Chapter 19
"Care for a drink while waiting for dinner? tanong niya sa akin pagkatapos maghugas ng kamay sa sink.
"Sige, pero huwag hard" sagot ko.
Nagsalin siya ng apple juice sa isang wine glass at hinaluan niya iyon ng rum. Pagkatapos ay inabot sa'kin. "Try it"
Tinikman ko iyon. Masarap siya magtimpla in fairness. Dahil sa tagal ng pagpriprito niya napansin ko na bukod sa nakarolyo ang sleeves ng shirt nito ay niluwagan niya rin pala ang necktie niya. Nakabukas ang dalawa niyang butones, partly revealing his fair and lean chest.
Teka? Ano ba 'tong iniisip ko? Erase! Erase!
"Would you mind kung magtanong ako sa iyo ng personal question?"
"I won't mind"
"Kailan mo nalamang bading ka?"
"What?" napaubo siya at muntik nang maibuga ang iniinom.
"Sorry, nagulat yata kita."
"Who told you I'm... that?" he couldn't bring himself to pronounce the word "gay".
"Hindi mo ata alam na alam ko ang tungkol doon." Nung nakaraang araw noong ipinakilala ako ni Ayesha kay Madam Michael, nakita ko kase sila na magkayakap at tila kinikilig si Jake. Weird.
"Uhm, mukhang sobrang personal ng tanong ko. Okay lang kahit huwag mo nang sagutin. Na-curious lang naman ako"
Inisang lagok niya ang laman ng baso niya. "Nagkakamali ka, hindi ako bakla. Actually may nagugustuhan akong babae ngayon." hindi ko alam biglang kumirot ang puso ko sa narinig ko.
"T-talaga?"
"Yes." nakangiti nitong sabi na para bang kinikilig.
Inilibot ko ang paningin ko. "Nabanggit sa akin ni Madam Michael na hindi mo na binalikan ang bahay mo. Dito ka ba lumipat nang umalis ka sa inyo?"
"Matagal ko nang nabili ang unit na 'to. Bumalik lang ako dito, dahil ayoko na balikan ang bahay na 'yon. May panget na alaala akong naiwan doon." Biglang nagtama ang paningin namin.
Naamoy naman naming pareho na nasusunog na ang tilapia. Kaya agad niya nang kinuha iyon at inilagay sa plato. "Here we go"
Tinakman ko iyon. Ang sarap ng luto niya. Napansin ko na ipinatong niya ang braso niya sa counter top at tinitigan ako. Our faces were just fifteen inches or less away from each other.
"Saan ako matutulog?" tanong ko sa kaniya. Dinala niya ako sa kwarto niya. Inilibot ko ang paningin ko at pagkatapos ay nilingon ko siya. "Kuwarto mo ito eh, saan ka matutulog aber?"
"There" itinuro niya ang couch.
"Huh? Gagamitin ko ang kama mo, tapos sa couch ka matutulog? Nakakahiya naman sa'yo. Mag-share na lang tayo sa kama. Malaki naman 'yon, kasya tayo" biglang natigilan ako sa sinabi ko. Hindi naman niya siguro ako pagtatangkaang gapangin. Ano ba 'tong iniisip ko?!
"Ayos lang. The couch is comfortable. Madalas nga akong matulog diyan" aysus parang hindi tayo nagtabi sa iisang kama dati.
"Ako na lang sa couch"
"Use my room" giit niya.
"Ako na nga lang sa--"
"No. Doon ka sa kwarto ko"
Edi huwag tanginamo. Sabi ko sa isip ko.
Mukhang sincere naman ito na ipagamit niya ang kwarto niya kaya hindi na ako nagpumilit. "Thanks, ha?"
"No prob. Feel free to use my stuff if you want to" pagkasabi niyon ay iniwan niya na ako. Isinara ko na ang pinto at dumako ang tingin ko sa malaking kama. Pinatungan iyon ng white mattress at walang bedsheet.
May napansin akong pinto sa kaliwa. Nang i-check ko iyon ay napagtanto kong restroom iyon. Pumasok na ako roon para mag-shower. Nang matapos ako ay ginamit ko ang robe ni Jake.
Nilabhan ko na rin ang damit ko sa lababo para may susuotin ako kinabukasan. Pagkatapos ko roon ay napagpasiyahan ko nang humiga sa kama. Hindi ako makatulog, kainis. Lumabas na muna ako sa kwarto ko para i-check kung gising pa si Jake.
Jake's POV
Nagbabasa ako ngayon ng magazine. Bigla akong nawala sa focus nang marinig ko na bumukas ang kwarto ko kung nasaan si Vanessa. She was wearing my blue robe. Umupo siya sa tabi ko. Nalanghap ko ang mabangong amoy niya.
"Can't sleep?" tanong ko sa kaniya dahilan para mapatingin siya.
"Ang aga pa kase eh" pinagkrus niya ang mga binti niya. Bumaba ang tingin ko. Wala itong suot na pang-ibaba maliban sa underwear.
"Ano 'yan?"
Tiningnan ko ang hawak ko. "Magazine?"
Natawa siya. "Oo nga naman"
Hindi pa rin nagbabago si Vanessa, siya pa rin ang mabungisngis na babaeng nakilala ko. Maliban sa katawan nito, mas lalong lumaki ang dibdib nito.
I was pretending na nagbabasa ako, pero nakatutok talaga ang mga mata ko sa legs niya. Nakadikit ang tuhod niya sa binti ko. Mas hamak na mas matangkad ako sa kaniya, kaya kapag iniangat ko naman ang tingin ko, bra naman niya ang nakikita ko. And her ehem, cleavage. Tama nga ang hinala ko, lalaking maganda ang nakilala kong babae eight years ago.
She really had a beautiful face. Hindi kataka-taka bakit maraming lalaki ang kaagaw ko rito noon. Pero si Clark ang pinakatuturing kong karibal noon nang araw na 'yon. Those round eyes and luscious lips could drive a man wild, lalo na ako.
Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya, sa kaniyang mga mata, at bumalik sa kaniyang labi. I groaned inwardly. I was about to lean forward when she stood up.
"Kukuha lang ako ng tubig, gusto mo?"
"Ahm s-sure" inihagis ko sa malayo ang hawak kong magazine nang makarating si Vanessa sa kusina.
Mag-10 o'clock na ng gabi nang mapagpasiyahan matulog ni Vanessa. Halos tatlong oras rin kaming nagkuwentuhan. Actually, she did all the talking. Madaldal pa rin ito tulad ng dati.
Nagkuwento ito about her life- plans, dreams, likes, dislikes memorable moments, embarassing moments, and her childhood crushes. Hindi ako naniniwala na mas may nauna siyang nagustuhan bago ako. I really like the idea, na naging crush niya pala ako noon. Kahit antok na antok na ako ay nakinig ako sa mga kuwento niya.
Humiga ako sa couch at ibinalot ang sarili sa kumot habang si Vanessa pa rin ang nasa isip ko. Hindi ako makapaniwala na nakakausap ko ulit ito. I recalled her perfect face. Tuwing tinitingnan ko siya ay palagi kong nakakalimutan na may boyfriend na ito at kung anu-anong kapusukan ang pumapasok sa isip ko.
Gaya na lang ng kanina, nang titigan ko siya, muntik ko na siyang sunggaban! Aish, nababaliw ka na Jake. Hinampas ko ang ulo ko ng unan.
Natulog na ako. Pero hanggang sa panaginip ko ay may kissing moment kami ni Vanessa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top