Chapter 29
Chapter 29
"Thank you.." I chuckled as I excitedly carried the paper bag nang mawakan ko na ito.
Ngumiti naman sa akin ang saleslady bago ako magaang tanguan. She's friendly, and a nice personnel. Talagang nababagay sa boutique na pinasukan ko.
Hindi ko tuloy mapigilang muling pagmasdan ang buong lugar. Magagarang damit, kagamitang pambabae at mga alahas ang narito sa station na ito. Mga nakaperpektong ayos na kinamamangha ko. Ngunit ang chandelier na nagliliwag lamang sa buong paligid ang nakakuha ng atensyon ko. Simple ito ngunit napakaelegante. Sobrang ganda rin ng theme at pattern nung shop nila kaya hindi na nakapagtataka ang paglabas-masok ng mga costumer. Na halatang suki na nila.
With a contented smile formed on my lips, I leave the Queen's boutique.
Mukhang babalik-balikan ko rin ang shop nila.
"What—what the.." mahinang bulong ko at tila natuod sa kinatatayuan.
Nahinto ako sa paglalakad nang maaninag ko ang isang may katandaang lalaki na naka-side view dito sa harap ko. Nakatutok ang asul niyang mga mata sa isang partikular na shop.
My heart can't help but ache painfully nang makilala ang lalaking ito.
Napatulala ako bago mapahawak sa sariling dibdib nang bahagya pa itong humarap, tila may tinitignan pa malapit sa pwesto ko. Nahigit ang hininga ko at napaatras na nang tuluyan.
"Papa.." pagkilala ko sa kanya. At nang tuluyan na siyang humarap ay nagtago ako sa gilid ng isang restaurant.
Malamang sa malamang ay hindi niya ako nakita dahil kahit halos mahinto ang mundo ko nang makita muli siya ay mabilis pa ring kumilos ang mga paa ko para magtago.
Nandito ako ngayon sa isang sikat na mall dahil may bibilhin ako. But the destiny is too playful huh? Kamuntikan na kaming magkaharap muli.
Napasandal ako sa glass wall na kinalalagyan ko at lihim na nanalangin. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa halo-halong emosyon. Bukod sa hindi ko napaghandaan ang ganitong senaryo ay talaga hindi pa ako handa.
Muli sana akong sisilip sa kanya nang makitang wala na ito sa kaninang pwesto niya. Mukhang nakaalis na.
Mapait akong napangiti. "What a small, ridiculous world.."
Tuluyan ng bumagsak ang mga balikat ko. Tumamlay ang bawat hakbang ng paa ko paalis. At ang hawak kong paper bag ay halos sumayad na sa sahig dahil sa kawalan ko ng gana. Birthday bukas ni Auntie kaya bumili ako ng regalo, at nagtungo rito. Isinabay ko na rin ang pagbili ko ng bagong cellphone.
Panay ang pagbuntong hinga ko habang patuloy lang sa paglalakad. Naramdaman ko man ang tila kakaibang pagtingin sa akin nung mga taong nadadaanan ko ay hindi ko na 'yon pinansin pa. Can they mind their own business for a while?!
Mabigat ang dibdib ko ngayon at hindi ko iyon itatanggi. Pero kung si papa ay tila pinabigat ang loob ko ngayon, si Miguel naman ay tila pinasama pa ito.
Nadagdagan ang malas na nararamdaman ko ngayon nang makita ang isang seksing babae na naka-angkla sa braso ni boss. Nakasuot ito ng pulang hapit na hapit na dress habang hawak sa kabilang kamay ang mga shopping bags na mukhang kabibili lang nila.
Naging tensyunado ang paghinga ko. I can feel how my heart deliberately shattered, lalo na nang makita ang magaang pagtawa ni Miguel sa kasama. Lumapit pa ang mukha nung babae sa tenga ni boss na tila ba may binubulong. And as Miguel's eyes started to lighten in passion as he gaped to his girl, I know that this day can be terribly worst.
Double kill.
Nanginig ang magkabilang kamay ko, at naramdam ko agad ang tila pamumula ng mga mata ko.
Don't cry.. Don't you dare cry, Bianca. I mentally chanted. And yes, I definitely did not cry but one the other hand my heart kinda stopped beating..na tila ba tuluyan ng namatay.
Ipinilig ko ang ulo ko at lumabas na nang tuluyan sa mall. Mabuti na lang at nakabili na ako ng regalo kay Auntie nang maaga-aga. Dahil nakakasigurado akong hindi ko na yata kakayaning manatili sa lugar kung saan nakapalibot ang mga taong nananakit sa akin nang sobra kung nahuli pa ako.
Sinasabi ko na nga ba't mangyayare ang bagay na ito. Inaasahan ko na ang ganitong pangyayare when it comes to Miguel pero bakit sobrang sakit pa rin? Ganun ko ba talaga siya kagusto? O gusto nga lang ba itong nararamdaman ko?
Mahigit isang linggo ko na ring hindi pinapansin si boss. Ni ang pagtingin sa tsokolate niyang mga mata ay hindi ko na magawa pa. That's my weaknesses, and I prayed every night that he won't use it against me.
Gustong-gusto ko na talaga siyang iwasan kahit na sobrang hirap talaga para sa akin.
Mabuti na lang at maraming kaylangan gawin sa kompanya kaya hindi siya nakahahalata.
Pero sino nga ba ang niloko ko? Alam kong nahahalata niya rin iyon dahil pormal na pormal ang galawan ko sa kanya mula nung matapos ang pananatili niya sa unit ko. Na kapag umaasta siyang close sa akin, or intimate ay matinding pag-i-ignore ang pinaparamdam ko dahilan para tahimik na lamang niya akong tignan sa malayo.
Sa loob ng mahigit isang linggong iyon ay tila wala ng saysay ang buhay ko. Hindi na siya tulad noon. Parang may nagbago na talaga. Lagi kong hinahanap-hanap ang presensya niya. At kapag nasa condo ako ay nakikita ko na lang siya nang basta-basta.
Bigla siyang lumilitaw sa isipan at paningin ko kahit sinusubukan ko namang 'wag na siyang isipin nang isipin. Sadya ko nga ring sinasaktan ang sarili ko; dahil wala yatang oras na hindi ko pinapaalalahanan ang isip ko—na committed na siyang tao, na taken na siya, at hindi na talaga siya pwede.
At ngayong nakita ko na, mas masakit pala talaga.
Oo nga't pinaghahandaan ko na ang sakit na ibibigay sa akin ni Boss pero gaya ng kay papa ay tila hindi ako ganun kahanda. O baka nga, kahit maghanda ako ay wala pa rin akong kawala. Dahil kahit na ano mang gawin ko, alam kong masasaktan pa rin ako sa dulo.
"Hold on heart.." I whispered, almost sound so tired.
Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa sofa. Buong maghapon ay wala akong ginawa kung hindi ang manood ng tv at kumain. Naalala ko pa rin ang nakita ko kanina. Imposibleng namalikmata ako sa nakita ko dahil ramdam ko kung papaano biglang lumukso ang dugo ko. Undoubtedly, I know that he's my father.
Tumanda nga ito ngunit kita mo pa rin ang malakas nitong pangangatawan at ang tila maginoo nitong mukha. Pero mababakas mo sa presensya niya na may masasabi talaga siya sa buhay. Iba na rin ang kulay ng buhok ni papa at ayon kaagad ang napansin ko sa kanya. Ang dating itim na kulay ng buhok niya na kakulay din ng buhok ko, ngayon ay kakulay na ng puting buhok.
Ganun pa rin naman ang pangangatawan niya bagay na ikinahinga ko nang maluwag. Ayokong magkapalit ang posisyon naming dalawa, at ako ang mahabag kung sakaling hindi maganda ang buhay niya ngayon.
Ang asul niyang mga mata ay kapansin-pansin pa rin naman dahil ayon kaagad ang hinanap ng mata ko kanina. Naka-suit siya na kulay itim, at malayang mapagmamasdan kung gaano kasaya ang mukha niya; kahit mababakasan ang tila natural na kaseryosohan ng kanyang ekspresyon.
"How to be you, papa? Mukhang maligaya at kontento ka na kase sa buhay mo ngayon—kahit wala ako.." I can't help but murmured sadly. Nakaka-depress lalo na't until now, alam kong papa's girl pa rin ako.
Alam ko ang bawat emosyon na nagdadaan sa mga mata niya at kung anong mga emosyon ang nananaig rito dahil naging hobby ko na nung bata pa ako..na pagmasdan ang asul niyang mga mata at obserbahan ito. At ngayong nakita ko na muli siya ay masasabi kong—purong positibong emosyon ang nananalaytay sa buong aura niya.
Napapikit ako nang mariin. Paano siya nagiging masaya kung may anak siyang iniwan na lang nang basta-basta..? Paano niya nagagawang makuntento na lamang sa buhay nang hindi manlang inaalala ang kalagayan ko?
Hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng walang kabuhay-buhay na tawa sa bibig ko.
"Ni hindi na nga niya yata ako naalala e." I nonchalantly shook my head. "Baka nga hindi niya pa ako mamukhaan kung sakaling magkaharap muli kami."
Niyakap ko ang unan na hawak ko, at doon sumubsob na parang batang inagawan ng candy ngayon. Dito ako tuluyang umiyak. Panay ang pamumuo ng luha sa mga mata ko at tila gripo itong umagos sa pisnge ko..pababa sa unan na yakap-yakap ko.
Ganito ang lagi kong ginagawa kapag gusto kong maglabas ng hinanakit sa isang tao o kapag sobrang nasasaktan na ako. Kasama ang unan ay doon ko lamang ibinubuhos ang lahat ng luhang gustong kumawala sa mga mata ko, lahat ng sakit na tila hindi na kakayanin pa ng puso ko.
"B-bakit ba ganun sila.." Pinunasan ko ang mga luhang natira pa sa mga mata ko, ngunit sadyang mapaglaro ang isip ko dahil lumitaw nanaman doon ang eksenang nakita ko kanina. Si boss at ang babaeng naka-angkla sa kanya.
Obviously, it's his girlfriend. Napaiyak muli ako sa sobrang sakit. Nakakainis! Dapat hindi ko na iniiyakan ang mga taong gaya nila! Dapat hindi ko iniiyakan ang mga lalaking katulad nila na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit—at saktan ako!
Iretable akong tumayo at pinatay ang tv.
Masaya sila sa buhay nila..? Then might as well be fine too, Bianca. I thought as I went to the kitchen. Inayos ko roon ang pinagkainan kong snacks, at ang bottle juice na iniinom ko kanina. Itinapon ko ang mga ito sa trash can bago ako lumabas ng unit ko.
Suot ang jacket ko ay sumakay na ako ng elevator. Taglamig na kase ngayon dahil malapit na ang pasko. Malamang ay pagkababa ko ay hahampas sa akin ang malamig na hangin.
Ang malamig na simoy ng hangin na tila sumisimbolo na mag-isa nanaman ako sa darating na pasko at bagong taon. Well, kaylan nga ba ang hindi? Lagi naman akong mag-isa.
Ito ang unang buwan ng disyembre kaya kita ang mga lantern at pailaw na nasa labas. Mga desenyong sasalubong sa maganda nilang mga pasko at bagong taon. May kalakihang christmas tree pa nga akong nakita malapit sa impormation desk lobby kanina; doon sa condominium na tinitirahan ko. Hindi man iyon ganun kagarbo ay mamangha ka talaga sa ganda.
Napalingon ako sa matandang pulube na nasa gilid ng katabing istraktura ng building namin. Hindi ito 'yung tipong nanlilimos dahil nakikita kong may dala itong isang sako na puro kalakal. Marumi ang sako at may butas pa sa bawat gilid na tila ba bibigay na sa bigat.
Nakikita ko ang pagod sa mata ng matanda kaya parang humaplos naman sa puso ko ang pag-aalala at matinding awa. Tumawid ako kaagad, at pumasok sa store na 27 hours na bukas.
Madali akong nagtungo sa bread at water station. Kumuha ako ng tiglilima at inilagay sa ito sa isang basket. Ganun din ang bilang ng pagkuha ko sa mga ready to eat foods na nasa harapan ko. Mabilis akong kumilos saka kumuha rin ng matatamis na tsokolate na maaring kainin kahit na anong oras. At nang makita ko naman ang katabi nitong payong at cap sa gilid ay walang pag-aalinlangan ko iyong kinuha.
Tumingin ako sa matanda na nakaupo ngayon sa isang lapag sa gilid.
Umiling ako at napakagat sa pang-ibabang labi bago kumuha rin ng ibat-ibang uri ng gamot na basic lang like paracetamol at iba pa na sa tingin ko ay maaring kaylanganin niya. Saka ko hinablot din ang balabal na sale ngayon dito bago pumunta sa counter.
"2,145 po, ma'am," Kumuha ako ng pera sa wallet ko at nagbayad.
Pagkalabas ko ng store ay kaagad bumalot ang kadismayahan sa dibdib ko. Nagawa ko pang ipilig ang ulo ko sa sobrang kahabagan para sa matanda at kalungkutan naman para sa mga taong..nakikita kong sumusulyap sa matanda na may pandidiri, at punong-puno ng kanaisang 'wag na itong makita pa, mga pakutyasa at mga panghuhusga.
Napabuntong hininga ako. Sa maraming taong nagdadaan sa lugar kung saan naroon ang matanda ay wala manlang naawa sa kanya.
Nadagdagan tuloy lalo ang pag-aalala ko. Sino ba ang pamilya nung matanda at pinabayaan siya?
Naupo ako sa gilid nung matanda nang mapuntahan ko na ang pwesto niya. Ngunit hindi niya pa ako napansin dahil nakapikit lamang ito na tila ba nagpapahinga. Napapahawak rin ito sa kanyang dalawang balikat, hudyat na kanina pa ito nilalamig rito sa lansangan.
Napatingin tuloy ako sa paligid, maraming napapatingin sa gawi ko. Mga nagtataka ang mukha ng mga ito ngunit kaagad ko lamang nilihis ang tingin sa kanila.
Kinuha ko sa supot na dala ko ang balabal na binili ko at walang pasabing itinakip ito sa likod ng matanda dahilan para mapatingin na ito sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "Magandang gabi po.."
Nang makita ko ang pagtataka sa mga mata niya nang magtama ang mga mata namin ay inabot ko ang malaking supot na dala ko.
"Nay, kaunting tulong po para sa inyo.." mahinang bulong ko pa para maging komportable na siya sa akin. Kita ko kase ang pag-aalangan niya.
Ngumiti siya sakin. "S-salamat.."
Kinuha ko ang panyong nasa jacket ko at pinunasan ang may karumihang mukha ng matanda.
Mukhang buong araw siyang naging abala sa pangangalakal. Kaya nang makita kong bahagya ng luminis ang mukha niya ay napangiti ako lalo. Matapos no'n ay inabot ko rin sa kanya ang panyo ko. Marami naman akong reserba sa unit ko.
"M-maraming salamat.." Narinig kong sabi niya, tila naiiyak pa nga.
"Welcome po.." ang naging pagtugon ko naman.
Kumunot ng panandalian ang noo niya at bigla'y matamang tumingin sa mga mata ko. Mayamaya pa ay hinawakan niya ang dalawa kong kamay, na tila ba kinukulong ang mga ito sa palad niya.
"Manghuhula ako ija, gusto mo bang hulaan kita?" Nagsalubong ang magkabilang kilay ko.
"Po? Manghuhula?" I asked her. May mga ganun pa pala ngayon?
Ngumiti naman siya bago tumango sa akin. "Ang pangalan mo ay Bianca, hindi ba? Namatay ang sanggol sa sinapupunan mo kaya napunta ka rito sa syudad—"
"How did you.." suminghap ako sa gulat. Ngunit hindi na niya ako hinayaan mag-react pa at nagsalita muli.
"May lalaki kang iniibig Bianca, at nahuhulaan ko na nasasaktan ka dahil sa kanya. Maraming rebelasyon ang mangyayare sa pagitan niyong dalawa. Luha, sakit, hinanakit ay mararanasan mo hindi lamang sa kamay niya kundi pati sa ama mong iniwan ka." pagpapatuloy niya sa malumanay na boses.
Dahil na rin siguro sa panlalamig sa naririnig mula sa kanya—ay may kadiinan kong tinanggal ang kamay ko mula sa palad niya. Sobra niya akong binibigla. Pati tuloy ang dibdib ko ay kumabog na sa pagkakataranta.
"H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo—" sinubukan kong itanggi ang pinagsasabi niya ngunit tinignan niya lang ako.
"Makikita at makakaharap mo na rin siya.. Malapit na." Sumeryoso ang ekspresyon niya kaya nagtaasan ang mga balahibo ko. "Anak ka nga sa labas ngunit hindi pagkakamali na nabuhay ka, ija. Kalimutan at ibaon na lamang sa nakaraan ang masamang nangyare noon upang hindi magulo ang ngayon."
"Stop.." halos wala ng boses na bulong ko.
"Pasensiya ka na ija dahil sa sinabi ko.. Kumapit ka lang sa panginoon. Magiging ayos din ang lahat." Tumayo na ako atsaka pilit na ngumiti sa kanya.
"Mag-iingat ka po.." ang tanging nasabi ko na lang bago ko tuluyang tinalikuran ang matanda.
Napabuntong hininga ako. Bawat hakbang ng mga paa ko ay tila nagdudulot ng kakaibang kaba sa sistema ko. Hindi naman siguro totoo ang sinabi niya.
Tama. Hindi totoo ang sinabi niya.
Muli ay lumingon ako sa kanya ngunit nagulat ako nang makitang wala na ito sa pwesto niya kanina.
Nahinto ako sa paglalakad at kinilabutan. Napatingin ako sa paligid at sinubukang hanapin siya ngunit wala na. Nanliit ang mga mata ko. Saan naman iyon nagpunta? Shaking all my thoughts, I shrugged.
"Maka-uwi na nga lang.."
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top