Chapter 24
Chapter 24
Marami rami ring kinuwento si Sheena sa akin. At puro patungkol lang talaga iyon kay boss. Mukha talagang nakakaamoy siya na may namamagitan sa amin which is wala naman talaga. Although, yeah, I can give you that awareness; may nangyare nga sa amin. Pero kung balewala lang iyon kay Mr. Falcon—balewala na lang din 'yon sa akin. Hindi na ako aasa kay Miguel dahil alam kong wala akong aasahan sa kanya kahit na katiting.
Siguro 'yung nangyare sa amin ay dala lang talaga ng init ng katawan. Plus the fact na talagang kasalanan at mali ang ginawa namin. He have a girlfriend. But still, I just let him. For twice, naging sinner ako nang dahil sa kanya.
Palihim akong napabuntong hininga, at muling inalala ang mga sinabi ni Sheena. Nung araw daw na nauna akong umuwi ay galit na galit daw si Miguel. Idagdagan pa raw nung malaman nitong masama ang pakiramdam ko, na idinahilan ko kay Sheena bago ako umalis.
Lahat na raw yata ng mga empleyado sa Falcon ay napapagalitan na ni boss. Masyado raw itong naging iritado bigla. Umabot sa puntong 'yung kalamigan niya sa kompanya ay napalitan ng sobrang pagkalupit. Hiningi pa nga nito ang personal number ko kay Sheena na binigay naman ng babae para lamang makausap ako. Dalawang sim card ang gamit ko, and can't be reached 'yung ginagamit ko dito sa kompanya kaya siguro ganun ang nangyare.
Ayon din siguro 'yung mga panahon na sinabi kong hindi ako makakapasok dahil nga masama ang pakiramdam ko. Although, tinawagan ko naman talaga si boss no'n—Wait, speaking of tawag, hindi ko pa pala naitanong sa kanya kung bakit niya ako sinabihang "liar" noon. Iyong akusasyon niya.
Matiim akong tinignan ni Sheena. Nababasa ko sa mukha niya ang kanaisahang pagmasdan ang magiging reaksyon ko sa mga sinasabi niya ngayon. Mukhang interesadong-interesado siya kung may mahihita ba siya sa akin.
Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip.
Bakit naman kaya naging ganun siya bigla para lang sa maaga kong pag-alis sa kompanya? Maaari naman siyang makapagtrabaho kahit wala ang secretary niya, kahit wala ako—kung iyon ang inaalala niya. Hindi naman ako ganun ka-importante para magalit siya nang ganun. O kung para sa akin nga ba ang dahilan ng galit niya? Paano kung nag-away lang pala sila nung nobya niyang si Lizel kaya bigla siyang nag-beast mood.
"Bakit naman kaya siya talaga nagkaganun?" naitanong ko dahil mukhang may sagot na si Sheena.
"Hindi pa ba obvious, gurl?" Humalakhak ito, para siyang kontrabida sa isang Disney Movie sa totoo lang. "Gusto ka ni Mr. Falcon."
"What do you mean..?"
"Seriously? Nararamdaman ko kaya!" Napapalakpak pa siya na tila ba bulag lang ang hindi makakakita sa talagang nangyayare. "Kung makatingin nga sa'yo 'yon e, para kang lulusawin. Trust me, he freaking like you, gurl."
Napangiwi ako sa naririnig mula sa kanya. Nakia naman niya iyon kaya napailing siya at tila may naisip pa para kumbinsihin ako.
"Nung una inaka ko ring baka guni-guni ko lang 'yung iniisip ko sa inyo. Pero nakumpirma ko kase nang minsang pinag-usapan ka nung mga lalaking magiging empleyado rito, 'yung mga trainee.."
"B-bakit?" Pinigilan ko ang pagtawa dahil mukhang nasisiyahan talaga siya sa nangyayare.
Sheena's chuckles are so optimistic, they can make you smile or laugh without a reason.
"Hindi lang sinita bebs! Pinag-back out pa!" she exclaimed excitedly. Naguluhan naman ako. Wala akong maintindihan. Mukhang palabo na siya nang palabo..? "Nalala ko pa kung gaano nabahag 'yung mga buntot nung trainee. They looks so priceless when Mr. Falcon's face creased into a desolate canvas after they mentioned your name. And take note huh?—Mr. Falcon even shouted these words.." nagsimula ng tumikhim si Sheena. Mayamaya pa ay natigilan ako nang magboses lalaki pa siya. "My secretary is only mine!"
Seryoso ko siyang tinignan kahit gusto ko ng humalakhak sa totoo lang. Grabe talaga 'yung effort niya para lang kumbinsihin ako. Gosh, I don't know what to do with this woman anymore. She's definitely going crazy!
"Ayon lang?" I sighed. "Siguro kase puro kabastusan naman ang sinabi nung mga trainee na iyon sa akin."
She tsked first, and my lips parted when she begun to laugh again. "Anong nakakabastos sa, 'Maganda si Miss Bianca', 'Gusto ko si Ms. Del Pilar', 'Gusto kong siyang ligawan' blah blah.."
"Baka binibigyan mo lang kase ng hidden meaning.." nasabi ko na lang para putulin na ang usapan.
Hindi ko kase nagugustuhan ang nagiging reaksyon ng puso ko. Nagsisimula nanaman itong bumilis. Ayaw kong magpadala dahil lang sa pagiging malisyosa ng kausap ko.
"Bahala ka na nga." Napalabi na si Sheena, tila sumusuko na sa pag-deny ko. "Basta ramdam kong gusto ka n'yan ni Mr. Falcon."
Nagkibit-balikat ako, at inumpisahan ng buksan ang computer na nasa harapan ko. Si Sheena naman ay nagpaalam na para gumawa na rin ng kanyang tatrabahuhin. At habang may sarili akong ginagawa ay hindi ko mapigilang alalahanin ang sinabi ni Sheena.
Pilit kong iniisip 'yung mga thoughts na hindi sang-ayon sa conclusion niya. Ayokong maniwala. Hindi dahil hindi ko gusto, kung hindi dahil alam kong may girlfriend na siya. So kung ano man iyang mga mix signal na inaasta niya sa akin, alam kong pinapaikot niya lamang ako. Pangalawa, ako lang ang masasaktan kung sakaling aasa nga talaga ako.
Sawang-sawa na akong umasa sa mga taong binigyan ko ng karapatan para paasahin ako. Masyado na akong graduate sa ganun kaya hanggat maari.. Ayoko na.
Mapait akong napangiti. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na bigla nanamang tumarak sa puso ko.
Ngayon pa nga lang na parang balewala lang kay boss ang mga nangyayare sa amin ay masakit na.. Paano pa kaya kung may sabihin pa ito? Malamang sa malamang ay hindi ko iyon magugustuhan. Or worse, hindi ko kakayanin.
Hindi ko maiwasang balutin na ang sarili sa mga negatibong mga bagay.
Mahirap pala 'yon, ano? 'Yung pumasok sa isang sitwasyong hindi mo mapangalanan, relasyong maski sarili mo ay matatanong mo kung 'yung 'kayo' ba ay may katotohanan manlang. Eventually, kapag pinagpatuloy mo naman, it will became so toxic, and unhealthy.
Red flag
Pinagsalubong ko ang magkabilang kilay ko habang pilit na ibinabalik ang atensyon sa computer screen na nasa harapan ko ngayon. I need to focus, at hindi ko 'yon magagawa kung panay ang paglalakbay ng isipan ko sa kung saan-saan.
"Hala.." naibulong ko bigla nang makitang malinis na ang laman nung mga documents na tatrabuhin ko pa. Ganun din 'yung mga forfeited works ko nitong mga nakaraang araw.
Gamit ang mouse ay tinipa ko ang mga file na nakatala sa sched ko. Ngunit lalo lang akong nagitla dahil wala na ito roon, tila natapos kaagad dahil may gumawa na.
Napasandal ako sa kinauupuan ko, at nagtipa nang nagtipa sa keyboard—dahil baka nagre-refreshing lang 'yung web ko kaya walang activities na lumalabas; walang works outputs na nakalagay. Pero nangawit na't lahat-lahat 'yung mga daliri ko kakapindot, wala na talagang nangyare. Ganun pa rin.
I took a very deep sigh as I starts to check my email boxes and drive suit. Baka naman kase 'yung web na ito ay nag-e-error lang. Babalikan ko mamaya. Pero napaawang na ang bibig ko namg makitang may mga accomplished mails ng nagawa sa sites na pinuntahan ko ngayon. May mga natawagan at na-inform na gamit ang account ko—na nakakasiguro akong hindi naman talaga ako ang gumawa.
"Oh, God, sino ang gumawa nito?" Sinuri ko 'yung mga output at nahigit ang hininga ko nang makita kung gaano ito kaperpektong natapos. Nakasisiguro akong hindi ganito ang mga gawa ko, hindi ganito kalinis.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko, at pinuntahan na 'yung mga schedules ni Mr. Falcon na hindi ko pa rin nagagawa nung umuwi ako 2 days ago.
"Oh..? A-ayos na rin," nasambit ko na lamang nang ma-realize na halos wala na pala akong gagawin.
Organize ang pagpapangkat ng bawat event na tatrabahuhin ko. Ganun din ang bawat department na kokunsultahin ko at ipapaalam kay boss. Lahat ng trabaho ko ay wala na, nagawa na. At dahil gamit ng gumawa no'n ay ang account ko ay masasabing 'ako' mismo ang gumawa nito.. kahit hindi naman talaga.
Napatingin ako kay Sheena na abala naman sa mga envelope na nakalagay sa kanyang desk. Imposibleng siya ang gumawa ng trabaho ko dahil hindi ko naman sinasabi ang password ng computer na ginagamit ko. This computer software is only exclusive to Mr. Falcon's secretary. Masyadong conventional. May mga impormasyon kase na kahit parte ng kompanya ay bawal ilabas.
Napatingala ako sa kung saan saka malalim na napaisip. Kung hindi kase si Sheena na kasundo ko rito sa kompanya ang tatapos ng trabaho ko.. Sino pa ang gagawa ng dapat gagawin ko? Sino?
"Hoy, gurl!" Napaangat ang tingin ko kay Sheena. Nandito na kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break na.
"W-what..?" I asked her when she just eyed me.
"Ano bang nangyayare sa'yo? Kanina ka pa tulala.." sambit naman niya habang sumusubo ng kanin.
I slowly shook my head. "W-wala naman.."
"Talaga ba?" Napalabi si Sheena, at tumingin sa sariling mga kuko. "Eh, bakit kanina ka pa hindi kumikibo?"
Pilit na lamang akong ngumiti sa kanya saka nagsimula ng magdahilan.
"Sorry. Abala kase ako sa kinakain ko—" Sa narinig sa akin ay nagpigil siya ng tawa kaya nangunot ang noo ko.
"B-bakit?" I asked her, na-confuse.
"Look down to your tabl—HAHAHA." Ginawa ko naman ang sinabi niya at napakagat na lamang ako sa pang-ibabang labi nang makitang bag ang hawak ko at hindi pa ang baon kong pagkain.
Hilaw akong napalingon sa kanya, at bahagyang ngumiti para mapaiwas sa kahihiyan.
"U-uh.."
"Hindi pala tulala ah?"
Napabuntong hininga na lang ako bago kunin na nga ang baon ko. Hindi ko na siya pinansin pa. Iginilid ko sa katabi kong upuan ang bag ko bago buksan ang tupperware. Inilapag ko ito sa lamesang kinapupwestuhan namin.
"Ano ba kaseng iniisip mo, gurl?" nag-cross arms siya.
"Wala naman, mga bagay-bagay lang.." pasimpleng sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "At ano naman 'yang mga bagay-bagay na 'yan?"
"Tulad ng pag-iisip ko kung bakit ang mga tao, ang tawag nila sa gitna ng itlog ay pula. Hindi ba dapat dilaw?" Dahan-dahang napaawang ang bibig niya pero sumeryoso lang ako. ".. At kung bakit ang tawag nila sa madilim ay gabi, tapos gabi rin kapag gulay."
"Oki, thanks sa info idol." may kaarteng pagbanggit niya at gaya ko'y nagiging sarkastiko na.
Mahina akong natawa bilang pagtugon sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagkain, at nang matapos kami ay kaagad naming niligpit ang aming pinagkainan. Sabay kaming nagbalak bumalik sa opisina. Pero bago pa lamang ako makapasok sa quarter namin ay nakaramdam na ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam muna ako sa kanya.
Nakahawak ako sa abdomen ko habang naglalakad sa hallway. Liliko na sana ako sa way nung comport room nang may bumangga sa balikat ko.
"S-sorry, miss!" Narinig kong paghingi ng tawad nung lalaki.
Pilit akong ngumiti sa kanya bilang pagtanggap sa sorry niya. Kahit medyo masakit 'yung pwersa ng pagbangga niya sa balikat ko kanina. Hinayaan ko na lamang.
Mukhang aksidente naman talaga.
Akmang tatalikod na ako dahil ihing-ihi na talaga ako nang habulin niya pa ako.
"Wait.. Miss!" he called me.
Nangunot ang noo ko. "Bakit?"
He smiles sweetly, evidently ascertaining how charming he is, and says, "Where's the CEO's office?"
Gumilid ako nang kaunti bago ituro kung saan ang opisina ni boss.
"Nasa pinakagitna po, dumiretso ka pasilyong ito. Kapag may nakita kang malawak na wall, at sa gitna nito ay may itim na itim na pintuan, ayon na ang opisina niya." kaswal na sabi ko naman.
"Thanks!" I shrugged, and nodded at him.
"Welcome.." Aalis na sana muli ako nang hawakan niya naman ang braso ko, muli niyang kinuha ang atensyon ko.
"May tatanungin ka pa ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Kung hindi lang ito mukhang guest ni Miguel ay sinupladahan ko na ito.
I'm in so much hurry, but why can't he get it?
Kinamot niya ang may kakapalan niyang kilay. Natigilan naman ako. Ngayon ko lang kase tuluyang nakita ang mukha niya. And I can say that he also have a looks. Talagang mapapantayan ang kagwapuhang taglay ni Miguel. Although, ang traits ng mukha niya ay soft like James, and delighting as him too. While Miguel, he looks so matured and serious—nakaka-intimidate talaga ang presensya. Habang ang lalaki namang nasa harapan ko ay opposite niya, ito'y mahahalataang may magaan at approachable na aura..
"I'm Trezer," pagpapakilala niya bigla sa akin habang inabot pa ang kamay para mahawakan ko.
Ngumiti ako bago abutin ang kamay niya saka nagpakilala na rin. "I'm Bianca.."
"Bianca hm?" he says in playful way. "What a beautiful name.. Just like how beautiful the woman in front of me right now "
Substantiated, ginagamit niya sa pagiging playboy ang dala-dalang charming.
"Same as you, sir. You are clearly made by God beautifully."
"Trezer.. Trezer," ulit niya sa pangalan niya, at tila pinaparating na iyon na lamang ang itawag ko sa kanya.
I nodded at him. "Okay, sir. I mean, Trezer. You look so handsome, and if I were just a man, I'll be seriously got jealous..."
"I know.." Lalong nagliwanag ang mukha niya sa pambobola ko.
"Kung wala ka ng kaylangan, Trezer. Mauuna na ako," paalam ko naman. "I really need to go to comport room."
He shrugged his shoulder, let his hands slide to his pocket and smile.
"Nice meeting you, then, Bianca."
"Yeah, nice meeting you too." Kumaway pa siya sa akin kaya napailing na ako. Tinalikuran ko na siya at kaagad na dumiretso sa pupuntahan ko.
Matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin sa comfort room ay naghugas na ako ng kamay. Napatingin ako sa salamin. Hindi ako mukhang haggard, o mukhang pagod kahit marami dapat akong aalalahaning tambak ngayon. Pero paano nga ba ako magiging ganun kung wala manlang akong ginawa kanina. Then, talagang palaisipan pa rin sa akin kung sino ba ang gumawa ng trabaho ko.
Inangat ko ang kamay ko, at bahagyang binasa ang buhok ko sa unahan bago ko ito marahang inipit sa aking tainga.
Mula rito sa kinatatayuan ko, sa harapan ng salamin.. Kapansin-pansin na ang pagkahaba ng hanggang sa balikat ko lang na buhok noon.
Sa totoo lang, dati rati ay si papa ang naggugupit ng buhok ko kapag humahaba na ito. Ang gusto kase ni papa ay hanggang balikat lang ang i-buhok ko dahil mas maganda raw ako roon; mas bagay tignan.
Bumuntong hininga ako, at naglagay ng kaunting tint sa labi dahil halos wala ng kulay ang labi ko.
Ngumiti ako bago tumango.
"Matanong nga si boss.." Tama, tatanungin ko siya. Mamaya ay na-hack na pala ang system ng computer ko kaya ganun. Mabuti ng sigurado.
Secondly, sasabihin ko rin sa kanya 'yung gagawin niya ngayong hapon. Kanina kaseng umaga ay wala siyang gagawin kung hindi ang pumirma. Wala naman siyang pupuntahan kaya hindi na ako pumunta pa ng opisina niya. Si Sheena na rin ang pinadala ko ng kape kanina dahil inaayos ko pa 'yung computer software ko. At ganun din ang nangyare nung lunch, siya ang pinakausap ko kay Mr. Falcon.
Halata nga ang pagtataka sa mukha ni Sheena e. Pero hindi ko na iyon pinansin pa. Kase maski ako.. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang iwasan kahit parang imposible. Ayoko muna siyang makita o maka-usap manlang. Pero alam kong hindi iyon maaring magtagal. After all, boss ko pa rin siya at secretary niya pa rin naman ako. Magkatrabo kami sa kompanya. Ayon lang ang relasyon namin, at wala ng iba.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top