Chapter 24

"So, mayroon pala kayong past ni Jake?" tanong sa akin ni Ayesha. Tumango naman ako. Nandito kami ngayon sa kwarto ko, naghahanda ng isusuot ko.

The morning after we attended Montecillo's book launch, sinabihan ako ni Clark na iwasan na si Jake. Huwag na huwag na akong magpapakita sa kaniya. Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko, mahal ko si Jake pero ayaw kong saktan si Clark.

"Sa tingin mo, may pag-asa pang magkabalikan kami ni Jake?"

"Girl, bakit mo iniisip 'yan, ngayon pa talaga sa birthday ng boyfriend mo ha, kaloka ka." napansin kong natigilan siya. "Ha? ano uli?"

"Gusto ko pa rin si Jake"

"Paano si Clark?"

"Masama bang magkagusto ulit ako sa first love ko?"

"Well, hindi masama. Ang masama, may boyfriend ka Vanessa" bigla akong natigilan sa sinabi nito. Pero malinaw na sa akin kung sino talaga ang mahal ko.. kundi si Jake.

"Eh, paano kung sabihin ko sa'yo na mahal ko pa rin siya?"

"Mahal mo si Jake?"

"Ahm, o-oo. Pero kase hindi malabong mangyari di'ba? Masisisi mo ba ako?"

Tumawa ito nang malakas. "Actually, noong una pa lang, alam kong may gusto ka na kay Jake. Siguro you just like the idea na nandiyan ang presence ni Clark. Pinili mo siya kase siya yung nandiyan, hindi dahil siya ang mahal mo. Tama ba ako?"

"O-oo?"

"Hindi mo maloloko ang sarili mo Vanessa. Piliin mo yung tama. Hahayaan mo bang makasakit ka ng iba dahil lang sa kagustuhan mo? Pero nasa sa'yo pa rin naman 'yan. Basta kung saan ka masaya, masaya na rin ako. Kung saan hindi ka magsisisi. Okay, mag-relax ka na, hindi pwedeng humarap sa maraming tao na ganiyan ka-stress ang mukha mo. Smile, okay?"

"Thank you talaga, Ayesha." sabi ko sabay yakap sa kaniya.




Paglabas namin ni Ayesha agad akong sinalubong ni Clark ng halik sa noo. Marami ang mga tao dito ngayon sa bahay niya. Nandito rin ang mga parents niya, kaya pakiramdam ko mahihirapan ako sa pagdedesisyon.

"Hija, pwede ba kitang makausap?" tanong sa akin ng Mama ni Clark. Tumango naman ako at sumunod sa kaniya. Pumunta kami sa isang terrace kung saan walang katao-tao.

Nabigla ako nang magsalita ito. "Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo ng kaibigan mo"

"P-po?"

"You still love him, right?"

Napayuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hiyang hiya ako, sa lahat ng makakarinig sa usapan ni Ayesha, bakit Mama pa ni Clark?

"I'll consider that as a yes" muling sabi nito.

"I'm really sorry Mrs. Castillo" paumanhin ko.

"No, no, no. It's okay. Dapat ako ang mag-sorry dahil sa hihingin kong pabor ko sa'yo"

"Po? Anong pabor?"

"Please, huwag mong itutuloy ang binabalak mo na hiwalayan si Clark. I know masiyado akong pakielamera, wala ako sa lugar para manghimasok  sa buhay mo. Pero please, pagbigyan mo ako. May sakit si Clark sa puso, ayokong masaktan siya. Hindi kakayanin ng puso niya ang mga extreme emotions. Please, ikaw na lang ang dahilan para mabuhay pa siya nang matagal"

"Naiintindihan ko po, huwag po kayo mag-alala, wala po talaga akong balak hiwalayan ang anak niyo. Mahalaga po sa akin si Clark, at ayokong mangyari iyon"

Pagkatapos naming mag-usap agad akong sinalubong ni Clark. "Happy birthday" bati ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Thankyou, my loves" nakangiti nitong sagot. Masuyong hinawakan niya naman ang baywang ko at inalalayan ako maglakad papunta sa harap.

Hinawakan niya ang microphone at sinimulang magsalita. "On my special day, I just want to wish myself pure happiness that never ends. Happy birthday to me. I certainly consider myself to be one of the luckiest people in this world, which is why on my birthday, I don't want to ask God for anything but thank Him for all the good things He has blessed me with over the years." sabi niya bago bumaling sa akin. "I have been so loved by you, and I don't want to spend a day without you ever again. Thank you so much for all the love that you give, and I hope that I make you feel just as loved. You are more than I ever wished for, hoped for, and prayed for. Thank you for being a wonderful part of my life.  I’ve always had too much pride to admit it but I couldn’t keep my eyes off you. Every time I saw you I wished that one day I was going to be lucky enough to find a girl like you. Now that you are my best friend, the love of my life, my world and my girlfriend I have a lot to thank you for. Happy anniversary myloves."

Hindi ko mapigilan masaktan. Mahal na mahal talaga ako ni Clark at ayokong masira ang araw niya dahil lang sa gagawin ko. Nang tumingin ako sa mga tao nakita ko si Jake na nakamata sa akin.

Nagulat ako nang lumuhod si Clark sa harapan ko at naglabas ng singsing. Naghiyawan naman ang mga tao roon. "There is no other who is capable of making my dreams come true but you. You are everything I have earnestly prayed for. Vanessa, will you marry me?" hindi ako makapagsalita. Nanatiling nakatikhom ang bibig ko. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Tiningnan ko muli si Jake sa akin, kitang kita sa mga mata niya na nasasaktan siya. I'm sorry Jake.

"I'll take that as a yes" nakangiting tingin sa akin ni Clark at isinuot na ang singsing sa daliri ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. Wala na akong nagawa kundi umiyak nang umiyak.





Pagkatapos kong mahimasmasan. Nagpahangin muna ako sa labas. Nasa loob naman si Clark na abalang nakikipagusap sa mga bisita. Bigla namang may nagsalita sa likod ko dahilan para mapalingon ako.

"Congrats, Vanessa." bati sa akin ni Jake. Nakangiti ito. Pero alam ko na hindi iyon totoo.

"I'm really sorry, Jake"

"Hindi mo kailangan mag-sorry. Masaya ako na masaya ka. Alam mo 'yan. Masakit sa akin, Vanessa na makita kang hawak ng iba. Pero wala eh, sobrang tanga ko. Naunahan tuloy ako."

"J-jake.."

"Shh. Pumasok ka na sa loob, panigurado hinahanap ka na ni Clark." nasaktan ako nang makita kong may tumutulong luha na umaagos sa pisngi niya. Tangina, Vanessa, ano ba 'tong nagawa mo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top