Chapter 5

Pabalik na ako ngayon sa room namin. Galing ako sa faculty kanina ni Ma'am Claire para ipasa ang editorial ko. And thank God, tinanggap niya rin 'yon, finally.

"Hoy Vanessa, ayos lang ba kayo ni Clark? Nakakapanibago kase at hindi ka niya kinukulit nitong mga nakaraang araw" tanong sa akin ni Bea habang nilalantakan ang dala kong palitaw. Hindi ko na lang siya sinagot at nakikain na lang din ng palitaw.

"Oh andiyan na pala si Clark eh. Hoy Clark, gusto mo ng palitaw? Dala 'yan ni Vanessa" aya ni Bea. Sinulyapan niya lang ako at umupo na sa upuan niya sabay saksak ng earphones sa tenga niya.

"Sunget! Bahala ka diyan, uubusin ko na 'to" inis na sambit ni Bea at tuluyan niya na ngang inubos ang dala ko.

Naaalala ko pa rin hanggang ngayon ang itsura ni Clark noong huli kaming mag-usap. Seryoso talaga siya nang kinausap niya ako. Naiinis ako sa sarili ko bakit ko lang siya iniwan doon mag-isa.

Paglabas ko ng room ay agad kong hinanap si Clark para makipag-usap. Napapansin ko na sa tuwing magkakalapit kami ay palagi niya na akong iniiwasan at hindi ako sanay na ganoon kami.

Noong isang araw, nakita niya ako na kumakaway sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Nang nagdaang araw, nasa canteen ako habang kumakain nang bigla ko siyang matanaw sa di-kalayuan. Hindi man lang niya ako nilapitan. Panigurado sumama ang loob nito noong iwan ko siya.





Lumabas na ako ng room at nagmuni-muni muna sa court. Habang naglalakad ako napansin ko si Jake na nag-iisa. Nakasandal ito sa pader. Nakasaksak ang mga kamay nito sa bulsa niya na siyang dahilan para mas magmukha siyang gwapo sa paningin ko.

Nagulat ako nang mapatingin siya sa akin. Agad naman akong tumalikod at akmang tatakbo na sana nang bigla siyang magsalita.

"Uuwi ka na ba? Pwede mo ba akong samahan mamasyal?" nakangiti nitong sabi. Nakakahawa talaga ang ngiti niya.

"Oo naman, saan ba tayo pupunta?" engot ka talaga Vanessa. Yari ka talaga. Wala ka na talagang kawala. Mai-inlove ka na talaga sa kaniya kapag nakasama mo nanaman siya. babala ko sa isip ko. Hays bahala na.

"Kahit saan" hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng araw na 'to pero alam ko sa sarili ko na masaya ako sa tuwing kasama siya.

"Gusto mo ng ice cream?" tanong nito.

"Basta ba libre mo hahaha" sabi ko na siyang ikinatawa niya. Umupo ako sa upuan na nasa harapan ng ice cream store habang hinihintay siya.

Paglabas niya agad siyang tumabi sa akin. Inabot niya sa akin ang binili niyang ice cream. Masaya ko namang kinuha iyon sa kamay niya.

"Anong kukunin mong course kapag tumuntong ka na ng college?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil hindi ako sigurado kung ano ba talaga gusto ko kunin.

Of course ikaw. "Hindi ko pa alam, eh. Ikaw? Anong kinuha mo?"

"Ikaw, pwede?" binigyan ko naman siya ng masamang tingin dahilan para mapangiti siya. "Just kidding. Civil Engineering, kaya kung ako sa'yo ligawan mo na ako para magkaroon ka ng asawa na Engineer." sabi nito at kinindatan pa ako. Ang hilig mo mangganiyan Jake, kapag ako talaga nahulog, sasaluhin mo ba ako ha?! Kainis.

"Ewan ko sa'yo"

"Okay, magseseryoso na ako. Basta seseryosohin mo rin ako"

"Isa!"

"Okay, titigil na ako." Sandaling natahimik ito at muling nagsalita. "Ano ba nakikita mo sa sarili mo after 10 years?"

"Siguro maging sikat na artista" tanging nasagot ko sa kaniya.

"Artista? Bakit mo naman gustong mag-artista? Kung sa bagay, iyakin ka magiging madali na lang sa'yo 'yon." pang-aasar niya sa akin, pero hindi ko na pinatulan ang pang-aasar niya.

"Kapag artista ka kase, kapag may hinahanap kang tao, magiging madali na lang sa iyong hanapin siya. Lalo na kapag sikat ka" paliwanag ko sa kaniya.

"May hinahanap ka bang tao?"

"Wala naman," bumuntong hininga ako. "Takot kase ako mawala ang mahahalagang tao sa buhay ko. Kaya kung sakaling paghiwalayin kami ng landas, gagawin ko ang lahat para mahanap siya" nakangiti kong sagot.

"Kung sakaling paglayuin tayo ng landas, hahanapin mo ba ako?" seryoso ang tono nito at halatang walang halong biro ang pagtatanong niya sa'kin.

"Hindi"

"Ha? Seryoso? Aray naman"

Kase hindi ko hahayaan na paglayuin tayo. "Aysus, hindi na kita kailangang hanapin, hindi naman tayo malalayo sa isa't isa, lapit lapit lang ng bahay mo, eh." sandaling nagkatitigan kami, pero sinira niya ang moment dahil bigla siyang tumawa.

"Alam mo para kang hindi bata kung magsalita" natatawa nitong sabi.

"Hindi naman na talaga ako bata, ano ba tingin mo sa'kin? elementary student?" inis kong sabi sa kaniya.

"Baby ko" sabi nito pagkatapos ay binigyan pa ako ng nakakalokong ngiti.

"Baby mo mukha mo"

Biglang sumeryoso ang itsura nito. Tumingala ito habang nakatingin sa langit. "Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung ano gagawin ko pagkatapos ko grumaduate, hindi naman ako ang may gusto ng kurso na 'to, kundi ang mga magulang ko. Kaya natutuwa ako na kahit ngayon pa lang, may plano ka na sa buhay mo"

"Mahahanap mo rin ang gusto mo, sundin mo lang kung ano ba talaga gusto ng puso mo" tinuro ko pa ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Napangiti naman ito.

Nagulat ako nang may mga kasing-edad ni Jake ang huminto sa harap namin. Mga apat silang binata na nakatingin sa akin.

"Kailan ka pa nahilig sa mga bata Jake?" pilyong sabi ng isang lalaki habang nakaturo sa akin ang hawak nitong lollipop. Hinawakan naman ako ni Jake sa binti ko habang seryosong nakatingin sa mga lalaki.

"Ano ulit ang sinabi mo?" napansin ko na umigting ang panga nito sa galit.

"Ang sabi ko kailan ka pa nahilig sa mga bata? Patikim naman ako niyan ng kasama mo" ang lagkit tumingin nito sa akin.

Nagulat ako nang tumayo bigla si Jake. "Huwag na huwag mo siyang pagsasalitaan ng ganiyan"

"Ang damot naman nito at ang yabang pa. Hinahamon mo ba ako ha?" naiinis na sabi ng lalaki.

Agad na sinunggaban ng suntok ni Jake ang lalaking 'yon. Yung tatlong lalaki naman hinampas siya ng dos por dos na kahoy sa likod niya dahilan para mapaluhod siya sa sakit.

"Tama na!" sigaw ko pero parang wala silang naririnig dahil patuloy pa rin nila itong binubugbog.

Muling bumangon si Jake kahit puro sugat na ang mukha nito. May nakita siyang sako ng buhangin at hindi siya nagdalawang isip na isaboy sa kanila. Bigla akong hinawakan sa kamay ni Jake at tumakbo papalayo sa kanila. Nang makalayo na kami sa hinihingal kaming huminto sa isang sea side.

"Kapag may nakita kang ganoon, huwag mo kakausapin tumakbo ka kaagad, huwag mo akong gagayahin." sabi nito habang nakatingin sa akin. "Ang lahat ng lalaki ay mga halimaw, kaya huwag ka magtitiwala sa kanila."

"Dapat na ba akong tumakbo?" asar ko sa kaniya.

"Syempre maliban sa akin, kuya mo ko kaya wala kang dapat ipagalala kapag kasama mo ako" sabi nito habang ginugulo ang buhok ko.

"Ganoon ba? hehe. Ahm ano-- Jake tingnan mo 'yon oh ang ganda ng view" pag-iiba ko sa usapan sabay turo sa dagat. Tumingin naman ito sa itinuro ko. Pareho kaming umupo sa malalaking bato para pagmasdan ang palubog na araw.

Nakatanaw ito sa kawalan habang nakangiti. Hindi ko alam bakit sa kaniya ako nakatingin imbes sa magandang view ng paglubog ng araw. Para sa akin kase, mas masaya ako titigan siya kaysa sa dagat.

Napaiwas ako nang tingin ng bigla siyang magsalita. "Babalik tayo rito ha? gusto kong bumalik dito kasama ka" nakangiti nitong sabi. Pumikit siya habang dinadama ang simoy ng hangin. Malamig at sobrang sarap sa pakiramdam lalo na siya ang kasama ko.

"Oo, babalik tayo rito" mahinang sabi ko.

Nilagay ko sa bulsa ko ang popsicle stick na nahulog kanina habang nakikipag-away siya. Sobrang saya ko na malaman ko na nag-aalala siya sa akin. Masaya na ako sa ganito, masaya na akong umibig nang lihim sa'yo. 

******************

Author's Note: Kinilig rin ba kayo sa chapter na 'to? Please don't hesitate to drop a comment. Iloveyou and have a nice day sweetie!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top