Chapter 20

Pinagpag ko ang blouse at palda ko paglabas ko sa kwarto ni Jake. Nasa living room ito, hinihintay ako. Nakasuot siya ng black suit. He was wearing a white shirt underneath the suit to give his outfit a more casual feel.

Tumingin siya sa akin. "You ready?" agad akong tumango.

Lumabas na kami sa unit niya. Habang nasa elevator kami ay hindi ko mapigilan na singhutin ang hangin na hinaluan ng mabangong amoy niya. Wala itong ginamit na pabango, pero shet ang bango talaga!

Magaan ang loob ko habang sabay kaming naglalakad sa tenth floor. But I freaked out when I saw Sir Drake. Nakaabang ito. Napakapit ako ng mahigpit kay Jake.

"What's the matter?"

"N-nandito siya. Y-yung naka-green shirt, siya 'yon. H-hindi ako pwedeng magkamali" nanginginig ang mga kamay ko ngayon at ang boses ko.

He patted my hand in his arm. "Don't worry" Sumeryoso ang mukha niya nang sulyapan niya si Sir Drake. Hindi ko alam pero biglang nagiba ang tingin ko sa kaniya. I saw him as a knight in shining armor. I felt safe.

Dumapo ang tingin sa akin ni Sir Drake. "Totoo pala na dito ka na nagtratrabaho." ang tono niya ay parang hindi siya natutuwa.

"Wala ka na doon!" sagot ko sa kaniya.

"You can't do this to me!" nagngangalit niyang sigaw.

Napasigaw ako nang aktong susugurin ako ni Sir Drake. Agad akong nagtago sa likuran ni Jake. He clasped my waist and pulled me gently against his strong back.

"Get away from her" sabi ni Jake. Dumilim ang mukha nito. Ngayon ko lang nakita na ganoon ang itsura niya, malayong malayo sa maamong mukha  niya.

"Sino ka ba?"

"I'm her boss"

"Hah! Talaga ba? Hindi mo kilala kung sino ang tinanggap mo sa company mo! That woman forced me para galawin siya para lang matanggap ang report niya. How disgusting!"

"Hindi ako naniniwala sa'yo" madiin na sabi niya.

"Let me talk to her in private"

"Can't you see?! She doesn't want to."

Hindi pinansin ni Sir Drake ang sinabi ni Jake. "Vanessa bumalik ka na sa'kin, hindi na ako magagalit sa'yo, pangako 'yan. Ibibigay ko sa'yo ang lahat, tataasan ko ang sweldo mo higit sa binibigay ng pakielamerong boss mo. Sweetheart, come with me" maamong sabi niya.

"Sabing hindi siya sasama sa'yo. May malaking tulok ba na nakabara sa tenga mo at hindi mo ako maintindihan o sadyang hindi mo lang pinapagana 'yang utak mo?"

"Bakit ba masiyado kang pakielamero. Sapaw ka eh!"

"Because I'm not just her boss." Sandaling huminto ito. "I'm also her boyfriend"

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Jake.

"That's not true!" protesta ni Sir Drake.

"Then ask her"

"Is that true, sweetheart?"

"O-oo" sagot ko.

"Sa unit ko siya natulog kagabi. She lives here" pakiramdam ko naniniwala si Sir Drake dahil nagngangalit na talaga ito. "Accept the fact that Vanessa will never learn to love you" madiing sabi nito.

"Hindi!"

"Can I ask you a question, before you leave?" napatingin ako kay Jake.

"Huh?"

"May kilala ka bang Claire Kim?" teka? Si Claire ang tinutukoy nito, ang babaeng humiling na layuan ko si Jake noon.

"Kilala mo siya?" ano? kilala rin ito ni Sir Drake?!

"Hindi ba siya lang naman ang girlfriend mo na pinagtataksilan mo!"

"Fuck! Paano mo nalalaman ang lahat ng 'to?! Sino ka ba talaga ha?!"

"As I said earlier, I'm Vanessa's boyfriend. Now, get out!"

May dumating na tatlong lalaki para escort-an si Sir Drake palabas ng building.

"Bitawan niyo ako!" sigaw ni Sir Drake.

"Dalhin niyo na 'yan sa labas. Huwag na huwag niyo na hahayaang makapasok uli ang taong iyan sa vicinity ng building"

"Yes Sir!"

"Hindi pa tayo tapos Vanessa! Akin ka lang!" banta niya sa'kin.

Nagulat ako nang bantaan din ni Jake si Sir Drake. "What's mine is mine. Tandaan mo ito, walang pag-aari ko ang nakukuha ng iba. I will destroy you!"

Sa'kin naman dumapo ang tingin ni Jake. "Are you okay?"

"O-oo" tumingin ako sa paligid. Napansin kong nakatingin sa amin ang halos lahat ng empleyado. Kakaiba ang mga tingin nila.

Hala! Oo nga pala naalala ko na nagpanggap si Jake na may relasyon kami. Narinig din nila panigurado na natulog ako buong gabi sa unit ni Jake.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Jake. Napansin niya siguro ang discomfort ko.

"Ano kase.. Hindi ba natin itatama sa kanila iyong narinig nila? Baka kase akalain nilang totoo yung---" pabulong na sabi ko.

"Of course" humarap ito sa mga empleyado na kanina pa takang taka sa mga nangyari. "Everyone, pay attention. May sayad sa ulo ang lalaking nakita niyo kanina, huwag niyong paniwalaan ang sinabi niya tungkol kay Vanessa. Wala iyong pawang katotohanan."

Bigla akong natameme. Hindi iyon ang tinutukoy ko. Urgh! Hindi ba talaga naintindihan ni Jake ang itama niya kanina sa mga tao.

"Kayo pala ni Sir Jake. Hindi ka nagsasabi sa amin ha"

"Yeah. That sure shocked all of us"

"Girlfriend ka pala niya ha yie, crush na crush ko pa man din si Sir Jake, kainggit ka!"

Sari-saring mga komento ang narinig ko mula sa mga kasamahan ko nang umakyat ako sa office ko. Hindi ko alam kung paano ko sila sasagutin.

"Sayang nanliligaw pa naman ako sa'yo. Wala na pala akong pag-asa"

"Huh? Kailan ka pa nanligaw?" tanong ko kay Bryan.

"Mula nang maging part ka ng team namin?"

"Kaya pala palagi mo akong nililibre" I suddenly felt a dislike for Bryan. Wala akong tiwala sa mga lalaking nakikipagclose sa akin pero iba pala ang tunay na intensiyon sa akin. Naalala ko bigla si Jake. Pagkatapos niya akong pahulugin, alam na alam niya kase kung paano ako palambutin at mga tamang salita para rumupok ako kaya ganoon ganoon na lang niya ako iniwan. Bigla tuloy ako ulit nakaramdam ng pagka-inis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top