10 | ketana


R - 1 8 :
This chapter features violence.
Read at your own risk.

10


k e t a n a

I began to travel my sight to the whole image of the place. Napakunot noo akong tumingin kay Nathan. I didn't know why we're here, maybe he wanted to relax.

"We're almost here," sabi niya at agad din naman akong kumilos para bumaba.

"Stay there," dagdag pa niya nang akma ko na sanang buksan ang pinto ng sasakyan.

Hindi na lang ako umangal dahil ayaw kong umabot ito sa halikan at dilaan.

Lumabas siya at umikot. Napangiti ako nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Feeling ko tuloy ang haba ng buhok ko.

"I never thought that you were capable of acting like a curtsy man," was all I whispered.

Napatingin ako sa kanya nang tuluyan na akong nakababa. Lumapit ako at sinubukang suriin kong mainit pa ang pakiramdam niya. Hinaplos ko ang noo niya, pati ang kanyang leeg ay pinahiran ko gamit ang likod ng aking palad.

"Hindi ka naman nilalagnat, Nathan," napakunot noo itong napatingin sa akin.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, "Kung sino ka mang ispiritong sumapi sa katawan ng lalaking ito ay umalis ka na bago pa kita masabunutan!"

"Insane," tugon niya at inalis ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat.

Hindi pa ako natatapos sa aking ginagawa, nagpatuloy ako sa pag-alay ng isang ritwal sa kanya. Instead of his shoulders, I aimed my arms in his front like I was about to pray for him.

"Alam kong maraming kasalanan itong nagawa sana naman ay tutulungan mo siya gayong kinakailangan ka niya ngayon," tumingin ako sa itaas siguro ma-ge-gets niya kung ano ang ginagawa ko. "Tulungan mo akong paalisin ang kaluluwang sumapi sa kanya hindi ak---"

I wasn't be able to continue what I was about to say because he suddenly put his handkerchief to my wide-opened mouth.

Hindi ako makapagsalita gayong pinakain niya sa akin ang handkerchief niya. Halos makain ko pa nga ng tuluyan ang ilang hibla ng tela nito.

"Djkshkglynsksk  (mawalan ka sana ng hininga!)," I wanted to curse him yet words were not clear.

"Will you stop with this nonsense, Ketana! Hindi ako patay para gawin iyon sa harapan ko!" malakas niyang pagsigaw sa akin at halos tumalsik na'ng eardrums ko sa lakas ng kanyang boses.

Hindi ko muna tinanggal ang panyong nakapulupot sa aking bunganga. Nanggigigil ako sa kanya, makakatulong pa iyon para makapagtimpi ako.

"Wala ka bang planong tanggalin ang panyong 'yan sa bibig mo?" mahinahon niyang sabi. Pero parang ang harsh ng dating nang sinabi niya iyon sa'kin.

"Dsjkdjjekdnss! (Hindi ko kayang tanggalin, mas madikit ang kapit ng pawis mo kumpara sa elmer's glue!)" sabi ko. For sure he doesn't have an idea to what I've said.

Sino bang hindi mapapasarap nguyain ang panyo ng isang Abueldo, aber? Hindi ko 'to tatanggalin hanggang sa nalalasahan ko pa ang pawis niyang natuyo sa panyong 'to, dagdagan pa ng amoy niyang nakakaadik. Matanong nga minsan kung anong perfume ang kanyang ginagamit?

"You don't have an idea how much it costs," he continued. Napatanggal ang kapit ng ngipin ko sa panyo dahil sa sinabi niya.

"Please hand it to me, woman!" sabi pa nito habang ang mga kilay niya ay halos mag-e-intersect na dahil sa sobrang galit.

Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng panyo niya sa aking bunganga. Lumuwag ang paghinga ko at gumaan ang daloy ng hangin. Tiningnan ko ang kanyang panyong sarap na sarap akong napanguya. Halos mapunit na ito at ilang parte ng laway ko'y napunta roon.

"Sorry na baby boy, huwag ka nang iiyak dahil ibabalik na ni mommy ang handkerchief mo," parang nagpapatahan ako ng isang maiyaking bata habang sinasabi ko iyon sa kanya.

Tiningnan niya lamang ang panyong halos ikasasabog ng utak niya at saka umalis.

He seemed ridiculous.

Masungit niyang nilingon ako at alam ko kaagad kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon. Wala akong choice kaya binulsa ko nalang ang panyo niya.

Bumuntot ako sa likuran niya at hindi na umingay; nakapamulsa ito habang naglalakad.

"Glad you're here, Nathan," my eyebrows curled up when my eyes landed to the woman who greeted him.

Dumoble ang paghakbang ko at nagawa kong tumapat sa babaeng sumalubong sa amin. "Of course, he always do," ako na mismo ang sumagot.

Tinapunan niya ako ng who-the-hell-you-are look. I smirked and expelled a sigh. Dumapo ang mga tingin ko ngayon kay Nathan. Alam kong sa isip-isip niya ay gusto na niya akong pauwiin dahil sa ginawa ko.

"And who is this pathetic you'd brought here?" nakapameywang pa ito habang tinitingnan ako from head to toe.

Hindi naman sa ino-over head to heel ko siya, nakakabwesit lang kasi ang pagmumukha ng babaeng 'to!

"I don't have time for this, I just need to get inside," si Nathan.

Nilagpasan niya lamang ito at saka nagpatuloy sa paglakad na tila bang walang may kinakausap.

"Sino sa atin ngayon ang pathetic, aber?" tiningnan ko siya na parang pinupukol ko ng bato ang ulo niya.

She's tall; her hairs were tightly bound together. Her waist was thin and breasts were broad as if her black cropped top and long-sleeved button-down polo collides to make her an image like the brat.

Muntikan nang magkabungguan ang balikat namin nang akma na akong sumunod sa likod ni Nathan.

"Mukha kang dumi sa kuko ni Nathan," was all she said before she left.

Napausok ang ilong ko sa sinabi niya, kung hindi lang ako nahihiya ngayon siguro ay kanina ko pa pinataob ang mukha niya!

Nakakabaptrip na pambungad 'to!

Binilisan ko ang aking paglakad para maabutan ko si Nathan.

As we continued to head inside, the place was dampened by sweats; alcohol can be seen in every side; and smokes gathered together.

I had blinked a couple of times and brought my vision back to normal. I began to wonder what's happening around.

"Nasaan ba tayo, Nathan?" I asked him because he knew more about this place than I did.

Cheers and hollers ensue from the crowd. Kapagkuwan lumalakas ang hiyawan sa kabila ng pagdami ng tao. Sa bawat paglipas ng minuto ay nagmumukhang kumpol ng langgam ang mga tao rito sa loob.

"Underground fighting circuit," he said without planting an emotion to his face. He just looked at me with a blank expression.

I closed my eyes and tried to hear the crowd. It was crazy. People here were all at the full blasts  —  as if there's no end of excitement.

Napakapit ako sa braso ni Nathan. Hinayaan niya lamang ako nang maramdaman niyang unti-unti humihigpit ang aking pagkakahawak sa kanya.

The preparations for this event were really organized and well equipped. For housing an illegal sport, the warehouse surprised me for its accommodation. It was huge and can allow a hundred people to witness the fighting circuits.

"Almost there and I think everything all set," I quickly narrowed my attention to the man who was wearing a red long-sleeved polo.

There was a thick hair above his lips, he got the broad shoulders, and a firm-shaped face.

Napansin niya ang presensiya ko dahilang magkatinginan kami. I just showed a smile in which he did the same. He had complete and distinct teeth.

Sumilip si Nathan sa kanyang orasan at gayong nakahawak ako sa braso niya, nagawa kong makita kung saan nakatuon ang kamay ng kanyang relos.

It's already six in the evening at halos napupuno na'ng tao ang buong paligid. I guess I don't have to worry about being arrested tonight since I'm with Nathan.

"It seems like you couldn't miss this season, Nathan," I can barely hear him despite the intriguing noise from the crowd.

All were completely ready.

"Look at the ring....How 'bout the chain?, It shows that this season is more exciting compared to the last one," he added.

Hindi ko magawang tumingin sa isang sulok. Halos nabubulabog ang buong paligid dahil sa hindi makontrol na ingay.

Honestly, I've been feeling uncomfortable ever since I got inside the fighting circuit.

"You alright?" ngayon lang ako napansin ni Nathan.

I nodded and showed him my most alluring grin.

"Can I roam around?" tanong ko sa kanya.

Alam kong narinig niya ang sinabi ko sa kanya. He would rather act like he didn't hear me. "Nathan?" muli kong pagtawag sa kanya.

Ako na mismo ang humiwalay sa kanyang braso. Pero bago pa ako makaalis ay naramdaman ko na lamang ang nakagapos niyang kamay sa aking bisig, napatingin ako roon.

"You couldn't," he whispered dangerously.

He tightened his grip to my arms. Nagpatianod na lamang ako sa kanya.

"If I'm not mistaken, she's your girl?" tanong ng lalaking kumakausap kay Nathan kamakailan.

"Nope. My PA to be exact," nakangisi pa ang gunggong habang sinasabi iyon.

Kung hindi lang siya isang Abueldo, hindi lang siguro masasakit na titig ang higaganti ko sa kanya. Marahil ay makakatikim siya ng isang malakas na bigwas sa kanyang makinis na itsura nang sa ganun ay madungisan man lang ito.

Tinutok ko ang aking mukha malapit sa kanyang tainga. Maingay dito kaya sinisigurado ko na maririnig niya ako. "What? Anong sinabi mo, ako PA mo? Akala ko bodyguard?" nagtataka akong napakamot sa ulo.

"Pareho lang 'yon," maikli niyang pagtugon.

"Baka bodyguard sa kama ang tinutukoy mo, Abueldo?" pabulong kong sabi.

I smiled secretly afterward. Hindi man lang siya naka-react sa binulong ko sa kanya.

"Leave us now, Bryan. Maaari ka nang bumalik sa loob doon," mahina niyang sabi.

"Magkikita na lang tayo ulit, Nathan," was all he said. Kumindat pa ito sa akin bago tuluyang umalis.

Apparently, the sudden changes in this place began to start. Kanina ay puro lang sigawan at hiyawan ang naririnig ko. Ngayon ay may tugtog at nagpupustahan na, malamang magsisimula na ang laban.

Maya-maya lang ay nakaabot na kami sa aming magiging pwesto.

I began to wander again — it seemed like the huge warehouse will about to explode. Halos sasabog na ang lugar dahil sa sobrang ingay.

Nathan guided me and showed me a sit. Umupo na kami nang tuluyan nang magsalita ang announcer. Umangat ako para masisilayan ko kung sino nagsasalita.

It's him, Bryan.

He's wearing the most appropriate suit as an announcer. Kanina ay nakasuot lamang ito ng kulay dugong polo, ngayon ay nakabalot na ito ng itim na tuxedo. Dahil doon, ngayon ko lang napansin ang mahaba niyang buhok.

"WELCOME TO THE CIRCUIT!" his opening made the whole people scream and shout for more.

The ones who tried to climb caught my attention. Siguro isa kami sa mga VIP dahil nga'y may nakaharang na mataas na barricades sa pagitan ng puwesto namin at sa labas na nanunuod.

"Okay ka lang ba?" Nathan tapped my shoulder. Pasimple akong umayos ng upo.

"It smells bad here," sabi ko.

"You'll be used to it," he answered me without breaking the good rapport with the announcer.

I got deep and lungful breathes and expelled exasperated sigh. "Masasanay din ako, like what you've said," segunda ko.

Even though I said that I will be used to these, still I'm disgusted with an idea being here.

Muling nabalik ang aking atensiyon kay Bryan.

"Like what I always said before the fight will begin, choose your bet and think how much you will earn after these," his grins couldn't be erased. I began to ask myself if how much did he earn too for making these things as a living?

Did he earn lots of bills?

Muling umikot ang aking paningin. Naghihiyawan ang mga nasa labas ng VIP section. Halos susuko na ang nakaharang na barracades dahil sa dami ng taong pilit umakyat papasok sa loob.

Karamihan sa mga nasa harapan ay gigil na gigil sa anumang mangyari; may mga babaeng nasa tingin ko ay mas na-e-excite nang malaman kung sinu-sino ang maglalaban sa ring.

Bet, it's because of the hot-as-fuck fighters!

Dumako ang tingin ko sa dalawang halos walang pakialam sa kanilang paligid. They're making out — tongue to tongue, breasts to the chest and all over that. As if the noisy surrounding wouldn't interrupt them.

Gosh, I can't stay longer here. Like I'm about to vomit what I've got inside my stomach.

Bumalik na lang ang aking atensiyon sa tapat.

Wala pa ngayong lumalabas na imahe ng mga magkakalaban-laban. The above huge screen showed the biggest event tonight. The Fighting Circuit.

"You have to choose your icon or your bet before the game will start. Remember switching of an icon is not allowed and you will suffer if we caught you," he said directly to the point which made everyone stop from shouting and doing any negotiations.

"This is the fighting circuit, and get ready to make this night as shit-as-fuckers!" noise began to start again.

"I can't wait to seduce the hottest fighter tonight," I heard her again, she giggled like I wasn't here.

I just rolled my eyes after hearing those.

"Why seems so quiet, woman?" Nathan interrupted my thoughts.

Tiningnan ko lamang siya kahit na gusto kong itanong sa kanya kung nag-eenjoy ba siya rito o nabobored kagaya ko?

"Alright! Mouth almost closed. On your right corner, the newest fighter Ebmar — The Wild Dog!"

Nagsigawan ang lahat ng tao at may ilang tumahimik na lamang. Iba't ibang reaksiyon ang nariring ko. May ilang sumisigaw ng "talo na 'yan!" na agad din namang binabangayan ng ibang sumusuporta.

"I know that all here are excited about his comeback. On your left side, the ones who were once known a legendary — revolutionary, even. The one whom you call 'Sin Rheox'!"

He's wearing a satin red cloak which means that he has a higher title compared to his opponent standing on the other corner.

Sa kanyang paglabas doon nagsimulang umingay ang mga tao. I guess everyone's bet him. The whole place was about to explode in which I can barely say most of them extremely want to set wildfire.

Halos hindi humuhupa ang bangayan ng dalawang panig. Lalong sumiklab ang mga tao at nagsimulang sumigaw ng sabay sabay. Everyone began raising their fist and hollering SIN! SIN! SIN! SIN! SIN!

"Nathan, why they're making a chant Sin?" nagtatatakang tanong ko.

"Just watch them and don't mind what they're doing," that's what I only got from him.

Dumako ulit ang atensiyon ko sa Sin na tinutukoy ng karamihan. I don't know him completely. Ngayon ko lang narinig ang pangalan nito.

For sure, almost who was here believes the legendary or even revolutionary 'Sin Rheox'.

He started to acknowledge his fans and summoned everyone to shout his name again in unison. Napataas na lang ang kilay ko dahil sa mga nangyayari. Halos ikakamatay ng iba ang pagsisigaw ng pangalan nito.

"What the fuck, Nathan! I can't sit here anymore, hindi ko na kaya rito!"

Tinapunan niya lang ako ng tingin. Wala siyang pakialam sa akin, tanging nakatuon lamang ang mga mata niya sa Sin Rheox na iyon.

"Nathan!" untag ko sa kanya.

Bumalik na lang ako sa pagkakasandal sa aking upuan.

The warehouse explodes.

Sin Rheox firmly standing inside the ring like his opponent who did nothing but threw sharp glances towards him. Kagaya ng imahe niyang nakalagay sa screen, mayroon itong naglalakihang kamao na halos magagawa nitong itupi ang bakal. Malulusog ang kanyang mga braso't balikat. Kasing tibay ng cementadong pader ang kanyang naglalawakang dibdib.

Maya-maya lang ay hinubad nito ang hood na tumatago ng kanyang buong mukha. He then spread a wide smile to us.

Halos nabulabog ang pag-iisip ko nang tuluyan ko siyang namukhaan. Nakita ko na siya noon pa man. Hindi ako puwedeng magkamali dahil naging customer namin siya noon sa restaurant na tinatrabahuhan ko.

Siya ang gustong kumausap sa akin na tinanggihan ko! That's him to be exact!

My breath goes insane and my beat wasn't normal. Naghuhuramentado ako dagdagan pa ng maingay na sigawan ng nandito. Akma na sana akong lalapit kay Nathan nang napatigil ako dahil may nakisawsaw.

"Nathan, I know that you had been waiting for legendary Sin Rheox inside the ring. Seeing him there, he changed a lot."

Muli na namang lumitaw ang linta na nakasalubong namin kanina sa pagpasok namin sa loob ng warehouse.

"We can't bring back time, Nathan. Kung hindi lang sana nangyari ang kamaliang nagawa mo noon, siguro'y nasa ring ka pa hanggang ngayon," nagawa pa nitong haplusin ang pisngi ni Nathan.

Tumingkad ang init ng ulo ko, gusto kong iwasiwas ang nakakapangigil niyang mukha.

"Nostalgia does happen unexpectedly, doesn't it?" dugtong pa nito.

Napaisip ako sa sinabi niya. Ano bang kinalaman nito kay Nathan?

"I don't think so, Rhelm. Kahit isigaw mo pa ang pangalan ko, hinding hindi ako babalik sa ring dahil kontento na ako sa buhay ko ngayon," mahinang tugon ni Nathan. Naramdaman ko pa ang pag-iwas ng tingin nito bago muling nagsalita.

"I don't need the money anymore, I have them all."

Napakunot noo ako. Huminga ng malalim at napaisip.


O n e
M o r e
D r i n k

Copyright © Claw Marks

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top