Chapter 6

Papunta ako ngayon sa library para ibalik yung hiniram ni Bea na libro. Pero bigla akong napahinto sa court nang makita ko si Jake ng naglalaro ng voleyball. Pero halata sa galaw niya na nahihirapan siya dahil sa pilay nito sa paa. Bakit ba kase pinilit niya pang maglaro kahit hindi pa pala ayos ang kalagayan niya?

Papalo na ng bola si Jake nang bigla siyang nagkamali sa tira niya kaya tumalsik ang bola. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko na mapansin na papunta sa direksyon ko ang bola.

"Ilag!"

"Huh?"

Laking gulat ko na may sumalo ng bola ng taong nasa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si Clark na ngayon ay hawak hawak ang bola.

"Kapag naglalaro kayo, paki-iwasan ang pagiging tanga sa game. Makakatama pa kayo ng tao" seryosong sabi ni Clark at hinatak ako papalayo sa court.

"Ano bang ginagawa mo ron? Kung hindi pa kita sinundan ay panigurado sapol ka ng bola" naiinis na sambit nito.

"Hindi ka na galit sa akin?" masigla kong tanong sa kaniya. Hindi ko na inisip ang panenermon niya sa akin, ang mahalaga ngayon kinakausap na ako ni Clark. Hindi ko matitiis na galit sa akin ang isa sa mga kaibigan ko.

"Matitiis ba kita my loves?" nakangiting sabi nito at kinurot ang pisngi ko.

"Heh, bati na tayo ha?"

"Oo naman"

"Kainis ka! Ilang araw mo rin ako hindi pinapansin" bilang ganti, mga palo at kurot ang inabot niya mula sa akin. Habang ito naman ay aray lang nang aray. Tumatawa kaming naglakad papunta sa library.

Nakita ko naman si Jake na nagbabasa roon. Nang magkatinginan kami ay bigla itong sumimangot at umiwas ng tingin. Ano kaya nangyari doon?

"Uhm Vanessa, pwede bang mauna na ako? Baka hindi kita maihatid ngayon, ayos lang ba? Ngayon ko lang kase naalala, anniversary nila Mama at Papa. Babawi ako sa'yo next time." paalam sa akin ni Clark na ngayon ay suot-suot agad ang bag niya.

"Ayos lang 'yon, ano ka ba. Sige na, mauna ka na, ingat ha? " sabi ko sa kaniya. Lumabas na siya ng library habang ako naman binigay ang libro sa librarian.

Balak ko na sana lumabas na ng library ng hatakin ako ni Jake. Nakasimangot ito.

"Aray! Bitawan mo nga ako"

"Paano kapag ayaw ko?" luh ba't ang sunget?

"Teka saan ba tayo pupunta? Pagod ako. Wala akong balak umalis" sabi ko habang hatak hatak niya ako palabas ng ST. CAMERON UNIVERSITY. Huminto kami sa isang Bugatti's La Voiture Noire na kotse. Wow!

"Sakay" sabi nito.

Sumakay na ako passenger seat sa loob nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sino kasama mo?"

"Huh? Si Clark?"

"Kaano-ano mo siya?"

"Kaibigan?"

"Hanggang doon lang?"

"Paano kung hindi, anong gagawin mo?" gusto kong malaman kung ano magiging reaksiyon niya. Nagseselos ba siya? Hays, bakit naman siya magseselos? Ano niya ba ako? Urgh!

"Wala, natanong ko lang naman." sabi nito ng may seryosong tono. Sinasabi na nga ba wala siyang pake eh. "Ihahatid na kita"

"Bago mo ako ihatid pwede bang idaan mo muna ako sa Mall of Asia?" may iniregalo kase si Ate Malou sa akin at binilhan niya ako ng concert ticket ng Got7! Hindi lang isa, kundi dalawa! At dahil maaga-aga pa naman kaya pupunta na ako roon.

"Ano naman ang gagawin mo doon?"

"May concert kase yung Got7"

"Ano naman 'yon?"

"Korean boy band sa South Korea. Minsan lang kase sila pumunta rito sa Pilipinas kaya hindi ko pwedeng palampasin 'yon!"

"Mga bakla naman 'yon"

"Mahilig naman ako sa mga bakla" pinigilan ko naman ang matawa nang mapansin ko na kumunot ang noo nito. "Kaya sige na, idaan mo muna ako doon"

"Ayoko nga"

"Bakit naman? Hindi ka ba mahilig sa mga Koreano. Alam mo bang maraming magagandang mga Koreana doon!"

"Ano naman? Mas maganda ka sa kanila" seryoso nitong sabi. Natigilan naman ako. Ano bang sinasabi nito?

"Ah basta. Crush na crush ko sila. Matagal ko na silang makita sa personal, kaso hindi ako nakakabili ng ticket kapag nagkakataon na may concert sila"

"Umuwi ka na at magpahinga. Sabi mo kanina, pagod ka?"

"Ha? Sinabi ko ba 'yon? Kung sinabi ko nga edi binabawi ko na"

"Bahala ka"

"Dali na kase!"

"Bakit mo pa kase kailangang makita ang mga 'yon, nandito naman ako ah. Mas guwapo naman akong di hamak sa kanila 'no"

"Guwapo ka? Kung sa bagay, sarili mo 'yan. Maganda iyang positive sa buhay"

"Bakit hindi ba ako guwapo?"

Sobra. "Pwede na"

"Anong pwede na?! Nakakasakit ka na ah"

"Basta gusto ko na makita mga asawa ko"

"Asawa? Eh hindi ka nga nila kilala?"

"Ikaw pala 'tong mapanakit ng damdamin eh" sandali akong tumahimik at nagsalita ulit. "Kung ayaw mong sumama, edi ako na lang basta idaan mo na lang ako sa sakayan papuntang MOA" hindi na ako nagbibiro. Gusto ko na talagang makita ang mga iniidolo kong Got7.

Nagulat ako nang ibahin niya ang daan at idiniretso sa daan papuntang MOA. Marupok naman pala.

"Huwag na, sasamahan na kita"

"Talaga?" excited na sabi ko. "Weh! Mukhang napipilitan ka lang eh"

"Ano pa bang gusto mong gawin ko? Sasamahan ka na nga eh" Napakasuplado naman nito. Ayaw kong makipagbangayan sa kaniya kaya tumahimik na lang ako.





Nakipagsiksikan ako sa dami ng mga manonood sa concert ng Got7. Hindi pa nagsisimula ang concert pero ang dami na ng tao.

Nang lingunin ko si Jake ay nakikipagsiksikan din ito, sinusundan ako. Nang malapit na ako makapasok ay para akong artista na pinoprotektahan sa nagdadagsaang iba pang mga fans. Halos yakapin niya na ako. Napangiti ako.

Sa wakas, ay nakarating na ako sa VIP seat ko. Maya-maya ay pinapakita na isa-isa sina Jaebeom, Jackson, Bambam, Jinyoung, Yugyeom, Mark, at si Youngjae. Shet ang guguwapo talaga! Ang lalakas ng sigawan at hiyawan. Nagtakip ako ng tainga at nakitili nang lumabas na ang bias ko na si Jinyoung! They sang a song from their latest album.

Sinulyapan ko naman si Jake na katabi ko. Nakasimangot ito at nakakunot ang noo. Mas guwapo pa rin ito. Kahit na napakasuplado. Napangiti ulit ako.

Nang kumakanta si Bambam ng Ngiti ni Ronnie Liang ay naghanap ito ng babeng makakasama sa stage. Lahat ng tao roon ay nagtaas ng kamay. Itinaas ko rin ang kamay ko baka sakaling mapili pero ibinaba iyon ni Jake. Tiningnan ko siya pagkatapos ay itinaas ko ulit ang kamay ko.

Fuck! Ako ang napili ni Bambam. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakiusap ako kay Jake na kuhanan kami ng picture. Hindi ko na siya hinintay sumagot at agad na umakyat ng stage. Inilalayan naman ako ni Jackson sa pagakyat.

Isang maikling interview ang ginawa sakin ni Jinyoung bago kumanta si Bambam.

Napatingin ako kay Jake na mukhang napipilitan na kuhaan kami ng litrato ni Bambam.

Lalong kinilig ang mga tao nang halikan ako ni Bambam sa pisngi pagkatapos niyang kantahin ang Ngiti. Niyakap ko muna si Bambam bago ako nagpaalam at bumaba sa stage.

"Hoy, bakit naman kanina ka pa tahimik diyan?" tanong ko sa kaniya. Nasa daan na kami pauwi sa bahay namin.

"Wala" matipid niyang sagot.

"Iyang noo mo, kanina pa nakakunot 'yan"

"Huwag mo na nga lang ako pansinin. Alam ko naman na kinikilig ka pa rin dahil sa mga chingchong na 'yon. Ni wala nga ako maintindihan sa kinanta nila."

"Chingchong ka diyan!"

"Dinamay mo pa ako"

"Hoy mister! hindi ko po kayo pinilit na sumama"

"Eh kase naman"

"Ano?"

"Gusto lang kitang makasama"

Natigilan ako. Naguguluhan na ako kung ano ba talaga ang nararamdaman sa akin ni Jake.

"Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?!"

"Nagseselos ako!"

"N-nagseselos ka?" hindi ko alam ang mararamdaman ko. Matatawa ba ako o kikiligin. "P-pero bakit?"

He looked at me, straight in my eyes. "Dahil--- wala kalimutan mo na!" kahit nararamdaman ko kung ano ang sasabihin niya ay nagulat pa rin ako. Vanessa, huwag kang magpapadala sa mga nakakalusaw niyang titig. Hindi tayo marupok!

"Ihatid mo na ako, Jake"

"Okay" maikling sagot nito.

"Jake" tawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin.

"Ano 'yon?"

"Pupunta ka ba sa birthday ni Kuya Paul bukas?"

"Oo. Bakit?"

"Ah, wala. Sige, uwi na tayo." shet magkikita ulit kami bukas!

Naka-uwi na ako at agad na dumiretso sa kwarto. Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Nang ipikit ko ang mga mata ko laking gulat ko na makita ang mukha ni Jake. Nagpagulong-gulong ako sa higaan at hinigpitan ko ang yakap ko sa unan ko. Napapikit na lang ulit ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

**********************
Author's Note: Sa mga hindi nakakaalam Got7 ay isang South Korean boy band formed by JYP Entertainment. Ang grupong ito ay binubuo ng seven members: JB, Mark, Jackson, Jinyoung, Youngjae, BamBam, and Yugyeom. ♡


I'm certified Ahgase 💚 Kaya sa mga Ahgase na nagbabasa, iloveyouuuu all!

At sa mga hindi pa kilala ang Got7, Stan Legends, Stan Visuals, Stan Talented, Stan Got7! HAHAHAHA! Have a nice day guys! ❤️

I GOT7 (Hangul: 아이 갓세븐; shortened to Ahgase (Hangul: 아가새, which also means baby bird)) is the official fandom name for the south Korean boy group GOT7.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top