Chapter 8

Papunta na ako ng school ngayon nang bigla kong naramdaman na may sumusunod sa aking lalaki. Agad kong kinuha ang phone ko sa bag ko para contact-in ang number ni Jake pero hindi siya sumasagot. Jake sumagot ka please..

Nagulat ako nang hatakin ako ng lalaki na kanina pa sa akin sunod nang sunod at dinala sa isang eskinita. Nakita ko ang mukha niya at iyon yung lalaki na nakaaway ni Jake noong nakaraang araw.

"A-anong kailangan mo sa akin?" nanginginig kong tanong sa kaniya.

"Ikaw" maikling sagot niya at itinulak niya ako sa pader. Hinawakan niya ang kamay ko at akmang hahalikan sa leeg pero agad ko siyang sinipa sa maselang bahagi niya. Napahiga ito sa sahig sa sobrang sakit kaya agad na akong tumakbo papalayo sa kaniya.

Hinanap ko kaagad si Jake kung nasaan siya. Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko siya na may kausap na babae. Kulot ito na nakasuot ng cheerleader uniform.

"Hi Jake!" nakangiting bati nito sa kaniya.

"Hello."

"Thanks for the flowers and the letter" ipinakita niya pa ang hawak niyang isang bungkos ng mga bulaklak at isang sobre.

Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin ng babae si Jake.

"Huh? Bakit ka nandito?"

"I'm here to give my answer" tuwang tuwa naman ang mga kaibigan niya habang tinutukso siya sa babae. "You obviously know my answer right?" nakangiting sabi nito. "Sinasagot na kita, Jake. I'm all yours!"

Hindi ko na kinakaya ang nakikita ko kaya agad akong tumalikod. Binilisan ko ang lakad ko papalayo sa kanila habang naluluha. Ayan kase Vanessa, asang asa ka masiyado, tingnan mo tuloy ang nangyari. Ang tanga tanga mo!




Nakita ko naman si Clark na nakatambay sa canteen. Agad ko siyang niyakap. "Anong nangyari?" rinig kong tanong niya. Hindi ako sumagot at nanatiling nakayakap sa kaniya.

"Tahan na, huwag ka nang malungkot diyan." hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang ulo ko. Pinunasan niya mga luha ko gamit ang panyo niya. "Bibilhan kita ng menudo mamaya, kaya smile na my loves. Sige ka papanget ka niyan" asar niya sa akin na ikinatawa ko.

"Wala 'to, ayos lang ako" nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Anong nangyari dito?" tanong niya sa akin nang makita ang pasa sa siko ko. Agad kong tinakpan 'yon.

"Ano, nalaglag ako sa hagdan kanina. Tama, nahulog ako sa hagdan" dahilan ko. Naniwala naman ito at binigay niya sa akin ang lalagyan niya ng tubig na may yelo.

"Ilagay mo diyan, para mawala" inakbayan niya ako at kinuha ang bag ko para dalhin iyon. "Balik na tayo sa room?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako.




Pagbalik namin sa room napansin ko na panay ang bahing at pagkamot ni Clark sa ilong niya. Halos maluha na ito.

"Ano nanaman bang ginawa mo bakit ka nanaman inaatake ng pollen allergy mo?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.

"Ayos lang ako, ano ka ba?" ginulo niya ang buhok ko at uminom ng gamot.

"Haynako Clark, imposible namang bigla bigla ka na lang na-allergy ng ganiyan!"

"Wala nga lang 'to, sige na bumalik ka na sa upuan mo" sabi niya.

Kahit kailan talaga 'to, kung ano ang bawal sa kaniya..





Jake's POV

Nakita ko si Vanessa na naglalakad sa hallway. Lalapit na sana ako sa kaniya nang biglang may lumapit sa akin na babae.

"Hi, Jake!" bati nito sa akin.

"Hello."

"Thanks for the flowers and the letter" lumapit siya sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Huh? Bakit ka nandito?"

"I'm here to give my answer"

"Answer to what?" wala akong naaalala na tinatanong ko siya.

"You obviously know my answer right?" nakangiting sabi nito. "Sinasagot na kita, Jake. I'm all yours!"

Agad akong kumawala sa yakap niya. "Huh? I didn't---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang makita si Vanessa na biglang tumakbo papalayo. Hahabulin ko sana siya nang maalala ko na may kausap pa pala ako.

"Teka lang, what's happening?" gulung-gulong tanong ko.

"Nililigawan mo ko hindi ba?"

"Huh? I don't want to hurt your feelings, pero may iba akong gusto."

"What? So para saan 'tong flowers? I found them in my locker. Pati na rin 'tong love letter. Pangalan mo pa nga ang nakalagay." nakita ko ang pagkagulat at pagtataka sa mukha nito. Dumarami na rin ang mga schoolmates namin ang nakapaligid at nakikiusyoso sa amin.

"I don't know. I don't even know you"

"I hate you!" sabay bato sa akin ng bouquet of flowers at ng letter. Padabog siyang umalis.

Natatawang nilapitan naman ako ni Paul na parang nang-aasar. "Anong nangyari? Bakit nagalit yung chicks na 'yon?"

"Hindi ko nga alam, eh. She came to me telling me na binigyan ko siya ng bouquet ng flowers at love letter. Ni hindi ko siya kilala. Well, she look familiar. Pero hindi ko siya binigyan ng flowers at love letter"

"So, paano nangyaring kine-claim niya na ikaw ang nagbigay sa kanila kung hindi naman pala ikaw?"

"Hindi ko nga alam. Ang nakakagulat bro pangalan ko ang nakalagay sa love letter"

"What? That's odd. Paano nangyari 'yon? If you didn't do that, then who did?"

"Iyon ang gusto kong malaman"

"That's strange. Kung sino man ang gumawa non, posibleng may galit siya sa'yo"

Naiinis ako. Sino naman ang gagawa ng bagay na 'yon? Pero hindi iyon ang priority ko ngayon kundi si Vanessa.

Agad akong tumakbo at hinanap si Vanessa. Nang makarating ako sa canteen, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko siyang umiiyak habang nakayakap kay Clark. Ano ba 'tong nagawa ko? Hindi ko na siyang nagawang lapitan at bumalik na sa classroom.





Pagkatapos ng klase agad kong kinuha ang bag ko at pumunta sa canteen. Pagbukas ko ng phone ko, bumungad sa akin ang 10 missed calls ni Vanessa. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at agad na hinanap si Vanessa.

Nakita ko naman siya sa sea side na nakatulala doon habang umiiyak. "Vanessa.." mahinang sabi ko. Lumingon ito at agad na bumaba sa kinauupuan niya. Aalis na sana siya nang hatakin ko siya. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Alalang alala ako sa'yo" sabi ko sa kaniya. Kumalas ito sa pagkakayakap ko. "Bakit ka nandito? Paano yung girlfriend mo?" seryoso nitong sabi.

"Huh? Mali ka ng inaakala Vanessa. Hindi ako ang nagbigay ng flowers at ng love letter. Hindi ko rin siya nililigawan, I swear" paliwanag ko.

"Okay, aalis na ako" tumalikod ito sa akin pero bigla ko siyang hinatak. Napansin ko ang siko niya na may pasa.

"Napano 'yan?" tanong ko sa kaniya.

"Wala ka na don" seryosong sagot nito. Kumalas siya sa pagkakahawak ko sa kaniya at tuluyan nang naglakad papalayo sa akin.

Bigla namang nag-ring ang phone ko, nang kunin ko iyon sa bulsa ko ay lumabas ang pangalan ni Michael sa screen.

"Bro, si Drake. Remember?"

"Ano meron?"

"Narinig ko lang na pinaguusapan ng mga lalaking ka-course natin na may sinaktan nanaman si Drake. Vanessa raw ang pangalan. Hindi ba kilala mo yung babae?"

Binaba ko na agad ang tawag at agad na hinanap ang walanghiyang gumawa nito kay Vanessa. Magbabayad siya nang malaki!

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko nang makita si Drake kasama ang mga babaeng nakapulupot sa kaniya. Sapo niya ang panga niyang tumingin sa akin. Para akong makakapatay ng tao sa pamamagitan lang ng bugbog sa sobrang dilim ng paningin ko.

"Gago ka! Pati girlfriend ko, sinaktan mong tarantado ka!" galit na bulyaw ko sa kaniya.

Natawa ito. "Iyon lang pala ang kumakalat na balita sa akin? Hindi mo ba alam na hinalikan ko rin siya? Ang sarap nga pare, eh"

"Tangina mo!" isang suntok muli ang pinakawalan ko sa kaniya. He passed out. Iniwan ko na siyang duguan sa sahig at umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top