Chapter 1

Nandito ako ngayon sa faculty palinga-linga dahil hinihintay ko si Ma'am Claire para ipasa sa kaniya ang editorial ko about sa pagiging unfair ng mga teachers na naga-add ng points sa card ng mga students para mapilitan ang mga bata na sumama ng fieldtrip.

Nag-search ako nang husto at nag-effort ng sobra. Nag-conduct pa nga ako ng survey para talagang maging reliable ang mga sources ng information about dito, kaya gagawin ko best ko para matanggap ang editorial ko.

"Nandiyan ka na pala Ms. Ortega. Maupo ka" aniyaya niya sa akin ni Ma'am Claire. "Bakit ka pala naparito?" Mag-36 years old na si Ma'am Claire. Pero kung titingnan maganda ito at sobrang fit, alagang alaga niya kase ang sarili niya. Ang kaso nga lang tumandang dalaga. May mga sabi sabi na may nagustuhan daw itong student niya at ang sabi pa ng iba na nangako ito na hihintayin niya ang binata.

Taray, sana all hinihintay hahaha!

Umupo na ako sa upuan ng tapat ng table niya. Napabuntong-hininga ako bago magkapagsalita. Kinakabahan kase ako na baka hindi nanaman tanggapin ni Ma'am Claire ang editorial na nagawa ko. Mapili kase ito, lalo na't siya ang pinagkakatiwalaan sa school newspaper. Higit pa doon mas pinipili niya ang mga editorial na hindi tungkol sa mga baho ng officials dito, pero mas pinipili kong topic 'yon para naman madala sila, eh kaso kahit anong gawa ko ng editorial about doon, ay palaging nirereject naman nito ni Ma'am Claire.

Sipsip ka girl?

"Ipapasa ko na po ngayon yung editorial ko" pagkatapos ko magsalita ay kapagkuwan kinuha niya na ang folder na dala ko. Tinitigan niya iyon. Biglang nagkasalubong ang mga kilay nito pagkatapos niyang basahin ang laman ng folder.

"Hija, masiyadong kumplikado itong topic mo, kung ipu-publish ito, kakaunti lamang ang makakarelate" Ano?! Nireject niya nanaman?! Ano bang problema nito ni Ma'am Claire? Kung hindi ka ni-crushback ng crush mo, huwag mo ko idamay 'no!

"Pero Ma'am, pinagpuyatan ko---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla itong nagsalita. Sapaw ka girl?

"Actually maganda naman ang content ng editorial mo. I really appreciate your effort pero kase kapag nakarating ito sa principal, panigurado mayayare ako" pagpuputol niya sa sinabi ko. Oh di'ba sipsip nga.

"Pero pawang katotohanan po ang laman niyan, kaya kasalanan na po nila kung matamaan ang ibang teachers" sagot ko sa kaniya. Totoo naman kase, ano naman kaso sa'kin 'non, ginawa ko lang naman ang trabaho ko, ang gumawa ng tunay na editorial. Psh! Laking gulat ko naman nang takpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.

"Shh! Baka may makarinig sa'yo" saway niya sa akin at tumingin-tingin pa sa paligid para masigurado na walang nakarinig sa sinabi ko. "Ganito na lang Ms. Ortega. Ie-extend ko na lang ang pasahan. May dalawang linggo ka pa naman para palitan iyan" babalik nanaman ako sa umpisa?! kung hindi lang talaga teacher 'to ay baka hindi ko magawang magtimpi.

Lumabas na ako ng faculty niya na dala-dala pa rin ang folder na may laman ng editorial ko. Sa inis, nalukot ko iyon. Ugh, nasayang nanaman ang effort ko.





Nasa canteen ako ngayon kasama si Bea at si Clark. Naging matalik ko na silang mga kaibigan simula nang patayuin kami sa likod at pinag-squat na may nakapatong pang mga libro sa kamay namin ni Ma'am Claire noong Grade 4 pa kami. Maingay kase ang dalawa dahil sa pagbabangayan nila habang nagtuturo si Ma'am. Hindi ko mawari at bakit sila palaging may pinag-aawayan, pinaglihi siguro sa sama ng loob, ewan ko ba. At heto pa ang nakakainis, dahil katabi ko silang dalawa, sinama na rin ako ni Ma'am Claire sa mga pinatayo. Nasaan ang hustisya di'ba? Ayun habang naka-squat kami laking gulat ko na kinuha ni Clark ang mga libro sa kamay ko at dinagdag niya iyon sa mga nakapatong sa kamay niya. At syempre hindi maiiwasan, tinukso na kami ni Bea. Pagkatapos nang klase, nilibre nila akong dalawa para makabawi, at doon nagsimula ang pagsasamahan naming tatlo.

"Kumusta? Tinanggap na ba ni Ma'am Claire yung editorial na pinagpuyatan mo kagabi?" tanong ni Bea habang sumusubo ng ulam nitong adobo.

"Panigurado natanggap 'yan! Si my loves pa ba?" sabi naman ni Clark sabay kurot sa pisnge ko.

"May sexy oh!" sigaw ni Bea na siyang agad na ikinalingon ni Clark. "Tingnan mo paano ka sasagutin ni Vanessa niyan kung wala sa bokabularyo mo ang pagiging loyal duh!"

"Alam naman ni Vanessa na siya lang my loves ko 'no! Di'ba my loves?"

"Haynako! Tumigil na nga kayong dalawa riyan. Nakakarindi na ang pagbabangayan niyong dalawa. Namomroblema pa rin ako hanggang ngayon sa editorial ko" sita ko sa kanila sabay subo naman ng paborito kong menudo.

"Ano?! Nakakailang reject na siya sa mga pinapasa mo ah?!" naiinis na sabi ni Clark.

"Paano naman kase, masiyadong pangmalakasan ang gawa niyan ni Vanessa. Kung hindi patama sa mga teachers, mga baho ng ibang officials dito sa school" paliwanag naman ni Bea.

"Ano naman? Kailangan ba pabanguhin ko ang mga pangalan nila ng mga kasinungalingan? No way!" sagot ko sa kaniya.

"Bakit hindi ka na lang kase magpatulong sa kuya mo? Tutal graduating na ang kuya mo, bakit hindi mo pa sulitin?" suggest nitong si Bea.

Ni-hindi nga siya ang gumagawa ng sarili niyang homeworks at projects, tapos magpapatulong pa ako sa kaniya? Kung sa bagay, ta-try lang naman eh. Kung hindi ko gagawin, baka bagsak ang abutin ko neto. Pero bago iyon, kailangan ko munang isipin ang in-order kong album, at mamaya ko na makukuha 'yon.





Mahigit dalawang oras ko na hinihintay ang in-order ko online na album ng paborito kong K-Pop Group na Got7. May usapan kaming magkikita dito sa harap ng Ayala Mall sa ikalawang palapag sa tapat ng National Book Store. Kaninang umaga, tinawagan ko siya na dito na kami magkita dahil malapit lang ito sa bahay namin.

Thirty minutes bago ang oras ng usapan namin ay nandoon na ako. Ang mga kasabay kong pumasok sa mall na nauna pa sa akin ay paniguradong nakaalis na. Naubos ko na ang milk tea ko na dahan-dahan ko na ngang ininom pero wala pa rin.

Medyo kinakabahan ako ay baka mai-scam ako. Bumuntong hininga ako. Siguro ay na-traffic lang 'yon.

Tumingin uli ako sa wristwatch ko. Isang oras pa ang papalipasin ko. Naku handa ko gawin ang lahat basta para sa album na 'yon 'no! Sa huling sandali, tumingin-tingin ulit ako sa mga dumadaang tao pero wala pa rin ito.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko sa sobrang inis. Inip na inip na ako. Huminga muna ako nang malalim bago magsimulang maglakad para magpa-load.

Nakailang hakbang na ako nang marinig ko mag-ring ang cellphone ko. Huminto ako at kinuha 'yon sa bag ko. Mabuti naman at naalala akong tawagan ng magbebenta sa akin ng album. Pero mali pala ako nang akala. Nang tingnan ko ang screen ng cellphone ko, si Ate Malou pala ang tumatawag sa akin. Kahit papaano ay nawala ang inis ko. Nasa South Korea kase ang ate ko at matagal na ring hindi tumatawag sa akin. Maging ako ay hindi rin makatawag dahil sunod-sunod ang activity sa school. I really missed my sister so much.

Tatlo kaming magkakapatid, at ako ang bunso. Panganay si Ate Malou, sumunod naman sa kaniya ang Kuya Paul ko na ngayon ay graduating na sa kinukuhang kurso na Civil Engineering. Si Ate Malou naman ay kaka-graduate niya lang ng dalawang taong kurso nito sa kolehiyo nang masawi ang tatay namin nang dahil sa cancer. Dahil nagkaroon ito ng opportunity na makapagtrabaho sa ibang bansa, ay napagtapos niya ang sarili niya ng Nursing. Doon na rin niya nakilala lalaking pinakasalan niya na si Choi Baek Hyeon. Tatlo na rin ang mga anak nila. Gusto ng ate niya na sumunod ako doon pero mas pinili kong manatili kasama si Mama at Kuya Paul sa Pilipinas.

"Hello, Ate Malou. Bakit ka napa-" Napatigil ako nang may naramdaman kong magbackhug sa akin. Hindi ko kilala ang lalaki kaya agad ko siyang siniko sa tiyan dahilan para mapangiwi siya. Nang maramdaman ko na maluwag na ang pagkakahawak niya sa'kin, nagkataon na ako ng tsansang makalayo. Tumakbo agad ako palabas ng mall nang mabitawan niya ako.

"Miss! Watch out!" rinig kong sigaw. Napahinto ako nang mapatingin ako sa gilid ko. May naririnig akong sunod-sunod na busina ng sasakyan pero hindi ko magawang tumabi. Kahit anong pilit ko gumalaw ay hindi ko magawa. Nanatili akong nakatayo doon. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

Nasilaw ako sa headlights ng sasakyan na malapit na bumangga sa akin. Pero bago pa ako mabangga niyon ay may maagap na humatak sa akin, kasabay nito ang pagbalot ng matatag na bisig sa katawan ko.

Unti-unting nabawasan ang kaba ko nang makita kong lumagpas na ang sasakyan. Thank God. Salamat sa lalaking nagligtas sa akin. Siya yung lalaking nag-backhug sa akin kanina.

"Ayos ka lang? It's all right. You're safe now." bulong niya sa akin. Nang maalala ko ang yakap niya sa akin ay agad akong kumalas. Walang sabi-sabing sinampal ko siya.

"What was that for?" gulat na tanong niya habang sapo ang pisngi niya.

"Para sa pagyakap mo sa'kin"

"What?"

"Maang-maangan ka pa diyan"

"Hindi ba, siniko mo na ako sa tiyan kanina? Tapos ngayon, sinampal mo pa ako." reklamo niya sa akin.

"Pake ko?"

"Sunget. Niligtas naman kita ah."

"I know."

"At saka kaya binackhug kita kanina ay dahil sa may---" tinuro nito ang likuran ng palda ko. Shet! may tagos!

"Kung hindi kita niyakap, edi mas maraming nakakita. Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa'kin eh"

Loko pala 'to eh! "Hoy, lalaki---"

"May pangalan ako"

"Wala akong pake kung sino mang buwisit ka!"

"Buwisit? Ako, Buwisit?" itinuro niya pa ang sarili niya.

"Pwes, ang buwisit na 'to ang nagligtas sa'yo kanina? Alam mo ba pwede mangyari sa'yo kung hindi kita niligtas ha? Wala ka na sana sa harap ko ngayon. Wala na sanang naninigaw sa akin na masunget na babae ngayon. At hindi mo na sana nakakausap ang isang guwapong lalaki na nasa harap mo ngayon."

Alam ko naman na siya ang nagligtas sa'kin, pero sa tuwing naiisip ko na niyakap niya ako kanina ay kumukulo ang dugo ko.

Iiwan ko na sana siya sa kinatatayuan niya pero ang huli niyang sinabi ang nagpabalik ng inis sa'kin. Hindi ko na makakausap ang guwapong tulad niya? Kapal!

"Hindi rin makapal ang mukha mo eh 'no"

"Guwapo. Isn't it obvious?"

Obvious na obvious. Bulong ko sa isip ko. Magulo ang buhok nito pero kapansin-pansin pa rin ang guwapo nito. Matangkad ito, hanggang balikat niya lang ako. Simpleng white shirt na pinartneran ng jeans at sneakers lang ang suot nito pero hindi iyon nakabawas sa lakas ng dating niya. Nang ibalik ko ang tingin ko sa mukha niya ay napatitig ako sa mga mata niya na nakatitig sa akin.

"Alam mo nasasayang oras ko sa'yo! Diyan ka na nga!" tinalikuran ko na siya pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo rin ba na hindi ka dapat nagagalit sa'kin?"

"At bakit, aber?"

"Because I saved you."

"Alam mo, pasasalamatan na sana kita eh"

"Oh? Bakit hindi mo na sabihin? I'm waiting"

I gritted my teeth. "Buwisit ka talaga!" sinipa ko siya at tinamaan sa binti. "Buti nga!" asar ko nang makita ko siyang masaktan sa ginawa ko.

"Muntik na 'yon ah" alam ko ang tinutukoy nito. Muntik ko na ngang matamaan 'yon, pero wala akong pake. Tinalikuran ko na siya at nagaantay ng masasakyan na taxi.

"Miss, teka lang. Sorry na" huminto ako at nilingon siya. Ang kulit naman nitong buwisit na 'to! In-snub ko siya at pinagpatuloy ang paglalakad. Mayroon namang humintong taxi sa harapan ko, sasakay na sana ako nang kausapin iyon ng lalaki.

"Manong, hindi po siya sasakay. Magkasama ho kami" sabi niya sa driver. Nakakapikon talaga! Magsasalita na sana ako nang akbayan niya ako. "Away magjowa lang ho" nakangiting sabi nito habang kumakaway pa sa driver.

Nakita ko namang natawa ang taxi driver. "Ah ganoon ba? Sige ayusin niyo 'yan ha, maiwan ko na kayo" sabi nito at pinatakbo na ang sasakyan.

Itinulak ko ulit siya papalayo. "Ang kapal talaga ng mukha mo! Away magjowa ka diyan!" akmang sisipain ko ulit sana siya pero agad itong lumayo sa'kin.

"Teka, teka! Baka matamaan mo na talaga. Baka hindi tayo magkaanak niyan kapag magasawa na tayo" talagang pinipikon talaga ako nito!

"Siraulo!"

"Tanggapin mo na kase ang sorry ko"

"Paano ko tatanggapin, eh iniinis mo ako?!"

"Ang sarap mo kaseng asarin"

"Naku Diyos ko po, Tulungan po Ninyo ako. Ilayo Niyo po ako sa masamang espiritu na umaaligid-aligid sa'kin" sabi ko habang nakatingala sa langit.

"Sabi ni Lord hindi raw niya kayang ilayo ang isang magandang babae sa isang guwapong espiritu"

"Alam mo nonsense na 'tong pinaguusapan natin"

"You started it"

"Ako?"

"Who mentioned about bad spirit? Di'ba ikaw?"

Edi ako tanginamo. Bulong ko sa sarili ko sa sobrang inis. "Okay. Sorry at thank you sa pagligtas mo sa'kin" sabi ko sabay talikod.

"Bago mo ako iwan dito, may gusto lang ako malaman" napatigil ako nang hatakin niya ako.

"Ano na naman?"

"Your name."

"Vanessa, okay na?" sabi ko at tinalikuran na siya. Iniwan ko na siya sa kinatatayuan niya at sumakay sa pinakamalapit na sakayan.






Pagkauwi ko agad ng bahay, nilapag ko ang mga gamit ko at dumiretso sa kuwarto ni Kuya Paul. Hindi naman na ako nagulat na naabutan ko siya na naglalaro nanaman ng Super Mario.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Kitang kita sa mukha niya ang pagkainis ng mahulog ang character niya at nagkataon pang iisa na lang pala ang natitira niyang buhay.

"May kailangan ka nanaman 'no?" iritadong tanong nito na siyang ikinatawa ko. Binigyan niya naman ako ng hindi-ako-natutuwa-look.

"Ano kase-- pwede mo kong tulungan sa paggawa ng editorial ko?"

"Haynako! Busy ako sa mga susunod na araw" pagdadahilan nito. Sus! Ang sabihin mo hindi ka lang marunong gumawa ng editorial! urgh!

"Kung gusto mo may kaibigan ako na mahusay sa paggawa ng ganoon. Itetext ko na lang siya mamaya" sabi nito. Natahimik naman na ako at sa wakas may tutulong na sa akin.

"Sino ba Kuya Paul?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Si Jake Clyde Alonso. Huwag ka mag-alala mabait 'yon na medyo may pagkabad boy alam mo na hehe"

"Huh?"

"Wala! Huwag mo na intindihin masiyado ka pang bata para sa mga ganoon. Huwag ka mag-alala ihahatid naman kita bukas kaya bumalik ka na sa kwarto mo at matulog ka na" sabi niya at tinulak na ako palabas ng kuwarto niya.

Pagkahiga ko, bigla kong naalala ang lalaki na nakasalubong ko kanina. Naiinis nanaman ako. Kanina ko lang din narealize na na-scam ako dahil binlock na ako sa messenger ng kausap ko about sa album na gusto kong bilhin. Bahala na. Babawi na lang ako kung sakaling may concert sila dito. Hindi ko talaga papalagpasin iyon.

******************

Author's Note: Pangalawang story ko na po ito guys! Sana po suportahan niyo po ito tulad ng pagsupport niyo sa 'Till We Meet Again' Thankyouuuu! Iloveyouall! ♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top