Chapter 08
Chapter 08
Ipinilig ko ang ulo ko matapos kong isalpak ang dala kong headsets sa magkabilang tainga ko. Hindi maipinta ang mukha ko kapag sumasagi sa isipan ko ang bago kong boss ngayon. Pakiramdam ko ay araw-araw ng mag-iinit ang ulo ko. I truly dislike him. But I need to adjust even though I don't want to. After all, siya ang nagpapasahod sa akin.
..Of everything we've been through
Toast to the ones here today
Toast to the ones that we lost on the way
'Cause the drinks bring back all the memories~♪♡
Wala sa sariling huminahon bigla ako nang marinig ang kanta. This song is one of my favorite, it's Memories by Maroon 5. I'm not fond of that song before. But when I heard it once, playing on the radio. I can feel and discern how the emotions dangled to each lyrics. The Memories by Maroon 5 song created flawlessly, with such a genuine passions.
Napatingin ako sa gawi ng wall-clock na nasa gilid ko. Ang bilogang orasan na doble ang laki kaysa sa wall-clock ko sa condo. Pumalibot ang itim na kulay sa bilogang orasan kasama ang silver dust na nagbibigay desenyo dito. Ganun din ang kubra ng numero sa pinakaloob. Malaki, at malinis ang pagkaguhit nito na tila ba pinasadya para mas madaling makita.
Tinignan ko kung anong oras na ba. It's already 12 in the afternoon. Ibig sabihin lamang nito ay lunch na. Hindi ko na halos napansin pa. Kaya naman pala biglang nagsialisan ang mga kasama ko rito sa quarters.
Tinanggal ko ang headsets na suot ko at napagpasyahang tumayo na. I need to remind my boss kung anong oras na. Baka malintikan nanaman ako if ever na 'di ko siya paalalahanan.
Nang makarating ako sa harapan ng opisina niya ay hindi na ako kumatok pa, at humakbang na lamang patungo sa kanya. Naabutan ko naman siyang abala pa rin. Hindi na nga lang sa paperworks kung hindi sa mga confidential envelopes na. Kumunot ang noo niya habang matamang nakatingin sa laman no'n. Luminya ang mga labi niya at isinantabi ang signpen sa panga na tila nasa matinding konsentrasyon.
He looks.. really a CEO, a glamorous one when he's acting like this; so serious, yet calm.
Napatitig ako sa kanya. Pinanood ko kung papaano siya sumandal sa kanyang kinauupuan hanggang sa ipikit na niya ang mga mata niya. Nang pinagsiklop niya naman ang sariling mga hita, tila umaastang naka-woman seat ay napatikhim na ako.
"Mr Falcon, 12 pm na po, and that means lunch na. May ipagbibili po ba kayo?" marahan, at deretsong salita ko habang nakatayo sa harapan niya.
Mapungay naman ang mga matang napaangat siya ng tingin sa akin.
"I'm fine," he says in low, husky voice. "How about you? Kumain ka na ba?"
Kahit nagtataka sa itinanong niya ay ibinuka ko ang bibig ko para magsalita. Normal lang naman sigurong magtanong ang boss sa kanyang empleyado right? Although, si Mr. President na dati kong pinagtatrabahuhan ay never akong tinanong kung nakakain na ba ako or something kapag iniimporma ko siya.
"Don't look at me as if you're startled Ms. Del Pilar. It's just an innocent question, don't be so malicious." dagdag niya bigla nang maramdaman ang pananahimik ko.
"Alright, Mr Falcon." Huminga ako nang malalim saka siya sinagot. "To acknowledge your question.. Yes, at kumain na po ako."
Napabuntong hininga naman siya bago umayos ng upo. Ang mga mata niya ay muling dumapo sa mga mata ko. Kumunot ang noo niya, at binasa ang ekspresyon ko ngunit blangko ko lang siyang tinignan.
"Okay.." pagbaba niya ng tingin sa envelope na tinitignan kanina.
"Kung may kaylang po kayo, just call me." ani ko nang matahimik na siya.
Seriously? I think being silent all of a sudden is one of his favourite hobby.
Napagpasyahan kong tumalikod na lamang. Ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang nang marinig ko ang malalim at baritono niyang boses na tumatawag sa pangalan ko.
Kinakabahang nahigit ang hininga ko.
Hindi ko maintindihan pero bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. At 'yung pintig nito? Masyadong pinalalambot ang magkabilang tuhod ko sa marupok na paraan.
Mukhang nagiging kabado na ako. Kaka-kape ko siguro ito. Isip-isip ko. Pero anong dapat kong ikakaba ng dahil lang sa pagtawag niya? At para mag-react nang ganito ang puso ko?
"Yes, Mr. Falcon?" Kahit nag-aalinlangan ay hinarap ko muli siya.
Matiim niya akong tinignan.
"Don't call me Mr. Falcon," He slowly cleared his throat. "Miguel.. will do."
Nanlaki ang mata ko. "But Mr. Falcon—"
"Miguel will do.." he insists as he eyed me intently.
Malakas akong bumuntong hininga.
"Pero.." mahabang saad ko. Pinilit kong basahin ang emosyon sa mukha niya ngunit kaseryosohon lamang ang natagpuan ko rito.
Palihim na nanliit ang mga mata ko. Bakit ba mas gusto niyang pangalan na lang ang itawag ko sa kanya? Lalabas akong walang galang no'n aren't I? At kapag nakarating pa 'yon sa mga marites sa lobby, malamang na ko ang pag-iinitan nila. And surely, the peaceful and delicate life I was keeping? It will deliberately changed, and that is.. definitely no way.
"Are you againts on my decisions Ms. Del Pilar?" Naging malamig na ang pagkakasabi niya sa mga salitang iyon kaya nagbigay ito ng kakaibang pakiramdam sa akin. "Are you againts to your boss..?"
Ayoko ko ng magulong buhay, Mr. Falcon. And precisely kapag may nakarinig na ang pangalan mo lang ang tinawag ko sa'yo.. alam kong may magbabago. Ito na siguro ang naamoy kong panganib sa kanya.
"I'm not againts on your decision Mr. Falcon, but it's stated in employee's rule." Yes, ilang beses na kaming inorrient ng mga head ng bawat department, at kasama roon ang sinasabi ng boss kong ito. "Maari po akong sisantihin kapag ganun lang ang tinawag ko sa inyo."
"But I'm your boss, Miss Secretary." mahinahong sabi naman niya at tinaasan pa ako ng kilay. "Sa ayaw mo man at sa gusto, sa rules man n'yan o sa kung saan.. susundin mo ako."
Palihim na nagtagis ang bagang ko.
"I'm the owner of the company you were working for.. may I just remind you." Nag-cross arms siya sa akin.
Pormal na lamang akong tumango dahil ramdam ko sa boses niya na final na ang decision niyang ito. Nakakasigurado akong hindi ko na ito matutulan pa lalo na't ipinalandakan niya na ang posisyon niya sa kanyang kompanya.
"Yes, Mr. Falcon.." Nagsalubong ang magkabilang kilay niya. "I mean, Sir Miguel.."
"Drop the sir.." utos niya pa, at wala nanaman akong magawa.
Ang unggoy na 'to!
"Yes, Miguel." diniinan ko ang pagbanggit sa pangalan niya para iparamdam ang iritasyon ko.
Kanina pa ako nagtitimpi rito e, at nakaka-inis dahil parang gustong-gusto niyang napipigtas ang pasensiya ko!
"Good.." aniya pa.
Pinilit kong 'di pansinin ang pagpaskil ng ngisi sa labi niya kahit sa kaloob-looban ko ay nagpupuyos na ako sa galit. Kumalma ka, Bianca, boss mo pa rin 'yan. I chanted mentally as I distorted the topic to something else. Bakit nga pala niya ako muling tinawag?
"Bakit mo nga pala ako tinawag?" I asked him, and my eyebrows met when amusement danced in his eyes. Binalikan ko ang salita ko at nang ma-realize kong nawala bigla ang pagkapormal ko sa tono ng pagkakasabi ko no'n ay ipinirmi ko ang labi ko.
"I mean, may kaylangan po ba kayo sa akin?" ani ko pa. At dahil sa kagustuhang ipakita sa kanya na hindi ako naaapektuhan sa pang-iinis niya ay pormal ko siyang nginitian, at tinawag siya sa pangalan niya tulad ng gusto niya kanina.
"Mhm.. may kaylangan ka bang ipagawa, Miguel?" I asked him with my low, softly voice.
Napaiwas naman siya kaagad ng tingin at sunod-sunod na napaubo sa kawalan. Tila may kung ano siyang narinig sa akin na palihim kong ikinangisi. Feeling ko.. crush ako nitong boss ko e. Isip-isip ko nang mapansin ang pagbabago ng ekspresyon niya.
"Just, uh.." He parted his lips, and gulped. "I mean.. Ibili mo na lang ako ng bucket of spicy chicken. Dalawang brown rice, pasta at salad. And oh, adds some drinks too.."
"Noted.." mabilis na salita ko. "Ayon lang po ba?"
"Yes, and that is my credit card." Inabot niya sa akin ang black card niya kaya tinanggap ko naman ito kaagad.
"Ano po 'yung pin nito?" naitanong ko. "At wala po ba kayong cash na lang?"
"May seven two-thousand-eighteen." he whispered while looking straight into my eyes.
Natigilan ako.
May 7? 2018? Pamilyar na taon, buwan at araw.
Parang hinabol naman ng mga kabayo ang puso ko dahil sa bilis at diin ng kalabog nito nang magbalik sa akin ang mga ala-alang iyon. Napapikit ako nang mariin bago ipinilig na lang ang ulo. Paano ko nga ba hindi makakalimutan ang panahon na 'yon..?
"05-07-18," pagkumpirma ko sa kausap ko. Kinunotan ko siya ng noo.
"Yes. Is there any problem there?" he implored while still staring at me.
Umiling ako sa kanya.
"None.. Miguel,"
Pinakatitignan niya ako, at unti-unti 'yung ekspresyon niya ay tila nadismaya sa kung saan. Hindi nga lang ako sigurado kung sa isinagot ko ba, o sa mga bagay-bagay lang.
Pinantay ko ang paghinga ko nang mapatango naman siya sa akin. Inilipat niya ang tingin niya sa mga papeles na kasalukuyang nasa desk niya, at napatikhim.
"You may now go.." He sighed and motioned his hand kaya tumalikod na ako at dahan-dahang isinara ang pintuan ng opisina niya.
Pero bago pa ako tuluyang lumabas ay ramdam na ramdam ko ang mainit at nagbabaga niyang tingin mula sa likuran ko. Bahagya naman akong nangilabot. Masyado iyong malalim at nakakapanlamig.
Wala sa sariling napaharap ako sa kanya ngunit laking gulat ko nang hindi naman ito nakatingin sa akin, at abala na sa naiwang ginagawa kanina.
Napaiing ako.
Kung ano-ano na lang ang nararamdaman ko ah?
May 7 2018.
Ito 'yung araw na nagpabago ng lahat sa buhay ko. Ang araw na hiniling kong sana hindi na lang dumating pa dahil puro sakit at paghihirap ang ipinadanas ng panahong ito sa akin. Alam mo 'yung feeling na sana hindi na lang nag-exist iyong araw na iyon? Na sana hindi na nangyare 'yung mga bagay na itinakda noon. Na sana kinaligtaan na lang ng panahon. Kase kung wala ang ganung petsa ay malamang na walang magbabago sa buhay ko.
Pero kung sakali namang walang ganun.. Hindi ako magkakaroon ng sanggol sa sinapupunan ko, at baka wala akong anghel na gumagabay sa akin ngayon. Ang nakakalungkot lang doon ay sa isiping hindi ko kaylan man siya nakasama o nahagkan manlang kahit na dumating siya sa buhay ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at natigilan.
Hindi pa rin talaga ako nakaka-move on simula nang mawala siya. May mga bagay pa rin talaga na kahit abutin man ng taon ay hindi pa rin mawawala. Na kahit ano pang gawin mo para makalimutan ito, 'yung sugat na natamo mo sa madilim na nakaraan..Hinding hindi kaylan man hihilom nang tuluyan. Kase 'yung sugat na naibigay sa'yo nito? Na kahit hindi na sariwa dahil taon na nga ang nagdaan, may matitira pa ring bakas. At ito ay 'yung peklat; isang palatandaan ng masalimuot na pangyayare sa buhay mo.
'Yung masalimuot na nakaraan kase ay parang itinatak na sa pagkatao mo, sa buong buhay mo. Sobrang nilamon ka na, dahilan para kahit nasa kasalukuyan ka na ay wala pa ring tigil 'yung mga masasamang ala-ala. Kaya ang resulta, laging in pain, laging sariwa iyong miseries, agonies, griefs, anguish and difficulties.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko upang kaagad na makabalik at makabili na ng inuutos ni Mr. Falcon. Kahit naman sinabi niyang Miguel ang itawag ko sa kanya ay kaylangan ko pa rin siyang galangin dahil mas mataas siya sa akin.
Taas kilay akong napa-iling nang maalala ang pinagsasabi niya sa akin kanina.
Ewan ko ba, pero kahit ano yatang salita ang lumabas sa bibig niya ay kinaiinis ko. Para kaseng nang-aasar siya at pinaglalaruan ako. Tila may alam siya na hindi ko alam, at ginagawa niya iyong impluwensya para maapektuhan ako nang ganito. O baka naman, nagiging weirdong unggoy lang siya? Sa isiping iyon ay napatampal ako sa noo.
Ano kayang magiging reaksyon ni Mr. Falcon kapag unggoy na weirdo ang tawag ko sa kanya kapag naasar ako..?
Malamang na tanggal agad ako sa trabaho.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top