Chapter 09
Chapter 09
Nakasandal ako rito sa mahabang sofa habang matamang nakatingin sa pinapanood. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong koreanovela. Nabili ko ito nung nakaraan, nakasalin sa isang cd.
I think.. Who Are You: School 2015 yata ang title nito. Well, maganda siya at intense talaga dahil nagkapalit 'yung magkambal. It's a new twist to the School series with Eun-byul’s amnesia, and her attempt to discover who she was becoming. We go from believing Eun-bi is dead, to Eun-byul taking her place, to Eun-bi being alive. Kung pag-uusapan ang soap opera, this version of high school life isn’t something that most teenagers could identify with, but it definitely brings in heartache and tears.
By the way Go Eun-byul, and Lee Eun-bi are both played by Kim So-hyun kaya sobra rin akong naantig. Ang galing niyang umarte sa kahit na anumang uri ng drama.
Nang matapos ko ang palabas ay napangiti ako. Nasimulan ko na ito nung nakaraan kaya 'yung natirang episodes na lang 'yung napanood ko which is malapit na pala sa ending. Sobrang satisfying and fulfilling naman nung wakas pero gaya ng mga Korean drama na napanood ko ay para pa rin akong nabitin. Masyado talagang nakakaadik 'yung mga drama ni Kim So-hyun.
Napagpasyahan kong tumayo na sa kinauupuan ko. Binunot ko ang saksakan ng tv bago ko itabi sa gilid 'yung remote. Bumalik ako sa sofa, at sinuot ang sleepers kong nasa tapat nito bago nagtungo na sa kusina.
When I reached my mini-kitchen.. I emptied the grey refrigerator, I grabbed the milk mixture, and peeled it off. Mas nasasarapan kase ako sa gatas kapag timplado, at nakasealed na.
Carrying the glass of milk, I got onto the balcony. I unlocked the glass wall that secures it, and ripple the dark curtain that insulates around it. Marahan kong ipinatong ang magkabilang braso ko sa railings saka pinagmasdan ang paligid sa labas. And when the dark and dusty sky immediately met my eyes, pumuslit ang ngiti sa labi ko.
Kapansin-pansin kung gaano kakalmado ang katahimikan ng gabi kaya mas gumaganda ang kalangitan sa paningin ko. The stars are sparkling awesomely, and the mated moon were so darn luminous. Idagdag pa ang perpektong kurba nung mga ulap sa langit. Na lalong nagbibigay ng kakaibang imahe, at kahulugan sa kalamigan ng gabi.
Kung hindi n'yo naitatanong, bukod sa mga documentary and koreanovela.. I really love to keep an eye on the frigid darkness. It could really be for many reasons, but the peacefulness of night time really hits so differently. It makes my high concentration perfectly proven.. Because there are fewer stimulants and distractions, one can do something virtually with no interruptions.
Darkness and nighttime gave me the entire calmness. For some, it may cause fear, but for me, it can be a perfect time for meditation. Especially, when you are in the dark, and alone. You won't notice anything but your thoughts.
I sighed and hugged myself when I sense the breeze become so raw even more. I suddenly gaped at the milk I was holding, and felt it. Naramdaman kong lumamig na ito nang tuluyan dahilan para inumin ko ito nang isang inuman lamang. Matapos kong punasan ang gilid ng labi ko dahil may natirang gatas doon ay napagpasyahan kong bumalik na sa loob.
Inilibot ko ang tingin sa paligid ng kwarto ko nang makabalik na ako rito. Ngunit hindi ko mapigilang ikunot ang noo ko nang makita ang cellphone kong nakabukas. Tila ba may kung anong notification ang nag-pop doon.
Almost in a hurry, I reached the left side to see what or who it was. I'm kind of surprise too see how many missed calls come off on it.
13 missed calls.. Napailing ako. Kanino naman kayang numero ang tumawag sa akin ng ganun karami? I was about to press the notification bell when all of a sudden an ongoing call emerged on the screen.
Boss Miguel is calling..? Ano naman kaya ang kaylangan ng lalaking ito sa'kin?
"Boss.." bungad ko, at inipit ang hibla ng buhok sa likuran ng tainga para marinig siya nang mabuti.
"C-come here.."
"Huh?" I asked in confusion.
"Track my.." Mahina pa itong natawa, "L-Location.."
"Track your—W-what?!" gulat na singhal ko pero nawala na kaagad ang boses niya sa kabilang linya, and it's too late for me to realise na pinatay niya na ang tawag!
Napamaang ako. Ismid kong ibinaba ang cellphone ko. Ano bang nangyayare sa lalaking iyon? Gabing-gabi na. Pero ako pa rin ang tinawagan niya. Hindi na ito parte ng trabaho kaya hindi ko siya susundin.
Bahala siya d'yan..
Hindi ko gagawin ang sinabi niya!
Ilang beses na buntong hininga ang ginawa ko nang maabutan ko na lamang ang sarili kong kinakalikot ang laptop na nasa harapan ko at ginagawa na ang inutos niya kanina.
Ang hirap talaga kapag wala kang choice..
"Iñiucent Club?" Nangunot ang noo ko ko habang binabasa ang information nung location niya. It is owned by one of the investors of the Falcon Industry Company.
Mukhang tama nga ako.
Base sa maingay na background niya kanina nang makausap ay nasa isang strip or bar club siya. Napapikit ako nang mariin saka maingat na isinara ang laptop.
"Kung nasa club siya ngayon.. hindi ako pupunta."
I can't go.. Why? Because I just can't.
Hindi sa nag-iinarte ako.. Pero ayaw ko lang kaseng magpunta sa mga ganyang club ulit. Masyadong nakakatruma. Mamaya may mangyare nanamang kung ano sa akin d'yan, at baka.. I can't help but take a very deep sigh.
Delikado, at isang panganib ang tingin ko sa bawat Club simula nung mangyare sa akin ang Isang Gabing iyon.
Lumipas ang ilang minuto, at nakatingin lang ako sa kawalan. Mahigpit ang pagkakapatong ng kamay sa lamesa, at nakapirmi ang mga labi. Sobra akong nag-aalalangan kung pupunta ba ako o hindi.
Kung pupunta kase ako.. Ano naman ang gagawin ko do'n? Wala akong alam sa ganung lugar! Maaring nakaranas na makapunta Oo, pero iyong maging maalam? Hindi.
Nagsalubong ang kilay ko.
"Kung hindi naman kase ako pupunta, baka masermonan naman niya ako." At hindi iyon kakayanin ng pride ko!
"Pero hindi e.." mahinang bulong ko saka muling nag-isip.
Tapos na ang work hours ko kaya dapat lang na wala na akong pakealam sa kanya. Baka kase nakakalimutan niyang secretary niya ako, at hindi PA na bubuntot sa kanya kahit saan man siya magpunta.
Napahawak ako sa sintido ko at dismayadong napayuko. Mukhang kahit ano yatang pag-iisip ang gagawin ko ay wala pa rin akong mapapala kung hindi ang sumunod nanaman.
Annoyed and disgruntled, I took my small bag, hang it around my shoulder, and personally peeked at the mirror. Tinignan ko ang repleksyon ko roon. Mukha talaga akong outsider kung pupunta ako sa club. Naka-black leggings, and white-shirt lang ako.
Shaking all my thoughts, I insert my flat sandals before I enclosed the bedroom door. I turned off the living room lights and passed the door.
Napatingin ako sa cellphone ko. Wala siyang kahit na anong message. Mukhang kaylangan niya nga talaga ng tulong ko dahil nakakasigurado akong naglasing siya sa Club, at hindi na niya ito kinaya.
When the elevator buzzed, I went out while still glancing at the phone I was clenching. Baka kase maisipang tumawag ulit, at ayoko namang balewalain lang kase aminin ko man o hindi ay kakaylanganin ko rin nung communication niya para mas madali ko siyang mapuntahan. Although 'yung Iñiucent Club ay malapit lang sa building nung condominium na tinitirahan ko, ayoko pa ring sinasayang masyado iyong oras ko.
"Saan po, ma'am?" tanong nung driver saka sumilip sa rareview mirror.
"Sa pinakamalapit na Club po, 'yung sa Iñiucent." mahinang sagot ko.
Nangunot ang noo nito. He looks so frightened while secretly checking me out. Sa tingin ko ay naguguluhan siya kung bakit ayon ang lugar na sinabi ko, sa itsura at mukha kong ito.
Maraming nakakapagsabi na maamo ang mukha ko. Masyado raw soft ang features nito. Mula sa matangos kong ilong, manipis ngunit malarosas kong labi, inosenteng pares ng mga mata, at may natural na kapulahang pisnge—naibiro pa nga sa akin noon, na kung sakaling makagawa ako ng krimen, never akong pagbibintangan dahil sa looks ko.
"Nandito na po tayo, ma'am." I nodded and brought out my wallet. I pick my 500 pesos and directly gave it to him.
Akmang bibigyan niya pa ako ng sukli nang umiling na ako. Mukha naman siyang mabait kaya may-tips siya kahit papaano.
"Thank you, ma'am!" maaliwalas ang mukhang sabi niya.
Maliit ko lamang siyang nginitian, at lumabas na nga sa kanyang sasakyan.
Napatingala ako sa harapan ko. Bahagya akong namangha nang makita kung gaano nakakaenganyo ang harapan nung club. Kahit na napapalibutan ito ng dilim dahil gabi na nga ay nagniningning pa rin ang mga nakakahilong ilaw sa loob man o sa labas.
"Welcum to Iñiucent Club" ang nakakurbang panimula sa entrance na bahagya ko namang ikinangiwi.
Nagsimula na akong maglakad patungo roon. Ngunit hindi pa ako nakakapasok sa main entrance nang matigilan ako. Hinarangan ako ng dalawang lalaking.. malalaki ang pangangatawan.
Kumabog ang dibdib ko at napahinto. Mukhang sila ang nagbabantay sa club na ito. Masyadong nakakatakot ang presensiya nila. Ngayon alam ko na kung bakit maraming hindi pumapalag sa mga bouncer. They are so.. literally intimidating.
"Uh.." I shivered slightly. "B-bakit po?"
"Miss, nasaan 'yung card mo?" seryosong tanong nung isa as they both looked at me.
Nangunot ang noo ko.
"Ano pong card?" I tried to smile. Pero nagsalubong lang ang kilay nilang dalawa, at nilapitan pa ako kaya bahagya na akong napaatras.
"Hindi ka makakapasok sa Club na ito kung wala kang exclusive card, Miss. Required 'yon sa lahat ng member dito." Sa asta nila ngayon ay tila sinusuway na kaagad nila ako.
Humigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko at napabuntong hininga. It's now or never.. Baka naman maintindihan nila ako.
"Oh. 'Yung exclusive card!" Marahan akong natawa. "My bad! Naiwan ko sa condo mga kuya. P-pero hindi naman ako magtatagal sa loob kaya.. Baka pwedeng papasukin niyo na ako? Emergency lang talaga 'to.." Mariin lang nila akong tinignan kaya nagpatuloy pa ako. "'Yung boss ko po kase, uh, nagpapasundo. 'Wag kayong mag-alala! Malamang ay nasa-VIP iyon."
Wala silang naging reaksyon.
Palihim naman akong napakagat sa pang-ibabang labi.
Curse you, Miguel!
"Baka pwede niyo naman pong tawagin kung hindi talaga ako pwedeng papasukin mga kuya.."
"Bawal talaga, Miss—" Kaagad na tanggi nila kaya nagsalita muli ako. I have a no choice kaya kaylangan kong mangulit.
"Kuya, I'm Bianca Del Pilar. Secretary po ako ni Mr. Miguel Falcon." pagpapakilala ko saka binuksan ang bag ko. May kinuha akong isang bagay dito. "Ito po 'yung ID ko, kung ayaw niyong maniwala."
Kumunot na ang noo nila, at parehong tinignan 'yung inabot ko. Mayamaya pa ay sabay silang dalawang nag-angat ng tingin sa akin. Sinulyapan muli ang ID ko, at tila naninigurado.
Nagkatinginan silang pareho, napabuntong hininga bago muling nagsalita. "Sorry, Miss—"
"Kuya naman. Hindi pa rin kayo naniniwala? Mukha ba akong clubcrasher?" biro ko kahit parang nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ba talaga ako kapani-paniwala?!
Natawa naman 'yung dalawa.
"Hindi po.."
"Ayon naman pala e." palatak ko. "Bakit ayaw niyo pa rin akong paniwalaan?"
"Actually, Miss.. naniniwala na kami,"
"Naniniwala naman na pala kayo—What?" Nanlaki ang mga mata ko.
"Opo, kanina pa nga po kayo hinihintay ni Mr. Falcon sa loob." they both explained and my lips parted.
"Really? Pwede na akong pumasok kung ganun?" Muli ay sabay silang napatango, binuksan ang black glass door para sa akin at sinabing mag-enjoy ako.
Kahit uncomfortable ay nginitian ko na lamang ang dalawang bouncer na halos sinadakin na ako kanina bago ako tuluyang pumasok sa loob. Mukhang mataas ang kalidad ng security dito.
I faced the Iñiucent Club and I'm not surprised anymore to see the various complexions of radiants light as the people inside absurdly go crazy. There are so many pairs that was making out.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Bawat grupo sa gilid na may pabilog na lamesa ay nakakalokong nagtatawanan habang ang mga tao naman sa maingay na dancefloor ay maliligalig. Ako ang nahihilo sa paggalaw nila. They are indeed completely mess-up, I think no one is even sober at this moment.
Napabahing ako nang maamoy ang usok ng sigarilyo sa kung saan. Idagdag pa ang nakakaumay na amoy ng alak.
God, I really hate this place! Pero dapat lang na tatagan ko ang loob ko. Kahit naman kase hindi ko halos makayanan ang ganitong klaseng lugar ay kaylangan ko pa ring gawin ang sadya ko rito.
"Now, where the heck I can I find that boss mine?" I murmured harshly.
Kumuyom ang kamao ko.
Mukhang mahihirapan ako sa paghahanap sa lalaking iyon.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top