Chapter 20
Chapter 20
Each phase of my foot was deep and uneventful as I reached the ground floor. Earlier, I was not honestly on my own. My chest is so heavy, and the pain with it came off debilitating.
Walang kabuhay-buhay ang mga matang tinignan ko ang tahimik na pasilyo. I couldn't comprehend why I feel so disastrous towards him this much, to Mr. Falcon. It's so bad that I barely know if it's still me. Masyadong masakit.. Parang hindi ko kinakaya bigla.
"A-ano bang nangyayare.." mahinang bulong ko pa nang may mapansin na. I'm struggling on my senses, my clear vision a minutes ago suddenly blurred and become clouded.
I can't help but withstand first before I kept going, unhurriedly striding on the corridor of my floor. Ngunit talagang napapahawak pa ako sa kahit saang pader na maaaring makaalalay sa akin para makapaglakad nang maayos. Para kase akong matutumba nang wala sa oras. Mukhang pati ang katawan ko ay masamang-masama na ang pakiramdam.
Tatrangkasuhin pa yata ako. Isip-isip ko pa, at pinilit ang sariling magpatuloy.
But then, hindi pa ako nakakalayo ay nanginig na nang tuluyan ang mga binti ko. Na naging dahilan para mawalan ako ng balanse. Tumabingi ang katawan ko. Mabuti na lamang at may isang brasong sumalo sa akin.
Inalalayan niya ako.
"A-are you okay Miss?" Closing my eyes to steady my nerves down, I held this person tightly as possible before I created more effort to stand up, but reality darn hits me.. when I fell again.
"M-Miss..?!" this person almost shrieked when he saw my current condition.
I can't identify if it's a him or her.. Masyadong nanlalabo na talaga ang paningin ko. Nandidilim ito. Sinubukan ko naman siyang tignan para pakatandaan. Pero hindi ko na talaga kinaya. Hindi na kinaya ng katawan ko. The next time I knew, my eyes are consciously shutting down, my whole awareness become off.. before the tough darkness awfully engulfed me.
Bahagya akong napadaing nang marinig at maramdaman na ang tunog ng tiyan ko. Nagwawala na ang kalamnan ko, at mga alaga ko rito. I'm indeed hungry. Hindi nga pala ako nag-lunch kanina.
Anong oras na kaya?
Disturbed and uncomfortable, I swiveled my body in the soft, faded bed I was lying on. I still feel so dreadful; to the point that I don't want to wake up anymore. Gusto kong matulog na lamang nang matulog. Pakiramdam ko kase ay bukod sa bigat ng dibdib ko, lalagnatin talaga ako.
Tamad kong minulat ang parehong mata ko, at ikinurap-kurap ang mga ito. Marami yata akong naging tulog para magkamuta ako nang ganito.
Successfully, naging malinaw naman ang repleksyon ng paningin ko kaya nakahinga ako nang maluwag. Ngunit ganun na lamang ang pagkakunot ng noo ko nang makitang parang may kakaiba sa lugar na kinalalagyan ko ngayon.
Mabilis pa sa hangin akong napabangon sa kinahihigaan ko. Realization strikes me..I'm definitely not in my own room! I mentally exclaimed.
Nanlaki ang mga mata ko, at tila nabalisa. Kaagad kong pinakiramdaman ang katawan ko hanggang sa maabutan ko na lang ang sarili kong pisikal ng nangangapa. And when I didn't sense those intercourse stunts, kampanteng bumagsak ang mga balikat ko.
"Thank, God! Akala ko kung ano na.." naghahabol ang hiningang bulong ko pa. Inalis ko ang malambot na comforter na yumayakap sa dibdib ko at kumilos na.
As I slowly downward my legs in the side, I dissemble the pair of cotton sleeper below the bed. I put it on my foot, and examine it for a meantime. Indigo ang kulay ng mga tsinelas, malaki at malapad kaya nakakasigurado akong lalaki ang nagmamay-ari nito.
"Sino kaya ang nagdala sa akin dito?" salita ko habang lumalabas ng kwarto.
I whirled my eyes around, admitting that this unit is undoubtedly better than my condo. Why? First of all, everything here is so exorbitant. Mula sa magaganda at kilalang sapatos sa buong mundo na perpektong nakahilera sa mga pader na nadadaanan ko. Makikita rin ang sport balls and jerseys na naka-display naman sa mga mamahaling glass cupboard sa itaas.
Napanganga ako, at natigilan. Halos lahat yata ng collection ng may-ari nitong condo ay masasabi kong may pirma ng mga sikat na international basketball and soccer player.
This unit is also bigger and certainly enormous than my condo. Ngunit nagmumukha ngalang na walang nakatira dahil tanging displays lang ang makikita mo. Wala pang kahit na anong gamit pang-personal. Mukhang bago pa lang ang lalaking naninirahan dito, at patunay iyon nung mga nasulyapan kong kahon sa gilid.
"You're awake.." someone lively asserted. I immediately veered around to his direction.. just to find out that this guy was wearing an indigo shades of apron as well.
He looks younger than I thought. Mula sa mala-anghel niyang mukha, at inosenteng pares ng mga mata. Malalim na dimple sa magkabilaang pisnge na talagang mabibighani ka. He is such a cute guy. Just by sporting his youthful looks, I can perceive that he has a bright, delicate personality.
"S-sorry.." mahinang bulong ko nang mapadako kaagad ang mga mata niya sa sleepers na suot ko, na alam kong kanya.
"Hindi, okay lang!" aniya, at matamis pa akong nginitian. "Bagay nga sa'yo e."
Napatango-tango ako. Maganang magana ang boses niya. 'Yung tipo ng lalaking palakaibigan, at madaling makisama. Hindi snob o suplado; the kind of guy that I am comfortable and eligible of.
"P-paano nga pala ako.."
"Bakit ka nandito?" He asks, and I can't help but secretly lifted my eyebrows. "Nakita kase kitang nahihilo roon sa floor kaya inalalayan kita. Pero nagulat na lang ako nang mawalan ka bigla ng malay. Nagkaroon ka ng sinat. Mabuti nga, at nawala agad!"
Kaya naman pala..
"Thank you.."
"No worries, but yeah, you're welcome!" Chuckling softly, he give me a purest smiles.
Napatingin ako sa hawak niyang sandok. Mukhang naging abala yata muna siya sa kusina bago ako sadyang sinalubong dito sa dining area.
"Nagluluto ka?" tanong ko. Might as well bumawi ako right? "Gusto mo bang tulungan na kita—"
"Talaga?!" Biglang lapit niya sa akin kaya bahagya na akong napaatras. Feeling ko kase, kaunting galaw na lamang niya ay mayayakap niya na ako. "Tutulungan mo ako..?"
Dahan-dahan akong napatango sa kanya, at iniwas ang mukha nang ilapit niya ang mukha niya. He's so exquisite yet adorable.
"Y-yes.." mahinang sagot ko matapos bumuntong hininga. "Pasamalat ko na lang.."
"Let's go to my kitchen then.." masiglang sabi niya habang hinahatak na ang braso ko.
Palihim naman akong napailing. Grabe, sobrang kulit niya. He seems so energetic. Puno ng buhay.
"Ano bang niluluto mo?" I asked him habang sinusuot ang apron na inabot niya sa akin. Kinuha niya iyon sa gilid nung ref.
"Sinigang.." parang batang nguso niya, at nagsalubong ang kilay. Mukha siyang inagawan ng paboritong laruan sa kung saan.
"Talaga?" sabi ko na lang, at dumukwang ng tingin sa kaserola.
Gusto kong malaman kung ano ang rason kung bakit biglang naging ganyan ang ekspresyon niya. Pero ganun na lamang ang pag-awang ng bibig ko nang makita ang lasog lasog na gulay, halos tuyot na baboy at mga buo pang sangkap sa kaserola.
Owtomatiko akong napalingon sa katabi kong nakalabi pa rin hanggang ngayon.
Did this innocent kid just murdered the sinigang?
"Hehe.." mahinang bulong niya nang makita ang pagkawala ng ngiti sa labi ko. "H-hindi kase talaga ako marunong mag—" dagdag niya pa ngunit malakas na talaga akong natawa.
Natigilan naman siya pero kalauna'y ngumuso nang pagkahaba-haba. Napakagat ako sa pang-ibabang labi saka inako na mula sa kanya ang pagluluto. Mukha kaseng matatagalan pa kami kung tuturuan ko siya.
"Ako na.. Manood ka na lang d'yan," ani ko sa kanya. Parang bata naman ulit siyang umatras kaya kinurot ko na ang medyo matambok niyang pisnge, at hindi na mapigilang mapatanong.
"Ilang taon ka na ba? Parang seven years old ka lang kung umasta.."
"20 na ako 'no!" pagsisiwalat niya sa akin. Napakatangkad niya para sa ganung edad sa totoo lang. Nanliliit nga ako sa height ko kapag katabi ko siya e. Para kase siyang basketball player.
"20 ka na sa lagay na 'yan?" Naiiling kunwareng sabi ko, tinaasan siya ng kilay at hinalukipkipan.
Hindi kase ganun kahalata. Hindi pa ganun ka-mature 'yung mukha niya. Parang gaya ko noon na late bloomer. Also, siya 'yung tipo ng taong masasabihan mo ng "marami ka pang kakaining bigas".
"Bully ka rin!" komento niya at napakamot sa batok.
Muli ko na lamang siyang kinurot sa pisnge bago nagsimula ng kumilos. Kinuha ko ang mga sangkap na kakailanganin ko sa pagluluto roon sa kitchen counter niya.
"Paabot nga nung sangkalan.." Sumunod naman agad siya.
"Hehe, ito na.."
"Thanks!" ngiti ko at mabilis na hiniwa ang mga sibuyas. Ganun din ang iba pang sangkap na kakaylanganin ko sa simpleng sinigang na gagawin ko ngayon.
Sinala ko ang mga gulay, at bahagya lamang itong binanlawan. Hiniwalay ko muna ito sa baboy na aking pinapakuluan bago ko ito isinantabi sa isang bilugang bowl. 'Yung baboy na ginamit niya kanina ang siya ring ginagamit ko ngayon para hindi na masyadong aksayado. Ang sabi nga niya ay itapon ko na lang raw, at bibili na lang ulit siya pero tinuloy ko pa rin. Nakakapanghinayang kase lalo na't pwedeng-pwede pa rin naman 'yung baboy.
Mayamaya pa ay natapos na ang pagluluto ko. Ang hinihintay ko na lamang ay ang pagkulo muli ng sinigang sa kaserola. At nang mangyare na nga iyon, kaagad kong binuksan ang takip. Pinatay ko ang stove, at hinayaan itong umusok muna.
Genuine akong napangiti.
Naamoy ko na agad ang aroma ng finish product na niluto ko. Sanay na akong magluto ng kung ano-ano kaya sa lumipas na panahon ay natuto na ako. Na kahit hindi ako marunong magluto noon, unti-unti ay mas lalong sumasarap ang mga luto ko. Doon ko napatunayan na hangga't inaaral mo, at natututo ka ay mag-i-improve ka talaga.
"James! Ito na.." tawag pansin ko nang mailapag ko na ang mga hawak kong bowl sa lamesa. Naglalaman iyon ng niluto ko kanina.
Mabilis naman niyang ibinaba ang nilalarong cellphone. Madali siyang naupo sa upuan, at pinakatitignan ako. Masaya ko namang binuksan ang bowl para ipakita sa kanya ang sinigang.
"Tadah.."
"Ang bango!" napapapikit pang sabi niya kaya tinanggal ko na ang apron na suot ko.
Ngayon ko lang napansing nakahanda na rin pala ang mga utensils na gagamitin namin. Mukhang siya na ang nag-asikaso kanina habang nagluluto ako.
Gaya ni James ay naupo na rin ako.
Akmang tatawagin ko siya upang magdasal nang matigilan ako sa patuloy na naging reaksyon niya. He chants 'yum' again, and again. Mukhang mag-e-enjoy talaga sa ulam niya ngayon. Wala sa sariling nakita ko sa kanya si papa. Ganyan na ganyan siya noon nung first time kong magluto ng sinigang; maganang-magana. Na kahit nasobrahan sa asim ay hindi nagrereklamo. Pero na-develop naman na ang cooking skills ko ngayon kaya wala ng problema.
"H-huh..?" Nahinto siya nang maramdaman na ang tingin ko. Lumingon siya sa akin.
"Magdasal muna tayo," marahang sabi ko sa kanya.
Kumibot naman ang labi niya.
"Oh.."
"Oo.. Kaya itigil mo muna ang pagkain." Tumingin ako sa sinigang na nasa harapan namin. "Dapat lagi kang nagdadasal bago kumain, bago matulog at pagkagising."
"O-okay.." Ngumiti na ako bago kalmadong pumikit. Ginaya naman niya ako.
"Let's eat.." I murmured at him nang matapos na sa pagdadasal.
Kuminang naman bigla ang mga mata niya. "I think crush na kita.."
"A-ah.." Bigla akong napaubo nang marinig ang mga sinabi niyang iyon. Umiinom kase ako ng tubig.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang sabi niya pa.
Dahan-dahan akong napatikhim. "What did you.. say?"
"Sabi ko.." Sumubo siya ng kanin, at masayang ngumuya. "Crush na kita.."
Nanlaki naman ang mga mata ko pero kalauna'y napatango na lang sa kanya.
"Uhm.." Hindi ko mapigilang palihim na mapangiwi.
"Wait, ano nga pa lang name mo crush?" All of a sudden na sabi niya.
"You can call me, ate Bianca," sagot ko naman bago sandukan muli siya ng kanin nang makita kong wala na agad laman ang plato niya.
"Ang ganda naman ng name mo crush, Bianca." nangingiting sabi niya.
Napaismid ako. "Ate.."
"Bianca na lang.." giit niya naman sa akin. "Diba nga crush kita?"
"Oo na lang.." Natawa ako.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Imposibleng walang ingay sa pagitan namin dahil ang daldal din pala talaga ni James. Marami siyang dalang kwento na talagang kinaaliw ko. To the point na panay lang ang ngiti ko sa kanya. Willing na willing akong pakinggan 'yung bibong boses niya. Naaalala ko kase ang sarili ko sa kanya noon. Gaya ko ay ganyan ako kasaya at ka-carefree, na para bang walang pinoproblema ni isa.
Gumaan ang pakiramdam ko habang nakakahigop ng sinigang. Minsan nga ay bahagya pa akong napapangiwi dahil mukhang nasobrahan nanaman sa asim, pero okay naman sa panlasa. Actually, mas sumarap pa nga. Siguro hindi lang ako sanay. Minsan na lang kase ako makaulam ng sinigang. Lagi kaseng delata at noodles ang kinakain ko this past few weeks.
Palihim kong tinignan ang kasalo ko sa pagkain ngayon.
Palagay ang loob ko kay James sa hindi malamang dahilan. Bukod kay Auntie, kay boss and maybe kay Sheena? Kay James din ako naging komportable bukod kila papa.
"Bianca.. Tumutunog 'yung phone mo." Narinig kong sigaw ni James. Nakicharge kase ako sa kanya dahil lowbat pala ako.
"Pakisagot na lang!" sabi ko dahil abala pa ako sa paghihilamos dito sa sink niya.
Mayamaya pa ay lumabas na ako ng washroom. Maayos na ang itsura ko kaya habang dala-dala ang bag na kulay itim ay dumiretso na ako sa sala, at naupo sa sofa kung nasaan siya.
"Akin na.." Ibinigay niya sa akin ang cellphone ko kaya tinanggap ko naman ito.
"Sino 'yung tumawag?" tanong ko habang nilalagay na ang cellphone sa bag.
Sumulyap naman sa akin si James habang abala pa rin sa nilalaro. I think he's an ML player. Halos hindi na niya mabitawan iyong cellphone niya.
"Hindi nagpakilala e." Napatango ako kahit nagtataka. Baka spam call lang. "Okay.."
"Pero alam mo, crush," subimangot si James. "Para siyang galit na galit.."
Wala naman akong kaaway kaya baka prank call lang talaga. Hindi ko na iyon pinansin pa at napailing na lamang. Isinukbit ko ang bag sa balikat ko, at magaang ngumiti sa lalaking ito. He's such a great guy.
"Maraming salamat nga pala James." Ngumiti ako. "Sa pagpapatuloy sa akin dito.."
"You're always welcome, Bianca!" Kinurot ko muna ang pisnge niya kaya nag-iwan naman iyon ng pulang marka na ikinatawa naming pareho.
"Ang sakit naman.." birong aniya pa.
Ipinilig ko ang ulo ko. "Uuwi na ako. Salamat ulit."
"Salamat din, crush. Seriously, nag-enjoy akong kasama ka." Hinarap niya ako. This time ay pinatay na niya ang cellphone na kanyang nilalaro at pinatong ito sa mesa.
"Me too.."
"Hatid na kita!"
Umiling ako, "Hindi na, baka naabala na kita."
"Hindi naman.." James pointed out.
"Wag na.. Mag-aral ka na lang nang mabuti, okay? 'Wag puro laro,"
"Yown, oh!" He looked at me as he grinned. "Swerto ko naman, binigyan ako ng motivation ng crush ko.."
"Puro ka talaga kalokohan. Aalis na ako, James. Diyan lang naman sa kabilang floor 'yung unit ko.."
"Sure ka?" I hummed in response, and he sighed in relief. Mukhang napagpasyahan niya ng sumang-ayon na lang sa akin.
"Take care, crush ko. Sana magkita ulit tayo!"
Natawa muli ako. Malapit lang naman 'yung floor ko sa kanya kaya magkikita, at magkikita talaga kami. Also, na-mention niya kanina na señior high na raw siya, at may exam siya sa susunod na linggo. But you see, he just keep playing games kaya pinagsabihan ko na siyang maghanda na agad. Hangga't kaya ay dapat pagbutihan niya sana ang studies niya.
Sumakay na ako sa elevator at ilang sandali lang ay bumukas agad ito kaya mabilis din akong lumabas. Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway ng floor ko. Nabawasan 'yung bigat at sama ng loob ko. Gumaan ito sa tulong ni James, at talagang nagpapasalamat ako roon.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top