Chapter 18
Hindi pa rin ako makapaniwala na pinabalik ako sa office suit ng Del Rio Company at kaharap ko ulit si Michael.
"Thank you Sir Michael, este Madam. I'll do my best para hindi ka magsisi sa'kin" sabi ko. Halos hindi matapus-tapos ang pasasalamat ko.
"You're welcome," tugon ni Michael. "May nakapagsabi sa'kin na tanggapin kita kaya mas maganda siguro kung doon ka magpasalamat"
"Ha?"
"I'll introduce you to my employees"
Umakyat kami sa loft at nilapitan ang isang grupo ng mga lalaking nakaupo sa mahabang seater. Sa gitna niyon ay may rectangular na mesa kung saan may nakapatong na mga laptop. I introduced myself to them.
Isa-isa rin silang nagpakilala sa kaniya ang mga tao roon. Sa tingin ko ay mababait din naman sila at mahuhusay. Totoo ngang halos lahat ng empleyado niya ay may mga hitsura, kakaiba rin 'to si Madam Michael eh.
Ipinakilala niya rin ako sa mga taga-Marketing department na nasa kabilang side ng loft. Pinasok namin ang ibang opisina sa ibaba maliban sa isang private office sa dulo. Ano kayang meron doon?
Pagkatapos nilang maglibot ay iniwan niya na ako sa sarili kong office. My first day at my new job began.
Kinakagat-kagat ko ang dulo ng lapis na hawak ko. Wala na akong maisip na bagong design kahit anong piga ang gawin ko sa utak ko.
Nang masulyapan ko ang glass window, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang may nakamasid sa akin. Hindi kaya si Sir Drake 'yon? Imposible. Sinubukan kong puntahan 'yon at laking gulat ko na may tao nga talaga roon. Sa sobrang gulat ko natumba ako sa taong 'yon.
"Ay palaka!"
Nang iangat ko ang mukha ko, nakita ko ang mukha ni Jake. Sandaling nagkatitigan kami. Nang makabalik ako sa huwisyo ay agad ko siyang tinulak at tumalikod. Babalik na sana ako ng office ko nang muntik na may bumangga sa akin kaya agad niya akong hinatak pabalik sa kaniya dahilan para masubsob ako sa dibdib niya.
Nanatiling ganoon ang mga posisyon namin. "Anong ginagawa mo rito?!" mahinang sabi ko.
"Dito ako nakatira." sabi nito.
"Huh?"
"Nakakabingi ba yung tunog ng tibok ng puso ko?" narealize ko na nakasubsob pa rin pala ako sa dibdib nito.
"Ewan ko sa'yo, huwag mo nga akong simulan! Will you please leave me alone? I'm trying to focus on my work here, can't you see?" pagsusungit ko. Ano ba naman kase ang virus na nahigop nito sa London at bigla na lang siyang bumalik at kinakausap ako na para bang walang nangyari sa amin? Na para bang hindi niya ako iniwan at sinaktan?
I must admit na may chance na bumalik ang feelings ko, kaya umiiwas ako sa kaniya. For heaven's sake, I need to focus on what am I doing. "Babalik na ako sa office" sabi ko at iniwan ko siyang nakatayo doon.
Vanessa ano ba 'tong naramdaman mo? Hindi pwede. Dapat mainis ka sa kaniya! Tama lang na magalit ako sa kaniya dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit ako napuyat nang sobra-sobra at kung bakit ako nawala sa sarili noon. Maling-mali ako na minahal ko siya.
Nagsimula akong ipagpatuloy ulit ang ginagawa ko. Nakagat ko nang madiin ang lapis nang maalala ko nanaman ang posisyon namin kanina.
Pakanta-kanta pa ako nang maglakad sa lobby. Nagulantang ako sa nakita ko. Si Sir Drake, na nakatayo sa labas ng building! Anong ginagawa niya rito?!
Nagtago ako sa likuran ng couch. Wala na akong pake kung kahit magmukha akong tanga roon at may makakitang iba sa akin dito na nagtratrabaho sa building.
Dahan-dahan akong sumilip sa labas ng entrance. Nandoon pa rin si Sir Drake, na para bang may hinihintay. Kung may binabalak itong masama, hindi ako makakapayag na maulit ulit 'yon.
Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan si Sir Michael. "Alam na ng dati kong boss kung saan ako nagtratrabaho, nandito po siya ngayon!" nagpa-panic kong sabi.
"What? How? Nasundan ka niya nang hindi mo nalalaman?"
"Hindi ko alam. Siguro, nakita niya ako sa daan habang nasa sasakyan ako" napabuntong-hininga ako. "Wala na akong balak alamin pa. Ang importante hindi niya alam kung nasaan ako ngayon"
"Nasaan ka ba exactly ngayon?"
"Sa likod ng couch"
Narinig kong natawa ito sa kabilang linya. "I see. Ganito ang gawin mo. Subukan mong bumalik sa elevator. Umakyat ka sa 18th floor"
"Bakit? Anong gagawin ko doon?"
"Si Jake. Diyan din sa building na 'yan siya nakatira. Makitulog ka muna sa kaniya. Tatawagan ko na lang siya para malaman niya ang problem mo"
"Ano-----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nawala na ito sa kabilang linya. Makikitulog ako sa unit ni Jake? urgh! Mas okay na 'yon kaysa mapahamak ako kay Sir Drake.
Sinilip ko ulit si Sir Drake. Ni-tiyempo ko na sabay-sabay lumabas ang mga tao sa elevator para gawin ko silang camouflage. Pigil-hininga kong pinasok ang elevator. Pagkasara niyon ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.
"Saan ba rito?" mahinang sambit ko. Palinga-linga akong dumating sa 18th floor. Hindi naman kase nasabi sa'kin ni Madam Michael ang number ng unit ni Jake, ayan tuloy hindi ko alam kung saan pinto ako kakatok.
Sinubukan kong tawagan ang cellphone ulit ni Michael pero busy ang cellphone niya.
Nakita kong lumabas si Jake mula sa dulong pinto. May hawak din itong cellphone.
"I already saw her. Yes. Okay. Bye." sabi nito.
"Uhm. S-si Madam Michael ba ang kausap mo kanina?" tanong ko kahit obvious naman na ang sagot nito. Mukhang wala na sa to-do list ko na 'huwag kausapin si Jake' rule.
"Yes. Matutulog ka raw muna pansamantala dito?"
"K-kung hindi nakakahiya sa'yo. Kailangan ko kase ng mapagtataguan"
Napaisip ako. Pwede namang magpasama na lang ako sa labas o kung saan siya pwede kumuha ng taxi. Hindi ko alam, pero may kung ano ang pumipigil sa akin. Mas gusto kong mag-stay na lang dito.
"Come in" masuyong sabi niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto.
"T-thank you" pumasok na ako sa loob. Nang ilibot ko ang paningin ko, narealize ko na ang ganda ng itsura sa loob.
Nagtungo si Jake sa kusina. "Nag-dinner ka na ba?"
"Hindi pa."
Kinalas nito ang cuff links ng shirt niya at inirolyo ang sleeves niya. Ang hot niya tingnan. Binuksan niya ang fridge, at kumuha ng isda. Mukhang nagluluto ito. Nalilibang ako na panoorin siya kaya umupo ako sa stool. Inilabas niya ang isang tilapia, hinugasan sa sink, at inilagay sa glass bowl, at saka binudburan ng salt and pepper. Kapagkuwan ay pinrito niya 'yon.
Bigla kong naalala ng mga kabataan namin, nilulutuan niya rin ako palagi ng menudo. Hindi ko alam, pero nandito pa rin ang kaba sa tuwing nakikita ko siya. Sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ulit ako gagawa ng rason para mapalapit dito, pero tila tadhana ang naglalapit ulit sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top