Chapter 16

Jake's POV

Nandito ako ngayon sa airport para bumiyahe pabalik ng Pilipinas. Kasama ko ngayon ang kababata kong kapatid na si Kaitlyn na nagpresenta na ihatid ako sa airport.

"Sure ka ba na babalik ka na ng Pilipinas? tanong sa akin ni Kaitlyn.

"Yes my little sister. At saka miss ko na rin ang Pilipinas."

"Aysus kuya, ang sabihin mo may gusto kang balikan doon." pangaasar sa akin ni Kaitlyn.

"What do you mean?" nagtataka kong tanong. Wala akong naaalala na may nakuwento ako sa kaniya.

"Yung babaeng nasa wallpaper mo." sabi nito at pinipindot pindot pa ang pisngi ko. So nakita niya pala ang picture ni Vanessa sa phone ko.

I missed her so much. I want to see her again. I want to hug her... kiss her... hold her hands... and tell her how much I love her. If killing oneself isn't a sin, I could have killed myself right after I left her.

Hindi ko napigilan maluha ang mata ko, pero agad kong pinunasan 'yon para hindi mapansin ni Kaitlyn. Napakalalim pa rin ng sugat na idinulot ng pagkawala ni Vanessa sa piling ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naglilihom. It was still aching, still hurting. Lalo pa atang nadaragdagan iyon sa bawat araw na dumaraan.

Marami na akong nakasalamuha at nakilalang babae, pero wala. I was always thinking about Vanessa. Lagi ko siyang kinukumusta kay Paul, at 'yon nabalitaan ko ngang sila na pala ni Clark.

Bigla akong nainis sa sarili ko. Bakit ko pa ba binubuhay ang alaala ko sa isang babaeng may iba na? Dapat ko na siyang kalimutan at mag-move-on. Ano na lang ang mangyayari sa buhay ko kung puro si Vanessa na lang ang iisipin ko? Sapat na siguro ang walong taon na pagtitiis sa sakit at pagkakaulila sa kaniya.

Hindi nabibilang sa taon ang kung kailan ko dapat ibaon sa limot ang isang taong minahal ko ng sobra, pero sobra na ata ang mahabang panahon na iyon.

Tama, Jake. Vanessa is happy now with someone else. Matagal na siyang okay. Isipin mo naman ang sarili mo. Marami ka pang pwedeng gawin, marami ka pang makikilala.

Shit. I couldn't do it! Lalo akong naiinis sa sarili ko. Bago pa ako mabaliw, ay agad na akong nagpaalam  kay Kaitlyn at tumungo sa loob.




Nang maupo na ako sa puwesto ko. Umagaw ang pansin ko sa isang malungkot na babaeng nakatayo sa kabilang upuan. Dahil hindi naman ako gaanong malayo roon ay agad kong napansin na umiiyak ito kahit bahagya itong nakayuko. Tutop ang bibig nito habang gumagalaw ang mga balikat niyo, tanda na humahagulgol ito.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa babae. Nang tanggalin niya ang palad sa nakatakip sa bibig niya at iniangat ang mukha ay napahinto ako.

"Claire?"

"Uy Jake, nandiyan ka pala" sabi nito at agad na pinunasan ang mga luha niya na kanina pa umaagos sa pisngi niya.

"Anong nangyari?" masuyong tanong ko.

"Wala ako sa lugar para magkuwento, pero sige." napabuntong-hininga 'to. "Hindi ko pa 'to naikukuwento kay Mom, kaya please kung magkikita man kayo, huwag mo na sabihin."

"Mapagkakatiwalaan mo ko"

"Mayroon akong boyfriend dito sa Pilipinas. Si Drake Albano. Maayos naman ang relationship namin, pero habang tumatagal nawawalan na siya ng time sa'kin. Hanggang sa may nagbalita sa'kin na nanghaharass siya ng mga empleyado niya. Nasaktan ako ng sobra. Hindi ko alam kung anong gagawin ko." hinaplos ko ang likod niya para mahimasmasan.

"Tell me kung saan ko siya makikita, ako bahala" sabi ko.

"Are you sure?"

"Yes"




Pagbaba na pagkababa ko sa airport agad akong dumiretso sa sinabi nitong kompanya na pinagtratrabahuan nito.

Agad akong dumiretso sa office ng lalaki na tinutukoy niya. Nadatnan ko agad na may hinaharass nanaman ito. Biglang nag-init ang ulo ko nang makita ko ang babaeng umiiyak dahil sa pamimilit niya. Si--------- Vanessa.

Agad ko siyang sinalubong ng suntok dahilan para bumagsak siya sa sahig. Muli itong bumangon para bigwasan ako sa mukha ni Drake pero agad akong nakaiwas.

"Walanghiya ka!" sigaw ni Drake at akmang susuntukin niya muli ako pero nakaiwas ulit ako kaya naisuntok niya ang kamay niya sa pader. Napangiwi ito sa sakit at natumba sa sahig.

"Umalis kayo rito sa office ko!" sigaw muli ni Drake. For the second time, sinaktan niya uli si Vanessa.

Agad ko nang inalalayan palabas si Vanessa. Hindi ko alam kung nakilala niya ako pero hindi na 'yon mahalaga, ang importante nailigtas ko siya sa hayop na 'yon.

Agad kaming sinalubong ng dalawang empleyado rito. Sunod-sunod ang tanong sa kaniya ng dalawa. Napansin ko na Mendrick at Ayesha ang pangalan nila base sa nakalagay sa I.D. nila.

"Huwag kayong mag-alala, ayos lang ang kalagayan ko" rinig kong sabi ni Vanessa. Pero kita sa mga kamay niya ang panginginig kaya hindi ako naniniwala na ayos lang siya. Akmang lalapitan ko na sana siya nang biglang magsalita ang kaibigan niyang babae.

"Salamat po sa inyo, kung wala po kayo ay baka natuluyan na itong kaibigan ko, kinabahan po talaga ako na baka mawala ang virginity niya" natawa naman ako ng bahagya.

"Ano po bang pangalan niyo?" tanong sa akin ng kaibigan niyang lalaki.

"I'm Jake Clyde Alonso." laking gulat ko nang biglang napatayo si Vanessa sa kinauupuan niya.

"Why are you here?!" sigaw niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Huh? Anong sinasabi mo riyan, siya 'yong nagligtas sa'yo girl" sabi ni Ayesha.

"Wala akong pakialam" walang emosyon na sabi ni Vanessa. "Tinatanong kita, why are you here?!"

Nanatiling nakatikom ang bibig ko, hindi ko alam ang sasabihin ko. "To visit my friend, Drake." ang tanging nasabi ko na lang.

"Pareho kayong walang kwenta, umalis ka na rito!" naiinis niyang sabi. Sumunod naman agad ako sa sinabi niya at walang sabi sabi ay umalis ako sa office.

Deserve ko naman lahat ng galit, inis, sama ng loob. Wala talaga akong kwenta, sino ba naman tao ang hindi magagalit sa taong nangiwan sa kaniya. Kung alam niya lang kung gaano ako nagsisisi, sa pag-iwan ko sa kaniya. Kung alam niya lang na hanggang ngayon.. mahal ko pa rin siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top