Chapter 27

Narinig kong may nagdo-doorbell sa gate kaya agad kong pinuntahan iyon para pagbuksan ang taong iyon. Laking gulat ko nang madatnan ko si Jake na nakatayo sa labas. "Pwede ba kitang mahiram kahit isang araw lang?"

"Huh?" bigla akong nagtaka nang puntahan niya ako dito sa bahay.

"Busy kase---"

"Kahit ngayon lang, please"

Wala na akong nagawa kundi pumayag. Sumakay na kami pareho sa kotse niya. Napansin ko na nakangiti si Jake, pero alam kong nasasaktan pa rin ito sa huli naming pag-uusap.

Bumaba kami sa sea side na pinupuntahan namin dati. Sariwang sariwa pa rin sa'kin ang alaala naming dalawa doon. Nakasaksak ang mga kamay niya sa mga bulsa niya. Ramdam na ramdam ko pa rin yung kilig, katulad nang una kaming magkita. Ang guwapo pa rin niya sa paningin ko, walang kupas.

Ilang taon na ang nakakalipas pero nandito pa din yung pakiramdam, yung kaba, yung bilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya, walang bago. Tangina. Mahal na mahal ko pa rin ang lalaking 'to.

"Pagod na ako maglakad" reklamo ko. Lumingon naman siya sa akin.

"Hawakan mo ang kamay ko, maglalakad tayo ng sabay" nakangiti ko namang tinanggap ang kamay niya.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Huminto kami sa paglalakad. Tanaw na tanaw dito ang paglubog ng araw. Muli kong sinulyapan si Jake, at nakatanaw ito sa kawalan.

Nakapaganda talaga ng view mula dito. At ang lamig ng simoy ng hangin. Napakaaliwalas ng araw na 'to.

Napalingon naman ako nang bigla siyang nagsalita.

"I love you so much, I just want you to be happy Vanessa" nanatiling nakatingin ito sa kawalan. "Even if that happiness no longer includes me"

"Why are you telling me this?"

"I missed you so much Vanessa" hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"J-jake.."

"Pasensiya na kung nahuli ako ha? Hindi ko naman aakalain na ganito ang mangyayari nang sundin ko ang kagustuhan nang mama mo. Patawarin mo ako"

"B-bakit hindi mo na lang kasi sinabi sa'kin ang totoo noon?"

"Dahil panigurado ay tuluyan kang ilalayo nang Mama mo sa'kin at ayokong mangyari iyon. Kaya nagawa kong maghintay. Hinintay kita Vanessa"

Hinawakan ko ang dibdib ko, na parang sasabog na anytime sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Sorry kung wala ako nung mga araw na masaya ka, malungkot ka, nasasaktan ka. Sobra talaga akong nagsisisi" patuloy pa rin ang pag-agos nang mga luha ko. "Nakita ko naman na masaya ka sa kaniya, naibigay niya ang mga bagay na hindi ko naibigay sa'yo. Ako lang naman 'tong panira at sapaw sa inyong dalawa"

Nanatiling nakatikom ang bibig ko. Sobrang sakit.

"Alam mo ba na magmula nang makita kita sa harap ng bahay ko. Hindi ko alam biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ipinangako ko sa sarili ko na iingatan ko ang babaeng 'to," napansin ko na tuluyan na rin tumulo ang mga luha nito. Ang sakit sakit talaga. Deserve ko ba talagang masaktan ng ganito?

"Naaalala mo yung araw na humiling tayo? Alam mo ba na hiniling ko na sana na magawa mo akong hintayin. At kapag nasa tamang edad ka na ay papakasalan kita. Kaso mukhang sa iba mo tutuparin ang wish ko"

"I-I'm sorry Jake.." garalgal kong sabi.

"Don't worry, magpapakalayo ako. Para hindi na rin tayo mahirapang dalawa"

"Iiwan mo nanaman ba ako?"

"Para sa ikatatahimik nating dalawa. If we really meant for each other, tadhana na mismo ang gagawa ng paraan" pinunasan niya ang mga luha ko na kanina pa umaagos sa pisngi ko. "Even if we can't be together in the end, I'm really glad that you were a part of my life"

"Vanessa, kung dadating man yung araw na 'di na tayo magkita. I still wish the best for you."

"Jake, huwag mong sabihin 'yan"

"Dumating ka sa'kin, pero hindi ka maling tao, tatandaan mo 'yan. Tamang tao ka para sa'kin, nasa maling oras lang tayo. Gusto kong malaman mo na ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko" niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan ako sa noo. "Hanggang sa muli Vanessa, mahal na mahal kita" tumalikod siya at sinimulang maglakad papalayo sa'kin.

"Kapag bumilang ako ng tatlo at hindi mo ako nilingon, itutuloy ko ang kasal!" napahinto ito nang sabihin ko iyon.

"Isa!" sigaw ko. Natatakot ako na baka hindi niya ako lingunin pero nilakasan ko ang loob ko.

"D-dalawa!" please Jake.. Lumingon ka..

"T-tatlo.." nagpatuloy na ito sa paglalakad. Hindi man niya lang ako dinapuan ng sulyap. For the second time, iniwan niya ulit akong mag-isa nang umiiyak.





"What are you doing here?" rinig kong tanong sa akin ni Clark.

"Ha? W-wala. Nagpapahangin lang."

"Sure ka?"

"Huh? What do you mean?"

"Sakay!" sigaw nito. Natigilan na ako, wala na akong nagawa kundi sumakay sa sasakyan niya.

"Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?!" pasigaw na sabi ko nang binilisan ni Clark ang pagpapatakbo ng kotse. Napapikit ako sa sobrang bilis non.

"Akala mo ba wala akong alam?"

"Tungkol saan?"

"Sa inyo ni Jake. Tangina, minahal lang naman kita, bakit ito igaganti mo sa'kin? Ano meron ba sa kaniya na wala ako?"

"Ano bang problema mo?! Can't you see?! Ikaw ang pinili ko over him! Ano pa bang hinihingi mo?!"

"Tangina, halata namang napilitan ka lang sa'kin. Oo, kinuntyaba ko si Mama para sabihin na may sakit ako sa puso kahit wala naman talaga. Pero bakit ganito, bakit siya pa rin?!"

"Ibaba mo na ako, Clark!" sigaw ko.

"Hindi pwede. Mamatay na kung mamatay. Basta ikaw kasama ko!"

"Nababaliw ka na ba?!"

"Oo!"

"Watch out!"

Biglang huminto ang sasakyan namin nang mabunggo ito sa isa pang sasakyan. Tanging duguan na mukha lang ni Clark ang tumatak sa isip ko bago ko ipikit ang mga mata ko.

"J-jake.. H-hanapin mo ako.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top