07 | ketana

07

k e t a n a

Umalis nang sandali si Nathan, gusto ko sana siyang tanungin about sa sulat niyang pinadala sa akin noon. I have this gut feeling na bukod sa sulat ay may iba itong pakay. Sino bang baliw ang hindi gustuhin ito?

Dalawang araw na'ng nakalipas, ngayon ay tila nga bang nananaginip ako. As what I've said, gusto ko si Nathan. Sino bang hindi magkakagusto sa isang Abueldo? Mayaman na ang pogi pa!

Kaya imbes na umupo lang ako rito sa kama, kinuha ko ang pagkakataong gumala sa loob ng kanyang kuwarto. May kalakihan ito. It has a life-sized mirror where you can check yourself in the early part of the day. Makikintab ang bintana at hindi madaling basagin. Sumasayaw kasabay ng paghampas ng hangin ang mga kurtina, nanunuyo na ako'y humarap sa bintana at tingnan ang imahe ng nasa labas.

Inikot ko ang bawat sulok at wala rin naman akong nakitang kahit anong gamit ng babae rito sa loob. Siyempre, alam niyo naman kung ano ba iniisip ko. Hindi naman puwedeng mawala ang pagdududa ko. Wala namang gwapo na hindi nangangalakal ng babae. Siyempre kailangan din nila minsan ang magpainit ng katawan at mag-hang-out na liberated ang mga kasama.

Dinala ako ng aking mga paa sa loob ng cr, doon ko lang napansin na gusto ko na pa lang umihi. I began to unzip my short shorts when I just realize that I'm wearing unfamiliar lose white-sized polo. I held the corner of my collar and quietly smelled the scent from it. It was very soothing to my sensations like I'm breathing pure Aveda. 

Nalanghap ko ang amoy niya. And somehow, it smells rich, refreshing and spicy aroma.

Umupo na ako at nilabas ang ihing kanina pa nanunudyo sa akin.

"Ketana," narinig ko ang baritono nitong boses na nagmumula sa labas.

Hindi pa ako natatapos, alangan namang tatayo ako habang umiihi. 

I'm almost finish and about to reach for the doorknob. Eksaktong pagbukas ko ng pinto ay nadatnan kong.... huhubarin na niya sana ang tuwalyang bumabalot sa kanyang pang-ibaba nang magulat ito dahil sa biglaang pagbukas ko ng pinto.

"Ketana, please show off!" malakas ang pagkakasabi nito sa akin. Feeling ko tuloy ay parang sasabog ang ear drums ko dahil sa lakas ng kanyang boses.

Napatulala pa ako ng ilang segundo bago kumilos. Pero nag-panic ako dahil sa kanyang mga matatalim na tingin sa akin. I won't be startled if he doesn't shout my name.

"Bilisan mo before I completely got naked," malutong ang mga salita na lumabas mula sa bunganga niya.

Maingat ang bawat paghakbang ko, one mistake could be possibly an equivalent of his torturous shout.

"And don't ever try to knock once I got inside," tinuturo niya ang pinto kung saan ako nanggaling.

Ngayon ko lang ulit siya nakitang galit. Mabibigat ang bawat bagsak ng kanyang talampakan sa sahig. He's giving me the chant not to start a fire with him; he might swallow me whole leaving nothing.

"Wala akong naririnig," pagmamatigas ko.

Hello, I prefer to tease him!

"'Wag nang sumilip pa baka hindi mo magugustuhan ang makikita mo, Ketana," sabi pa nito nang makita akong sumilip sa peephole ng pinto rito sa cr.

Ang laswa ko talaga kahit kailan. Mukhang dinadalaw ako ng libog ko ngayon. Now I know why boys and girls have different comfort rooms, why it must be separated. Simply because opposite sex attracts. Naalala ko tuloy ang mga lessons namin sa physics noong nasa elementarya ako.

Similar poles repel, opposite poles attract.

Pinalipas ko ang ilang segundo bago muling lumabas. Akala ko sisigaw na naman siya sa akin. Hindi naman awkward sa akin ang makita siyang walang damit sa itaas. Bagkus gusto ko pang wala siyang damit, siguradong mabubusog ako at hindi ko na kailangang mag-almusal.

May Nathan na ako, may instant breakfast pa!

"'Wag mo kong titigan, alam ko naman kung saan dadako 'yang makasalanan mong mata." ngumisi pa siya pagkatapos. Ibig kong tarayan siya dahil sa kanyang inasta. Subalit mas gusto ko pa nga'ng ngisihan siya at akitin.

"Please don't look at me intently," sabi niya habang inaayos ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga malilikot na daliri.

"Bakit kasalanan na ba ang tingnan ka?" pagbibigay ko ng suhestiyon.

Tumigil siya at inangatan ako ng tingin.

Kumurap ako kaya hindi ko nagawang makita ang marahang pag-angat ng kanyang braso para isuot ang puting shirt with collar.

"May itatanong sana ako," tugon ko at hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na nasa mood pa siya ngayon.

"Spill it out," mabilis niyang sabi.

Ngayon ay nag-aayos siya ng kanyang pantalon at nagsara kaagad ng zipper nito.

Napakagat labi ako habang minamasdan ko ang pagsara ng butas sa bandang iyon. Wrong timing hindi ko makikita kung anong kulay ng brief ang suot niya.

Look who's getting wet in here....

"Para saan ang letter?" mahina kong sabi pero tiyak akong narinig niya iyon.

Tumigil siya sa kanyang ginagawa at tinapunan ako ng mga nakakaakit na tingin. Muli na naman akong nakulong sa mga tingin na 'yan.

"Bakit ka napatigil?" nagawa ko pang tanungin siya sa kabila ng mga pagsangga ko laban sa mga nakakamatay niyang pagtitig.

Napalunok ako ng laway nang wala sa oras. Gusto kong takpan ang itsura ko dahil hindi ko na talaga kaya ang mga titig niya. E, mukhang gusto ako nitong patayin!

"It's good that you remind me about the letter," malamig ang mga tinig niya ngayon. This wasn't a good idea, after all. Why I reminded him?

The two-letter word "Eh?" was all I said.

"I began to look for you after the one-night-stan--" napatigil siya.....pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. I  guess, he doesn't want to hear from me what we've been through....to what we've done uncontrollably. 

"Bakit gusto mo akong makita?" hindi ko kinaya ang naging sagot ko. Tama ba? O baka iba ang dating ng mga salita ko sa kanya? Mukhang nagpapademure ang tono ng boses ko. Sa totoo lang, never ko pang nagamit ang pademure style ng pagsasalita. Baka mapagkamalan niyang malandi ako sa paningin niya?

"Because I want you to be my personal bodyguard, my escort," everything went so fast after hearing those words from him. Nag-loading pa ang utak ko sa sinabi niya.

Am I right? Did I heard him right, didn't I? Halos mawindang ang buong pagkatao ko. Is he really for sure? Did he meant woman as his personal bodyguard, didn't he? I had praised all the saints and finally, the answers have come to end. Gusto kong maglupagi't maglupasay sa sahig dahil sa sobrang kawindangan.

"Bakit ako?" nakatunganga pa rin ako sa kanya. Kung nakakapasok lang sana ang mga langaw dito sa loob, sigurado akong pinuno na nila ang bunganga ko.

I expelled a sigh and my shoulders went slightly down. If I can only see my invisible long hair, it would about to reach the heavens from now.

"You're one of the distinctions in this world," nakaramdam ako ng mga lumilipad na paru-paro sa loob ng aking tiyan.

Distinction? As in kakaunti na lang ang kagaya ko? Kahit medyo masungit ang pagkakasabi niya, kinilig ako sa part na 'yun. Feeling ko ay ang ganda ko tuloy.

"'Wag mo kong sabihan ng ganyan, Nathan. Alam ko kung ano ang mga nasa likod niyan," tinuro ko pa siya sa bandang dibdib. Napahawak ang isang kamay ko sa aking beywang, kaya nagmukhang nanay ako na nangangaral sa kanyang anak.

"Bakit ayaw mo bang tinatawag kitang distinct?" hindi ko na talaga kinaya ang pagiging distinct sa lupang ito. Aminin natin, gusto ko si Nathan. 

It's just because I wasn't informed about this, was I? Nabigla na lang ako sa mga bagay na nangyayari sa akin.

Una, ang katangahang ginawa ko sa bar noon. I can still remember every scene. Next ang away namin kahapon nang dahil lang sa pedicab na sinakyan ko. Muntikan pa akong mabangga at halos mapatay ng kupal na 'to. Now, magiging bodyguard in disguise niya ako.

After all, my perception of him won't change. Siya pa rin ang Nathan na gustong-gusto ko.

"No response so it meant yes," he added more weal, mas lalong nadagdagan ang kilig na nararamdaman ko ngayon.

Kung nakakamatay lang ang kilig na 'to, kanina pa'y inatake na ako.

Bahagya akong napasandal sa pader. Gusto ko mag-walling dahil sa tuwa at ligaya. Kinuyom ko ang aking kamay sa tapat ng aking dibdib. Kahit minamanhid ako ngayon dahil sa sobrang kilig, ramdam na ramdam ko ang panay nang pagbilis ng tibok ng aking puso.

"Are you okay?" natauhan ako nang hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

Omygod, hindi ko napansin na totoong nag-wa-walling na pala ako. Tuluyan nga akong nalunod sa sobrang hibang at pagdidiliryo ng aking isipan. Para akong lunatikong babae na pagala-gala sa kalawakan ng Maynila.

"Let's go downstairs, our breakfast is waiting for us." walang kaemosyong sabi niya. May ilang butil ng tubig ang dumadaloy sa hibla ng kanyang buhok. Gusto kong ibuka ang aking bibig at hintayin hanggang sa pumatak ito. Subalit, nakakahiya naman na pati ang pag-gapang ng tubig galing sa buhok niya'y iinumin ko pa.

It took me a couple of seconds to remain from my position. We met each other's eye and exchanged of breath was also at the same time.

"Off with that stares, we're just wasting our time," ako ang unang sumuko dahil hindi ko talaga kaya ang tumitig sa kanya ng matagalan.

Binuksan ko ang pinto, parang ako ang may-ari ng bahay na 'to dahil mas nauna pa akong bumaba sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay naramdaman ko ang presensiya niya sa aking likuran. Umakbay pa ito sa akin nang naabutan niya ako. Ang bigat ng braso ng bakulang 'to, siguro mas mabigat pa 'to sa weight ko. Totoo naman na talagang mabigat ang mga ito dahil nga'y malaki siyang tao. Kung malaki siyang tao, siyempre double size ang laki ng ano niya...

"Nay Carling, you can take a rest...kaya na namin 'to," nakangiti siya nang tumingin sa kanya ang tinatawag niyang Nay Carling.

"Magandang umaga po," sabi ko at tango lamang ang natamo ko sa matanda.

Tiningnan ko ulit si Nathan. Aba, ang lawak ng ngiti niya sa harapan ni Nay Carling pero kung kami nang dalawa ang magkasama, mailap lumabas ang mga ngiti niya. Masubukan ngang ihampas ang silya sa gunggong na 'to!

"Sige, kayong nang bahala rito. Maliligo pa ako," sabi na ng matanda habang inaayos niya ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa.

Huminto siya saglit at saka tumingin kay Nathan. "Nga pala, ako nang bahalang lumigpit ng inyong pinagkainan pagkatapos. Tawagin mo lang ako, anak," dagdag pa nito.

Hindi pa ako nakakaupo, kaya naman ako na mismo ang naghanap ng upuan ko. Nahiya naman kasi ako kay Nathan, napakagentleman niya talaga. Hayss. Kung hindi lang kita gusto siguro tinadyakan na kita.

"Don't worry, Ketana will fix all of these after," kahit napakahina ng pagkakasabi niya, parang naka-max ang volume pagdating sa akin.

My fists bulges, my mind curses him to die. Ngumisi pa ito nang tiningnan ko siya. Nakakahighblood na talaga.

Fact: Filipinos are very known to be hospitable in any matter

Mukhang hindi pinoy ang Nathan na 'to?! Mukhang gusto pa niya akong maging mayordoma ng bahay na 'to?

"Maligo ka na. Everything is fine, don't stress your self too much, Nay Carling," malambing pa niyang sabi habang ang mga nakakalait niyang ngiti ay....... sinasampal ako ng ilang beses.

"Salamat," sagot nito at tuluyang lumisan.

Nang alam kong malayo na ang matanda, lumipad ang kutsara patungo kay Nathan, agad niya itong nasalo. Hindi naman sa nagulat ako, totoo naman kasing mabilis ang mga reflexes niya.

"Akala ko bodyguard lang? Bakit nasama pa ang mga ito sa magiging trabaho ko?!" nagtatakang tanong ko.

"Sinisigawan mo ba ako?" mahinahon niyang sabi.

"Tinatanong kita, lalaki!" hindi ko kasi makontrol ang sasabihin ko. Normal na sa akin ang ganito kalakas na boses.

"Don't touch the food. Like what I've said, you will suffer," matatalim ang mga titig niya ngayon.

Lumukob ang kaba sa aking sistema. Sana kakainin na lang ako ng lupa!

O n e
M o r e
D r i n k

Copyright © Claw Marks

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top