04 | ketana
04
✍
k e t a n a
Bago pa ako makalabas mula sa aking tinatrabahuhan, naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa bulsa.
"Ma, kamusta!" masigla kong sabi.
Naririnig ko ang ingay ng aking mga kapatid sa kabilang linya.
"Anong kamusta ka d'yan?! Higit isang buwan ka nang hindi nagpapadala sa amin. Wala na akong maibibigay na pera para tustusan ang pangangailangan ng mga kapatid mo!" nilayo ko ang speaker sa aking tainga. Kay ganda ng umaga ko tapos sisirain lang ng ganito? Hay, nakakainis na buhay 'to.
"Ma, alam mo namang delay ang pamimigay ng sweldo ko. Pagpasensyahan mo muna kung hindi pa ako makakapagpadala ng pera sa ngayon." I apologized.
"E, kung wala ka namang may ibibigay sa mga kapatid mo, mas mabuti pang tumigil na lang sila sa pag-aaral! Pareho lang kayo ng ama mo, aalis para makatakas sa impiyernong buhay na 'to!" hindi ko alam kung bakit napatulo ang luha ko.
Ang Papa ko ay hindi naninirahan dito sa Pilipinas. Nagkakilala sila ng Mama ko sa isang restaurant. Medyo matagal na rin iyon dahil nasa kapanahunan pa ito nila Mama at Papa nang sila'y mga binata't dalaga.
Please be strong my child, you will grow stronger if you do so.
Naalala ko ang mga sinabi noon ni Papa bago siya umalis. Nahihiya akong sabihin na half-blooded ako kasi nga'y palagi akong sinasabihan ni Mama na huwag ipagkalat na isang Russian ang tatay ko. Oo, maraming lalaki si Mama, minsan nga'y nagtataka na lang kami kung bakit paiba-iba ang mga lalake na dinadala niya sa bahay.
Truth be hurt, I was born poor. Pero hindi iyon ang humadlang sa akin na sumuko sa buhay. Sa totoo nga'y naaawa ako sa mga kapatid kong iniwan ko sa Iloilo.
Naghanap ako ng trabaho rito sa Manila para mapaaral sila. Pero kahit anong kayod ang ginagawa ko hindi pa rin sapat ang aking sweldo para tustusan silang lahat.
"Walang kwenta! Sayang lang ang load na ginagastos ko para makatawag lang sa'yo!" napaupo ako sa stairways. Kita ko ang biglaang pag-iba ng kulay ng kalangitan. . . marahil ay uulan na naman sa mga oras na 'to.
Is it true? You can feel the wonder from the eyes of a child? But I don't remember seeing anything magical when I was a child.
Nag-umpisa ang lahat nang nagkahiwalay sina Papa at Mama.
The pain started to dig deeper. . . and it become the devoid of my life. Ang dating matiwasay na buhay ay napalitan ng gulo. Ang dating maingay na bahay ay napalitan ng kalungkutan. Gusto kong makatulong subalit wala akong magagawa noon dahil musmos pa lamang ako.
That was the only time I had seen myself so powerless.
Nagdesisyon akong umalis nang walang paalam. Ang gusto ko lang naman ay tulungan ang aking mga kapatid.
Am I a bad child?
Mali bang iwan sila? Mali bang tumulong? Mali bang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko?
Is it my mistake that I left them?
No! Tama ang naging desisyon ko; tama na umalis ako; tama para matulungan ko ang mga kapatid ko. I couldn't help myself but wonder...
"Ketana? Okay ka lang ba?" I stood up and wiped my tears.
"Wala 'to, Ma'am. May pinagdadaanan lang," ngumiti ako kay Ma'am Jasmin, ang manager na sinasabi kong nakahuli sa akin nang gumapang ako sa ilalim ng mesa.
"Sumabay ka na lang sa akin. Mukhang uulan baka mahirapan kang makahanap ng masasakyan," she offered me to take a ride with her but I insisted to stay.
"Salamat. Pero hindi ako makakasabay dahil may hinihintay pa ako," pagdadahilan ko.
Agad din naman siyang pumasok sa kanyang sasakyan. I waved my hands as a sign of saying goodbye, she did the same.
Muli akong tumingala sa ibabaw. May ilang patak ng tubig ang dumaloy sa aking pisngi. A sign that rain is heading to my place.
Nanumbalik na naman sa aking isipan ang aking mga kapatid.
Kamusta na kaya sila? Nakakain ba sila ng tatlong beses sa isang araw? Nakakapag-aral ba sila ng husto?
That was the only thing that reigns my mind. Sila ang dahilan kung bakit ako nandito. I want to give them a magical childhood experience.
Unlike mine, it was all covered by pain and disappointment. Kaya lumaki akong may takot sa mga taong nakapaligid sa akin.
If they judge me by my past.
"Well, I will rather not be affected by it."
If they said that I'm useless.
"Well, I will rather be stronger than powerless."
That's how my childhood experience taught me - be strong always, be strong.
Ba't ang drama ko ngayon? Baka epekto lang ng kinain ko kanina?
Bago pa ako makatayo ay bumuhos ang malakas na ulan. I just let myself being showered by rain. Ganoon din ang ginawa ko, I let my tears pour down and sting my eyes. Wala akong maisip na kahit ano kundi ang makahanap ng pera para sa mga kapatid ko.
Nathan.
Nathan.
Nathan.
Nasaan ka?
Naalala ko ang sulat na natanggap ko kanina. I'm sure na baka may naghihintay na grasya roon. Medyo may kalayuan ang residence ng mga Abueldo.
Susubukan kong pupunta roon ngayon. Teka, kung pupunta ako ngayon baka iisipin ni Nathan na masyadong atat ako? My inner thought mumbles.
Naghanap muna ako ng masisilungan. Kinuha ko mula sa aking bulsa ang aking phone at sinuri kung okay pa ba ang sarili ko. Anak ng pating! Nagmukha akong basang sisiw. Bakat na bakat ang suot kong brassiere. Nangingitim ang bibig ko dahil sa lamig.
Muli kong tiningnan ang lock screen ng phone ko, alas kwatro y medya pa lang ng hapon ngunit parang gabi na.
"Miss sasakay ka ba?" isang pedicab driver ang nag-alok sa aking sumakay.
Tulad ko, nangingitim din ang bibig nito at kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang tuhod dahil sa lamig. Ngayon ko lang napagtanto na malakas ang buhos ng ulan.
"Sa susunod lang kuya masyadong malakas pa ang ulan," I answered. Tumango ito at saka nakisilong sa sinisilungan ko.
"Ah, kuya pwede bang magtanong? Alam mo ba kung saan ang residence ng mga Abueldo?" kahit nilalamig ako ay nagawa ko pa ring ngumiti kay kuya driver.
"Kung mansion nila ang tinutukoy mo, malapit lang," agad namang kumislap ang mata ko nang matapos marinig ang sinabi niya.
"Kung gusto mo ihahatid na lang kita," he offered me for the second time.
Gusto ko sanang tanggihan subalit naalala ko na mahirap pumunta roon lalo nang imposibleng tumigil ang malakas na buhos ng tubig mula sa kalangitan. I cursed the plants for needing a rain.
Tinanggap ko ang alok ni kuya driver. Kahit medyo madulas ang daan tinuloy niya pa rin ang bumiyahe. Medyo kabado ako ngayon lalo nang papalapit na ang gabi.
My phone vibrated inside the pocket of my skinny jeans. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag-text.
From April: +63**********
Nasaan ka? Ba't wala ka rito sa kwarto mo?
I read her message. Hindi ko na nagawang sumagot sa kanya dahil masyadong mahirap sa akin ang tumipa lalo nang lumulundag ang pedicab na sinasakyan ko.
Biglang huminto sa pagmaneho si Manong driver. "Anong problema?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Pasensya na Ma'am, may dadaan kasi," tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya.
Isang high class na Hammer ang dumaan. Heavily tinted ang window shield kaya hindi ko masyadong maaninag ang nagmamaneho sa loob.
"Ba't ang bastos naman ni---" napasigaw ako nang matalsikan ng putik ang suot ko.
Walang hiya, hindi niya ba nakita na tumigil kami para bigyan siya ng madadaanan? Ganyan nga ang mga mayayaman sa ngayon, wala silang sinasanto. Kahit sino ay kaya nilang apak-apakan!
"Manong, please stand by," utos ko sa kanya.
Hinabol ko ang sasakyang dumaan kamakailan. Wala akong pakialam kung mabasag ko ang salamin nito.
"Kung sino kamang nasa loob diyan, lumabas ka!" pinagsusuntok ko ang window shield. Siguro sapat na ito para malaman niyang hinahamon ko siyang lumabas.
"Hindi mo ba alam kung ilang buwan kong pinag-ipunan para mabili ang damit na 'to?" huminga ako ng malalim para makakuha ng buwelo. "Will you please hop outside and face the casualty you made?!"
"Ma'am, pabayaan mo na lang siya," narinig ko mula sa aking likod ang pagpigil ng pedicab driver na sinakyan ko.
"Sa tingin mo titigil ako? E, paano kung nabangga niya tayo?" I shouted back.
Hindi ako tumigil sa ginagawa ko. Wala akong pakialam kong mayuyupi ang sasakyan niya dahil sa suntok ko. Ang gusto ko lang naman ay lumabas siya at humingi ng paumanhin sa akin.
"Ma'am, nasaan na ang bayad? Bibili pa ako ng panghapunan namin," pagmamakaawa niya.
Tumigil ako, inabutan ko siya ng pera.
"Sige mauna ka na, kailangan ko lang bigyan ng leksyon ang muntikang bumangga sa atin." was all I commanded and he followed my order.
Muli akong tumakbo, hinahabol ang sasakyan.
Tinipon ko lahat ng aking lakas.
"You should pay for this," I gritted my teeth. Pinapaulanan ko ng mga suntok ang sasakyan; hindi ako nakontento sa simpleng suntok lamang datapwat may kasama pang sipa at hampas ng putik.
Maya-maya ay tumigil ito at saka bumukas ang pintuan mula sa driver's seat.
Mabilis akong tumakbo at matalim na tiningnan kung sino ang nagmamaneho.
"Hindi ka ba natatakot na makabangga ng ibang tao?" malakas pa rin ang buhos ng ulan - kaya nilakasan ko ang aking boses.
"Bakit naman ako matatakot kung ikaw lang naman ang mababangga ko?" kinuha niya ang nakaharang na sunglass sa kanyang mata.
I was supposed to shout again but. . .
"Nathan?" was all I whispered.
I sighed.
He smirked and raised his eyebrows.
♕
O n e
M o r e
D r i n k
Copyright © Claw Marks
Author's Note
✍
Don't forget to bring your umbrella.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top