Chapter 10

Chapter 10

"Saan naman kita iuuwi, Mr. Falcon?" nabubugnot na tanong ko sa boss kong lasing na lasing. Mapungay ang mga mata niya na tila ba sa isang kurap na lang ay makakatulog na.

Iritado kong kinawit ang kanang braso niya sa balikat ko. Bahagya akong napadaing nang idagan niya ang bigat niya sa akin.

"Boss saan kita dadalhin?"

"Y-you.." Lumapit 'yung mukha niya sa akin at bahagyang umub-ob.

"Subukan mong sukahan ako, talagang ibabalibag kita rito," hindi mapigilang pananakot ko nang bigla itong dumuwal matapos makalapit sa akin.

Parang baliw naman siyang nagpalabas ng lasing na tawa. Kumurba ang labi niya sa nakakalokong paraan, at nadadarang na inikot ang mga mata sa paligid na kinabuntong hininga ko.

Nandito kami ngayon sa parking lot. Nasa likod na ito nung club kaya walang gaanong tao. Mabuti na lamang at may mga posteng nakabukas rito na nagsisilbi namang liwanag kaya nakikita ko pa ang inaasta nitong kasama ko.

Halos dalawang oras ko siyang hinanap sa loob ng Iñiusent club kanina. Hindi ko nga inaakalang maliligaw pa ako. Sobrang lawak kase nung bawat palapag, maraming pasikot-sikot sa bawat paligid at mga ekslusibong kwarto.

Lukot ang mukhang inalala ko muli ang nangyare sa paghahanap ko sa kanya. Kanina ay muntik na akong mamanyakan ng isang lasing. Mabuti na lang at may nagligtas sa aking lalaki. Palagay ko'y nakainom din ito ngunit hindi naman ganun kalasing kaya nasa wisyo pa para tulungan ako. Nagpasalamat ako sa kanya ngunit nakakalungkot lang na hindi ko na nalaman pa ang pangalan niya. Hindi ko na rin ito namukhaan dahil talagang nagmadali na ako. Determinado na rin kase akong makaalis sa lugar na iyon. Mamaya ay balikan ako nung lasing na lalaki.

At nang mahanap ko naman na ang boss ko pagkaraan lang ng ilang sandali ay mas malaki ang naging pasasalamat ko. Kahit naabutan ko itong naka-upo sa counter sa rooftop doon sa pribadong pool at nag-iinom mag-isa. He looks so wasted.

Bahagya akong napaatras nang bigla siyang mapahilamos sa mukha, at hinarap ako. "Hindi.. H-hindi mo ba talaga ako naalala?"

Inilingan ko na lamang siya kahit nalilito na sa pinagsasabi niya. Kanina pa siya salita nang salita. Hindi ko inaasahang sobrang daldal niya pala kapag nalalasing. Tempted akong kuhanan siya ng video at i-blackmail siya kalaunan dahil sa pag-uugali niya ngayon pero hindi ko ginawa. I'm not that bad.

Tinignan ko ang mga sasakyan sa paligid, at nang mapansin ko na ang pamilyar niyang kotse ay napagdesisyonan kong kapain na lamang ang bulsa niya. Ipag-da-drive ko na lang siya at hindi ko iyon magagawa kung wala sa akin ang susi ng kanyang mamahaling sasakyan.

Gustuhin ko mang isakay na lang siya mag-isa sa taxi para mas madali, at para hindi na ako mahirapan pa ay hindi naman kaya ng konsensiya ko. Mamaya may gawin pa sa kanyang masama 'yung driver, at dahil wala siya sa katinuan ay talagang hindi niya mapapansin. Ang suot pa nga lang niya ngayon ay kanakaw-nakaw na.

Ayoko namang mabalita na lang sa tv ang balitang.. 'Ang isang makapangyarihang CEO ng Falcon Industry Company na si Engr. Miguel Falcon ay nabiktima ng nakaw-hubad modus kung saan ang itinitira na lamang ng magnanakaw sa kanyang biktima ay ang suot na underwear at wala ng iba.' And that was so epic. Sobrang nakakahiya panigurado iyon sa part niya, at sa image ng kompanya. And then ang pinakamasisisi ay ako rin naman dahil ako nga ang tinawagan niya ngayong gabi. Mabuting pagtiyagaan ko muna siya ngayon kaysa humarap pa ako sa maraming consequence.

"N-nasaan ba 'yung susi ng kotse mo?" pilit na tanong ko sa kanya kahit gusto ko biglang matawa dahil sa naiisip ko. But as usual ay hindi nanaman ako nakakuha ng matinong sagot sa kanya

Napangiwi ako at kinapa na ang dapat kong kapain sa harapan ng bulsa niya. Nakaitim siyang trouser kaya madali lamang tumatagos ang pagkapa ko sa loob nito. Hindi ako nahihirapan. Ngunit nang marinig ko ang mahinang hagikgik niya sa kung saan ay madali akong natigilan.

Sinilip ko kung anong nangyare sa kanya at bakit siya biglang naging maligalig nanaman. Ngunit ang tanging nakita ko lamang ay ang pag-iwas niya sa kamay kong kasalukuyang nakahawak sa legs niya.

May kiliti siya roon? Isip-isip ko at wala sa sariling napangisi na.

What an adorable monkey..

Ilang sandali pa ay sineryoso ko na ang ekspresyon ko nang maramdaman ko bigla ang pagbabago ng tibok ng puso ko.

Ito nanaman tayo.. Ano ba kase ang estrangherong pakiramdam na 'to?

Inisa-isa ko na lamang tinignan ang nakuha ko sa bulsa niya, at nang makitang wallet at susi lamang ito ay napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Mariin kong inayos ang pagkakapatong ng braso niya sa balikat ko at nagsimula na muling alalayan siya. Na kahit bigat na bigat na ako dahil masyadong nakadepende ang katawan niya sa akin ay tiniis ko. Ngunit ibang usapan na siguro kapag bigla na niyang isinubsob ang mukha sa dibdib ko—na para bang gusto iyong gawing unan dahil sa lambot.

"H-hoy! Umayos ka nga!" pagtanggal ko ng mukha niya sa pagkakasubsob doon.

Ang unggoy na 'to! Nagtaas-baba ang dibdib ko habang masama ang pagkakatitig sa kanya. My breathe becomes uneven. My body reacted in way that I can't comprehend anymore. That even the tingling sensation, and warmth I was ignoring earlier deepened.

Damn it.

Inilapit niya ang mukha sa akin. Nag-init naman ang magkabilang pisnge ko. Pero nung maamoy ko na ang alak sa bibig niya, nawala lahat ng kakaibang nararamdaman ko at napuno iyon ng iritasyon.

Mahina akong napabahing.

Hindi lang yata alak ang pinagagawa niya, at mukhang nanigarilyo rin!

Nagsalubong ang magkabilang kilay ko. Hindi ko gusto ang mga taong may ganung bisyo.. Masyado nilang sinisira ang kalusugan nila.

"Isa.. 'Wag ka ngang makulit!" naiinis na singhal ko.

Ang likot-likot niya!

But then, again.. Mr. Falcon just cracked up. I, on the other hand, let out a very deep sigh. Most likely, I conceded that I am truly having a hard and troublesome time with someone like him. Ano na bang gagawin ko sa lalaking ito? Wala pa kami sa sasakyan niya ay parang pasuko na ako.

Furious and disheartened, I unlocked the door of his costly car when we finally get in there. I settled him in the passenger seat, and accommodated his disposition that already heading uncomfortably. Ayoko namang mangalay at manakit ang ulo o anumang bahagi ng katawan niya kapag nabalik na siya sa wisyo.

"Umayos ka nga boss.." seryosong saway ko nang gumalaw pa siya matapos kong lagyan ng seatbelt ang katawan niya.

Nang maayos ko siya sa loob ay lumabas naman ako. Umikot ako papuntang driver seat, at nag-seatbelt na rin. Napatingin ako sa loob ng kabuuan ng kotse niya. Panlalaking-panlalaki talaga ito, at amoy na amoy ng ilong ko ang matapang niyang pabangong kumapit na yata sa buong kotse niya.

Hinawakan ko ang manibela upang mag-umpisa ng magmaneho ngunit kaagad din akong napahinto nang maalalang wala nga pala akong kaalam-alam kung saan ko siya ipupunta.

Hindi ko nga pala natignan ang address niya!

"Saan mo ihahatid ang lalaking ito, Bianca?" wala sa sariling naitanong ko sa harapan, at nilingon si Mr. Falcon. Hindi ko alam kung saan siya nakatira.

All of a sudden ay napadako ang tingin ko sa backseat. Doon ko nga pala nilagay ang wallet niya! At sa isiping baka may makita ako roong information ay kinuha ko ito gamit ang kanan kong kamay. Na kahit nahihirapan dahil nga nakasuot na ako ng seatbelt ay pilit ko itong inabot.

"Finally.." halos pabulong na sabi ko bago lumingon sa boss kong nakatulog na ngayon.

Tinignan ko ang mga card na nandoon, at sinuri ito. Nang makakita ako ng pamilyar na adress ay natigilan ako. Malapit lang din pala rito ang pad niya, at mukhang sa isang condominium rin siya nakatira. Ngunit masasabi kong mas kilala ang condominium na tinitirahan niya kaysa sa lugar ko. Nadiskobre ko iyon nang maghanap ako ng matitirahan noon. Masyadong mahal, at hindi ko afford kaya hindi ako nagrenta. Baka kase kahit tatlong araw lang akong magtagal doon ay mamulube agad ako nang wala sa oras.

Habang nagmamaneho ng sasakyan ni Mr. Falcon ay pasulyap-sulyap pa rin ako sa kanya. Hindi na siya gumagalaw, at mukhang mahimbing na ang pagkakatulog.

Wala sa sariling sinilip ko ang itsura niya. Ngayon ko lang napansin ang kabuuan ng mukha niya. Makapal at perpekto ang hugis ng kilay niya, maikli ngunit makapal naman ang kanyang pilikmata. May matangos siyang ilong na parang nakakatakot pisilin, at talagang may panga siyang ang sarap pagmasdan kapag gumagalaw.

All the part of Miguel's face are so attractive and desirable enough.. lalong-lalo na ang tila walang kaseng pula at lambot niyang labi. I can't help but tilted my head as I wiped out the appreciation I was feeling, and just centralized my attention at the road.

Minutes later, when I halted the car in the parking lot, I assisted and counsel my boss again. Maingat ko lang siyang inalalayan sa puntong ito. I know the feeling of being disturbed and startled while sleeping, at sa totoo lang.. nakakairita talaga iyon. Tulog mantika ako minsan kapag walang trabaho kaya alam ko ang pakiramdam.

"Maam, sino po kayo?" Napatingin ako sa lalaking sumalubong sa akin pagkatapak ko pa lang sa hagdan nung building.

Nahinto ako, at akmang gigisingin na lang sana ang boss ko nang muli akong tanungin ni manong guard.

Wala sa sariling tumikhim ako.

"Uh, kuya, kilala niyo po ba ang lalaking 'to?" salita ko na lamang habang inaangat ang ulo ni boss.

Kaagad namang nanlaki ang mga mata nila nang makita ang mukha nitong unggoy na nakayapos sa akin ngayon. Sabi ko na nga ba at madali nilang makikilala.

"S-si Mr. Falcon?"

I slowly nod my head in acknowledgment.

"Yes mga kuya at kung tinatanong n'yo kung sino ako." Inunahan ko na sila. "Ako po ang secretary niya. May ID po ako rito kung gusto niyo pong makasigurado—"

"Pasok na po kayo.." pagputol ni manong guard kaya nakahinga na ako nang maluwag.

"Wow, ang ganda naman dito.." namamanghang bulong ko at napahinto pa.

Sa kung gaano ka-elegante, at satisfying ng condominium na ito ay mahahalata talagang pangmalakasang mga tao lang ang maaring manirahan. Napailing ako. Muli kong inangat si boss na pababa na nang pababa sa hawak ko. Sasakay pa kami sa elevator. Pero sa inaasta niya ngayon ay mukhang gusto na niya yatang matulog sa sahig.

I swirled my eyes around. Narito na ako ngayon sa floor ni Mr. Falcon. Naitanong ko kila manong guard kaya nalaman ko kung anong condominium room niya. Wala naman kase sa address niya 'yung exact place ng pad na tinutuluyan niya. Mabuti at mabait sa akin sila manong guard. Sinabi nila sa aking nasa special floor daw 'yung floor ni boss. Muntik na akong mapangiwi dahil sa isinagot nila. May paspecial-special floor pa kase. Pero sa bagay, mukha namang special child 'yung unggoy na 'to.

Huminto ako sa isang pintuan, at pumarte ang bibig ko dahil imbes na numero ang nakakurba sa pintuan nito ay pangalan niya na talaga.

Miguel Falcon's Property.

Nilibot ko ang mga mata ko sa buong hallway. Sa tansiya ko, limang pasilyo ang narito, at ekslusibong humahati sa malalawak na kwarto.

"B-boss ano 'yung code?" baling ko kay Mr. Falcon, at hinintay itong sumagot sa akin ngunit wala talaga.

Pinakatitignan ko siya. Bakit pa ba ako aasa? Malamang sa malamang ay wala talaga akong makukuhang sagot. Tulog na tulog kaya ang lalaking ito. Nakapikit ang mga mata niya at halos magmukhang kulang sa tulog dahil humihilik pa.

Napakamot ako sa kilay ko.

Napabuntong hininga ako.

"Ano naman kaya ang gagawin ko sa'yo ngayon huh?"

Umuwi na lang at iwan siya rito. Ani ng isang bahagi ng utak ko.

Napatango naman ako at bahagyang sumang-ayon ngunit sa isiping maari akong mayari sa kanya kapag iniwan ko siya rito ay nag-alangan ako. Dismayadong sinuklay ko na lamang ang buhok ko gamit ang aking mga daliri, at wala nanamang magawa kung hindi ang huminga nang malalim.

Last na talaga ito.

Mula sa kinasasandalan niyang pader ay yinugyog ko na si Mr. Falcon. Gusto kong magising na siya sa katotohanang kumakapal na nang kumakapal ang mukha niya dahil bukod sa babae pa ang naghahatid sa kanya ngayon ay sobra na niyang sinasayang ang oras ko.

Tinapik ko siya sa pisnge saka bahagyang naupo sa harapan niya.

"Boss, gumising ka d'yan. Ano ba 'yung code mo?" I assessed him again, but he just groaned in response.

Marahas kong hinampas ang braso niya dahilan para bahagya siyang mapaigtad.

"W-what the..." Inirapan ko lang siya, hindi pinansin ang gulat niyang reaksyon at nagtanong muli.

"Boss naman!" reklamo ko nang pangalan ko ang isinagot niya. "Number 'yung code mo.."

"Hmm.." He just grunted, and fell in silent again.

Napapikit ako nang mariin saka tinignan kung ano ang naging dahilan kung bakit hindi na siya muli pang kumibo. At napanganga na lang ako nang ma-realize na tinulugan nanaman niya ako.

Pero iba na ang pwesto niya ngayon, nakasandal man siya sa pader ngunit talagang nakatagilid, bahagyang nakahilig ang ulo at nakaangat ang mukha.

Mabigat ang loob akong tumayo saka pinamewangan siya.

"Ang kapal talaga." I hissed harshly. Napasulyap ko sa kilay niya, at nginiwian iyon. "Kasing kapal ng kilay mo!"

Napagpasyahan kong lingunin na lamang ang screen sa gilid ng pad niya para kumalma. Naalibadbaran ako sa boss kong ito sa totoo lang. Six pa naman ang pattern nung code niya, at nakakainit ng ulong wala manlang akong ideya kung ano ang mga iyon.

"Bakit kase hindi fingerprint ang pin mo rito?" Muli akong tumingin kay boss na tahimik na hanggang ngayon.

Inalala ko kung ano ang maaring i-code niya rito. Ano nga ba 'yung password niya sa credit card niya? Nanliit ang mga mata ko at napatango.

"May 7, 2018!" Walang pasabing pinindot ko ang 0 kasunod ng 5 sunod ng 0 ulit sunod naman ng 7 kasunod naman ng 1 at ang panghuli ay 8.

050718

The code went successfully..

"Yes!" Napangiti ako nang tuluyan, at nang tumunog na ang pintuan, indikasyong bukas na talaga ito ay napatingin na ako sa boss kong nakayuko na pala sa sahig.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi.

Ewan ko ba..

Hindi naman siya ganung nakakaawa ngunit parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ngayon.

Sobrang exhausted, and weary na kase ng itsura niya. Hindi ko tuloy mapigilang mahiwagaan kung ano ang naging dahilan para magpakalasing siya nang ganito. Aba, daig niya pang broken hearted e.

"Tara na.." mahinang bulong ko sa tainga niya nang malapitan ko na siya.

Puno ng pag-iingat kong inilagay ang isa niyang braso sa balikat ko, ipinalibot ang isa niyang kamay payapos naman sa bewang ko at marahan siyang inalalayan papasok sa kanyang condo.

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top