Nang matagpuan ni Miguel ang mga mata ko, sinamaan niya ako ng tingin.

I silently gulped.

This is what I am talking about.

"Hindi ko na ipapakilala pa si Miguel.. I know na kilalang-kilala niyo na ang isa't isa." Auntie playfully wiggle her brows, and I tried to ignore it.

Good thing, nagkaniya-kaniya na ang lahat ng usapan except kay boss na tahimik lang na nagmamasid, at pinapakiramdaman ang paligid. Pero kung hindi ako nagkakamali, maka-ilang ulit na niya akong sinulyapan sa pwesto ko.

"Bakit hindi kayo nagpapansinan.." Hindi nakaligas kay Auntie ang kinikilos namin ng anak niya. "May nangyare ba?"

"Auntie.." Nahihiyang awat ko dahil iba nanaman ang pinaparating ng pagtatanong niya.

"So, meron nga?" she giggled. By the glint displayed in her eyes, I know na hindi nanaman niya ako titigilan.

I quietly hushed her, but she only surpassed her laugh.

"Akala ko po ba tatlo 'yung anak niyo, Auntie?" I shift our topic to more interesting, and I think I succeed because her eyes widened.

"Nasan po 'yung isa—" Natigil ang pagsasalita ko nang biglang may sumigaw sa kung saan.

Lahat kami ay napalingon sa malaking hagdanan na papunta na 'yatang langit sa kagarbohan.

"Good evening, everyone!" Umuwang ang bibig ko nang makilala ang lalaking pababa ngayon sa hagdan.

Dont tell me that—

"Ethan James! Come faster!" Auntie Eliza hissed habang nakatayo na.

"Mom naman.. Hindi niyo manlang ba papansinin ang handsome kong face?" tila nagmamaktol na sabi pa nito.

Hindi niya pa ako malamang nakikita dahil nakayuko pa rin ako sa bigla. I can't believe this. Just how small the world is? Ang James na kilala ko at anak ni Auntie ay iisa lang pala.

"Evening boy.." nakakalokong bati ni Trezer sa kanya.

"Hello, kuya Trezer.. Hello pretty sexy ate Lizel at future kuya Gerald... Hello kuya sungit, and of course!" Matamis nitong nilingon ang ina. "Hello my lovely beautiful mom! Happy birthday." Bati nito.

"Hello son.." With that, nanlambot si Auntie. Mahigit niyang niyakap ang sa tingin ko ay bunso nila.

"Bianca meet James.. Son meet Bianca." Tumayo ako para batiin siya. Nakakasigurado akong magugulat si James kapag nakita ako dahil gaya ko'y mukhang hindi niya rin ito inaasahan.

"Kapangalan niya si crush—"

"Hey.." I stopped his words and he look up at me. Seeing me in person again. James let a harsh gasp.

"B-Bianca?!" aniya at hindi makapaniwala akong tinitigan.

Wala sa sariling natawa ako sa naging reaksyon niya.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top