Chapter 15

Natapos ko rin ang mga pinapagawa sa akin ni Sir Drake. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto ng private office niya. Naabutan ko siya nakaupo sa ergonomic chair niya.

Pumasok ako sa loob. "Ehem Sir Drake, ibibigay ko na po pala 'tong report ko, nasa loob na po lahat ng portfolio na 'yan" binigay ko naman ang folder na naglalaman ng editorial ng mga inusisa ko ng maayos.

Dumukwang sa mesa si Sir Drake at tiningnan ang laman ng clearbook. Nakita ko sa ekpresyon nito na hindi ko mahulaan dahil seryoso lang ang mukha nito. The person who did this is topnotch, right? Ayokong may mali sa impormasyong mababasa ko" sabi nito.

"Huwag po kayo mag-alala, very topnotch and very reliable po 'yan, Sir"

"Good" maikling sagot nito.

"Maayos naman po ba Sir?" nakangiti kong tanong.

"I'll think about it" sabi niya. Nagulat ako nang mapansin ko na parang iba ang tingin nito sa'kin.

"Ganoon po ba Sir? Sige po iwan ko na lang po muna rito. Pag-aralan niyo po muna" sabi ko sa kaniya at dali-dali akong tumalikod. Pero laking gulat ko nang hatakin ako ni Sir Drake.

"S-sir?"

Hinalikan niya ako. Pilit niya hinuhuburan ang suot kong damit at patuloy ang pagyapos sa akin. Nagpumiglas naman ako pero sobrang lakas nito. Naamoy ko na nakainom ito.

"Sir bitawan niyo po ako!" sigaw ko.

"Sandali lang naman tayo, pagbigyan mo na ako" sabi pa nito at patuloy na hinahawakan ang dibdib ko. Wala na akong nagawa at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na kanina pa nagpupumilit na kumawala.

Bigla akong nabuhayan nang bumukas ang pinto ng office. Naramdaman ko na may taong humahangos na palapit sa amin. Pumikit na lang ako sa takot. Ramdam ko naman ang pagtumba ni Sir Drake sa sahig.

Nang imulat ko ang mata ko, nakita ko si Sir Drake na nakasubsob sa sahig. Muli itong bumangon para bigwasan sa mukha ang sumuntok sa kaniya pero agad na nakaiwas ang lalaking iyon.

"Walanghiya ka!" sigaw ni Sir Drake at akmang susuntukin niya muli iyon pero nakaiwas muli ito kaya naisuntok niya ang kamay niya sa pader. Napangiwi ito sa sakit at natumba sa sahig.

"Umalis kayo rito sa office ko!" sigaw muli ni Sir Drake.

Laking gulat ko nang alalayan ako palabas ng lalaki na sumuntok kay Sir Drake. Hindi ko makita ang mukha niya dahil masiyadong malabo ang paningin ko na punong puno ng mga luha.




"Ayos ka lang ba Vanessa? Hindi ka ba nasaktan? Hindi naman niya nakuha ang virginity mo di'ba?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Ayesha.

"Lumabas din 'yang baho niyan ni Sir Drake. Sinasabi ko na nga ba! Matagal ko nang napapansin na palaging malagkit ang tingin niya sa'yo lalo na kapag maikli ang suot mo. Wala siyang kwenta" inis na inis naman na sabi ni Mendrick.

"Huwag kayong mag-alala, ayos lang ang kalagayan ko" sabi ko sa kanila para hindi na sila mag-alala pero ang totoo nanginginig pa rin ako sa takot kapag naaalala ko ang itsura ni Sir Drake.

"Salamat po sa inyo, kung wala po kayo ay baka natuluyan na itong kaibigan ko, kinabahan po talaga ako na baka mawala ang virginity niya" narinig kong sabi ni Ayesha sa lalaki na tumulong sa akin kanina. Kahit kailan talaga 'to si Ayesha puro kalokohan. Hindi ko naman makita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito.

"Ano po bang pangalan niyo?" tanong naman ni Mendrick.

"I'm Jake Clyde Alonso." bigla akong napatayo nang marinig ko ang pangalan niya. Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko.

"Why are you here?!" sigaw ko dahilan para mapatingin sila sa'kin.

"Huh? Anong sinasabi mo riyan, siya 'yong nagligtas sa'yo girl"

"Wala akong pakialam" sabi ko kay Ayesha dahilan para magulat siya. "Tinatanong kita, why are you here?!"

Nanatiling nakatikom ang bibig nito. Napansin ko naman na pinagtitinginan kaming dalawa nila Ayesha at Mendrick at halatang halata sa mga mukha nila ang pagkakagulat at pagtataka.

"To visit my friend, Drake." sabi nito.

"Pareho kayong walang kwenta, umalis ka na rito!" naiinis kong sabi. Sumunod naman ito sa sinabi ko at walang sabi sabi ay umalis ito sa office.

"Ayos ka lang ba? Nauntog ba ulo mo sa pader girl?" nag-aalalang tanong ni Ayesha.

"Vanessa, magkakilala ba kayo 'non?" tanong naman ni Mendrick dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Hindi. Hindi ko siya kilala" seryosong sagot ko sa kaniya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang galit, nanginginig ang mga kamay ko.





Nagpahinga ako ngayon sa condo ni Clark. Nag-alala ito nang sobra ng malaman niya ang nangyari. Hindi ko na sinabi kung sino ang nagligtas sa akin dahil ayoko nang ma-involve, mapag-usapan, o makausap ang lalaking 'yon.

"Sure ka ba na ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Tumango naman ako dahilan para mapangiti siya. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako nang mahigpit.

"Sorry kung wala ako sa tabi mo that time, sobra kase talaga akong busy. Kapag nakita ko talaga iyon, yare sa akin 'yong lalaking 'yon" sabi nito habang yakap-yakap ako.

"Hayaan mo na. Magpahinga na tayo" ang tanging nasabi ko at agad na humiwalay sa yakap nito. Masiyadong masakit ang ulo ko sa nangyari.

Pumasok na ako sa kabilang kwarto at humiga sa kama. Hindi ako makatulog. Napabangon ako nang makita ang mukha ni Jake nang ipikit ko ang mga mata ko.

Humiga ulit ako at pinilit matulog pero sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, lagi kong nakikita ang mukha ni Jake.

Pinagsusuntok ko ang unan ko sa sobrang inis. Naiinis ako sa sarili ko bakit ko siya iniisip, bakit siya pumapasok sa isip ko. What's wrong with you, Vanessa?! For goodness sake!

Napagdesisyunan ko na pumunta sa kwarto ni Clark at doon natulog sa tabi niya. Si Clark ang nasa tabi ko, Si Clark ang boyfriend ko kaya siya lang dapat ang nasa isip ko at wala ng iba. Sa sobrang pagod, nakatulog na rin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top