Chapter 25

An hour and half later, nakarating rin ako sa bahay nila Mama. Dahil sa trabaho ko kaya tuwing weekend na lang ako nakakauwi dito. Sinalubong naman ako ni Kuya Paul nang mahigpit na yakap.

"Where's mama?" tanong ko.

"Nasa loob, kanina ka pa hinihintay" sagot nito.

Pagpasok ko sa loob ay agad akong sinalubong ng mga halik ni Mama. Sobrang namiss ko si Mama. Simula nang magkaroon ng alitan sa aming dalawa noong bata pa ako, ay mas lalo kong narealize na para sa ikabubuti ko lang ang ginagawa niya.

"Mama nagugutom ako" naka-pout kong sabi sa kaniya. Kinurot naman nito ang ilong ko dahilan para matawa kami pareho.

"Doon sa kusina, mayroong menudo"

"Alam mo talaga favorite ko ah, ikaw po ba ang nagluto?"


"Oo. Alam ko kaseng darating ka" nakangiti nitong sabi.

"Alam mo ba Mama na marami na akong napagkainan na restaurants. But I didn’t find any food tastier than your handmade food. You are the world’s greatest chef." sabi ko sa kaniya habang yakap-yakap ko siya.

"Anong kailangan mo nak?" natatawa nitong sabi.

"Masama ba na magsabi ako sa'yo ng totoo?" nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Napakaswerte ko talaga dito sa prinsesa ko, ano kayang nakain nito?"

"Yung luto niyo pong menudo" pagbibiro ko. "Pagkatapos ko po kumain, alis tayo Mama."

"Haynako, alam kong pagod ka, kaya magpahinga ka na lang sa kwarto mo"  sabi nito.

"Heh, pagbigyan niyo na po ako, tutal minsan lang po ako nakakadalaw dito" nakangiti kong sabi. Agad naman akong binigyan ng mahigpit na yakap ni Mama.

"Oh siya payag na ako, ihahanda ko lang ang mga labahin ng Kuya Paul mo." paalam niya sa akin.

"Anong maglalaba? Sasama ako 'no" sabi ni Kuya Paul habang nagmamaktol pa.

"Ganito na lang Mama, sasamahan ka namin ni Kuya Paul na maglaba" nakita ko naman sa mukha ni Kuya Paul ang pagkadismaya.

"Magandang ideya 'yan anak. Sobrang namiss ko talaga kayong dalawa. Palagi naman kase kayong busy sa kaniya-kaniya niyong buhay."

"Haynako magdradrama nanaman si Mama. Bumabawi naman po kami eh" masuyong sabi ni Kuya Paul at hinalikan si Mama sa noo.





Pagkatapos ko kumain ay agad kong hinugasan 'yon at lumabas para tulungan si Mama.

Napatitig ako sa kaniya. Sobrang swerte ko sa kaniya. She deserves love, gratitude, and respect. But in our busy lives, nakakalimutan na namin makipagbonding sa kaniya.

"Ano pang ginagawa mo diyan bunso, tulungan mo kami dito" sigaw ni Kuya Paul na ngayon ay nagkukusot ng damit.

Lumapit na ako sa kanila at sinimulang kusutin ang mga damit. Kahit na may washing machine kaming binili para kay Mama, ay mas gusto niya ang mano-manong paglalaba.

Nagulat ako nang lagyan ako ni Mama ng bula sa mukha. Kaya agad akong gumanti at nilagyan rin ang mukha niya. Nakisama rin si Kuya Paul sa paglalagay ng mga bula sa mga mukha namin. Masaya naming tinapos ang paglalaba dahil sa mga kalokohan namin.

Habang nagsasampay kami ng mga damit, laking gulat ko nang bumagsak si Mama sa lupa.

"Mama!" sigaw ko at agad na lumapit sa kaniya. Namumutla ito. "Kuya Paul! Tumawag ka ng tulong! Mama Gising! Ano ba mama!" sigaw ko habang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.





Nandito kami ngayon sa hospital. Ilang araw na rin kaming naka-stay dito. Nakahiga si mama sa hospital bed at may nakakabit na dextrose at oxygen sa katawan niya. Naaawa ako sa kalagayan niya. Basang basa rin ang mga mata niya ng luha.

She was so thin and pale. She had a heart disease.

Kanina pa ako hindi makahinga kakaiyak. Puno ng kalungkutan ang ang buong hospital room. Mag-isa lang ako dito dahil biglang nanganak ang misis ni Kuya Paul.

"A-always r-emember that... that I love you s-so much, nak" nahihirapang sabi nito. "S-salamat at nandiyan ka, hindi ako n-nagsisisi na i-ikaw ang naging anak ko. I want to see you b-before I.... before I go"

"Don't say that Mama." mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"T-thank you so much J-jake for w-waiting" laking gulat ko nang banggitin niya ang pangalan ni Jake. Nang lumingon ako sa likod ko, nadatnan kong lumuluha si Jake. "T-tinawag ko talaga siya nak, h-huwag mo siyang p-paalisin"

"O-opo Mama"

"Kung.. kung pwede ko lang dugtungan ang buhay ko p-para makasama ka pa nang m-matagal na matagal, araw-araw ko s-sasabihin kung gaano kita kamahal nak"

"Mama, magpalakas ka okay? Huwag mo kaming iiwan"

"Anong magagawa ko nak, i-ito ang kagustuhan ng i-itaas"

"Mama naman eh" naramdaman kong haplos haplos ni Jake ang likod ko dahil hindi na talaga ako makahinga kakahagulgol.

"G-gusto kong titigan ka m-mula ngayon, h-hanggang sa m-mawala ako"

"Mama.." hinawakan ko pareho ang mga kamay niya at hinalikan iyon.

"Please don't cry, Vanessa. N-nahihirapan akong m-magpaalam sa'yo" patuloy na din sa pagpatak ang mga luha nito.

"Mama di'ba sabi ko huwag ka magpapaalam, gagaling ka. Lumaban ka Mama."

"S-salamat sa encouragement nak, p-p-pero alam naman nating p-pareho na m-mawawala na ako, nak"

Lalong bumilis ang pagdaloy ng luha ko. Ayaw kong makita niya akong umiiyak pero nahihirapan akong pigilan iyon.

"Mama please.. ayokong mawala ka"

"I-I'm sorry if I c-cant be with you for a long time"

"No Mama. Magsasama pa tayo ng matagal. Sobrang tagal"

"Please d-don't worry about me. Please move-on nak"

"P-paano ka makakadalo sa k-kasal ko niyan Mama?"

"A-anak, h-hindi mo k-kailangan pilitin ang sarili mo"

"Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi po ba kayo masaya na ikakasal na ako?"

"H-hindi ba dapat ikaw ang t-tanungin ko niyan? M-masaya ka ba talaga?" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong niya. "P-patawarin mo ako anak"

"Mama hindi ko po kayo naiintindihan"

"H-hahayaan ko na si Jake ang m-magkuwento nak"

Pumikit ang mga mata nito. Bumagsak ang kamay nito na nakapatong sa dibdib niya. Pumatak muli ang mga luha sa mga mata ko.

Niyakap ko ang walang-buhay na katawan ni Mama. Hindi na ito humihinga. Nang muli kong tingnan ang mukha ni Mama, nakita ko na may pumatak sa mga mata niya. Ang kahuli-hulihang luha niya.

"Mama!" sigaw ko. Humagulgol ako muli. Paulit-ulit kong sinisigaw ang pangalan niya.

Wala na ang mama ko. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko. Paano na lang ako mabubuhay nang masaya ngayon..

My most beautiful mom, I can never be like you. You are the most beautiful, smart, loving and intelligent person I have ever met. I love you so much, mom. I know I couldn’t become a perfect child for you. But you are the perfect mom.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top