Chapter 21
"Paano mo nalaman na siya pala ang boyfriend ni Claire? tanong ko kay Jake.
"
Nakasabay ko si Claire sa biyahe. She told me na yung boyfriend niya, nanghaharass ng employees. Biglang nagpanting ang tainga ko kaya agad ko kung saan makikita si Drake, then I saw him, hurting you.. again."
"Teka, akala ko ba kaibigan mo si Drake?"
Natawa muli ito. "Paano naman kase, nang araw na iligtas kita, nakakatakot ang hitsura mo, hindi tuloy ako nakapag-isip ng magandang dahilan.
"Thank you" tanging nasabi ko. Kahit iniwan ako nito dati ay dapat sigurong ibaon ko na iyon sa limot. Masiyado pa kaming immature noon at hindi alam ang dapat gawin. Ngayong matanda na kami, siguro pagiging isip-bata na lang kung ipagpapatuloy ko pa ang sama ng loob ko dito. Sa totoo lang, ang laki rin ng naitulong niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Nalaman ko rin na si Jake rin pala ang pumilit kay Madam Miguel na ipasok ako sa company niya.
"Birthday ngayon ni Michael, paniguradong magtatampo iyon kung hindi tayo pupunta" sabi nito na siyang ikinalingon ko.
"Teka, wala akong maisusuot. Hindi pa ako nakakauwi simula ng makitulog ako sa inyo" sagot ko sa kaniya.
"May binili raw si Michael na dress para sa'yo dahil alam niya ang situation mo. Tara na?" Agad naman akong tumango at sumakay na sa kotse niya nang pagbuksan niya ako ng pinto.
Huminto kami sa isang malaking bahay. Sobrang ingay at ang daming ilaw. Panigurado naguumpisa na ang party ni Madam Michael.
Pagpasok namin ni Jake sa loob. Agad kaming sinalubong ni Madam, nakangiti ito. "Kumusta? Ayos ka lang ba Vanessa? Nabalitaan ko na nakapasok yung dati mong baliw na boss sa building. Hindi ka ba nasaktan?"
"Don't worry, nandoon ako para ipagtanggol siya. Kilala mo ako, hindi ko hahayaan na masaktan si Vanessa." nang sabihin niya iyon, tumingin siya ng diretso sa mata ko. May naramdaman akong familiar, yung pakiramdam noong umamin siya sa akin dati.
"Mukhang lalanggamin naman ako sa inyo. Halika my dear, may binili akong dress para sa'yo, paniguradong magugustuhan mo 'yon" hatak sa akin ni Madam Michael. Pumunta kami sa second floor ng bahay niya kung saan nandoon ang kwarto niya.
May isang box siyang inabot sa akin. Naglalaman iyon ng sparkling black evening gown. Inayusan muna ako ni Madam Michael at binigyan ng mga accessories niya. Nang isuot ko na ang gown ay kitang kita ang cleavage ko doon, kaya medyo ako nailang. Pero habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. Nagbago ang itsura ko, mas lalo akong gumanda, at mas lalong nakita sa gown ang curve ng katawan ko.
"Shh, huwag kang ma-conscious sa itsura mo. Tandaan mo, maganda ka. Isipin mo ikaw ang may birthday sa araw na 'to, okay?" napangiti ako sa puri niya. "Ready?" ulit niyang tanong at pinagbuksan ano ng pinto. Nagulat ako nang madatnan ko si Jake, na nakatitig sa akin. Manghang-mangha siya sa itsura ko.
"You look perfect" rinig kong sabi niya. Nakangiti ito sa akin. At ang ngiting iyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Oh, my god! I am inlove with him! I am in love with him all this years! Hindi pa rin ako makapaniwala sa realization ko. I'm doomed!
"I-ikaw rin" mahinang sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at inalalayan niya ako pababa ng hagdan. Pakiramdam ko ay debut ko ang araw na 'to.
Alam na ni Madam Michael ang lahat ng nakaraan namin. Kaya panay ang pang-aasar niya sa aming dalawa. Gustong gusto niya talaga kaming magkabalikan, pero alam kong imposible 'yon dahil may boyfriend ako.
"Ano ang theme song niyo?" tanong sa amin ni Madam at tila kinikilig ito. Ito ang may pasimuno ng pagkakalagay sa amin sa hot seat ngayon.
"Can't Help Falling In Love" sagot ni Jake. Hindi ko inaasahan na naalala niya pa iyon. "I used to sing it to her"
"Really? So sweet!" kinikilig na sabi ni Madam Michael.
He really had a good singing voice. Iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya dati. Hindi ko lang alam kung mahilig pa rin siya kumanta ngayon.
"She really loves it whenever I sing it for her. Para siyang crazy fan na gustong magpa-autograph at magpa-picture every time I sing" hindi pa rin ito nagbabago, sobrang hangin niya pa rin. Urgh!
"Alam niyo ba na mahilig rin itong sumayaw si Jake. Panay ang sayaw nito noong kabataan namin" nanlaki ang mga mata ni Jake nang sabihin ko iyon kay Madam Michael. Matagal ko nang alam na parehong kaliwa ang mga paa niya, sadyang nang-aasar lang ako at gusto ko siyang ipahamak dahil sa pagiging mahangin nito.
"Really? You can dance, too?" gulat na tanong ni Madam Michael.
"Well, yes. Gusto niyo... Magsayaw pa kaming dalawa ni Vanessa" sagot nito. Ngayon ako naman ang ipinahamak nito. Nagpapabida nanaman ito.
"No, I don't want to dance!" mariing bulong ko sa kaniya. "Come on, I'll teach you" sabay kindat niya sa akin. Akala ko ba ay hindi siya marunong sumayaw dati?
"Minsan lang naman 'to my dear, regalo mo na sa'kin" nakangiting sabi sa akin ni Madam Michael.
"Madam, you know I don't dance"
"Yes, you can" sabi naman ni Jake.
"I don't dance. You know that."
"You can do it, baby. Trust me" trust you? The last time I trusted you, you messed everything up.
"Napakawalanghiya mo talaga! Gusto mo talaga akong pagtrip-an 'no?" naiinis kong bulong ko sa kaniya.
Tinitigan niya lang ako sa mga mata ko at nginitian. I ended up holding his hands. Babawiin ko na sana ang mga kamay ko ngunit hinila niya ako padikit sa kaniya. Muntik na akong mapasubsob sa dibdib niya. Nang mag-angat ang tingin ko ay nasalubong ko ang titig niya. He wasn't smiling anymore. Our lips were almost touching. Biglang na-tense ako sa pamilyar na damdamin na bigla kong naramdaman. I used to be inside those arms.
Biglang tumugtog ang 'Can I have this dance' sa speaker. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko pa kailangan pang alalahanin ang mga sandaling nasa loob ako ng bisig niya. Idadagdag pa ang nakakatuliro ang bango ng amoy nito.
Kumawala ako sa kaniya. Pinakawalan niya naman ako pero hindi ang isang kamay ko. Inikot niya ang braso ko para umikot ako. Then he pulled me close to him again. Then I realized we're already dancing.
He moved with grace, yet his movements were very masculine. "You can dance. You just refuse to believe you can" I was uncomfortable being close to him. Kaya hindi ko magawang tumingin sa kaniya.
"Look at me" utos niya sa akin.
"Para saan?"
"You have to look at me while we're dancing. Ganoon talaga"
"Ayoko nga"
"Bakit naman?"
"Because I don't like seeing your face"
"Nahihiya ka lang sa akin, eh"
"Why would I be shy?"
"Because you still have a thing for me"
"Ang kapal talaga ng mukha mo!"
Ngumiti ito at mas lalo akong hinapit. He was practically hugging me right now, with both arms wrapped around me.
"Vanessa... do you remember how we kissed back then?"
Pakiramdam ko ay nagtayuan lahat ng balahibo ko. Syempre hinding hindi ko makakalimutan iyon, kung paano niya ako halikan noon. He was my first kiss.
"I miss your lips... and I want to kiss them again" he was flirting with me!
"Pervert!" I pinched his cheeks. "Alam mo ang cute mo talaga"
"Really?"
"Really." inumpisahan ko nang diinan ang pagkakapisil ko sa pisngi niya. Nawala na ang ngiti niya dahil sa sakit.
"Aw!" nakahatak ng atensiyon ang sigaw niya kaya nagtinginan ang lahat sa amin. Binitawan ko agad ang pisngi niya at ngumiti sa kanila. "She's really sweet, right? She loves pinching my cheeks until they get red" nakangiting paliwanag niya sa mga tao.
Nadatnan ko ang iba pang mga bisita na nakatuon ang tingin sa akin, lalo na ang mga lalaki. Nagulat ako nang hubarin ni Jake ang amerikana suit nito at ipinatong iyon sa harapan ko. "Your cleavage.."
"Bakit hindi mo pa binigay agad sa akin yung suit mo kanina?"
"Because I saw it already. And I don't want anyone else to see."
"Pervert ka talaga!"
Natawa ito. Yung mga ngiting pinapakita niya sa akin ang gusto kong panoorin palagi. Alam kong nahuhulog na ulit ako nang tuluyan sa kaniya. Pero alam kong kapag pinagpatuloy ko pa 'to, sasaktan ko lang ang sarili ko.
"Ang saya saya niyo naman. Sorry kung nakaistorbo ako" rinig kong sabi ng babae. It was------ Claire.
Agad akong humiwalay kay Jake at tumayo ng maayos. "Oh Claire, na-late ka ata sa party"
"Yep. Inasikaso ko pa kase mga problema sa bahay, pero okay naman na. Thankyou nga pala ulit sa paghihiganti mo sa akin kay Drake" nagulat ako nang halikan niya si Jake sa pisngi.
"Ah wala iyon. Magkaibigan tayo hindi ba? Hindi kita hahayaan na ginaganon lang ng boyfriend mo"
"Sa totoo lang, nagsisisi na sinagot ko yung lalaki na 'yon. Sana ikaw na lang pala ang naging boyfriend ko." para akong istatwa na pinapanood sila mag-usap.
Napansin ko namang kinurot ako ni Jake na para pang nanghihingi ng tulong. "Uhm, Jake tawag ka ni Madam Michael, may kailangan siyang itanong sa'yo" pagsisinungaling ko. Agad na umalis si Jake at naiwan kami pareho doon ni Claire. Napansin ko na tumingin siya sa akin. Napalingon ako sa kaniya nang bigla siyang magsalita.
"Aren't you curious why I don't like you? Lagi ka na lang nandiyan kapag gusto ko siyang angkinin."
"Sorry, I have no interest in people who don't like me"
"Balak mo nanaman bang saktan sarili mo Vanessa? Alam mong hindi ka mamahalin ni Jake, dahil ayaw niya sa'yo. Ayaw niya sa isang tulad mo."
"Alam ko Claire. Hindi mo kailangan ipa-mukha. Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na, kung ayaw sa akin ni Jake. Tingnan mo ang sarili mo, kung magugustuhan ka rin niya."
Iniwan ko na siya sa kinatatayuan niya at pumunta sa lugar kung saan maraming alak. Kumuha ako ng isang basong alak at tinungga iyon. Wala na akong pake kung malasing ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top