Chapter 25
Chapter 25
Muli akong naglabas nang marahas na hininga habang anxious na nakatayo sa harapan ng opisina ni Mr. Falcon. I'm so uneasy for some reason. Iginalaw ko ang magkabilang kamay ko at isinara't bukas ito nang makaramdam ng pamamasa. Kaya lang naman kase ako nagiging pasmado kapag sobra akong kinakabahan.
"Calm down, Bianca." I whimpered softly, sighting again for the last time as I close my eyes absentmindedly.
Nagsimula na akong kumatok. Pero dahil wala akong narinig na pagtugon ay inulit-ulit ko ito hanggang sa marinig ko na ang tila na-miss ko agad na boses ni Miguel.
"Come in.." aniya, at gaya ng dati ay pumasok nga ako.
Clearing my throat, I stared at these two man who were currently talking with each other when I step in. Sa pagkakatanda ko, itong kasama ni boss sa ngayon ay 'yung kaninang nagtanong sa akin kung nasaan ang opisina niya.
"Magandang hapon, boss. I apologize for the interruption I made but—"
"Bianca? Hey!" biglang pagsabat ni Trezer. Malaki ang pagkakangisi nito nang tila makilala na niya ako.
Naglabas ako ng pormal na ngiti sa kanya. I'm actually startled with his sudden approaches. Nakatayo siya sa gilid ng desk ni Miguel sa harapan, umaastang tila nakasandal doon.
"Good afternoon, Sir." I says in acknowledgement.
"Trezer.. Trezer.." He keep emphasizing his name as if he wanted me to call him like that.
I can't help but part my lips in controversy with what I hear. Although komportable akong tawagin siya sa pangalan lang niya. Pero nasa harapan kase kami ni Mr. Falcon ngayon, and come to think of their relationship; in how he stays confident even we are in front of Mr. Falcon, I'm sure that he's also a big deal.
"Alright, Sir Trezer." I sighed and he chuckled. Mukhang nararamdaman niyang labag sa loob ko iyon.
"You know what? You're so adorable, Bianca." he pointed out making me lift my eyebrows at him. And with that move, his eyes filled with amusement.
"Miguel, siya 'yung sinasabi ko sa'yo kanina—" panimula niya sa boss ko ngunit bigla siyang natigilan. "Oh, bakit naman ganyan ka kung makatingin?" Ang kaninang aliw sa boses ni Trezer ay nawala at biglang napalitan ng pagtataka.
Napalingon naman ako sa lalaking kausap niya para makita ang dahilan kung bakit napuno ng kaguluhan ang ekspresyon niya. Nakakunot ang noo ni Miguel. Umiigting ang kanyang panga habang mariing pinakatitignan ang katabi. Mula sa tila 'wala lang' na pagtrato ni Trezer kay boss kanina nang madatnan ko ang mga ito ay masasabi kong may pinagsamahan talaga sila. Magkaibigan siguro?
"Back off." asik ni Miguel, supladong pinasadahan muna ito ng tingin bago malipat ang atensyon sa akin.
Napalunok ako.
His brown, chocolate eyes flickered with unknown madness when our eyes met.
Bakit kung makatingin naman siya sa akin ay parang may ginawa akong masama? 'Wag mong sabihing galit siya dahil si Sheena ang inutusan ko kanina na magtungo rito para bigyan siya ng mga kape, at mag-inform na lunch na—Na dapat trabaho ko naman talaga..? Nakahalata ba siyang iniiwasan ko siya ngayong araw?
"Uh, B-boss?" maingat na pagtawag ko na lamang para sabihin na ang ipununta ko rito. Bigla kase akong nahiya sa pagiging unprofessional ko sa kanya.
"Sayang.." ang naging pagkibo ni Trezer sa gilid.
Pareho kaming napatingin sa kanya ni Miguel. Naabutan naman namin siyang nanliliit ang mga mata. Mayamaya pa ay biglang naglit-up ang mukha niya. The way he looked at me right now, I can smell trouble. Lumapit siya sa akin at nangunot naman ang noo ko. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko namang nagsalubong ang magkabilang kilay ni Miguel habang pinapanood ang ginagawa ng kaibigan.
"Bianca, can I get your number?" Nakatayo na sa harapan kong sabi ni Trezer habang nagpipindot sa cellphone na hawak.
"P-po?" I asks in confusion, pero ngumisi lamang siya bago bigla akong akbayan.
Nabato ako sa kinatatayuan ako.
Hindi ako nakagalaw.
I don't know what is wrong with this guy, but he actually doesn't have any right to somehow touch me. Naramdaman niya yata na naging tensyonado ako bigla kaya friendly siyang ngumiti. Napatayo naman bigla si Miguel sa swivel chair niya. Napatunghay siya sa amin
"Dont worry.. Ako na ang bahala rito sa boss mo." pagpaparinig ni Trezer habang ang tingin ay nasa akin pa rin. "Just give me your number and—"
"Pero—"
"No buts, okay lang naman 'yan sa boss mo." pagpapanatag pa niya. He really seems determined to get my number and I don't what to react, or should I even react?
By how he's acting at this moment, he's already giving me a no choice.
"P-para saan po ba?" naitanong ko na lang habang nagtitipa na ng numero sa branded cellphone niya. Pilit niya itong inabot sa kamay ko kanina, at tila minamadali pa nga ako kaya wala na rin akong nagawa pa.
"Para saan ba..? Let's just say I want to know you more, Bianca.." Hindi ko alam kung sinadya niyang diinan ang pagsasalita niya, o kung normal lang ba na ganito palagi ang tono ng boses niya dahil bigla naman siyang ngumiti sa akin nang makahulugan. "I'm sure already that you're single, and I'm single too. We can accompany each other, if you know what I mean.."
He's really crazy.
".. Like a date?" pagkukumpirma ko sa kanya.
"Exactly, Bianca." Biglang lumingon si Trezer kay boss, at pinakatitignan ito nang nakakaloko. "Natumbok mo rin sa wakas, right Miguel?"
Lalo yatang nagdilim ang anyo ni Mr. Falcon. Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaking kanina pa siya nginingisian. Ngunit sadyang nakakabilib ang katigasan ng ulo ni Trezer dahil nagawa niya pang kindatan ang kaibigan. Nagtama ang mga mata nilang dalawa, at tila nagbabantaan pa sa isa't isa.
"Fine.." At first I'm hesitant, pero dahil wala namang bakas ng pagtutol ang mukha ni Miguel—nagdesisyon na ako.
Although wala naman akong balak seryosohin itong date na inaalok ni Trezer. Nakakabigat pa rin ng loob na 'di manlang pinigilan ni Miguel iyong kaybigan niya. Mukhang wala talaga siyang pakealam sa akin.
"Thanks, gorgeous!" Trezer grinned at me. Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw nito sa harapan ko. Nag-init naman ang magkabilang pisnge ko. "Miguel, mauna na pala ako." aniya sa kaibigan.
Nang bahagyang umalis si Trezer sa tapat ko ay muli kong nakita si Mr. Falcon. Umuwang ang bibig ko nang makita kung papaano gumalaw ang panga niya, tumalim din ang mga mata niya. Sa ekspresyon niya pa lang ay alam kong pikon na pikon na siya sa kinikilos ng kaibigan. Hindi ko naman iyon pinansin. Baka may alitan lang sila kanina kaya siya ganito.
"Goodbye, Bianca, my loves." Trezer chuckled, and I just silently grimaced at him hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Napailing ako.
Katulad niya talaga si James. Charming yet too playful. Kung magkamukha lang ang dalawa ay masasabi kong magkapatid ang mga ito. They both have the same childishness. Nahinto ang pagpuslit sana ng ngiti sa labi ko when I feel that someone is staring at me..darkly without any reticence.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Miguel.
"B-boss..?" I don't know why, but the way he glared at me right now, my nervousness come back again.
Damn it.
"Can't help but to flirt around him, aren't you Bianca?"
"W-what?!" I reacted immediately. Migue and his freaking accusations.
"Give me your cellphone.." he let out in stern, serious voice..not minding my confusion at all.
"My phone..? B-but why?" I feel so lost. What the heck is wrong with him, and he's being like this?!
"Just give me your fucking cellphone, Bianca." Miguel grunted angrily as he looked at me badly.
My heart started to race, to the point that I just keep blinking my eyes at him. I can't help but bit my lower lip for a second. Just like him, I also I become seriously furious.
Bakit ginagamit niya ang tonong iyon sa'kin?!
Salubong ang magkabilang kilay kong inabot sa kanya ang hawak kong cellphone. Damn this man! Kung hindi ko lang 'to boss, hindi ko talaga siya pagpapasensiyahan.
Nang makuha na ni Miguel ang cellphone ko ay mahigpit niya itong hinawakan. Hindi nawala-wala ang dilim sa mga mata niya lalo na nang mabuhay niya na ang screen. Sakto namang nag-vibrate iyon kaya napaangat muli ang tingin ko sa mukha niya.
"B-boss baka importante 'yung nagtext—"
"Shut up.." Natikom ko na lamang ang bibig ko sa singhal niyang iyon sa akin.
Nakita ko kung paano maningkit ang mata ni Miguel habang nakatutok ang tsokolateng mata sa screen. The green message application reflects to his eyes. Talaga bang pakikialaman niya ang privacy ko..?
"That fucking asshole.." he hissed.
"B-boss, can you just give me back my phone please—"
"Anong akala niyo? Hahayaan kong mag-text at mag-date kayo?" parang nawawala sa sariling sabi niya! "Fucking never!"
"Oh, God.." Singhap ko habang nakahawak na sa dalawang tainga.
Paano ba naman kase! Marahas niyang hinagis sa wall ang cellphone ko! Nanlalaki ang mga mata kong tinignan ang basag kong cellphone na nagkalat sa sahig.
"W-what the hell..? Bakit mo binato ang cellphone ko!?" Clenching my fist, I exclaimed in so much outrage.
Madali akong pumunta sa kanang bahagi ng opisina kung saan naroon ito, at kaagad itong hinawakan para isa-isang damputin.
"Look?!" nanggigil na singhal ko sa kanya. "Look at my cellphone, asshole!" But he just really stared at me, and says, "Nice.."
Gumalaw ang panga ko. Hindi ko mapigilang pukulan siya ng nakamamatay na tingin. 'Yung naging reaksyon niya kase ay tila balewala lang, parang wala siyang pakealam sa nagawang paninira.
"Gago ka ba? O walang hiya lang talaga! Wala namang ginagawa 'yung cellphone ko sa'yo, ah?!" Nang makalapit ako sa kanya ay malakas kong hinampas ang desk niya gamit ang dalawa kong kamay.
He just really made me mad!
"W-what.." Siya naman ngayon ang nagulat sa akin. Ngunit tinignan ko lamang siya nang deretso sa kanyang mga mata at malamig na nagsalita. "I quit!"
"Don't you fucking dare.." he growl dangerously as he stand up to his seat.
"I will fucking quit, you dumbass! Bukas na bukas din ay magpapadala ako ng resignation paper para mapirmahan mo." Nagtagis ang bagang ko habang nakatingin sa tsokolate niyang mga mata. "Hindi ko kaylangan ng boss na tulad mo. Punyeta ka!"
Madiin kong ikinuyom ang kamao ko bago siya tuluyang talikuran. Narinig ko pa ang mapangahas na pagtawag niya sa akin, ngunit madali lamang akong umalis sa opisina niya. Galit na galit ako sa kanya! Inubos niya ang pasensiya ko!
"Gurl, bakit ka nagmamadali?" Sheena asks me when she saw how livid I am.
Kinuha ko ang mga gamit ko sa mesa bago bumuntong hininga sa kanya.
"Mag re-resign na ako.."
"What?!" reaksyon niya. Kaagad na rumehistro ang pagtatanong sa mga mata niya.
"Yeah, ikaw na ang bahala rito. Good bye." mabilis na sabi ko saka isinukbit na ang shoulder bag na hawak, at iniwan din siya roon kahit tinatawag niya pa ako.
Masyadong seryoso ang mukha ko habang naglalakad paalis kaya maraming napapatingin sa akin. Pero ni isa sa kanila ay hindi ko pinansin. Masyado akong ginigil ni Miguel sa puntong ito at hindi ko na iyon kayang kontrolin pa.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa cellphone kong halos madurog na.
"S-sira na tuloy.." nasabi ko na lang habang pababa ng hagdan. Puno na kase ang elevator nang bumukas ito kanina.
Inis kong nilapag ang bag ko sa back seat matapos kong makarating sa parking lot.
"That asshole.." I gritted my teeth. "Liar nung nakaraan ngayon naman flirt ang tawag sa'kin. How dare he! Nanira pa ng may cellphone nang may cellphone. Ang kapal ng mukha!" hindi mapigilang himutok ko habang nagmamaneho.
Mayamaya pa ay nakarating na ako sa unit ko nang ganun pa rin ang emosyon. Galit at nanggagalaiti. Hiniga ko ang sarili ko sa sofa bago ko ipinatong ang mga paa ko mesa. Hindi maipinta ang mukha ko. Hindi pa rin ako kumakalma. Ito ang pangalawang beses na nawalan ako ng kontrol sa emosyon ko.
"Calm down, Bianca. Relax."
Pilit kong ipinipikit ang mga mata ko, nagbabakasaling lilisan rin 'yung pagkabog ng dibdib ko. Ngunit hindi iyon nangyare kaya wala na akong nagawa kung hindi tumulala na lamang sa kung saan.
Huminga ako nang malalim. Hindi ko tuloy matatawagan si Auntie. At least kahit kaunti, she can make me steady. Hindi 'yung ganitong 'di pa rin ako mapakali.
Napapikit ako nang mariin saka nanghihinang napailing nang may ma-realize..
Wala na..
Wala na ang mga larawang pinakatatago ko sa cellphone kong ito. Nandito pa naman 'yung mga picture na mahalaga talaga sa akin. 'Yung mga litratong magkasama kami ni papa nung bata pa ako, at 'yung— 'yung litrato ng anghel ko.
"Dadalawin ko ang anak ko.." mahinang bulong ko at napatayo.
Napagdesisyonan kong pumunta sa sementeryo. Bumili ako ng bulaklak bago siya pinagtirik ng kandila. Naupo ako sa damuhan bago palihim na dinasalan siya. Hinawakan ko ang lapida niya saka hinaplos ito.
Walang salitang namutawi sa bibig ko hanggang sa kusa na lamang magsilaglagan ang luha sa mga mata ko.
"Anak ko.. My angel," Napayuko ako saka tahimik na napahikbi. "Miss na miss na kita.."
My heart was still ailing painfully, it's so bad that until now.. I can't seemingly take it. Nanghihina akong napasandal sa punong katabi ng lapida niya. Ramdam na ramdam ko ang kapaguran ko, ang matinding kalungkutan, at ang kinikimkim kong bigat ng loob.
Everything that was happening around me.. hurts me. All of it wounded me. But then, little by little while staring at my son's grave—I can feel how my mind, heart and soul get away to exhilarate and lay in peace. He, my angel is truly my comfort zone, my stress reliever, and my happy pill. He's my therapy.
"I love you, anak. Mahal na mahal ka palagi ni mama.." nanginginig ang boses na bulong ko habang panay ang pagluha ng mga matang nakatingin sa lapida niya.
L A D Y M | MOONWORTH
AN: na-mention na sa pangatlong chapter 'yung name ng anak ni Bianca bebs, and it's Geolle Brennon Axelrod. His second name; Brennon means “prince” and “chieftain”. It's from descendant of Braonán which means “teardrop” and “sorrow” [from Irish “braon”]. So basically, Bianca named him Brennon because for her own perception, he is the "descendant of the sad one" :'(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top