Chapter 13

Bigla akong nataranta nang marinig ko ang sigaw ni Mama na nasa baba ng bahay nila Jake.

"Dito ka lang, ako na muna ang bahala kumausap sa mama mo" kalmadong sabi sa akin ni Jake.

"Sigurado ka?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito. Kinakabahan ako dahil hindi naging maganda ang huli nilang pag-uusap noong ayain ko siya manood ng sine.

"Ilabas mo ang anak ko!" rinig kong sigaw ni Mama sa baba. "Anong ginawa mo sa anak ko?! Vanessa lumabas ka diyan!"

"Mrs. Ortega, ayos lang po ang kalagayan ng anak niyo, wala po kayong dapat ipag-alala" rinig ko namang paliwanag ni Jake.

"Hindi mag-alala?! Tarantado ka ba?! Kayong dalawa lang ang tao dito, tapos lasing pa ang anak ko, tapos sasabihin mo huwag ako mag-alala?! Ilabas mo si Vanessa!" panigurado ay pinilit ni Mama si Aaliyah para magsabi ng totoo kaya nalaman niyang nandito ako.

"Mali po kayo ng iniisip Mrs. Ortega, hindi ko po ginalaw ang anak niyo. Malaki po ang respeto ko sa anak niyo"

"Tama ang sinasabi niya Mama, wala pong nangyari sa amin" singit ko sa usapan nila habang nakayuko ako dahil hindi ko matingnan ng diretso sa mata si Mama.

"Tangina naman Vanessa, kailan ka pa natutong uminom?!" galit na galit na tanong niya sa akin. Binigyan niya ako nang malakas na sampal. Nanatiling nakayuko pa rin ako dahil sa kahihiyan.

"M-mama.. Mahal ko po si Jake" iyon na lang ang tanging nasabi ko.

"Ano bang kagaguhan 'to?! Anong alam mo sa tanginang pag-ibig na 'yan ha?!" nanatiling nakatikom ang bibig ko. Sinampal niya ulit ako nang pagkalakas-lakas dahilan para maluha ako.

"Ako na lang po ang saktan niyo. Wala pong kasalanan si Vanessa dito"

"Huwag mo akong pakielaman. Alam ko kung ano ang ginagawa ko"

"Mama, tumigil na po kayo. Kahit anong gawin niyong paghihiwalay sa amin, babalik at babalik ako sa kaniya."

"Nahihibang ka nang bata ka! Nakakahiya ka!" Kinaladkad na ako ni Mama palabas ng bahay ni Jake. Sinulyapan ko muli si Jake sa huling pagkakataon. Nakangiti ito na para bang walang nangyari, sinenyasan niya ako na sumunod na ako sa Mama ko.




Kinabukasan pagbangon ko sa higaan ko ay ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko. Agad akong lumabas sa kwarto ko para maghilamos at magmumog para mahimasmasan.

Naabutan ko naman si Mama na nagbabasa ngayon ng diyaryo sa sala. Napalingon ako sa kaniya nang bigla siyang magsalita.

"Bakit ka pa nandito? Akala ko ba nagpupumilit ka na puntahan siya kahapon?" seryoso nitong sabi habang nakatingin pa rin sa diyaryo. "Sige puntahan mo 'yang lalaki na 'yan, basta sinabihan na kita. Huwag mo akong sisisihin kapag nasaktan ka! Masiyadong matigas ang ulo mo"

Hindi na ako nagdalawang isip at bumalik sa kwarto ko para mag-ayos. Agad na ako dumiretso sa bahay nila Jake. Pero bago pa ako makarating doon, may tumawag sa akin. Nang lingunin ko siya, nakatingin ito ng diretso sa'kin. Si---- Claire.

"Anong kailangan mo sa'kin?"

"Stay away from Jake" agad na sagot niya. Seryoso ang tono nito.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Bakit ko lalayuan ang taong mahal ko?"

"Mahal? Anong alam mo sa pagmamahal? Ang bata mo pa masiyado para kay Jake. Siguro nga ay ginagamit ka lang ni Jake, dahil hindi pa siya nakakatikim ng mga bata"

"Hindi totoo 'yan!"

"That's the truth, Vanessa! Marerealize mo rin na totoo ang sinasabi ko. Kaya bago mo pa marealize 'yon,  layuan mo na siya. Sasaktan mo lang ang sarili mo"

"Hindi, Claire. Ano bang problema mo, at sinisiraan mo si Jake sa'kin?!"

"Kaawa-awa ka naman"

"Mahal ko si Jake"

"I love him, too!" pasigaw na sabi niya. "Noon pa, Vanessa. Akala ko mapapasaakin na si Jake, pero hindi. Ikaw pala ang dahilan ng pagngiti niya, pagtawa, ng pagiging masaya niya. Pero narealize ko na masiyado ka pang bata, panigurado ay pinaglalaruan ka lang ni Jake"

"No," umiiling-iling na tanggi ko. Hindi ako naniniwala. Mahal ako ni Jake, mahal na mahal.

"Ako ang totoong nagmahal sa kaniya. I deserve him"

"Talagang hindi ka magpapatalo 'no? Whatever happens, Jake's mine. Deserve mo 'yang mukha mo. Sapaw ka masiyado" kanina pa naninikip ang dibdib ko kaya agad ko na siyang iniwan sa kinatatayuan niya.




Agad na akong dumiretso kila Jake at laking gulat ko na maabutan ko siya na nag-iimpake ng mga gamit niya.

"A-anong ibig-sabihin nito? Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya habang yakap-yakap ko siya nang mahigpit.

"Pupunta na akong London. Titira na ako kila Daddy" naramdaman ko na pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko pero hindi ako nagpatinag. Nasasaktan ako sa ginagawa nitong pag-iwas sa akin.

"Di'ba ang sabi mo.. ang sabi mo mahal mo ako" tumulo na ang mga luha ko kasabay nang pagtanggal niya sa mga kamay ko na nakayakap sa kaniya. "Hindi mo ako pwedeng iwan Jake. Mahal na mahal kita. Hindi 'to totoo"

"You're not dreaming. Damn it! What do you know about love?! 17 years old ka lang, and you're telling me you love me?!" inis itong napasuntok sa pader. "Tama nga ang mama mo, masiyado ka pang bata. Masiyado ka pang inosente sa mga ganitong bagay." Para akong sinaksak nang sunod sunod nang napakatalas na kutsilyo sa puso ko sa sinabi ni Jake.

"Ha? A-anong ibig mong sabihin?"

"Ang dali dali mo lang talaga paikutin" natawa ito nang bahagya. "Hindi mo ba gets na past time lang kita? Naging madali na lang sa akin na makuha ka, dahil masiyado kang marupok"

Alam kong nagkukunwari lang ito. Gusto niya siguro na lumayo ang loob ko sa kaniya, kung ganitong paraan ang naisip niya para magalit ako sa kaniya, nagkakamali siya.

Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap ko ang mukha niya sa akin. Hinalikan ko siya. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labi. Sumasabay ito.

"Enough Vanessa" sabi nito pagkatapos niya akong itulak papalayo sa kaniya.

"Alam kong mahal mo rin ako. Based on the way you responded to my kiss just now. Ganoon na ganoon ang naramdaman ko kahapon"

"Pwede ba? Tigilan mo na ang pagpupumilit na mahal din kita. Sawa na ako sa'yo. Ayoko na sa'yo. Hindi ako seryoso sa'yo, okay?! Sapat na bang dahilan 'yon para tigilan mo na ako?"

"Ganoon ganoon na lang 'yon?"

"Oo! Kalimutan mo na lahat! Kalimutan mo na rin ako!"

Kinuha niya na ang maleta niya at tuluyan niya akong iniwan mag-isang luhaan sa kwarto niya. Tila isang alaala na lang ang nangyari dito mismo sa lugar na 'to. Naiinis ako. Nagsisisi ako na nagpakatanga ako sa isang katulad niya. Dapat ay nakinig na lang ako kay Claire, siguro hindi pa ako nasaktan ng ganito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top